Pages

Friday, August 29, 2014

SAGOT SA BALIK-ISLAM: Hesus, Hindi Diyos dahil Sumamba sa Diyos Ama? (John 4:22; John 20:17)

Mula sa SAGOT SA BALIK-ISLAM blog

HINDI MATUTULAN ng mga Muslim na si Hesus ay Diyos kaya PILIT silang NAGHAHANAP ng DAHILAN para TUTULAN ang PAGKA-DIYOS ng Kristo.

Isa sa IPINAGPIPILITAN NILA ay “Hindi Diyos si Hesus dahil may sinasamba Siya.” Ang tinutukoy nila ay ang PAGSAMBA ni Hesus sa Diyos Ama.

Ginagamit nila ang John 4:22 at John 20:17 para ipilit ang kanilang pagtutol.

Pero tama ba sila? Dahil ba sinamba ni Hesus ang Ama Niyang Diyos ay hindi na Siya Diyos?

NAGKAKAMALI ang Muslim.

Ang PAGSAMBA ni Hesus sa DIYOS AMA ay PAGKILALA sa pagka-DIYOS ng KANYANG AMA at PAGGALANG ng DIYOS ANAK sa DIYOS AMA.

Dapat lang KILALANIN at IGALANG ng ANAK ang Kanyang AMA. At HINDI NAWALAN ng pagka-DIYOS ang ANAK dahil ginawa Niya iyan.

Kung tayo ba ay KIKILALA at GAGALANG sa ating mga AMA ay NAWAWALA na rin ang ATING PAGIGING ANAK at PAGIGING TAO?

HINDI po.

+++

A. MALING UNAWA
NARITO ang sabi ng Muslim na si Nhordz G Diamal sa Facebook:
Sa kabila na maraming ebidensya na si hesus MAY SINASAMBA: ay ang mga kristyano ay walang tigil sa paghahalungkat ng biblia para lng maging Dios si hesus,, Trying hard maxado,, mapride, may maliwanag na ngang talata na may sinasamba si hesus abay gagawa pa rin ng paraan para maging dios si hesus,,


Halimbawa sabi ni hesus:

John 4:22
Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin

DITO PO AY NAPAKALINAW NA MAY SINASAMBA SI HESUS AT UN ANG DIOS NA TUNAY,, ngaun para maging Dios din si hesus abay hahanap sila ng talata para maging dios din si hesus:

Halimbawa:

Mateo 28:9
At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.

DITO, SINAMBA SI HESUS KAYA ANG NASA ISIP NILA DIOS SI HESUS,, pero malinaw da taas na si hesus may sinasamba,, at ang basehan nilang si hesus sinamba kaya Dios na rin ay napakahina, , SANHI LNG ETO NG PAGIGING TRYING HARD,,
Kasi pagka yan ang basehan nila,, abay pati si propeta daniel Dios na rin,,

Daniel 2:46
Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya

SEE,, si daniel sinamba,,

DIOS DIN BA SYA?? Kaya ang pagiging dios ni hesus ay wag ipilit kasi pati sa dreams hindi yan mangyayari,,^_^

=========

IDAGDAG na natin diyan ang pagsipi ng mga Muslim sa John 20:17 kung saan kinausap ni Hesus si Maria Magdalena.

John 20:17
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”

+++

B. TRYING HARD
PANSININ ninyo na SINIPI mismo ni Nhordz G Diamal ang Mateo 28:9 kung saan MABABASA na SINAMBA si Hesus ng Kanyang mga alagad.

”At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at SIYA’Y SINAMBA.”

MABABASA ang IBA pang PATUNAY na SINAMBA si Hesus bilang Diyos sa mga sumusunod na LINK:

1. http://sagot-sa-balik-islam.blogspot.com/2014/02/hesus-sinamba-bilang-diyos.html

2. http://sagot-sa-balik-islam.blogspot.com/2013/03/hesus-sinamba-ba-nung-nasa-lupa-pa.html


Sabi ni Nhordz G Diamal, TRYING HARD ang Kristiyano na patunayan na Diyos si Hesus.

HINDI TRYING HARD ang Kristiyano. Hindi ba INAMIN na mismo ng Muslim na si Hesus ay SINAMBA ng Kanyang mga ALAGAD? Ayan ang PATUNAY sa Bibliya.

