Pages

Wednesday, July 15, 2009

TUMBUKIN NATIN of Bro. Cenon Bibe Jr.

I don’t know Bro. Cenon Bibe Jr. until recently I met Bro. Ariel Vitor from Angono, Rizal who’s very active in defending the Church against the cult of Felix Manalo and the “Ang Dating Daan” by Eli Soriano. He joined the Pearl Village Choir the same day I joined. Since we lived together next door, we decided to have a “Christ-walk” after work and so we tackled religion and apologetics. He then introduced me to Bro. Cenon’s “Tumbok” tabloid’s articles.

I tried searching his name in Wikipedia but there’s no available article for this articulated Filipino apologist. Good thing is that I came across his blog at Tumbukin Natin. Here’s one of Bro. Ariel’s treasured articles of Bro. Cenon.



IGLESIA NATALIKOD? MAY BATAYAN BA?
November 29, 2007


NITO pong mga nakaraang araw ay inilabas natin ang mga PATOTOO ng ilang miyembro ng grupong "Iglesia ni Cristo" o INC at ng OPISYAL nlang MAGAZINE na NAGPAPATUNAY na ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY na IGLESIA.

Ayon po sa miyembro ng INC ang TUNAY na IGLESIA ni KRISTO ay yung ITINATAG ni Kristo noong UNANG SIGLO.

Sinasabi naman po sa April 1966 issue ng PASUGO, ang MAGAZIN ng INC, ang IGLESIA KATOLIKA ang "SIYANG IGLESIA NI KRISTO" mula noon pa sa PASIMULA.

So MALINAW po na TANGGAP ng miyembro ng INC at ng MAGAZINE nila na TUNAY ang IGLESIA KATOLIKA.

Pero ang sinasabi po nila ya "NATALIKOD" daw ang KATOLIKO kaya hindi na raw iyan ang "tunay."

Sa madaling salita po ay NANINIWALA sila na TUNAY ang KATOLIKO noong UNANG SIGLO pero "NATALIKOD" daw ito.

Ngayon, PAANO kung HINDI NATALIKOD ang IGLESIA KATOLIKA o ang UNANG IGLESIA? Ibig lang po sabihin niyan ay ang IGLESIA KATOLIKA nga ang TUNAY hanggang ngayon at ang IBA PANG "IGLESIA NI CRISTO" ay HINDI TOTOO.

ALAM po natin na IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY na IGLESIA ni KRISTO pero "for the sake of argument" ay tatalakayin po natin iyan.

So, NATALIKOD po ba ang UNANG IGLESIA?

Ang simpleng sagot po ay HINDI. WALA pong BATAYAN sa BIBLIYA ang ARAL na NATALIKOD ang UNANG IGLESIA o ang IGLESIA KATOLIKA.

Mismo pong PASUGO ng INC ay NAGPATOTOO na HINDI MAITATALIKOD o HINDI MAAAGAW nino man ang TUPA ni KRISTO.

Sabi nga po sa MAY 1968 ISSUE ng PASUGO, "Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya nang walang hanggang buhay at HINDI SILA MALILIPOL KAILANMAN."

PURIHIN ang DIYOS!

PASUGO na ang NAGPATOTOO na HINDI NA NATALIKOD ang UNANG IGLESIA dahil ayon mismo roon ay HINDI KAILANMAN MALILIPOL ang mga TUPA o MIYEMBO ng TUNAY na IGLESIA NI KRISTO.

TAMA po na HINDI MAITATALIKOD ang IGLESIA dahil iyan ang PANGAKO ni HESUS.

Sa John 10:28 ay sinasabi ni HESUS patungkol sa mga TUPA NIYA, "BIBIGYAN ko sila ng BUHAY na WALANG HANGGAN at HINDING-HINDI SILA MALILIPOL."

WALANG MAKAKAAGAW sa KANILA mula sa AKING KAMAY."

PURIHIN ang DIYOS!

Nagsalita si Hesus noon pang UNANG SIGLO at ang tinutukoy Niya riyan ay ang mga TUPA NIYA na NAROON NA sa UNANG SIGLO.

Ibig pong sabihin niyan ay MULA pa NOONG UNANG SIGLO ay HINDI NA MAAAGAW at HINDI MALILIPOL ang mga UNANG KRISTIYANO o ang mga MIYEMBRO ng UNANG IGLESIA.

TINIYAK po ni KRISTO na HINDI MAAAGAW o MALILIPOL ang mga TUPA NIYA.

Dahil diyan ang aral po na NALIPOL o NAITALKOD ang UNANG IGLESIA ay isang aral na KOTRA sa ARAL ni KRISTO o ARAL ANTIKRISTO.

GUSTO pong PALABASIN ng nagsasabi na NATALIKOD ang UNANG IGLESIA ay "NAGSINUNGALING" si KRISTO o naging PABAYA.

HINDI po ba PAMUMUSONG kay KRISTO ang sabihin na NAAGAW sa Kanyang kamay ang mga TUPA NIYA?

Ang NAGSASABI po na NATALIKOD ang UNANG IGLESIA ay INIINSULTO at BINABASTOS si KRISTO

Sa Matthew 28:20 po ay NANGAKO rin si HESUS ng ganito sa Kanyang mga ALAGAD, "AKO ay KASAMA NINYO hanggang sa KATAPUSAN ng SANLIBUTAN."


Kung paniniwalaan po natin ang mga nagsasabi na 'NATALIKOD" ang UNANG IGLESIA ay sasabihin natin na "SINUNGALING si HESUS."

Bakit sinungaling?

Sinabi po kasi Niya na "KASAMA" natin SIYA HANGGANG SA KATAPUSAN ng SANLIBUTAN tapos palalabasin natin na INIWAN NIYA ang IGLESIA kaya "NATALIKOD."

Ano ang TAWAG natin sa NANGAKO na KASAMA pero MANG-IIWAN din pala? Hindi po ba SINUNGALING?

So ang NAGSASABI na NATALIKOD ang IGLESIA noong UNANG SIGLO ay PINAGBIBINTANGAN si HESUS na MANG-IIWAN at SINUNGALING.

Ang matindi pa riyan ay pati ESPIRITU SANTO ay PINAGBIBINTANGAN nila ng KAPABAYAAN.

Ayon sa John 16:13, ang ESPIRITU SANTO ang GAGABAY sa IGLESIA o mga ALAGAD ni KRISTO.

Ang nagsasabi na NATALIKOD ang UNANG IGLESIA ay nagsasabi na PUMALPAK ang ESPIRITU SANTO. At iyan ay KASALANANG MALAKI sa ESPIRITU SANTO.

Sabi po ni HESUS sa Mt. 12:32, ang GUMAWA ng KASALANAN sa ESPIRITU SANTO ay HINDI MAPAPATAWAD.

Ibig sabihin, ang magsasabi na NATALIKOD ang UNANG IGLESIA ay HINDI NA MAPAPATAWAD.

Kay MATAKOT po sana ang mga NAGSASABI ng GANYAN.


Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.