Pages

Tuesday, April 28, 2015

Antonio Ebangelista: Matapang na Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na bumisto sa Kurapsiyon sa loob ng pamamahala ay nagbanta sa mga Catholic Defenders!

"...mga Catholic Defenders, at iba pang relihiyon na nais manira sa atin, maghintay lang kayo na matapos itong pakikipagdigma naming ito at kayo naman ang isusunod namin." -Sulat mula pa rin kay G. Antonio Ebangelista (di niya tunay na pangalan), isang Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagbubunyag ng katiwalian sa loob ng INC™ sa pangunguna ni G. Glicerio "Jun" Santos Jr., General Auditor.

LET ME MAKE MYSELF CLEAR…
April 27, 2015

Mga mahal na Kapatid,

Ako po ay buong galang na sumulat po sa inyo upang bigyang linaw ang ilang mga bagay upang huwag magkaroon ng kalituhan sa mga kapatid po nating sumusubaybay sa mga nagaganap ngayon sa Social Media kaugnay n gating pagsisikap na isiwalat ang mga katiwalian sa loob ng Sanggunian at ang kanilang mga kasamang mga tiwaling Tagapangasiwa at mga Ministro.

Narito po ang mga sumusunod (ang mas malalim na paliwanag ay ang susunod po):
  1. Ako po ay mag-isa lamang na sumusulat ng mga ito. Ang mga larawan, dokumento at iba pang mga ebidensya ay mga ipinadala lamang sa akin ng mga kapatid sa iba’t-ibang panig ng mundo na amin pongipina-verify muna ang “authenticity” ng mga ito bago po naming ito isiniwalat sa facebook at iba pang social networking sites.
  2. Hindi po ito ang aking tunay na pangalan. Ang maaari ko lamang pong ibahagi ukol sa akin ay, ako po ay Ministro ng Iglesia ni Cristo (hindi po ako tiwalag), ako po ay naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan ng Central, at ako po ay nagsasabi ng katotohanan ukol sa mga bagay na aking nalalaman, napag-alaman at nasaksihan.
  3. Ilalahad ko po ang mga bagay na ito sa pinaka-“unbiased” at pinaka-“objective” na paraan. Hinihikayat ko po ang mga nagko-komento sa mga mensahe ko o nagse-share nito, na iwasan pong haluan ng maling pakahulugan ang mga ito na maaaring isipin ng mga kapatid na babasa, na ganito rin ang aking isipana t paninindigan. Matatalino po ang mga kapatid nating bumabasa ng mga mensaheng ito at kaya na po nilang maunawaan ang mga bagay na kanilang nakikita. “Let the evidence presents itself”.
  4. Tiyakin po nating nababantayan natin ang ating puso sa ating isinasagawang pagsusuri at paghahayag sa katotohanan. Kapag pina-iral po natin ang labis na emosyon, maaari pong mabahiran nito ang ating pagdedesisyon na magdadala sa atin sa maling reaksyon. Maging patas tayo sa pagtingin sa mga ebidensya at pahayag upang makapanindigan tayo sa wasto at tama. Huwag tayong magmumura, maninirang puri o pagsasalita ng laban sa kanino man ng wala namang katotohanan o ebidensya, huwag tayong magsasalita ng mahahalay o may kalaswaan. Huwag nating ibaba ang lebel ng ating pagkatao sa pamamagitan ng ganitong pag-uugali, pananalita o aktwasyon. Maging matalino tayo sa pagpapahayag at pakikitungo sa bahaging ito. Dahil sa oras na hindi maganda ang uri ng ating pananalita ay lumiliit o nawawalan ng halaga ang HALAGA ng ating sinasabi hanggang sa ito ay magmistulang ingay na lamang sa ating pandinig, masasayang ang ating pagsisikap na ihayag ang kamalian at ibunyag ang katiwalaian. Kaya mga kapatid, maging mahinahon tayo sa lahat ng oras at maging maayos sa pakikipagusap kahit pa hindi natin sinasangayunan ang sinasabi ng iba ukol sa atin.
  5. Ang mga FB Friends ko dito na maaaring nagsasagawa din ng kanilang sariling mga paghahayag ng katotohanan, ay hindi ko po mga kasamahan, hindi ko rin po sila kilalang personal at hindi rin po nila ako kilalang personal. Iisa tayong lahat sa paninindigan, magmamalasakit sa mga kapatid at sa Iglesia, sa paghahangad na maingatan ang Tagapamahalang Pangkalahatan, na maingatan ang Pamilya ng Ka Erdy at maihayag ang mga taong tampalasan sa layunin na maibalik ang Iglesia sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan. Sa mga bagay na ito ay kaisa ninyo akong lahat.
