Originally posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog
Maging ang kanilang PAG-AANGKIN na ang "tunay" raw na Iglesia ay "NAKABALIK NA" sa kanyang "ORIHINAL" na tahanan, malaking katanungan pa rin sa atin kung BAKIT HANGGANG NGAYON AY NASA PILIPINAS PA RIN ANG KANILANG CENTRAL?
IGLESIA SA ROMA, BINABATI BA NG LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO®?
Tuwang-tuwa at galak na galak ang mga kaanib ng samahang tatag ni Ginoong Felix Manalo ~ang Iglesia Ni Cristo® ~ sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng Hulyo. Ito ay sapagkat ipinagdiriwang nila ang taon ng kanilang anibersaryo ng PAGKAKATATAG.
Ayon sa kanilang REHISTRO ang kanilang relihiyon ay itinatag ni G. Felix Manalo noon lamang ika-27 ng Hulyo 1914. Kaya't sa taon ng mga Katoliko na 2018, sila ay isandaan at apat (104) taon pa lamang ng pag-iral.
Sabihin man nila ng paulit-ulit na ang IGLESIA KATOLIKA ay peke, hindi tunay at tatag ng mga pagano, hindi pa rin ito papasa sa simpleng pagsusuri sa kasaysayan sapagkat sila na rin mismo ang umaamin na sila'y KAILAN lamang ITINATAG. Sapagkat ang Iglesia Katolika ay 2,018 taon na samantalang sila ay 104 pa lamang.
At sa Europa, sila ay 50 AÑOS pa lamang samantalang ang Iglesia Katolika ay halos 1,951 taon nang umiiral doon. Kung pagbabatayan natin ang bilang ng taon upang angkinin ang mga katagang "God's promises fulfulled" eh, malamang hindi sila ang tinutukoy kundi ang IGLESIA KATOLIKA na sa "pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, 9. 46).
Maging ang kanilang PAG-AANGKIN na ang "tunay" raw na Iglesia ay "NAKABALIK NA" sa kanyang "ORIHINAL" na tahanan, malaking katanungan pa rin sa atin kung BAKIT HANGGANG NGAYON AY NASA PILIPINAS PA RIN ANG KANILANG CENTRAL?
Kung ika'y isang kaanib sa INC™-1914 at ipinangaral sa iyo na ang "tunay" raw na Iglesia ay "nakabalik" na nga naman sa kanyang "original home" ayon sa itiniwalag na si Isais Samson Jr, hindi ba't kagalak-galak na balita ito?
At dahil alam mo bilang isang INARALAN ng mga ministro ng INC™-1914 na ang ITINATAG ni G. Felix Manalo sa Pilipinas ay isang LOKAL lamang na kailangang IBALIK sa Jerusalem, hindi ba't NAKAKAPAGTATAKA nga naman na ang CENTRAL na PAMAMAHALA nito ay HINDI NALIPAT sa "original home" nito sa Jerusalem?
Lumalabas na ang INC™-1914 na tatag ni G. Manalo sa Pilipinas ay HINDI TOTOONG LOKAL lamang kundi ito ay isang IGLESIANG pagmamay-ari niya. Kaya't ang SENTRONG PAMAMAHALA nito ay HINDING-HINDI maililipat ito sa ibang bansa kundi sa PILIPINAS lamang. Sa Pilipinas itinatag at sa Pilipinas rin ito magwawakas! Ang pagkakaroon ng Central Offices ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas ay hudyat na walang kinalaman si Cristo sa samahang 'yan at lalong wala silang koneksyon sa original na iglesia sa Jerusalem man o sa Roma.
IGLESIA SA ROMA, BINABATI BA NG LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO®?
At bilang pang-wakas, ang kanilang paboritong talata sa Biblia, ang ROMA 16:16, wala po itong kinalaman sa kanila. Ang pinatutungkulan nito ay ang IGLESIA KATOLIKA na NASA ROMA.
Bakit kaniyo?
Sapagkat ayon sa talata, "binabati KAYO (Iglesia sa Roma) ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".
Bakit? May pagbati ba ang lahat ng "Iglesia Ni Cristo®" sa kanilang lokal sa Roma?
Wala pa akong natatandaan na ang lahat ng kanilang mga lokal sa buong mundo ay nagpapabati sa kanilang lokal sa Roma!
Saang parte ba ng mundo sila nagpapabati?
Sa kanilang CENTRAL sa Pinas.
Kailan?
Sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng buwan ng Hulyo, araw ng kanilang pagkakatatag sa Pilipinas!
Kaya't kung kayo ay kaanib sa IGLESIA KATOLIKA, magalak at magpuri kayo sa Panginoong Diyos sapagkat ITO ay ang IGLESIANG INIIBIG ng Diyos, TINAWAG sa kabanalan, biyaya at kapayapaan at ang PANANAMPALATAYANG KATOLISISMO ay BANTOG sa BUONG MUNDO (Universal o καθ' ὅλης Kata Holos (Catholic)!
Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο. [Acts 9:31]