Pages

Friday, March 2, 2012

INC of Manalo: Felix Manalo Pastol-- Hindi si Cristo

Felix Y. Manalo ipinalit ng INC kay Kristo

From Tumbukin Natin
INIMBITAHAN po TAYO ng mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO na ITINAYO ni FELIX Y. MANALO sa kanilang GRAND EVANGELIZATION RALLY.

Heto po ang SABI ng ISA sa KANILA:

"MIZRACH Feb 25, 2012 11:45 AM

INIIMBITAHAN KO KAYO LAHAT NA DUMALO SA

AMING GRAND EVANGELICAL MISSION SA QUIRINO GRANDSTAND MANILA,..THIS COMING TUESDAY,FEB.28,2012..AT 5PM ..BE THERE!

DALO KAYO,PARA MAUNAWAAN NINYO ANG MGA DALISAY NA SALITA NG DIOS!"

DALISAY daw pong SALITA ng DIYOS ang MAUUNAWAAN sa GRAND EVANGELICAL MISSION ng INC ni MANALO.

PASENSIYA na po KUNG HINDI KAMI MANINIWALA na DALISAY ang ARAL DIYAN. Sa mga NAKITA kasi nating ARAL ng mga KAANIB ng INC ay NAKITA NATIN na MALAYO sa PAGIGING DALISAY ang KANILANG SINASABI.

TUMBUKIN po NATIN ang ISA sa mga SENTRO ng KANILANG ARAL.

Sa DEBATE ni MINISTRO JOSE VENTILACION laban sa CATHOLIC DEFENDER na si KARL KEATING, sa TIME MARKER na 2:06, ay IDINEKLARA ng MINISTRO ng INC ni MANALO ang ganito:

"We believe that when Christ said: I shall have other sheep, there shall be one flock ... that's one church, there shall be one shepherd ... that shepherd is Brother Felix Manalo not Jesus Christ."

NAPAKALINAW po sa mga SINABING IYAN ng MINISTRO at MANGANGARAL ng INC na HINDI SI KRISTO ang PASTOL ng mga KAANIB ng INC kundi si FELIX Y. MANALO.

PINALITAN na po NILA ang PANGINOONG HESUS bilang PASTOL at ang IPINALIT NILA ay ang NAGTATAG ng KANILANG IGLESIA na si FELIX Y. MANALO.

MAS MALINAW po NATING MAKIKITA ang PAGPAPALIT na GINAWA NILA kay KRISTO kapag BINASA NATIN ang JOHN 10:16 na siyang BATAYAN ng INC ng SINABI ni VENTILACION.

Ganito po ang sinasabi sa talata:

JOHN 10:16 (NRSV)
I have other sheep that do not belong to this fold. I must bring them also, and they will listen to my voice. So there will be one flock, one shepherd.

JUAN 10:16
Mayroon akong ibang tupa na hindi kasama sa kulungang ito. Sila man ay kailangan kong dalhin, at diringgin nila ang aking tinig. Kaya magkakaroon ng isang kawan, isang pastol.

MAPAPANSIN po natin na IYAN ang PINAGKUNAN ni VENTILACION ng KANYANG DEKLARASYON sa VIDEO ng DEBATE NILA ni KEATING.

Ngayon, sa SIMPLENG PAGSUSURI ay MAKIKITA NATIN kung PAANO INALIS ng MINISTRO ng INC si KRISTO at IPINALIT si FELIX Y. MANALO.

Una, WALA po TAYONG MABABASANG FELIX Y. MANALO sa TALATA. Sa kabila niyan ay ITINUTURO ng INC na si MANALO raw ang TINUTUKOY riyan.

Pangalawa, si KRISTO na NAGSASALITA sa TALATA ay WALANG TINUKOY na IBA PANG PASTOL. Ang TANING PASTOL na TINUTUKOY ni KRISTO sa JOHN 10:16 ay SIYA MISMO.

