Pages

Friday, July 18, 2014

'666' at iba pang bintang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo® laban sa Iglesia Katolika!

Isa na namang kaanib ng INC ni Manalo ang nagkakalat ng kasinungalingan upang manlinlang

by hinirang

hinirang • kaanib ng INC-1914

Kahit anung papakita mo sa pasugo di mo yan ma gegetz kasi kayo naka batay yan sa bibol dahil ang bibol ay hiwaga naka coding kaya wag mo ng ipakita yan whahaha.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CD2000:
Nahirapan ako sa "bibol" na tinutukoy mo. "Bible" pala ang pakaibig mong sabihin.  
Samakatuwid baga'y galing sa "bibol" (Biblia) ang mga nakasulat sa inyong Pasugo? [Mula sa Munting Aklat na pinamagatang "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914"]

PASUGO Setyembre 1940, p. 1:
“Dapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito."

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."

PASUGO Mayo 1964, p. 15:
“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?

Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?

Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?

Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?

Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
***
hinirang • kaanib ng INC-1914

Sinong 666? Hahahaha ang papa nyo tingnan mo ang kapote o tiara ng papa kitchop nyo may pangalan na vicarias felide may number na nakalagay doon kng makita mo yun bilong ka na sa 666 metalicang kulto edi natupad ang hula sa bibliya sa inyong papa kitchop del monte whahahaha..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CD2000:
Ano naman ang katibayan mo't ang Santo Papa ay siyang "halimaw" o "666"?  Ito ba'y galing sa sarili niyong pagsusuri sa Iglesia ni Cristo-1914? O ito'y isa lamang sa maraming kinopya ni G. Felix Manalo noong siya'y nangangaral pa bilang isang Protestante?  Sa aking kaalaman, hindi orihinal si G. Felix Manalo sa ganitong bintang kundi ito'y kuha niya mula kay Ellen G. White, ang may-tatag ng The Seventh-day Adventist Protestant sect.

Ang isang katangian ni Satanas ay ang ILAPIT ang mga tao sa Dios.  Wala siyang kabutihan at wala siyang karunungan upang papurihan ang Anak ng Dios na si Jesu-Cristo.

Ngunit kung iyong matatandaan sa kasaysayan ng tao, si St. Pope John Paul II lamang ay papang minahal ng tao. Napatunayan ito sa kanyang libing na dinaluhan ng milyun-milyong katao sa Vatican at ilang mga Dignitaries ang dumalaw sa kanya bilang pagbibigay pugay sa pagbibigay niya ng KADAKILAAN sa DIOS bilang ALAGAD niya!

Ang nakakalungkot nito, isa lang kayo sa mga taong GALIT sa KABUTIHAN niya! Ito ba'y dala ng INGGIT dahil kinakasihan siya ng Dios na buhay at biniyayaan siya ng ibayong lakas upang maging saligan ng mga walang laban sa lipunan? Ano bang naging papel ng inyong relihiyon sa ikabubuti ng kasaysayan ng mundo?

At sa tono ng iyong pananalita "papa kitchop del monte whahahaha" bata ka pa para matutunan mo ang kabastusan! Marami ka pang matutunang mabubuting aral upang maligtas ang iyong kaluluwa at hindi ang magtanim ng galit sa iyong puso tulad ng itinanim ng mga bayarang Ministro ni Felix Manalo.
***


hinirang • kaanib ng INC-1914

Hoy ang iglesia catholica ang nag pangalan nito ay c san ignacio ng antyokya sya din ang nag completo ng iglesia apostolica romana kaya kayo mga katoholiko na bilong kayo sa emperyo ng sundalo ng roma nag nagtatago lang sa relihiyon ninyong mga piki nyong faith na sumasamba sa larawan at rebulto yan ang kulto demonyo whahahaha..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CD2000:
Hindi po si San Ignacio ng Antiochia ang nagpangalan ng Santa Katolika.  Ito po'y umiiral nang katawagan ng Iglesia at isinulat lamang niya sa kanyang mga mambabasa kung ano ang mga bagay at mga salitang katanggap-tanggap na noong panahon niya. Marahil, mas mainam kung mag-aral ka ng mabuti at pag-aralan mo ang kabutihan ng tao kaysa sa kasamaan.  Umpisahan mo rito sa "History of the Catholic Church".  Huwag kang matakot, hindi Katoliko ang nagsulat niyan.


At marahil ay balikan mo rin kung ano ang ORIHINAL na pananaw ng pamunuan ng INC-1914 tungkol sa Santa Iglesia Katolika! Nailathala ito offically sa inyong magasing Pasugo:

PASUGO, Abril 1966, p. 46:

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

PASUGO July August 1988 pp. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”

MARAMING SALAMAT at sana ay BUMALIK ka na sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.