Pages

Friday, June 7, 2013

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." PASUGO Abril 1966, p. 46

Ang angal ng isang kaanib ng INC in Manalo:

Alex FerreraSunday, February 24, 2013

PANDARAYA LANG PO ang ginagawa ng mga pare at mga Catholic Defender na pagsipi sa PASUGO, Abril, 1966 para papaniwalain ang mga tao na naniniwala raw tayo na ang Iglesia Katolika ay siya ring Iglesia ni Cristo.

Ganito ang pagsipi na ginawa nila na may pandaraya:

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." PASUGO Abril 1966, p. 46

Ngunit ano po ang totoo? PINUTOL NILA ANG KABUUAN NG NAKASULAT DOON SA SINIPI NILA MULA SA PASUGO. Ang totoong nakasulat doon ay ganito po:

“…Ang totoo, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpasok ng mga maling aral upang ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo ay mamalaging nakatalikod sa habang panahon. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang maging biglaan ang pagtalikod sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo. Sa pagkasangkapan niya sa mga bulaang tagapangaral na pinapaging dalubhasa niya sa lisyang paggamit sa mga salita ng Panginoong Diyos ay nangyaring papaniwalain niya ang maraming tao. Ito raw ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Hindi raw naitalikod ang Iglesiang itinayo ni Cristo. At lalong hindi raw ginawa ng Iglesia Katolika ang pagtalikod. Bakit nga hindi natin masasabi na sadyang tuso at matalino ang diablo? Yaon mismong mga kinasangkapan niya ay hindi nababatid na naganap ang pagtalikod sa tunay na Iglesia.” (Kung Papaano Naitalikod sa Pananampalataya ang Iglesia na itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, Sinulat ni Tomas C. Catangay, PASUGO, Abril 1966, p. 46)

NAPANSIN BA NIYO ANG GINAWANG PANDARAYA NG MGA PARI AT DEFENSOR KATOLIKO SA PAGSIPI NG PASUGO NG INC? SINADYANG PINUTOL NILA ANG TUNAY NA NILALAMAN PARA LAMANG MAKAPANLINLANG NG MGA TAO. WALANG SINASABI SA PASUGO NA ANG IGLESIA KATOLIKA AY SIYA RING IGLESIA NI CRISTO (IKAR ≠ INC). MANAPA ANG ITINUTURO SA ARTIKULONG ITO NG PASUGO AY ANG IGLESIA KATOLIKA ANG KATUPARAN NG IBINABALA NI CRISTO AT MGA APOSTOL NA MAGAGANAP NA PAGTALIKOD SA MGA ALAGAD NOON.

Mula sa blog ni README sa http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2013/01/historically-biblically-catholic-church-cannot-trace-its-origin-to-the-1st-century.html

Isang malaking PANLOLOKO, PANDARAYA at PANLILINLANG na naman ang ginagawa ng mga kaanib ng INC ni Manalo sa blog ni ReadMeInC. Tutal ganon na ganon naman po ang kanilang punong si Felix Manalo (2 John 1:1), isang MANDARAYA at ANTI-CRISTO.


Angal nitong kaanib, pinutol daw naming mga Catholic Defenders ang sipi ng kanilang OFFICIAL MAGAZINE na PASUGO Abril 1966 p. 46 "Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Sinong nagsabing PINUTOL ito?  Buung-buo po itong nilathala heto ang kabuuan (Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914) na pinaghugutan namin ng quotes na 'yan!
 Ang kaso di kayang PATUNAYAN ni README na ang IGLESIA KATOLIKA ay HINDI Iglesia ni Cristo... samantalang ang sabi ng OFFICIAL MAGAZINE nila ay:

"Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo"


Paano naman sasabihin ni ReadMe na HINDI Iglesia ni Cristo ang Iglesia Katolika samantalang inaamin ng pekeng Iglesia ni Cristo na KAMI nga ang TUNAY mula pa noong una.

At kahit i-quote pa ni Mr. Lopez ang buong saknong, eh DEDO pa rin sila sapagkat ang artikulong yan ay NAGPAPATUNAY na HINDI pa pala NATALIKOD ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA na sa PASIMULA ay siyang Iglesia ni Cristo...

I-highlight po natin ang quote ni Mr. Lopez na kaanib ng INC of Manalo:

“…Ang totoo, hanggang sa kasalukuyan (Taong 1966 Anno Domini) ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpasok ng mga maling aral upang ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo ay mamalaging nakatalikod sa habang panahon. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang maging biglaan ang pagtalikod sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo.

Anong punto ang pwede nating ibalandra pabalik sa mga kaanib ng INC ni Manalo?

Una, ang sabi nila ay NATALIKOD na GANAP na raw ang Unang Iglesiang tatag ni Cristo!!!

Ang sabi ng Pasugo ay "HANGGANG SA KASALUKUYAN" (Pasugong sinulat noong 1966), ibig sabihin ay UMIIRAL pa ang IGLESIANG tunay kahit noong 1966,  52 YEARS matapos ITATAG daw muli ang "tunay" na iglesia...

Pangalawa, ang Iglesia Katolika nga raw pala ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO mula pa noong una... ibig sabihin hanggang taong 1966 nang isinulat ang artikulo sa Pasugo ay ang IGLESIA KATOLIKA pa rin ang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO sapagkat PATULOY pa itong PINAPASUKAN ng maling aral ng "diablo"...

O ngayon mga kaanib ng INC ni Manalo, kayo na mismo ang NAGLABAS ng KATOTOHANAN tungkol sa inyong PEKENG IGLESIA!

Salamat PASUGO... salamat Ginoong Lopez... salamat Readme.. 

Pinatunayan niyo lamang na ang IGLESIANG TUNAY KAY CRISTO ay HINDI pa NATALIKOD na ganap... at ang IGLESIANG ito ay walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA na sa PASIMULA ay siyang IGLESIA NI CRISTO...

2 comments:

  1. mabuhay kayo at pagpalain nawa kayo ng DIYOS,kayong nagtatangol ng kanyang tunay na simbahan na tinatag nya mula pa sa simula,tayong mga katoliko ay lubos at sapat ang ating pang unawa at matatag ang ating pananampalataya,,ipanalangin natin ang mga kaluluwang niligaw ng landas ng mga bulaang propeta at naway hindi na sila makapanghikayat pa upang wala na ni isang tupang maglalagalag

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ipanalangin din natin sila, ang mga naliligaw sapagkat iyan ang misyon ng Iglesia Katolika... ang ibalik sila kay Cristo na siyang may-ari at nagtatag sa Iglesiang ito.

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.