Isa-isahin po NATIN ang TALATA:

SABI ni KRISTO:

1. Mayroon akong ibang tupa na hindi kasama sa kulungang ito.

KANINO raw po ang IBANG TUPA na HINDI KASAMA sa KULUNGANG BINABANGGIT ni KRISTO?

Kay KRISTO. Sabi Niya "Mayroon AKONG ibang tupa ..."

Kay KRISTO ang "IBANG TUPA."

WALANG SINASABI na MAY IBANG MAY-ARI o MAY IBANG PASTOL ang TUPA. Si KRISTO LANG ang MAY-ARI at PASTOL ng IBANG TUPA riyan.

2. Sila man ay kailangan kong dalhin,

SINO raw po ang KAILANGANG MAGDALA sa IBANG TUPA?

Si KRISTO na naman. Sabi Niya "kailangan KONG dalhin." SIYA, si KRISTO, ang MAGDADALA.

WALANG IBANG MAGDADALA kundi si KRISTO lang.

3. at diringgin nila ang aking tinig.

KANINONG TINIG po ang DIRINGGIN ng mga IBANG TUPA?

KAY KRISTO na naman. Sabi ni KRISTO ay "AKING tinig." HINDI TINIG ng IBANG PASTOL ang DIRINGGIN ng IBANG TUPA kundi KANYANG TINIG LANG o TINIG LANG ni KRISTO.

So, NAPAKALINAW po na

- KAY KRISTO ang IBANG TUPA na WALA PA sa KAWAN

- Si KRISTO ang MAGDADALA sa IBANG TUPA na IYAN

- TINIG ni KRISTO ang DIRINGGIIN ng IBANG TUPA na IYAN.


Dahil diyan ay ANO ang EPEKTO ng mga IYAN?

Sabi ng PANGINOONG HESUS sa DULO ng TALATA:

4. Kaya magkakaroon ng isang kawan, isang pastol.

ILAN po ang PASTOL?

ISA.

SINO po ang IISANG PASTOL na IYAN?

NATURAL ang PANGINOONG HESUS: KANYA ang IBANG TUPA. SIYA ang MAGDADALA. TINIG NIYA ang DIRINGGIN.


Pero sa INC ni FELIX Y. MANALO ay SINO raw ang PASTOL?

Si FELIX Y. MANALO. HINDI si KRISTO.

Dahil diyan ay MALINAW na PINALITAN ng mga INC ang IISANG PASTOL. INALIS NILA si KRISTO bilang PASTOL at IPINALIT si FELIX Y. MANALO.

Kaya po HINDI ang DIYOS ANAK na SI KRISTO ang PASTOL ng INC e. SI FELIX Y. MANALO, na ISA LANG TAO.

Kaya po lumalabas na MALI ang MISMONG PANGALAN nitong INC. HINDI ITO DAPAT TINATAWAG na "IGLESIA NI CRISTO." Ang DAPAT na PANGALAN NIYAN ay "IGLESIA NI FELIX Y. MANALO."

HINDI lang po IYAN ang PATUNAY na PINALITAN ng INC si KRISTO bilang PASTOL?

Heto po.

INALIS ng INC ang mga IMAHEN at REBULTO ng PANGINOONG HESU KRISTO at ang IPINALIT ay ang REBULTO at IMAHEN ni FELIX Y. MANALO.

Sa JOHN 3:14-15 ay MABABASA NATIN ang SALITA ng PANGINOONG HESUS:
"And just as Moses lifted up the serpent in the wilderness, so must the Son of Man be lifted up, that whoever believes in him may have eternal life."
JUAN 3:14-15
At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, ay ganoon din kailangang itaas ang Anak ng tao; upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kanya ng buhay na walang hanggan.
NAPAKALINAW po na ang ITATAAS ay ang ANAK ng TAO, o sa PANGINOONG HESUS.