  1. SUBALIT… oras na maiba na po ang inyong paninindigan o reaksyon sa mga bagay na aking inihahayag, diyan na po tayo MAGHIHIWALAY NG LANDAS.
  2. Hindi po ako kailanman magpapahayag na labanan ang Tagapamahalang Pangkalahatan o kaya naman ay palitan ang Tagapamahalang Pangkalahatan, HINDING HINDI po. Kung buhay man ay nakahanda nating ilan para sa ating pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan. Anoman ang may kinalaman sa Tagapamahalang Pangkalahatan ay direktang sagutin ito sa Panginoong Diyos ng namamahala sa Iglesia. Wala sa akin o sa kanino man sa atin ang karapatan na pasyahan ang Tagapamahalang Pangkalahatan.
  3. Hindi po ako kailanman magpapahayag na gumawa tayo ng labag sa Doktrina para lang isulong ang mga pagbabagong ito sa ikalilinis ng Iglesia. Hindi po ako manghihikayat sa kaninoman na huwag sumamba, o huwag maghandog, o huwag magtanging handugan o mag-lingap. Sapagkat ito ay mga sagradong aral na ating tinanggap at hindi kailanman maitutuwid ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng isa pang pagkakamali. Hindi ko kailanman DIDIKTAHAN ang sinoman na maniwala sa akin o gumawa ng isang bagay na hindi akay ng kaniyang pag-ibig at pananampalataya. Sa bahaging ito ay gagawin po natin ang ating bahagi, ang Diyos naman po ang gagawa ng Kaniyang bahagi. Hindi po ako kailanman manghihikayat na makipagaklasan tao o mag-boycott o mag-rally. Wala akong irerekomendang anuman na mauuwi lamang sa karahasan o kaya ay paglaban sa mga aral na ating tinanggap. Hindi rin po ako magrerekomenda ng anumang aral o pananampalataya o libro na nagtuturo ng hindi tunay na pananampalataya dahil nakasalig lang sa karunungan ng tao at hindi sa karunungan ng mga aral ng Diyos. Kaya kapag mayroong anumang ganyang mga sinasabi o nirerekomenda, wag na po kayong makipagtalo sa kanila o makipag-away, basta burahin nyo na lamang ang kanilang mga posts at huwag nyo na silang patulan pa.
  4. Hindi po ako kailanman naghahangad ng rekognasyon o gantimpala kaya ko ginagawa ito, kundi dahil sa mahal ko ang aking Karapatan at sumasampalataya ako na ang hindi pagkilos patungo sa paggawa ng tama ay isang patalikod na pakilos patungo sa paggawa ng kasamaan. Wala rin po akong ambisyon na pumalit sa Sanggunian gaya ng ipinararatang ng iba at wala rin po akong balak na magrekomenda ng sinuman na maaaring pumalit sa Sanggunian. Ang Tagapamahalang Pangkalahatan lamang ang may karapatan na gumawa niyan. Ang akin po ay maituwid ang mga kamaliang lumaganap mula sa Sanggunian pababa sa kanilang mga katuwang na mga tiwaling mga Ministro. Kaya ipaglalaban ko ito hanggang sa wakas ng aking buhay.
  5. Hindi po ako si Ka Angel Manalo o si Ka Marc Manalo gaya po ng ibinibintang ng mga Taga-Sanggunian sa isipang papaniwalain ang kanilang sarili para lamang magkaroon sila ng dahilan para lalong gipitin ang dalawang magkapatid. Huwag ninyong isisi sa kanila ang mga kasalanan ninyo laban sa Iglesia at sa Ama. Huwag ninyong gamitin akong dahilan para papaniwalain ang sarili ninyo na may dahilan kayo para parusahan sila, gipitin sila at ITIWALAG SILA gaya ng inyong pinaplano kaya nyo inihanay ng ganun ang leksyong pang-sabado at linggo sa linggong ito. Ako ay lubhang nahihiya kay Ka Marc at Ka Angel dahil sa ni hindi nga nila ako kilalang personal. At hindi talaga ako nagpakilala sa kanila para huwag silang lalong paginitan kapag pilit silang paaaminin ng Sanggunian kung sino ako dahil kaya nilang sumumpa na hindi talaga nila ako kilala. Ni minsan ay hindi sila nag-udyok sa kanino mang kapatid na lumaban o magreklamo sa Pamamahala sa kabila ng panggigipit na kanilang nararanasan. Ang laging bukang bibig nila noong nakakasalamuha pa sila ng maraming mga kapatid ay pawang pagmamahal at pagpapasakop sa Pamamahala at pag-ibig sa mga Kapatid at sa Iglesia.
