Pages

Monday, December 8, 2014

Simpleng katekismo tungkol sa Kapistahan ng IMACULADA CONCEPCION (Solemnity of the Immaculate Concepcton)

Photo Source: America Needs Fatima
Alam niyo ba na ang KAPISTAHAN ng IMACULADA CONCEPCION ay isang HOLY DAY OF OBLIGATION at isa sa PINAKADAKILANG KAPISTAHAN sa loob ng IGLESIA KATOLIKA?

At ayon sa unang nakasaad sa Batas ng Santa Iglesia, sa mga araw na Holy Day of Obligation ay TAYO ay DAPAT MAGSIMBA at TUMANGGAP ng KOMUNIYON sa araw na ito?

Kaya't kung hindi niyo po nagawa 'yan, naku, may pagkakasala na po tayong dapat i-kumpisal sa pari. Ang pagliban sa Misa sa mga araw na itinakda ng Santa Iglesia ay katulad din ng pagliban sa Misa sa tuwing araw ng Linggo at ito ay KASALANANG MORTAL.

Alam niyo ba ang epekto ng Kasalanang Mortal? Ito ay kasalanang 'nakamamatay ng kaluluwa'.  Ibig sabihin, kung lugmok po tayo sa Kasalanang Mortal, mamamatay po tayong WALANG KALULUWA na parang hayop.

Hindi ko po katuruan 'yan. Ito po'y MALINAW na katuruan ng Santa Iglesia:

Can. 1246 §1. Sunday, on which by apostolic tradition the paschal mystery is celebrated, must be observed in the universal Church as the primordial holy day of obligation. The following days must also be observed: the Nativity of our Lord Jesus Christ, the Epiphany, the Ascension, the Body and Blood of Christ, Holy Mary the Mother of God, her Immaculate Conception, her Assumption, Saint Joseph, Saint Peter and Saint Paul the Apostles, and All Saints.

§2. With the prior approval of the Apostolic See, however, the conference of bishops can suppress some of the holy days of obligation or transfer them to a Sunday.
Can. 1247 On Sundays and other holy days of obligation, the faithful are obliged to participate in the Mass.

Moreover, they are to abstain from those works and aVairs which hinder the worship to be rendered to God, the joy proper to the Lord’s day, or the suitable relaxation of mind and body.
Heto naman ang sinasabi ng ating Opisyal na Katekismo:
CCC # 2181 The Sunday Eucharist is the foundation and confirmation of all Christian practice. For this reason the faithful are obliged to participate in the Eucharist on days of obligation, unless excused for a serious reason (for example, illness, the care of infants) or dispensed by their own pastor. Those who deliberately fail in this obligation commit a grave sin.
Para sa karagdagang kaalaman, maaari pong basahin ang Is Missing A Mass a Mortal Sin?

Anyway, kaya ko naisipang ibahagi sa inyo ang kaalamang ito ay sapagkat, nalungkot ako sa misa nang NAKALIGTAANG IPALIWANAG ng pari kung ano, saan, kailan at kung paano nagkaroon ng Kapistahang ito bagamat wala naman tayong mababasa sa Biblia tungkol sa Imaculada Concepcion.

Ano nga ba ang ito?

Ang KAPISTAHAN o SOLEMNITY po ng IMACULADA CONCEPCION (Immaculate Conception) ay HINDI po bago sa kasaysayan ng Kristianismo.

HINDI po ito IMBENTO lamang ayon sa kasinungalingan ng mga Protestante.

Ito po'y ipinadiriwang na noon pang ika-7 siglo, libong taon bago pa man nagkaroon ng Iglesia Protestante ni Martin Luther noong 1517.

Lalong wala pa si Ellen G. White na nagtatag ng  Seventh-day Adventist Church na dating pastora ni Felix Y. Manalo na nagtayo ng kanyang sariling iglesia-- ang Iglesia Ni Cristo® o INC™.

Lalong wala pa si Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord® (JIL™) o ng Members of the Church of God Internationa, Inc (ADD™) ni Eliseo Soriano.

Ayon sa kasaysayan ng ating pananampalataya, ang kasinungalingan ng mga Protestante ay TINULDUKAN ni Papa Pius IX noong ika-8 ng Disyembre 1854 sa kanyang Apostolic Constitution na INEFFABILIS DEUS.

