Pages

Saturday, August 15, 2009

Iglesia ni Cristo-Manalo by Catholic Faith Defender

I find it amusing to read Catholic Faith Defender Blog about the Sole Corporation of the Manalo clan which Felix Manalo, it's founder, (a baptized Catholic who died having his Catholic baptism still valid for he was never baptized in his newly founded Iglesia) named his new corporation as "Iglesia ni Cristo". Read below for a foretaste of it and please click the link to read the other articles uploaded in there.

Enjoy and say a little prayer for their souls for only Christ can convert hearts.
Totoo ang iyong (Quirico Porras) sinasabing ang ginawa ng mga Kapatid nating nahihiwalay sa mga sektang Saksi ni Jehova at Iglesia ni Kristo ay pulos panlilinlang sa mga Katolikong alanganin ang paniniwala at kulang ng kaalaman sa relihyon. Una: malaking kasinungalingan ang sinasabi ng mga iglesya (Iglesia ni Cristo) na sila ang pinakauna sa lahat ng relihyon. Sang-ayon sa Encyclopedia of the Philippines, Vol. 10, 1936 edition, pahina 432-433, sinulat ni Zoila Galang, ang Iglesya ay itinatag noong 1914, sa Punta, Sta. Ana, Maynila ni Felix Manalo.

Isa rito sa 18 “hinirang ng Diyos” ay si Mr. Igmidio Zabala, dating Superintendente ng mga Iglesya sa Central Luzon, na ngayon ay nagbalik na sa pagka-Katoliko at ang sabi niya’y hindi totoo na sila’y hinirang ng Diyos. Ang humirang sa kanila ay si G. Manalo. Sa “katunayan,” sudlong pa ni Mr. Zabala, “ano mang oras ay naiaalis ni Manalo ang sino man sa amin. Siya ang nag turo sa aming kung ano ang ituturo namin sa mga kaanib sa sariling pakahulugan niya sa mga talata ng Bibliya. Siya ang nagbibigay ng sweldo sa amin.” Bakit sasabihing Diyos ang humirang sa 18 ito?

Samaktwid, sang-ayon na rin sa tinatawag ni Manalong “hinirang ng Diyos” na si Mr. Zabala, hindi totoong Diyos ang humirag sa mga ministro ng Iglesia, at gayon din hindi totoong Diyos ang humirang kay Felix Manalo. Mayroon bang Diyos na pabagu-bago ng patakaran?

At samakatwid, sang-ayon na rin kay Manalo, ang Iglesya ay natayo sa Punta, Ata. Ana, Maynila noong 1914 at hinirang ng Diyos ang kanyang mga ministro noon ding mga petsang yaon. Paano itong magiging “pinakauna” sa lahat ng relihyon? Mahina yata sa arithmetic ang ating mga kapatid na iyan. Iglesia ni CRisto-Manalo...

10 comments:

  1. mahina pala ang inyong utak ano? grabe naman!napakasimple lang, nd pa magets! kawawa naman kayo! pati ang iglesiang tinatag ni cristo na sinasabi nyong catholic church yon hindi nyo pinapaniwalaan? ay grabe!

    malaking kasinungalingan ang sinasabi ng mga iglesya (Iglesia ni Cristo) na sila ang pinakauna sa lahat ng relihyon.

    nd bat iglesia naman talaga ni cristo ang iglesiang tinayo ni cristo? at tnawag na catholic church, na naapoztatized dahil sa MAN MADE na aral at natalikod sa tunay na aral. tsk.tsk.

    ReplyDelete
  2. Christ said:
    "I will build my Church and the gates of hell WILL NEVER prevail against it"

    "I will be with you until the ends of times"

    Felix Manalo said:
    The Catholic Church was originally the Church of Christ but it apostatized.


    Now tell me, to whom shall we believe, Jesus or Felix?

    ReplyDelete
  3. From the WHOLE CONTENT OF THE BIBLE

    ReplyDelete
  4. Then you should believe the Catholic Church who, by its infallible teachings made the final list of the present Bible you are having.

    Just a TIP: First the Catholic Church-- then the Bible!

    ReplyDelete
  5. Malamang kaya nag-post ng ganito ang mga Katoliko sapagkat hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan na ang paniniwala nila ay huwad at hindi pasado sa kautusan ng Diyos.

    Kung ang Katoliko nga ay isang tunay na Kristiyano, sana noon pa man panahon pa ni Dr. Jose Rizal ang mga lider ng relihiyon (tulad ng mga prayle) ay marunong sumunod sa kautusan ng Diyos.

    Eto ang itatanong ko sa inyong mga pari,

    Bishop Tobias,
    Deogracias Iñiguez,
    Benedicto XVI
    at
    lahat ng mga paring Katoliko,

    kung kayo nga ang tunay na Kristiyano,

    itinuturo ninyo ba ang pagmamahalan? Katoliko man o hindi?



    at higit sa lahat, alam ba ninyo ang TEMA NG BANAL NA KASULATAN?

    ReplyDelete
  6. Malamang kaya nag-post ng ganito ang mga Katoliko sapagkat hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan na ang paniniwala nila ay huwad at hindi pasado sa kautusan ng Diyos.

    Kung ang Katoliko nga ay isang tunay na Kristiyano, sana noon pa man panahon pa ni Dr. Jose Rizal ang mga lider ng relihiyon (tulad ng mga prayle) ay marunong sumunod sa kautusan ng Diyos.

    Eto ang itatanong ko sa inyong mga pari,

    Bishop Tobias,
    Deogracias Iñiguez,
    Benedicto XVI
    at
    lahat ng mga paring Katoliko,

    kung kayo nga ang tunay na Kristiyano,

    itinuturo ninyo ba ang pagmamahalan? Katoliko man o hindi?



    at higit sa lahat, alam ba ninyo ang TEMA NG BANAL NA KASULATAN?

    ReplyDelete
  7. Ah tanong ko lang po, yung mga aral ba ng Iglesia Ni Cristo ay puro may "ORIGINALITY" ?


    Yung ibig sabihin ba eh yung hindi sila nanggaya sa ibang relihiyon?




    kasi napansin ko may pagkakapareho yung paniniwala ng mga Iglesia Ni Cristo sa mga Saksi Ni Jehovah. . .








    at saka di ba po ang nagtatag lamang ng IglesiA ni Cristo ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesu-Kristo?


    eh bakit dito, sinasabi na ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo ay si Felix Manalo?




    so dito palang, kita na natin yung kontrahan ng Katotohanan at Katampalasanan . . .

    ReplyDelete
  8. Thanks for visiting my blog Mr. Geron.

    ReplyDelete
  9. Geron Napoleon, haha. for your information. hndi lahat ng mga prayle na dinala dito ng mga espanyol ay mga pari ng simbahang Katoliko. basahin mo kya ang history ng church hindi puro sa mga naririnig mo lang. FACTS ang pinag uusapan dito. kayo nga binabastosa nyo ang relihiyon namin. cguro panahon na rin idefend ang SIMBAhan nmn.

    ReplyDelete
  10. @Anonymous, if I may add.

    Yung mga prayle na iyon ay may priestly ordination through APOSTOLIC SUCCESSION. Hindi sila ang nag-ordain sa sarili niya.

    Eh si Felix Manalo, SELF PROCLAIM, siya ang nag-parangal sa kanyang sarili. walang kinalaman ang Dios at si Cristo sa Iglesia niya! PERIOD!

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.