Pages

Friday, December 30, 2011

Biblia, Kasaysayan at Pasugo: Felix Manalo HINDI ligtas!

Ang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo ay kakaiba sa lahat ng mga pananampalatayang umiiral sa Pilipinas.  Ito ay sa kadahilanang HINDI sila naniniwala sa pagka-DIOS ni Cristo samantalang malinaw na sinasabi ng Banal na Kasulatan na siya nga ay DIOS.

Sa unang kapitulo ng JUAN, malinaw pa sa liwanag ng araw ang sinasabi ng talata:

"Sa PASIMULA ay VERBO,
At ang VERBO ay nasa DIOS
At ang VERBO ay DIOS...

At ang VERBO ay NAGKATAWANG-TAO..."

Sa Juan 8:58, sinabi ni Jesus:

"Bago pa man umiral si Abraham, AKO NA!

Ito ang dahilan kung bakit siya PINAPAPATAY ng mga PUNONG SASERDOTE. Sapagkat "nagpapanggap" raw siyang KAPANTAY ng DIOS.  

Binawi ba ni Hesus ang kanilang mga paratang?

HINDI!

Sapagkat ALAM niya KUNG SINO SIYA.

Bakit ko naman tinanong kung ligtas nga ba si Felix Manalo ay sapagkat maraming mga naisulat sa Biblia at sa kanilang Pasugo (official magazine ng INC-1914) na nagpatunay na si Felix Manalo ay HINDI LIGTAS.

UNA, ang lahat ng di naniniwala na si Cristo ay DIOS na naging TAO ay hindi maliligtas (JOHN 3:18-19:

Whoever believes in him will not be condemned, but whoever does not believe has already been condemned, because he has not believed in the name of the only Son of God. And this is the verdict, that the light came into the world, but people preferred darkness to light, because their works were evil.

Dahil di naniwala si Felix Manalo na si Cristo ay VERBO na DIOS na nagkatawang TAO, siya'y hindi LIGTAS.

Ang sabi ng sulat ni San Pablo sa mga taga-Filipos 2:6:

"Bagamat SIYA'Y NASA ANYO NG DIOS hindi niya ibinilang ang sarili niyang kapantay ng Dios, bagkus hinubad niya... at nakipamuhay sa atin."

Sa kabila ng pagiging CONSISTENT ng mga talata sa Biblia tungkol kay CRISTO na sa pasimula pa ay VERBO, naron na bago pa man si Abraham ay umiral, ang liwanag na galing sa langit at namuhay sa gitna natin, ang Dios na naging tao... ang INC ni Manalo ay pilit na BINABALUKTOT ang mga talata ng Biblia para palabasing si Felix nga ay dapat na maging sugo.

At dahil HINDI ito pinaniwalaan ni Felix Manalo, siya'y HINDI LIGTAS.

PANGALAWA: Ang sabi sa Mark 16:16, ang NANINIWALA at NAGPABAUTISMO ay maliligtas.

Naniwala nga si Felix Manalo sa kanyang tatag na Iglesia pero HINDI siya BINYAGAN doon, dahilan para siya'y HINDI MALILIGTAS sapagkat ang sabi ng kanilang turo, TANGING ang BINYAGAN sa INC raw ang siyang maliligtas. Eh HINDI nga BINYAGAN si Felix sa kanyang Iglesia. Kaya mismong ang kanyang tatag na Iglesia ang siyang nagpahamak sa kanya sa kapahamakan.

PANGATLO, ang sabi ng kanilang opisyal na magasing PASUGO (God's Message), July 2009, Vol. 61, No. 7, ISSN 0116-1636, p. 32 (pangalawang saknong):
"O hindi niyo baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? ... kahit ang mga mapakiapid..., ni ang mga nangbababae... ay hindi mangagmana ng kaharian ng Dios" (hango mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto 6:9-10).

Ang buhay ni Felix Manalo ay puno ng pagkukunwari at kahayukan sa laman. Isa na rito ang pagkukunwari niyang "sugo" raw ng Dios samantalang naging MAPAGMALABIS naman siya sa mga KABABAIHAN sa kanyang tatag na Iglesia (Basahin ang Felix Manalo: May Rape ba o Wala?.)

Sa LIHAM sa ibaba, mababasa natin ang pagiging mapagmalabis ni Felix Manalo sa mga kababaihan.

Ang kanyang kahayukan sa BABAE ay pumutok noong inakusahan siya ni ROSITA TRILLANES na gumahasa raw sa kanya. Ang pagpapatunay ay inayunan ng Court of Appeals at binansagan si FELIX MANALONG SUGO na "man of low moral".

"... the Prosecution admits that there is reason to believe that the offended party, Manalo, did commit immoral acts with some women members of the Iglesia... "And the Solicitor concludes that he found out through proofs presented that Manalo is a man "de baja moral" (man of low moral) and that he took advantage of his position in the Iglesia to attack and sully the virtue of some of his female followers." (DESISYON ng COURT OF APPEALS na NAGBABASURA sa KASONG LIBEL na ISINAMPA ni FELIX MANALO laban kay ROSITA TRILLANES (Case No.8180, April 21, 1942) at INIULAT ng OFFICIAL GAZETTE sa Vol. I, No. 1, July 1954, p. 394. basahin sa Tumbukin Natin)

Ang kaligtasan ng ating kaluluwa ay nasa ating pagpapasya.  Kay CRISTO ang sandigan ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang TUNAY na IGLESIA.   Si Felix Manalo ay napatunayang manlilinlang at mandaraya, at mapagmalabis sa mga kababaihan, siya ay hindi maaaring maibilang sa pagliligtas ng Dios sapagkat KINUTYA niya si CRISTO na anak ng Dios na nagkatawang tao. At ibinilang niya ang sarili niyang mataas kay Cristo.

Sa buong buhay ni Felix, HINDI siya nakitaan ng KABANALAN. Ito ay dahil sa siya ay HINDI tunay na SUGO ng DIOS kundi siya'y ang KATUPARAN ng mga hula sa Biblia. Siya ay ang BULAANG PROPETA na darating upang magkalat ng pagkalito, panlilinlang at pagtatakwil sa KANYA.

Si CRISTO ay DIOS na NAGKATAWANG-TAO at nakipiling sa atin. Siya ang dapat paniwalaan natin at sampalatayanan upang tayo'y ganap na maliligtas.  Suriin natin ang kanyang mga aral sa SANTA IGLESIA.

1 comment:

  1. tama nagpakilala di Cristo n Dios nang sabihin n ya n Before Abraham I am,

    ano ang pakilala ng Dios sa old testament kay Moses. ang sinabi ng Dios eh " I am" or " ako nga"


    kaya nga ng sinabi ito ni Cristo eh sinabi ng mga Jews eh di k p nga 30 or 40 years ( correct me if im wrong father) eh nakita mo nsi abraham?

    kaya di b nagalit sa kanya ang mga Hudyo at pinagbabato si Cristo lalo n nung Sinabi nya n " Ako at ang Ama ay Iisa"


    tnx for this topic father!!!



    Happy New Year!!!


    Bhabz

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.