"We declare, pronounce, and define that the doctrine which holds that the most Blessed Virgin Mary, in the first instance of her conception, by a singular grace and privilege granted by Almighty God, in view of the merits of Jesus Christ, the Savior of the human race, was preserved free from all stain of original sin, is a doctrine revealed by God and therefore to be believed firmly and constantly by all the faithful."
Na ang ibig sabihin ay DAPAT paniwalaan ng LAHAT ng mga Kristiano ang DOKTRINA ng IMACULADA CONCEPCION bilang KATOTOHANAN hindi mababali kailanman.

Ano ba ang KATOTOHANANG ito?

Ang Imaculada Concepcion po ay HINDI po tungkol sa PAGLILIHI kay CRISTO. 

Ito ay ang PAGLILIHI kay MARIA sa SINAPUPUNAN ng kanyang ina na si Santa Ana.

Bakit kailangang ideklara ng Iglesia Katolika si MARIA ay IPINAGLIHI na WALANG BAHID na KASALANAN? 

Hindi ba't ang sabi ng Banal na Kasulatan sa Roma 3:23 ay 'LAHAT [ng tao] AY NAGKASALA'? Bakit hindi ba kasama si Maria sa "lahat" [ng tao]? 

Kung TAO si Maria samakatuwid, siya'y KABILANG sa [lahat na] mga NAGKASALA!

Pero hindi ba't 'in every rule there is an exemption' ika nga?  Hindi ba pwedeng si Maria ay exempted sa Roma 3:23?

Bakit sinabi kong maaaring exempted ang Mahal na Birheng Ina?

Sapagkat kung tatangapin natin ang argumento ng mga Protestante (kasama na diyan ang Iglesia Ni Cristo® ni Manalo) na si Maria ay TAO at kasama siya sa may  BAHID na kasalanang minana natin kay Adan at Eba, lalabas na si Jesus na Dios at Taong totoo ay IPINAGLIHI sa KASALANAN dahil MAMANAHIN niya ito mula kay Maria na kanyang (tao) Ina. Lalabas na si Jesus ay ipinanganak ng may BAHID na KASALANAN.

HINDI 'yan ang PAGPAPAKILALA ng Biblia TUNGKOL kay JESUS, hindi po ba?

Ayon sa Biblia, si JESU-CRISTO ay WALANG BAHID ng KASALANAN.  SIYA ay WALANG PAGKAKASALA. WALANG DUMI ang makikita sa kanya (2 Cor. 5:21; 1 Pt. 2:22).  

Kaya NARARAPAT LAMANG (it necessitates) na si Maria, bilang Ina ng Dios Anak ay IPINAGLIHING WALANG BAHID na KASALANAN!

Karapat-dapat lamang na si MARIA ay WALANG BAHID NA MANTSA ng KASALANAN upang ang SINAPUPUNAN niya ay mananatiling PURE, UNDEFILED, UNSTAINED, IMMACULATE and HOLY worthy of the SON OF GOD-- JESUS CHRIST our LORD and SAVIOR!

Dahil diyan, nakita ng DIOS AMA na MALINIS si MARIA.  At ang kanyang sinapupunan KARAPAT-DAPAT ipagbuntis ang ANAK NG DIOS--ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO upang ang PAGKAKATAWANG-TAO NIYA ay alinsunod sa BIBLIA-- and the [LIVING] WORD OF GOD became FLESH and HE made HIS dwelling amongst us! (Jn 1:1-9; Fil. 2:2-9)

At dahil sa KATOTOHANANG iyan, ang ating MAHAL na INANG BIRHENG MARIA ay siyang bagong KABAN ng TIPAN (Ark of the Covenant) na mababasa natin sa Revelations 11:19.

Upang lalo tayong maliwanagan dito, basahin ang Scott Hahn on the Blessed Virgin Mary.

Kaya bagama't HINDI literal na nasusulat sa Biblia ang Imaculada Concepcion, ngunit ang kanyang diwa ay NASA KAIBUTURAN ng BANAL NA KASULATAN! Ang mga PANGAKO ng PAGLILIGTAS ng DIOS ay nakaugat sa kanyang kalinis-linisang paglilihi.

2 comments:

  1. Curious lang.si santa maria ina ng dios.cnu po nauna, c maria o ang dios?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang sagot sa katanungan ng isang taong walang tinatanggap na kasagutan mula sa opisyal na Katekismo ng Iglesia Katolika!

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.