  6. Hinihikayat ko po ang mga kapatid na huwag ng magkomento ukol sa Ka Angel at Ka Marc na para bang ang dating ng kanilang sinasabi ay mas maganda sana kung sila na lang ang maging Tagapamahalang Pangkalahatan. Hindi po nila iyon kailanman pinag-isipan o hinangad. Kaya sa tuwing gusto nating magpahayag ng paghanga sa kanila at pangungulila sa kanila ay maging maingat at matalino po tayo dahil sa ang mga ganitong pahayag at aktwasyon ang syang ginagamit na bala ng Sanggunian para papaniwalain ang Tagapamahalang Pangkalahatan at ang ibang mga Ministro at mga Kapatid na di-umano ay isang OPOSISYON ang magkapatid na ito laban sa kanilang kapatid. Yan ang katusuhang ginagawa ng Sanggunian para papag-awayin ang Pamilya ng Ka Erdy at pasamain sa paningin natin ang mga magkakapatid. Hindi po sila nangangalap ng simpatya o suporta sa kanino man sa layunin na maipuwesto sa anumang posisyon sa Iglesia, ang nais lamang nila ay makapamuhay ng maayos at payapa sa piling ng kanilang banal na Tungkulin sa loob ng Ministerio
  7. Sa darating na Linggo ay maririnig na naman ninyo ang isa pang leksyon na inihanay ng Sanggunian at ito ay aming babasahin sa panahon ng pagsamba para papaniwalain kayo, ang lahat ng mga sumasamba, na talagang lumalaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan ang kaniyang mga kapatid at gagamitan pa nila ito ng mga sitas sa Biblia at kasaysayan ng mga unang namahala sa bayan ng Diyos. Subalit bago nila lubos na gamiting kasangkapan ang banal na leksyon sa pagsamba para sa isang masamang layunin, ay akin pong ipagpapauna na ang leksyon na kanilang itinuro sa amin upang ituro sa inyo sa panahon ng pag-samba para magalit kayo sa mga kapatid ng Ka Eduardo.
  8. Nililinaw ko po na ang aking ipinaglalaban sa digmaan ng pananampalatayang ito ay HINDI ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN kundi ANG GUMAGAWA NG KATIWALIAN SA HANAY NG SANGGUNIAN. At huwag ninyong baligtarin ang pahayag kong ito. Ang mga dating-magigiting na mga Ministro na nasa Sanggunian ngayon ang naging pugad ng katiwalian, pagmamalabis, pang-aabuso sa tungkulin at paghahangad ng labis sa kayamanan. Ito ang dahilan kaya naging mapagmatyag na ang mga kapatid ngayon. Sila na mismo ang nagpapadala ng mga litrato, dokumento, ebidensya ng inyong mga katiwalian, mahalay na pakinabang, pagiging dalawang dila, hindi tapat sa dalisay na salita ng Diyos na inyo ring itinuturo tuwing sumisigaw kayo sa tribuna subalit nakalulungkot na iba ang inyong itinuturo at iba rin ang inyong ginagawa. Kaya hindi na ninyo mapipigil ang pagpapadala ng mga kapatid ng mga ebidensya ng inyong hindi maipaliwanag na kayamanan, mga maluluhong pamumuhay, mga magagarbong sasakyan, itinatagong malalaking bahay at maging ang inyong mga dummy bank accounts at mga pakikipagcontrata sa mga negosyante sa layunin na magkamal ng malaking pakinabang. Habang tumatagal kayo sa pagiging Sanggunian ay lalo ninyong nilalagyan ng batik ang banal na Ministerio at ang kabanal-banalang Pamamahala sa Iglesia.
