Pages

Wednesday, August 18, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 4)

(Basahin ang Part 3)

Ang sabi ni G. allan, kaanib ng INC:

maawa ka sa kaluluwa mo. Gawain ng ordinaryong katoliko at ng mga otoridad nito na atakihin ang mga katauhan ng INC, ginagawa nila ito noon pa sa panahon ng Ka Felix Manalo.

Baliktad na yata ang mundo. Kami pa ngayon ang dapat "maawa" sa aming mga kaluluwa? Ikaw at mga kampon ni Felix Manalo ang dapat na "maawa" sa kanilang mga kaluluwa dahil SILA yung NADAYA!

Sige usisahin natin at himay-himayin ang pangyayari.

Noong panahon ng Ka Felix Manalo niyo, may Iglesia na sa buong mundo. Ito ang tunay na Iglesia ni Cristo ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46.

Yun nga lang daw "NATALIKOD na GANAP" (TOTAL APOSTASY) ito ayon sa kanya.

At dahil ito RAW ay "natalikod na ganap" kaya kailangan ng "Sugo" upang magtatag nito ulit. At mula noon HINIRANG niya ang KANYANG SARILI bilang "Huling Sugo" o "Anghel".

Noong tinanong siya kung KAILAN NAGANAP ang "pagtalikod" ng tunay na Iglesia ni Cristo, WALA SIYANG MAIPAKITA!

Hinanap niya ang kasagutan sa Biblia pero WALA! Nagsaliksik siya sa PAHINA NG KASAYSAYAN pero WALA siyang nasumpungan.

Kaya't gumawa siya ng paraan.

Inatake niya ang LAHAT ng KATURUAN ng Iglesia Katoliko na "SIYANG TUNAY NA IGLESIA ni CRISTO".

Ang sabi niya mula RAW ng ituro ng tunay na Iglesia ang Purgatoriyo, Banal na Trinidad, pagka-Dios ni Cristo, paggalang sa mga Banal ng Dios (santo) atb. ay HUDYAT na "natalikod na ganap" ang tunay na Iglesia ni Cristo.

At dahil seryoso ang ATAKE niya ang TUNAY na IGLESIA, kaya't nagkaroon ng "Apologetics" at mga "Catholic Defenders" upang isiwalat ang KASINUNGALINGAN ng mga BULAANG PROPETA.

Heto pa ang mga patunay na si FELIX MANALO ang UMATAKE. Pakibasa ng nakadilat ang mata.  
1- PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."

2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”

4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Kitam! Si FELIX MANALO ang unang UMATAKE at HINDI kami!

Kaya't huwag mong ibilad rito masyado ang iyong kamangmangan at lalong kaawa-awa ang inyong Iglesia ni Manalo sa pagkakaroon ng mga "nagtatanggol" kuno pero sala-sala naman sa impormasyon.

Baliktad G. allan. Kami ang NAG-ALIS ng MASKARA ni Felix Manalo. At ngayon nahayag ang TUNAY na katauhan at ang kanyang PANLILINLANG kaya nag-alsa kudeta ang mga kaanib nito. Nagalit at NAMBUYO!

Tinularan nila ang kanilang "sugo".  Umatake sila ng personal. PANINIRANG-PURI ang tanging sandata. May mga NAGKAKAW ng PAGKATAO ng iba para MANLINLANG. May mga pumatay alang-alang sa pagtatanggol kay Felix Manalo at ng kanyang Iglesia.

May mga gumawa ng mga bogus na blogs. At may NAGPANGGAP sa katauhan ng iba.

May mga gumawa ng websites na puno ng PAGHIHIGANTI at ang tawag pa nga ay RESBAK "say what you want to say" sabi.

At dahil si Felix Manalo raw ay ang "huling sugo" at "anghel" tingnan natin kung anong klaseng sugo at anghel si Ka Felix Manalo.

At dahil WALA nga silang official website, HINDI nila tayo MASISISI kung bakit kumukuha tayo ng impormasyon mula sa ibang websites.

