Pages

Wednesday, January 21, 2015

Ang Iglesia Ni Cristo® raw ay isang "Home Grown" Filipino Religion

Isang dayuhang mamamahayag ng The Wallstreet Journal ang nakapansin sa mga nagtutulisang mga templo ng Iglesia Ni Cristo®.  At ayon sa kanya ang INC™ raw po ay isang "Home Grown Filipino Religion" o isang "Home Grown Church".

Ang pagkasulat pa nga niya eh "Iglesia ni Christo"

Ayon pa rin kay G. Ramy Inocencio, ang dayuhang mamamahayag, si Felix Manalo raw ay isang ex-Catholic na nakipagalyansa sa mga Protestante "then he made his own" church.

Nagtatag daw po ng sariling iglesia si Felix Manalo.  Ito ay hango sa paliwanag ng Tagapagsalita ng mga Manalo na si G. Edwil Zabala.

Iyan naman talaga ang pinapatunayan sa Securities and Exchange Commission ng kanilang Registration.  Na si Felix Y. Manalo ang NAGTATAG nito (PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5)



Mabilis daw ang paglago ng INC™ pero "largely at the expense of the Catholic faith".

Bagamat hindi naman ipinakita sa video, marahil ay itinanong ni G. Ramy Inocencio kung kulto ba ang Iglesia Ni Cristo®, na mariin namang itinanggi ng Tagapagsalita ng INC™ na sila raw ay HINDI KULTO ngunit "Christian Religion".

Ayon sa paliwanag ni Zabala, sila raw ay naniniwala na ang "LORD GOD" daw po ay "should be WORSHIPED" at kung ano raw ang turo ng "LORD JESUS CHRIST" at ng mga Apostol at ng "EARLIER SERVICE OF GOD that GOD must be WORSHIPED".

Totoo kayang si "LORD GOD" lang ba ang kanilang SINASAMBA?

Ayon sa Fundamental Beliefs of the Iglesia Ni Cristo, bilang 14 ay ganito:

"Christ should be highly honored and worshiped by members of the Church of Christ because this is the will of God (Phil.2:9-11)."

Ayon pala! Si CRISTO rin pala ay SINASAMBA ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo®!

SINASAMBA sa kabila ng kanyang pagiging TAO LAMANG!

Napansin niyo ba ang BIBLE VERSE na pinagkuhanan? MULA SA FILIPOS!

Bakit kaya IWAS silang i-quote ang Verses 5-8?  [Basahin ang aking previous post na Iglesia Ni Cristo Lies and Deceit Part 2]

Heto't MAGUGULAT KAYO! Basahin natin ang VERSES 5-11 ng PHILIPPIANS 2

5 Have among yourselves the same attitude that is also yours in Christ Jesus, 6 Who, though he [JESUS] was in the form of God, did not regard equality with God something to be grasped.
7 Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance8 he humbled himself,becoming obedient to death, even death on a cross. 9 Because of this, God greatly exalted him and bestowed on him the name that is above every name,10 that at the name of Jesus every knee should bend, of those in heaven and on earth and under the earth, 11 and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.

Kaya pala IPINAG-UUTOS sa Filipos na SAMBAHIN si JESUS ay sapagkat SIYA AY NASA ANYONG DIOS!

Kaya't LALABAS na ang IGLESIA NI CRISTO® ay LUMALABAG sa BIBLIA sapagkat DALAWA ang KANILANG SINASAMBA!

Isang LORD GOD at isang LORD JESUS CHRIST!

Isang DIOS at isang TAO LAMANG!

Saan ba ITINUTURO sa Biblia na DAPAT SUMAMBA sa DALAWA at sa ISANG TAO LAMANG!?!

Sa paksa ng panayam ni G. Inocencio, LUMALABAS na KULTO  nga ang samahang Iglesia Ni Cristo®! Heto ang mga nadiskubre ng mamamahayag!
  • Highly controlled church
  • Pinagbawalan ang mga journalists and were "politley" declined to film inside their temple
  • Bawal ikasala sa hindi kaanib ng Iglesia Ni Cristo®
  • Binibisita ang bawat kaanib na "nanlalamig"
Paliwanag pa ng Tagapagsalita ng INC™ [Video Time 04:11 - 04:15], ang kanilang mga gawain daw ay siyang GINAWA ng UNANG IGLESIA NI CRISTO?

Ang UNANG IGLESIA ba ay INC™? O mga KATOLIKO?

PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

Ang GINAWA raw ng UNANG IGLESIA ay siyang DAPAT gawin ng mga Iglesia Ni Cristo® 1914.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Ang TUNAY na IGLESIA raw ay HINDI DALAWA kundi IISA. Kaya't kung ang UNANG IGLESIA ay BUHAY pa rin hanggang ngayon eh PEKE ng PANGALAWANG IGLESIA NI CRISTO!

PASUGO Abril 1966, p. 46:
Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

At kung sasabihin man nilang NATALIKOD na GANAP ang UNANG IGLESIA NI CRISTO, baka naman magulat sila sa OPISYAL na PAHAYAG ng kanilang magasing PASUGO

PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

Hanggang sa KASALUKUYAN (1966) pa pala ay TUNAY pa ring IGLESIA NI CRISTO ang IGLESIA KATOLIKA mula pa noong UNANG SIGLO!

Kaya't TAMA ang KINALABASAN ng panayam ni G. Inocencio sapagkat ang Iglesia Ni Cristo® ay isang kulto lamang na umusbong sa Pilipinas noong 1914 at siyan'g Iglesiang kinikilala lamang ng mga kaanib na PROUDLY PINOY MADE!

Iglesiang PEKE, KULTO at PINOY-MADE!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.