  9. Sa lahat naman ng mga hindi namin kapananampalataya, mga nagmamanman sa FB at nangangalap ng mga ganitong bagay sa isipan ninyong magagamit ninyo ito laban sa Iglesia o para siraang puri ang Iglesia. Nagkakamali kayo! At ako rin ang unang unang makakalaban ninyo. Ang pagsisiwalat na ito ay masasabi kong “necessary evil”, kinakailangang gawin kahit pa mangahulugan na maaari itong maglabas ng maseselang bagay ukol sa Iglesia na maaaring gamitin laban sa atin. Subalit ito mismo ang KATUNAYAN na ang mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo ay ang nasa tunay na pananampalataya dahil hindi tayo gaya ng ibang relihiyon na sa layunin na huwag maeskandalo ay pinagtatakpan ang mga kamalian at katiwalian. Itinago nila ito at ng ito ay nahayag ay lalo silang nagmukhang kahiyahiya dahil pilit pa nila itong itinago at pinangatwiranan. Ibahin ninyo ang Iglesia, dito kapag may mali, itinutuwid, dinidisiplina ang kailangang disiplinahin at hindi bulag at piping taga sunod ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Hindi kami mga panatiko na basta lang sunod ng sunod dahil may Diyos kami na gumagabay sa Iglesia at sa kaniyang Tagapamahalang Pangkalahatan. Lalo pa nga ninyong subaybayan ang mga magaganap ngayon dahil sa oras na maihayag ang mga taong tampalasang ito, hindi ko lang alam kung hindi bumuka ang lupa at lamunin ang buong angkan ng mga ito. At kahit anong gawin ninyong pageespiya sa amin, wala kayong makukuha na maaaring bumuwag ng aming doktrina sapagkat napakatibay nito dahil nakabatay sa mga dalisay na salita ng Diyos at hindi sa aral ng kung sinomang tao. Kaya kahit pa may makakuha ng mga impormasyong ito na taga ADD, mga Catholic Defenders, at iba pang relihiyon na nais manira sa atin, maghintay lang kayo na matapos itong pakikipagdigma naming ito at kayo naman ang isusunod namin. [Hihintayin namin 'yan! Pero dapat matapang kang humarap sa Iglesia Ni Cristo® nang walang alias o TAGONG PANGALAN!] Wala kayong mapapala dito. Wag ninyong gamitin ang mga usaping ito para maki”ride” lang kayo, sumangayon kunwari pagkatapos ay magtatanim kayo ng maling pananampalataya sa mga bumabasa at pagmumukhain nyo pa na para bang ganito rin ang aming itinuturo. Kahit gaano nyo pagbalikbaliktarin ang mundo, mananatiling iisa ang tunay na Iglesia, na ililigtas ng Panginoong Jesucristo pagdating ng araw ng Paghuhukom, at pasensya na, hindi po kayo yun. Iglesia Ni Cristo lamang. Kaya mga kapatid lalo tayong maging mapagmatyag at magpakatatag upang huwag tayong mahikayat ng bawat ihip ng maling pananampalataya. Hindi natin ito ikaliligtas. [Ang mga kaanib ng INC™ ay mahilig maki-ride on sa mga issue tungkol sa mga paring nagkasala o sa ano mang issue na napapag-usapan tungkol sa Iglesia Katolika, sa Santo Papa o sa Vatican City. Ito'y pinag-uusapan nila sa kanilang mga opisyal na pahayag sa print, radyo at telebisyon. Kung anong panukat na ginagamit mo sa kapwa ay siya ring panukat ang gagamitin sa iyo ng Diyos (Mat. 7:2).]
  10. Sa mga kapatid na nagagalit sa akin dahil daw sa ang ginagawa ko ay nakapagpapahina ng pananampalataya ng mga kapatid lalo na yung mga bagong bautisado at mga madalang sumamba. Iisa lang po ang aking masasabi sa inyo, ANG PAGSUBOK ay pinadadanas nya sa kaniyang Lingkodo sa Iglesia dahil may nais mapatunayan ang Panginoong Diyos… nais Nyang makita ang ating KATAPATAN SA KANIYA. DINADALISAY nya ang Iglesia, pinararanas ng mga pagsubok, hindi lamang sa lman kundi pagsubok sa pananampalataya. Tinitingnan ng Panginoong Diyos na KUNG (kondisyon) makaranas man ang kapatid o ang buong Iglesia ng Pagsubok o Katitisuran… mananatili ba sya… o titigil na, manlalamig na at aalis na sa kaniyang kahalalan. Kaya ito ang paraan ng Panginoong Diyos para makita kung sino lamang ang karapatdapat manatili para magkamit ng kaligtasang ipinangako Niya. Iyan ang dahil kung bakit mayroon kapatid na marahil ay nakasaksi sa isang bagay na masasabi nating “harmless” naman sa pananaw natin, subalit dahil kakaunti ang kaniyang pananampalataya ay nanlamig sya. Meron namang kapatid na kahit nakasasaksi ng ganitong matitinding