Pero bago iyon, ayon sa lahat ng ONLINE ENCYCLOPEDIA, si Felix Manalo nga ang NAGTATAG ng samahang "Iglesia ni Cristo". Walang pagtatalo-talo rito.
Ayon naman sa mga websites na kritiko ng Iglesia ni Manalo si Felix Manalo raw ay isang "NAGPAPANGGAP" na "anghel" at "SELF-PROCLAIMED sugo".

Marahil ang pinaka-matindi nito ay ang MAHATULAN si Felix Manalo ng PAGMAMALABIS na sexual sa ilang mga kababaihan sa kanyang corporasyon.

Ito ang mga pahina ng kasaysayan:

Felix Manalo, founder of the organization Iglesia Ni Cristo, did not just rape his members; he also abused his authority by spending his members’ money in all his vices.

October 28, 1954. Weekly newspaper The Bombshell published the 2nd of its three-part series of expose about the self-claimed “angel rising in the east” Felix Manalo. The front page headline was: FELIX MANALO, IMMORAL? (source: the true face of the rapist felix manalo)
Ayon naman kay Fr. Abe, isang paring inatake rin ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo sa pagtatanggol sa tunay na Iglesia ni Cristo:

Mr. Manalo, perhaps, is not fully satisfied with his wife and six children.In the early twenties he started victimizing several women.To mention the few which met a strange, most bitter and painful experience lives are Rosita, when he can not deny that this woman is one of those that met her doom during that time,Teresa Teodoro, another victim of the so-called"Angel" .Basilla Santos, if he can recall is also one among those that suffered under his hypnotic system.Wives of several ministers that can not talk for fear that they might be expelled as "Diakonesas" or might be known by their husbands.Our informant disclosed that the following are more or less under his sex domination:Felicidad,Rosa,Virginia,Bining,Mrs Santos, Teddy,Atang,Paz, Pilar and several weeping souls that perhaps twice as much as those above-mentioned are, in one way or another,seeking revenge against Felix Manalo.

Another complaint of Felix untrusted sense of morality was published through a letter Felix the Angel

Philippine Mission
Churches of Christ
Leslie Wolfe Carrie A. Wolfe

P.O. Box 8774
Manila, P.I.




Oct. 14, 1933


Mr. Salvador Laspinas,
1535 Felix Huertas, Int. C.,
Manila


Dear Bro. Laspinas:


I have your letter of Oct. 7th. You know I am sick. I am not able to give you all the information about Felix Manalo that you desire. He was a student in our mission and I was one of his teachers. We had him employed as an evangelist, paying him a salary. He was minister for the church at Singalong for some time. His wife accused him of cruelty and of adultery. She came to my house and showed the wounds which Felix had made by blows on her back. I called the doctor who is now in Manila to examine her wounds. The church at Singalong had an investigation of Felix. The wife of Felix came andmade complaints, but Felix did not come. The church at Singalong voted that Felix was guilty of the charges of his wife. As a consequence we took away the salary that we were giving to Felix. Then Felix left us.


I do not have further personal knowledge of the life of Felix. There was, however, a Teresa who studied with us. It was proven in court that Felix was the father of her child.


Bro. Baronia has much typewritten information about Felix Manalo and especially about the Teresa case, which he says he will be glad to furnish to any one desiring the information.


I hope you will be able to continue your work and that you will be very successful. I am


Cordially your,


Leslie Wolfe

O naalisan ngayon ng maskara ang inyong sugo. Ganyan pala siya namuhay noong nabubuhay pa siya.

Ngayon, totoo bang "NATALIKOD NG GANAP" ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO?

Hindi po! Sabi ng Pasugo:

PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

Kitam! HINDI pala NAAAGAW! NANATILI PALA sa ARAL ng mga APOSTOL ang Unang Iglesia (Ang Iglesia Katolika).

