Pages

Tuesday, July 22, 2014

ROMA 16:16 vs IGLESIA NI CRISTO-1914

Artikulo mula sa Apolegete.com

Madalas na ginagamit ng mga ministro at miyembro ng iglesia ni cristo 1914 ang Roma 16:16 para patunayan na ang kanilang relihiyon ay nasa bibliya. Ang nakakalungkot ay marami sa mga tao ang napapaniwala nila tungkol dito.

“Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.”(Roma 16:16)

Madalas nilang sabihin sa mga nakikinig sa kanila na kapag hindi nakasulat ang pangalan ng iyong relihiyon sa bibliya ay hindi yan tunay na iglesya, kundi ang tunay lamang ay ang nasusulat.

ANO? BINASA LANG SA BIBLIA AT IPINAREHISTRO PAGKATAPOS SILA NA AGAD?



PAANO NAGING IGLESIA NI CRISTO 1914 ANG NASA ROMA 16:16?

Ang Aklat ng Roma isinulat ni Apostol Pablo noong 57 AD at alam naman natin na July 27, 1914 lamang ipinarehistro ang iglesia ni cristo na tatag ni Felix Manalo. Paano naging sila yang tinutukoy sa Roma 16:16? Hindi pa ipinanganak si Felix Manalo at ilang taon pa ang nakalipas bago lumitaw sa pilipinas ang iglesyang tatag ni felix manalo ay nakasulat na ang Roma 16:16 at ayon sa aklat ng roma ay binabanggit ang iglesyang laganap ang pananampalataya sa buong daigdig.

“Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig.”(Roma 1:8)

Napakalinaw na sinasabi sa talata na merong iglesyang lumaganap na ang pananampalataya sa buong daigdig, at kung tatanungin natin sila, nang panahon na yan nasaan si felix manalo? Isang malaking kalokohan para angkinin nila na sila ang tinutukoy sa Roma 16:16.

MARAMI SA MGA TALATA NA NAKASULAT SA AKLAT NG ROMA NA HINDI SUMASANG-AYON SA MGA ITINURO NG IGLESIA NI CRISTO NA ITINATAG NI FELIX MANALO.


1. ANG PAGHAHATOL SA KAPWA NA GUMAGAWA RIN NG GANOON 

Madalas nilang tinitira tayong mga katoliko dahil sa mga larawan at mga rebulto. Pero makikita mo na sila mismong humahatol sa atin ay gumagawa rin ng ganoon.

Felix Manalo Bronze Statue

Inaalayan ng Bulaklak si Felix


Napakalinaw na nakikita natin sa mga larawan na sila mismo ay nagpagawa ng rebulto ni Felix Manalo. Ano ang sabi sa Aklat ng Roma?

“Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon.”(Roma 2:1)


2. ANG PAGBAWAL SA PAGKAIN NG DINUGUAN

Marami ang nakakaalam sa atin na ipinagbabawal ng iglesia ni cristo na tatag ni felix manalo ang pagkain ng dinuguan.

dinuguan
Sumasang-ayon ba ang aklat ng roma sa ipinagbabawal ng iglesia ni cristo na tatag ni felix manalo?

“Dahil sa aking pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas na marumi. Kung sinuman ang naniniwalang marumi ang anumang bagay, marumi nga iyon sa kanya.”(Roma 14:14)”

“Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo.”(Roma 14:17)

“Lahat ng pagkain ay malinis at maaaring kainin.”(Roma 14:20)

3. ANG PANGHAHATOL SA MGA HINDI MIYEMBRO NG KANILANG IGLESYA

Sinasabi nila na sila lang ang maliligtas at yung ibang relihiyon ay walang kaligtasan.


Sumasang-ayon ba ang aklat ng Roma sa sinabi ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo? Ito ang sabi ni Apostol Pablo, “Huwag na nating hatulan ang isa’t isa. “(Roma 14:13) Alam ni Apostol Pablo kung sino lamang ang may karapatan na humatol sa tao at ito ay walang iba kundi ang Diyos at hindi ang tao.

4. ANG HINDI PAGSANG-AYON TUNGKOL SA ORIGINAL SIN

Hindi naniniwala ang Iglesia ni Felix Manalo tungkol sa original sin.


Sumasang-ayon ba ang aklat ng Roma sa paniniwala ng iglesia ni cristo ni felix ni manalo?

“Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. “(Roma 5:12)

Dito natin makikita na ang Iglesia ni Cristo na binabanggit sa Roma 16:16 ay hindi ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo dahil marami sa mga sinabi ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-roma na hindi sumasang-ayon sa itinuturo ng iglesia ni felix manalo. Kaya napakalayo para angkinin ng Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo ang nakasulat sa Roma 16:16.

Kung meron mang talata sa aklat ng Roma na sumasang-ayon sa mga ginagawa ng Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo, yun ay ang nakasulat sa Roma 16:18.

“Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.”(Roma 16:18)

Ang Tanong, ilan na kaya ang naakit nitong peke nilang reperensiya laban sa Iglesia Katolika?


‘Catesismo ni Padre Amezquita’



Ito ang isa sa pangunahing pekeng reperensiya na ginagamit ng mga Iglesia Cristo 1914 para pasamain ang mga katoliko, ayon sa kanila, ang isang paring katoliko daw ay nagsulat na sambahin ang larawan.

Narito ang link sa pages 79 at 82 ng catesismong isinalin na Fr. Amezquita at hindi ninyo iyan mababasa riyan.




Ang ginawa nila ay sumipi sila ng kapiraso sa isinalin ni fr. Amezquita at dinugtungan iyon ng kasinungalingan.

Ang sinipi ng naninira sa katoliko ay makikita sa page 96 ng catesismong salin ni Fr. Amezquita.


No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.