katiwalian, pagmamalupit at iba pang pagsubok, sa halip na manghina at humiwalay, ay lalong nagtumibay at nanghawak sa magagawa ng Panginoong Diyos. Lalo nyang napatunayan na ang kaniyang pananampalataya ay hindi sa kanino mang tao kundi sa Panginoong Diyos na tumawag sa atin. Kya mga kapatid sa halip na iwasan natin ang mga pagsubok sa pananampalataya nating ito, sa halip na sabihin nating, “hayaan nyo na lang po kapatid, kesa naman malaman pa ng mga kapatid na may ganyang problema ang Iglesia at lalo pa syang manlamig”.. hindi po yan ang solusyon, harapin natin ng buong tapang ang mga pagsubok na ito at MANGHAWAK TAYO NG ATING PAG-ASA na ang Panginoong Diyos ang magkakaloob sa atin ng lakas at pamamaraan para tayo magtagumpay.
  11. Sa mga kapatid na patuloy na nagsasabing “Kapatid maaari po bang ipaubaya na natin sa Diyos ang lahat ng ito? May Diyos po ang Iglesia at Siya napo ang bahalang maghayag sa mga taong tampalasan, manalangin na lang po tayo at umasa, itigil nyo napo yang ginagawa ninyo, wag po ninyong pangunahan ang Ama…” Nais ko lang pong linawin mga kapatid na sa ginagawa nating ito ay hindi pangunguna sa Panginoong Diyos, sapagkat walang sinomang may kakayanang pangunahan ang Panginoong Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay. Subalit hindi naman marapat na tumunganga lang tao at manalangin at hayaang ang Ama na lamang ang syang magpalaki sa atin, magluto ng pagkain natin, subuan tayo, paliguan tayo…? Nauunawaan nyo naman po siguro ang napakasimpleng pagtutulad na ito. Nasa atin ang gawa, kailangan ang gawa… subalit aling gawa? Ang ayon sa kalooban ng Ama. Kung hindi sana, edi sana pala ay wala ng iniutos ang Panginoong Diyos sa kaniyang bayan at ang Diyos na lang ang bahala nagpaguho sa Jerico, o kaya ay hindi na sana Niya inutusan si Moises na ilabas sa pagka-alipin ang bayang Israel, bahala na ang Diyos, o kaya ay hindi na tayo kailangang kumain, bahala na ang Diyos… Bahala na ang Diyos NA IPAGKALOOB SA ATIN ANG TAGUMPAY kung ginagawa natin ang kaniyang kalooban. Dahil kapag hindi ayon sa kalooban ng Panginoong Diyos ay tyak na hindi naman ito pahihintulutan ng Ama. Ano ang katunayang ginagawa na ng Ama ang kaniyang bahagi nung ginawa naman natin ang ating bahagi na tayo ay nagpanata at umaksyon, unti-unti na Niyang inihahayag ang mga taong tampalasan, dumadagsa na ang mga ebidensya laban sa mga taga Sanggunian at mga tiwaling mga Tagapangasiwa at mga Ministro. Lumabas na sa news ang pakikialam ng Ka Codera sa Buerau of Customs at lalabas na rin ang iba pa. Bakit, dahil sa hinihintay lang tayo ng Ama na magkaisa at manindigan sa panig Nya at siya na ang bahalang magkaloob ng pagtatagumpay sa atin.
  12. Sa mga Kapatid na nagtataka kung bakit hindi ako nagpapakilala kung sino talaga ako, pagpasensyahan nyo na po itong maliit na pangangailangang ito upang maprotektahan ang mga kapatid na tumutulong sa akin na maipalaganap ang mga mensaheng ito sa layuning maisagawa ang puspusang pagbabago sa Iglesia. Ngayon nga pong hindi nakalantad ang aking tunay na pangalan, larawan at lokasyon ay buong husay ng sinisikap ng Sanggunian sa pamamagitan ng INC IT Group na mas kilala sa pangalang ACTIV upang tugisin ako, I-locate ako, ishutdown ang facebook account ko at websites at email addresses… edi lalo na kung kilala talaga nila ako. Kaya ipagpaumanhin po sana ninyo kung yun ay hindi ko maipagkaloob sa inyo. Ang tanging maibibigay ko ay ang katotohanang aking dala upang ito ay inyong masuri, maunawaan, dahil kayo at wala ring iba ang magpapasya kung ito ay inyong paniniwalaan at kung kayo ay makakasama namin sa pagsasanggalang sa Iglesia laban sa pananamantala ng mga tiwaling Ministro na lumilinlang sa Tagapamahalang Pangkalahatan.
