Pages

Wednesday, July 27, 2011

Siyamnapu’t Pitong (97) Taon ng Pagpapalaganap ng mga Aral laban kay Cristo at sa kanyang Banal na Iglesia

Source: Wikipedia
Ngayong araw ay isang malaking pagdirawang ang nagaganap sa bansang Pilipinas. Itinalaga ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang natatanging araw na ito ng Hunyo 27, 1914 sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa RA 9645 o mas kilala sa pangalang “Iglesia ni Cristo Day” para ipagdiwang ng mga kaanib ng INC ang kanilang anibersaryo ng pagkakatatag.

Ano ba ang Iglesia ni Cristo? At bakit malaki ang impluwensiya nito sa mga pulitiko? Bakit ginawaran ang kanilang pagdiriwang bilang isang “National Holiday”?

Ang Iglesia ni Cristo or INC ay isang sekta o kultong itinatag ng yumaong Felix Y. Manalo—binyagang Katoliko at dating kaanib ng iba’t-ibang mga sektang Protestante, naging “Pastor” at “Ministro” ng mga ito bago niya itinatag ang kanyang sariling samahang “Iglesia ni Cristo.”

Isa sa mga itinuturong aral ay ang “kaisahan” ng INC sa pagboto tuwing sumapit ang “Election Day” sa Pilipinas. Ayon sa kanilang katuruan, ang pagkakaisa raw ng INC ay makikita kahit sa larangan ng politika kaya’t para sa mga ganid ang laman sa kapangyarihan, ang mga politiko ay nangangarandapang makausap ang sinumang nakaupong angkan ng mga Manalo sa Central Office nito sa may Diliman, Quezon City. Ayon sa sabi-sabi sila raw ay umaabot sa 2-3 milyong kaanib na maaaring magluklok ng isang kandidato sa pwesto. Ngunit sa resulta, lumalabas ang katotohanang wala silang numero para manalo ang isang kandidato.

Ayon sa paniniwala ng mga INC, ang Iglesia ni Cristo raw na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay si Cristo ang nagtatag at hindi si Felix Manalo. Sa larangan ng pukpukan sa debate, sa mga internet forums at sa mga blogs na gawa ng mga kaanib ng INC, ito’y kanilang sinasabi ng walang kaabog-abog ng buong pagmamalaki. Maging ang kanilang opisyal na magasing PASUGO, ito’y kanilang lakas-loob na pinagyayabang.

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."
Totoo kayang si Cristo Hesus ang nagtatag ng INC na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

Ayon sa kasaysayan, noong Hunyo 27, 1914, ipinagpasya ng yumaong Felix Manalo na i-rehistro ang kanyang “iglesia” upang ito’y maging lehitimong samahang magtataguyod ng “aral” daw na tunay na galing sa mga Apostol. Taliwas sa kanilang aral, sinasaad naman sa mga pahina ng kasaysayan na si Felix Y. Manalo nga ang mismo at tunay na nagtatag ng INC sa Pilipinas at hindi si Cristo.

Ayon sa mga dokumento ng Securities and Exchange Commission, si Felix Manalo po ang lumagda sa kanyang pangalan bilang “founder” at hindi si Cristo Hesus. Pinalalagay ng mga dalubhasa at respetadong mga mamamahayag na si yumaong Eraño Manalo ay anak ng “INC founder” na si Feilx Manalo. Samakatuwid, batid ng mga dalubhasa at mga respetadong mga mamamahayag na si Felix Manalo nga ang nagtatag ng INC at hindi si Cristo tulad kanilang itinuturo sa kanilang “Pandoktrina”. Pansinin ang mga halimbawa na lamang ang mga sumusunod na balita mula sa mga respetadong mga mamamahayag sa bansang Pilipinas:

Wikipedia
“Because there were no precursors to the registered church, external sources and critics of the Iglesia ni Cristo refer to him as the founder of the Iglesia ni Cristo"

ABS-CBN News
“Eraño “Ka Erdie” Manalo was the fifth child of Iglesia Ni Cristo (INC) founder Felix Manalo and his second wife Honorata de Guzman.”
NHI.gov.ph
“Founder of the Iglesia ni Cristo (INC) Felix Manalo…”
Manila Bulletin
"Born on Jan. 17, 1925, Erano took over the church upon the death in 1963 of his father, INC founder Felix Manalo.”
Philippine Star
“Manalo was executive minister of the two-million-strong Iglesia ni Cristo (INC, or Church of Christ), founded by Eraño’s father Felix Manalo in 1914.”
Philippine Inquirer
“He took the leadership of the ministry after the death of his father, Felix Manalo, who founded the INC on July 27, 1914, and built its first church in Punta, Sta. Ana, Manila.”

Manila Standard Today
“Eraño Manalo, the fifth child of the group’s founder, was born on Jan. 2, 1925.”
ABS-CBN News
“The elder Manalo himself assumed as executive minister of the INC also after the death of his father, Felix, who founded the religious organization on July 27, 1914."
Mali ba ang pagkaunawa ng mga mamamahayag tungkol kay Felix Manalo? Sila (mga mamamahayag) ba ay hindi alam na “si Cristo ang nagtatag” ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Ang mga mamamahayag ba ay dapat na magsulat ng mga maling impormasyon tungkol kay Felix Manalo bilang “siyang nagtatag ng Iglesia ni Cristo” na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

Sa aking pagkaalam, ang isang mamamahayag ay hindi dapat magkamali sa mga impormasyong ibinabalita. Ang pagkakamali sa ano mang ibinahaging impormasyon ay isang malaking kasalalan sa publiko ng isang mamamahayag. Kung baga ito’y isang “mortal sin” na hindi napapatawad.

Sa gayon, nagkamali ba ang mga mamamahayag sa pagsabing “Si Felix Manalo ang nagtatag ng INC” na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 AD?

Hindi po maaari.

Sa makatuwid, ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas ay ITINATAG ni KA FELIX MANALO at ito’y nangyari noong Hunyo 27, 1914—dahilan kung bakit sila’y NAGDIRIWANG ng ika-97 TAONG ANIBERSAYO ng PAGKAKATATAG nito!

Tunay nga sapagkat ito’y pinatunayan nila sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5:
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
At bilang panghuli, nais ipabatid ng kanilang opisyal na PASUGO si Cristo lamang ang may karapatang magtatag ng Iglesia, tao maging marunong o mangmang ay walang karapatan!

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Si Felix Manalo ba'y exempted?  Maliban na kung siya nga ay nasa anyong "anghel".  At sa mga nagsusulputang mga “Iglesia” na nagsasabing sila ay mga “Iglesia ni Cristo” din na tatag ng tao (na walang karapatan) ay mga huwad lamang!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Ganon pala!

Pero magkagayon pa man, binabati ko ang mga INC sa kanilang ika-97 taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng kanilang samahang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.