Kaya't ang mungkahi ng Pasugo? "Ganito rin ang dapat gawin" ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang sabi ni G. allan, kaanib ng INC:
Ang tanong ay nagtagumpay ba sila. Ang nagliliwanag na sagot, HINDI PO at manapay natanggalan ng mga maskara ang mga tigib sa dugong bulaang tagapangaral sa kanilang katusuhan sa knilang mga paimbabaw na pananalita ng dahil sa maraming debate na nsuungan ng INC sa buong mundo ay lalong dumami ang INC na sa mgandang pagdadahilan n ang malaking bhagdan ng mga kaanib nito ay galing sa Iglesiang Pansalibutan na yan nga ang Banal na Iglesia Katolika Apostolika Romana ( Ang tunay niyang buong Pangalan) at ang lahat rin nman ng mga pekeng relihiyon sa mundo. Ang sabi nga sa Batangas ay may kalalagyan nga kyo padating ng araw - sa hurnong walang patay ang apoy. Marapat lang dahil yan ang pinaglaban ninyo ng kayoy nabubuhay pa sa lupa. Makatwiran talaga ang Panginoong Dios na siyang dapat papapurihan mgpakailanman at hindi ang lahat ng mga rebulto, kahoy graniso kandila larawan relikya ataul ng mga santo at santa ng Iglesiang Pagano sa mundo at ang kanyang mga anak ang mga Iglesia Protestante sa hula n naksulat sa Apocalipsis ng Bibliya.

Ang tanong: Naging makabuluhan ba ang pag-aalis ng maskara ni Felix Manalo?

Opo. Sa katunayan, lalong nagngingitngit sa galit ang mga kaanib nito dahil sa mga expose na ito.

Dumami ba ang INC?

Sabi-sabi lang nila ito. Dahil wala naman silang opisyal na statistics mula sa Central.

Ayon sa paliwanag ng LetUsReason
The INC organization keeps the number of its members a secret. Operation Mobilization, however, determined that in 1974 the membership of Iglesia Ni Cristo in the Philippines was 1,400,000. We can get a fairly accurate idea of how many INC members there 'are in the Philippines today from some facts reported in a leading Filipino newspaper. The article, entitled "The Iglesia Factor In Manila's Poll", reported that 200,000 voters out of Manila's 1 million voters were INC members. Using this 20% figure it is possible to determine the approximate number of INC members living in the Metro Manila area (Metro Manila consists of Manila and the 12 cities that surround it). The population of Metro Manila easily exceeds 10 million, so we can assume there are at least 2 million adult INC members in Metro Manila alone. Considering all these factors, the worldwide membership of the INC organization could be 3 million or more, making it one of the largest un-exposed cult in the world!( estimates range as high as 6 million)

Ayon naman sa Adherents.com
"...in some 67 countries outside the Philippines... The exact number of members is uncertain because the Iglesia keeps that a secret, but it is estimated to be between 3 and 10 million world-wide... vast majority of Iglesia's members... are Filipino. "

Heto naman ang mas tumpak na talaan ng mga kaanib ng INC mula sa isang kilalang payahagan sa Pilipinas, ang mga kaanib ng INC ay umaabot lamang daw sa 6-8 milyong katao (Inquirer.net

Kung tuus-tuusin, mas maliit pa roon dahil 13,918,490 (kasama na ang boto ng mga Katoliko roon) lamang ang nakuhang boto ni Manny Roxas sa kabila ng PAG-ENDORSO" ng INC sa kanila ni Noynoy Aquino.

Buong tapang na pinagmalaki naman ni G. allan ang "worldwide" membership daw ng INC pero hindi niy alam "...vast majority of Iglesia's members... are Filipino."

Yung "vast majority" na iyon ay halos 99% ay Pinoy!

Masakit man sa loob kong ipaalala sa iyo pero yung binabati ng mga "iglesia ni Cristo" sa Roma 16:16 ay ang NAG-IISA, BANAL, PANGKALAHATAN, APOSTOLIKANG IGLESIA NI CRISTO sa Roma.

Heto at nakatayo pa hanggang ngayon!


Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 5

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.