  13. Sa mga kasama kong mga nasa Ministerio, marami sa inyo ang ngayon ay nakasubaybay din sa mga nagaganap ngayon. Marami sa inyo ay mga mas nauna pa sa amin sa Ministerio at naging malalakas na katuwang pa ng mga naunang namahala sa Iglesia. Ngayon po kayo lalong kailangan ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Hindi kayo bulag, hindi kayo bingi at lalong hindi kayo pipi. Tinanggap natin ang mga dalisay na aral ng Panginoong Diyos na itinuro sa atin sa pamamagitan ng Sugo at ng mga namahala sa Iglesia. Ngayong nasasaksihan natin nalalapastangan na ang doktrina, ang mga tuntunin, at ang banal na kaban ng Iglesia… magsasawalang kibo pa rin ba kayo? Nauunawaan ko at nating lahat kung bakit hindi kayo makakilos dahil sa lakas ng impluwensya ng Sanggunian na sapat para kayo ay parusahan, alisin sa Karapatan at ipatiwalag ng walang proseso. Sino nga naman ba ang hindi matitinag sa ganyang kapangyarihan ng Sanggunian? Subalit kapag nagkaisa tayong lahat, mga Tagapangasiwa, mga Ministro, mga Manggagawa, mga BEM Student, mga Mayutungkulin at lahat ng mga Kapatid, maipararamdam natin sa Pamamahala na tayo ay sa Panginoong Diyos at sa kaniyang Tagapamahalang Pangkalahatan. At kapag nakikita natin na nagmamalabis na ang mga taga Sanggunian na ito ang nagsasapanganib sa kaligtasan ng ating namamahala at ng kaligtasan ng mga kapatid sa ilalim ng ating pangangalaga… hindi ba tayo kikilos? Hindi ba’t nanumpa tayo na kahit buhay handa nating ibigay sa Tagapamahalang Pangkalahatan, [Sino sa kasaysayan ng INC™ ang namatay na alang-alang sa INC™ o kay Felix Manalo o sa Sugo nila o sa Tagapamahalang Pangkalahatan? Wala pa! Lahat TAKOT na harapin ang Sangunian! Lalo na, ang kamatayan!!] kaya kahit ilang daang Jun Santos, Radel Cortez, Erdz Codera, Matt Pareja, Bien Santiago, Rodel Cabrera pa ang manakot sa atin at manggipit sa atin o magpagawa sa atin ng anumang bagay na lampas na sa aral na ating tinanggap o hindi ang espiritung ating tinanggap, hindi ba’t ang turo sa atin ay itakwil natin? Ngayon na ang panahong ukol para dyan. Lahat ng mga Ministro na sumusubaybay ngayon, manindigan na tayo sa panig ng totoo at hindi sa panig ng pera o kapangyarihan na ipinangangalandakan ng Sanggunian.
  14. Myamya lamang ay isasagawa na ang Video Conferencing na pangungunahan ng kapatid na Glicerio B. Santos Jr. alam kong iuulat agad sa kaniya ni Ka Emer Culala ang paglabas muli ni Antonio Ebangelista. Sana kung gaano sya katapang na ipagsigawan sa Iglesia na “Bumili kayo ng Coffee Table Book”, “Bumili kayo ng Phil. Arena Tickets”, “Magtanging Handugan kayo para sa Close-Open Centennial” sana ganyan din sya katapang na sagutin isa-isa ang mga iregularidad na kanilang pinasimulan sa Sanggunian. Hahaba tayo ng husto kapag inisa-isa ko pa ang lahat ng mga nilapastangan nyang tuntunin at doktrina sa Pananalapi. Yan lang sana ang masagot nya sa Video Conferencing ay papayapa na ang Iglesia, pero wag na wag nyang gagawing ipagsisigawan ang kaniyang “personal agenda” at gagamitin nya ang pangalan ng ating pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan, baka bigla nalamang siyang umurong ang dila o kaya ay mabuwal sa kaniyang kinatatayuan. Mga kapatid kong mga Ministro, tayo ang itinalaga ng Panginoong Diyos na maging bantay ng Iglesia, sana maging malakas na katuwang tayo ng Tagapamahala sa paraan na nagtatapat tayo sa kaniya sa paggawa ng tama at ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya kapag lihis na sa katotohanan, huwag tayong matakot na magtanong at manindigan sa kung ano ang tama. Sana nasa puso pa talaga natin ang sinumpaang pangako natin sa Panginoong Diyos noong araw na tayo ay maordinahan… dyan tayo magsusulit sa Panginoong Diyos at hindi sa SANGGUNIAN.