Ang MUSLIM ang TRYING HARD sa PAGGAWA ng DAHILAN para TUTULAN ang MALINAW na PATUNAY na si Hesus ay DIYOS.

+++

C. SUMAMBA SA DIYOS AMA HINDI NA DIYOS?
Porke ba SUMAMBA si Hesus sa Diyos Ama ay hindi na Siya Diyos?

HINDI yan PATUNAY na hindi Diyos si Hesus.

Ang PAGSAMBA ay PAGKILALA at PAGGALANG sa DIYOS.

Noong SAMBAHIN ni Hesus ang DIYOS AMA ay KINILALA at IGINALANG lamang ng DIYOS ANAK ang AMA NIYANG DIYOS.

Sa UNAWA ng Muslim, sa PAGKILALA at PAGGALANG ni Hesus sa DIYOS AMA ay NAWALA NA ang Kanyang PAGKAANAK at PAGKA-DIYOS.

MALI ang UNAWA NILA.

Ang TAO bang KUMILALA at GUMALANG sa AMA NIYANG TAO ay NAWAWALA ang PAGKAANAK at ang PAGIGING TAO?

HINDI, di ba?

TRYING HARD lang ang KATWIRAN ng Muslim na gumagawa ng KONKLUSYON WALANG BATAYAN.

+++

D. DANIEL ‘SINAMBA’ KAYA DIYOS DIN?
MAKIKITA pa natin ang pagiging TRYING HARD ng Muslim sa paggamit niya sa Daniel 2:46 kung saan “SUMAMBA kay Daniel” ang hari ng Babilonia.

Ang KONKLUSYON ng Muslim na si Nhordz G Diamal ay:
”SEE,, si daniel sinamba,, DIOS DIN BA SYA?? Kaya ang pagiging dios ni hesus ay wag ipilit kasi pati sa dreams hindi yan mangyayari,,^_^”

MALI ang KONKLUSYON ng Muslim.

HINDI PAGSAMBA sa TUNAY na DIYOS ang GINAWA kay Daniel. At makikita natin yan sa salitang ginamit sa Hebreo.

Sa Hebreo, ang salitang katumbas ng “SAMBA” na ginamit kay Daniel ay “SEGID.”

Ayon sa Hebrew Bible Dictionary, ang SEGID ay tumutukoy sa MALING PAGSAMBA o sa PAGSAMBA sa DIYUS-DIYOSAN. (http://biblehub.com/hebrew/5457.htm)

So, ayon sa Bibliya, MALI ang PAGSAMBANG GINAWA ng HARI kay DANIEL. At dahil diyan ay MALI ang PAGKUKUMPARA ng MUSLIM sa PAGSAMBA kay DANIEL at sa PAGSAMBA kay HESUS.

+++

E. HESUS SINAMBA BILANG DIYOS
Ang PAGSAMBA kay Hesus ay PAGSAMBA sa TUNAY na DIYOS.

Sa wikang Griego, ang salitang ginamit para sa PAGSAMBA kay Hesus sa MATTHEW 28:9 ay PROSEKYNESAN na galing sa salitang ugat na PROSKUNEO.

Ang PROSKUNEO ay ang SALITANG SAMBA para sa DIYOS. (http://biblehub.com/greek/4352.htm)

Katunayan, sa ibinigay ng Muslim na talata sa John 4:22—kung saan ang tinutukoy ay ang PAGSAMBA sa DIYOS—ay PROSKUNEO rin ang SALITANG UGAT ng SALITA para sa PAGSAMBA (PROSKYNOUMEN).

So, ayon mismo sa TALATANG IBINIGAY ng Muslim na si Nhordz G Diamal ay makikita na ang PAGSAMBANG IBINIGAY kay Hesus sa Matthew 28:9 ay PAGSAMBA na IBINIBIGAY sa DIYOS.

LALONG LUMINAW na DIYOS si HESUS. Ang PAGSAMBA kasi sa KANYA ay PAGSAMBA sa DIYOS.

Paano pa kaya IPIPILIT ng Muslim ngayon na HINDI DIYOS si HESUS?

SOBRA na silang TRYING HARD kapag NAGPUMILIT pa SILA sa MALI NILANG UNAWA.

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.