May DIREKTA pong PAGTATAAS na GAGAWIN sa PANGINOONG HESUS doon sa BUNDOK ng KALBARYO nung SIYA ay IPAKO sa KRUS.

At BATAY sa SALITA ng PANGINOONG HESUS ay MAY PAGTATAAS DIN ng KANYANG IMAHEN.

Sinabi kasi ni KRISTO "kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, ay ganoon din kailangang itaas ang Anak ng tao."

Paki pansin na MAY REFERENCE o PAGTUKOY sa PAGTATAAS sa "AHAS DOON SA ILANG."

MISMONG AHAS po ba ang ITINAAS doon sa ILANG?

HINDI po. Ang ITINAAS ay IMAHEN LANG ng AHAS.

Sabi po sa NUMBERS 21:8-9
And the LORD said to Moses, "Make a poisonous serpent, and set it on a pole; and everyone who is bitten shall look at it and live."

So Moses made a serpent of bronze, and put it upon a pole; and whenever a serpent bit someone, that person would look at the serpent of bronze and live.
BILANG 21:8-9
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.

At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
KITA po NINYO?

IMAHEN ng AHAS ang ITINAAS ni MOISES at HINDI YUNG MISMONG AHAS.

Dahil diyan ay IPINAKIKITA ng PANGINOONG HESUS na IMAHEN DIN NIYA ang KAILANGANG ITAAS "upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kanya ng buhay na walang hanggan."

IMAHEN ni HESUS ang ITATAAS.

E sa INC ni FELIX Y. MANALO? ANO po ang ITINAAS? IMAHEN ba ni KRISTO?

HINDI po.

Ang ITINAAS ng mga KAANIB ng INC ay ang IMAHEN ni FELIX Y. MANALO!

Paki TINGNAN po NINYO rito sa WEBSITE na Philippine Politics and Church at MAKIKITA NINYO na NASA MATAAS na TUNGTUNGAN ang IMAHEN ni FELIX Y. MANALO.

Muli ay KITANG-KITA NATIN na PINALITAN ng INC si KRISTO: INALIS NILA (at WINASAK PA) ang MGA IMAHEN ni KRISTO at ang IPINALIT ay ang IMAHEN ni FELIX Y. MANALO.

Dahil po sa HINDI MATUTUTULANG KATOTOHANAN na IYAN ay TUPAD na TUPAD sa MGA KAANIB ng INC ang SINASABI ni PABLO sa ACTS 1:23, 25

and they exchangedthe glory of the immortal God for images resembling a mortal human being or birds or four-footed animals or reptiles.

because they exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator, who is blessed
forever! Amen.

GAWA 1:23, 25
At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

KAPANSIN-PANSIN po ang mga SALITANG "PINALITAN NILA ang KALUWALHATIAN ng DIOS."

HINDI po ba ARAL din sa INC ni MANALO na "HINDI DIYOS" ang PANGINOONG HESUS?

MALINAW na INALIS NILA ang KALUWALHATIAN ni KRISTO bilang DIYOS upang MAIPALIT sa KANYA si FELIX Y. MANALO na ISA LANG TAO.

Ang ARAL na HINDI DIYOS ang PANGINOONG HESUS ay BAGONG ARAL na SALUNGAT sa ARAL ng mga APOSTOL at ng BIBLIA.

Sa TITUS 2:13 ay MALINAW na SINASABING DIYOS ang PANGINOONG HESUS.
"... while we wait for the blessed hope and the manifestation of the glory of our great God and Savior, Jesus Christ."
TITO 2:13
"Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng atingdakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo."

Kahit po ang APOSTOL PEDRO ay ITINURO rin na DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

2Peter 1:1
Simeon Peter, a servant and apostle of Jesus Christ, To those who have received a faith as precious as ours through the righteousness of our God and Savior Jesus Christ:

2Pedro 1:1
Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo

KITA po NINYO?