Lubos po ang aking pag-asa na sana po ay patuloy tayong magsama-sama sa taimtim at mapayapang pagpapanata tuwing alas-10 ng gabi, saan man kayo naroon ng inyong Samabahayan, gugulin natin ito sa pagmamakaawa sa Panginoong Diyos na malampasan ng Iglesia ang napakatinding pagsubok na ito sa ating Pananampalataya. Maraming salamat po.

Ang inyong kapatid kay Cristo,

Antonio Ebangelista

Email: antonioebangelista@yahoo.com


Copy & Paste these hashtags on all your posts:

‪#‎inc100 ‪#‎inccentennial ‪#‎inc4life ‪#‎iglesianicristo ‪#‎incootd ‪#‎incfashion ‪#‎incmedianews ‪#‎inctv ‪#‎net25 ‪#‎incmedia ‪#‎increview ‪#‎fymfoundation ‪#‎mycountrymenmybrethren ‪#‎kabayankokapatidko ‪#‎incselfiechallenge ‪#‎incwikileaks ‪#‎sanggunian ‪#‎eduardomanalo ‪#‎erañomanalo ‪#‎radelcortez ‪#‎gerrypurification ‪#‎junsantos ‪#‎gliceriobsantosjr ‪#‎rodelcabrera ‪#‎bienvenidosantiago ‪#‎erdzcodera ‪#‎ernestosuratos ‪#‎mattpareja #activ #buklod #kadiwa #binhi ‪#‎antonioebangelista ‪#‎iglesianicristosilentnomore

1 comment:

  1. PWEDE NA PALANG MAGTIWALAG NA HINDI NA IDADAAN SA PROSESO. KUM BAGA SA JUDGEMENT NG TAO KAHIT HINDI PA NAPAPATUNAYAN NA NAGKASALA KA KUNDI BUNGA LANG NG GALIT E PAPATAYIN KA AGAD? TAKO'T AKO DUN A..!WALANG KATWIRAN ANG GANITONG PAGHATOL....!

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.