Pages

Friday, December 14, 2012

Kung bakit natalo si Manny Pacquiao (?)

Mula sa post ni Berto sa blog na Pilipinong Katoliko

Kung born again pa rin ako hanggang ngayon, matutuwa ako kay Manny Pacquiao.

Kasi iniwan na niya ang pagiging Katoliko.

Nakalaya na siya sa kabulaanan ng Roma.

Iniwan na niya ang biskwit na Hesus.

Hindi na siya nagsisimba sa simbahan ni “Boy Negro” sa Quiapo.

Hindi na rin siya nagsu-suot ng prayer beads ng mga pagano.

At higit sa lahat nakilala na niya si LORD (sa point of view ng mga born again).

PERO kung born again pa rin ako ngayon magtataka rin ako…

…kasi sabi sa Biblia.

“Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” (Roma 10:11)

“No one whose hope is in you will ever be put to shame” (Psalm 25:3 NIV)

Kelan ba niya nakilala si LORD (sa point of view ng mga born again)?

Sa pagkakatanda ko e bago yung laban niya kay Timothy Bradley eh si Lord na ang lagi niyang bukambibig. Lagi niyang sinasabi na “sabi sa akin ni Lord…” dahil napasama siya sa mga born again.

KAYA LANG…

Bakit naman kung kelan niya nakilala si Lord e saka naman siya natalo sa huling dalawang laban niya?

Yung unang pagkatalo niya pwede pa nating isipin na nagkamali lang ang mga hurado sa pagdedesisyon.

Pero itong laban niya kanina, malinaw na malinaw na natalo siya.

At ang nakakalungkot at masklap e para siyang humalik sa lupa nung huling bagsak niya.

Bakit? Bakit kung kelan niya nakilala si LORD (sa point of view ng mga born again) e saka siya natalo sa mga laban? sa nakakahiyang paraan ng pagkatalo?

Ibig sabihin ba yung buong panahon na lumaban siya na siya ay Katoliko, hindi niya kasama si Lord e madalas panalo siya. Matalo man siya hindi siya napapatumba.

Ngayong nakilala niya si Lord…walang sign of the cross, walang rosary….HILAHOD?!?!

Ganun ba yun? Di ba…

“Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” (Roma 10:11)

“No one whose hope is in you will ever be put to shame” (Psalm 25:3 NIV)

8 comments:

  1. [Bakit naman kung kelan niya nakilala si Lord e saka naman siya natalo sa huling dalawang laban niya?]

    Kapag ba ang isang Katolikong atleta ay natalo sa labanan maari po ba nating sisihin ang pagiging Katoliko niya?

    Tsaka isa pa bakit nung Katoliko si Pacquiao siya ay naglalasing, nagsusugal, nambababae, at muntik pang maghiwalay sila ni Jinky? Ngayong Born Again na siya, pumapayapa ang buhay.

    Ganyan ba ang silbi ng relihiyon, pang-sports?

    ReplyDelete
    Replies
    1. [Kapag ba ang isang Katolikong atleta ay natalo sa labanan maari po ba nating sisihin ang pagiging Katoliko niya?]

      Baligtarin natin ang sitwasyon, halimbawa may isang atleta na born again, tapos laging nanalo. Natural ia-attribute niya ang kanyang pagkapanalo sa gabay ng Panginoon. At kung sakaling nag-convert siya sa Katoliko at natalo, sasabihin ng mga born again na natalo siya dahil sumamba sa diyus-diyosan. Kung natalo ba siya nung born again siya maaari ba nating sisihin ang pagiging born again niya?

      [Tsaka isa pa bakit nung Katoliko si Pacquiao siya ay naglalasing, nagsusugal, nambababae, at muntik pang maghiwalay sila ni Jinky? Ngayong Born Again na siya, pumapayapa ang buhay.]

      Bakit mo naman kasi isisisi sa Simbahang Katoliko ang pagiging babaero, at lasinggero ni Manny? Pwede mo bang kaming bigyan ng official na katuruan ng Simbahan (mula sa Catechism of the Catholic Church, para alam mo kung saan hahanapin) na DAPAT lasinggero at babaero ang isang Katoliko? At bakit mo isisisi sa Simbahang Katoliko ang muntik na nilang paghihiwalay ni Jinky e samanatalang Simbahang Katoliko nga hayagang lumalaban sa divorce bill.

      [Ganyan ba ang silbi ng relihiyon, pang-sports?]

      Hindi, pero paulit-ulit na sinasabi ng mga born again na ang worship ay may kinalaman sa warfare. E bakit nung natalo si Manny Pacquiao sinasbi nila walang kinalaman ang pagpapalit ng relihiyon? Double standard.


      Delete
  2. Hinde naman talaga maka-Diyos si Manny noon pa man, kaya lang nman siya nanalo dahil si Mommy D. ay laging nagdarasal kapag laban nya. Dahil kung maka-Diyos talga sya hnde nya gagawin ang mambabae, etc. Nauto lng sya ni Villianueva . .pwede nmn sya magbago khit Katoliko sya

    ReplyDelete
  3. Mga born again, read your history, si "constantine the great" ay nanalo sa labanan gamit ang "sign ng CROSS". Ang ginawa ni pacquiao ay ikinahiya nya ang CROSS ng Panginoon na dati ay pinagmamalaki nya bawat laban, ayon kinalabit siya . sa bibliya ay CROSS rin ang ginamit na tanda para mailigtas sa tiyak na kapahamakan.

    ReplyDelete
  4. Salamat nga pala sa may-ari ng blog na ito sa pag-feature ng isa sa mga article sa aking blog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You are certainly most welcome brother. God bless.

      Delete
  5. Hello Brothers. Please visit my blog regarding Apostate Manny Pacquiao in this URL: http://bornagainstanti-christandanti-mary.blogspot.com/2012/12/apostate-manny-pacquiao.html

    Thank you and God bless.

    ReplyDelete
  6. Brothers, please visit this url for my discussions with Gerald Soliman: http://bornagainstanti-christandanti-mary.blogspot.com/2012/12/catholic-faithful-donaire-favored-by-god.html

    Thank you.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.