HINDI lang PINALITAN ng mga INC si KRISTO bilang PASTOL, INALISAN pa NILA ang PANGINOON ng KANYANG KALUWALHATIAN bilang DIYOS.

Dahil diyan ay IBANG KRISTO NA ang IPINANGANGARAL ng INC ni MANALO. At dahil IBA na ang KRISTO ay IBA NA RIN ang EBANGHELYO na KANILANG ITINUTURO.

Sabi ni PABLO sa Galatians 1:8
"But even if we or an angel from heaven should proclaim to you a gospel contrary to what we proclaimed to you, let that one be accursed! "
Galatia 1:8
Datapuwa't kahit man kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo nganomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay sumpain siya.

Ayun, SUSUMPAIN daw po ang MAGTUTURO ng EBANGHELYO na IBA sa ITINURO ng mga APOSTOL. Kaya nga po ang mga NAGTUTURO ng KRISTO na HINDI DIYOS ay ISINUMPA na po e.

At DAHIL ISINUMPA NA ay TIYAK nang WALANG KALIGTASAN.

So, BAKIT po TAYO MAKIKINIG sa "DALISAY" daw na ARAL ng INC kung SA KAHULI-HULIHAN ay MASUSUMPA LANG po TAYO?

Kung GUSTO NILANG MASUMPA at MAPUNTA sa IMPIERNO ay SILA NA LANG PO. HUWAG na NILA TAYONG IDAMAY.

Salamat po.

4 comments:

  1. bro. pati rin yung latest debate ni ventilacion with Mr. Romero

    1:19:30 ito yung time frame, sabi ni ventilacion

    In fact if you know the HISTORY OF HIS CHURCH.

    "HIS CHURCH",THE WORD [HIS] WAS REFERRING TO FELIX. SO INAMIN DIN NYA NA ANG INC AY IGLESIA NI FELIX HEHEHE

    ReplyDelete
  2. Thanks bro. pio.

    Could you please provide us link to that You

    ReplyDelete
  3. http://www.youtube.com/watch?v=f9FsjpaGCjs

    ReplyDelete
  4. At kahit ang nagpapakilalang dating Catholic Faith Defender daw na INC na ngayon ay nagpahayag na rin na si Felix Y. Manalo raw ang Pastor na "hinulaan" sa John 10:16.

    Joh 10:16 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

    Ito po ang kanyang sabi (halaw sa comments section ng Tumbukin Natin blog ni Brod. Cenon na may pamagat na "Felix Y. Manalo ipinalit ng INC kay Kristo":

    "Dapat lamang po na tawaging 'Sinugo ng Dios' si kapatid na Felix Y. Manalo.,dahil siya ay nagtuturo ng mga aral ng Dios.

    Sa Roma 10:15 ay ipinahayag po ni Apostol Pablo na walang karapatang mangaral ang mga hindi sinugo ng Dios.

    Kaya po ang kapatid na Felix Y. Manalo ay may karapatang mangaral ng mga salita ng Dios dahil siya po ay tunay na sinugo ng Dios.

    Siya po ang pastor na hinuhulaan sa Juan 10:16..

    Siya rin po ang katuparan ng ibong mandaragit na binabanggit ng propeta Isaias sa Isa.46:11.

    Natupad din po sa kapatid na Felix Y. Manalo ang hula ukol sa ibang anghel sa Apoc.7:2-3."

    Sa lahat po ng kaniyang sinabi, ito ang pinaka-nakaagaw ng aking pansin: "Sa Roma 10:15 ay ipinahayag po ni Apostol Pablo na walang karapatang mangaral ang mga hindi sinugo ng Dios."

    Wala naman talagang karapatang mangaral si FYM.

    Hindi ko tuloy lubos maisip kung papaanong naging "Catholic Faith Defender" (daw) itong si Mizrach aka Ex-Catholic na isa ng INC Defender.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.