Ang Simbahan ng Katoliko sa Qatar, isang bansang Muslim |
Bagamat nabanggit nga sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA (16:16) ang mga salitang "iglesia ni Cristo" HINDI nangangahulugan na ang ang mga organisasyon o samahan na may ganitong KATULAD na pangalan ay SILA na nga. NANGOPYA lamang sila at kung tuus-tuusin ay PEKE pa rin sila!
At dahil may NAG-IISANG IGLESIA na ITINATAG si Cristo noong Unang Siglo, ang LAHAT ng mga nagsisibangon na mga iglesiang nagpapatawag din sa pangalang "Iglesia ni Cristo" ay mga HUWAD o PEKE o NAGPAPANGGAP lamang.
Ito ay sinang-ayunan ng opisyal na magasin na pag-aari ng samahang may katulad na pangalan-- ang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa Sitio Punta Sta. Ana, Maynila.
Ang sabi ng magasing PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Bakit nila nasabing HUWAD o PEKE ang mga NAGSISIBANGON at nagsasabing na sila rin ay mga "Iglesia ni Cristo"?
Heto ang sagot din nila sa magasing PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Bakit? Sino ba ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo na natatagpuan sa Pilipinas?
Ito ang sagot din ng magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Sa makatuwid, ang Iglesia ni Cristo pala sa Pilipinas ay HUWAD, PEKE, NAGPAPANGGAP at NAGKUKUNYARI lamang kahit na may pangalan pa itong "IGLESIA NI CRISTO" sapagkat ang samahang ito ay HINDI TATAG ni CRISTO na siya LAMANG ang may karapatang magtayo!
Ang samahang ito ay ITINATAG ng isang TAONG HAMAK na si FELIX MANALO dating kabilang sa TUNAY NA IGLESIA at saka NAGTAYO ng sariling KANYA at pinangalanang KATULAD ng sa atin.
At dahil IISA LAMANG ang IGLESIANG kay CRISTO na KANYANG TATAG hindi maaaring ang INC ni Manalo ay kay Cristo rin.
Saanmang dako ng Biblia ay mababasa natin ang salitang IGLESIA. Kung minsan tinatawag na "IGLESIA ng Dios" o kaya'y "IGLESIA ng Dios na buhay" o kaya'y "IGLESIA ni Cristo". Pero sa maraming pagkakataon ay ang katawagan sa kanya ay IGLESIA lamang sapagkat WALANG IBANG IGLESIA kundi ang IGLESIANG KAY CRISTO.
Bago iyan, basahin ang "Alin ang Iglesiang binabanggit sa Roma 16:16?" upang maunawaan natin kung ano ang ibig sabihin ng sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo.
Ngayon, may BINABANGGIT si Apostol San Pablo na IGLESIA raw. Hindi nabanggit dito ni San Pablo ang salitang "BIBLIA".
Balikan natin ang Unang sulat ni Apostol san Pablo kay Timoteo (3:14-16).