Pages

Saturday, April 25, 2015

UPDATE: Katiwalian sa Iglesia Ni Cristo® local ng Japan!

TODAY IS THE FEAST OF ST. MARK THE EVANGELIST! Pray for us!
Mula sa Iglesia Ni Cristo Silent No More

"...bubukod ng lakad ang Kapatid na Jun Santos at sya na lamang ang pupunta ng Japan. Alam po ng lahat ng mga taga-Japan na si Ka Manny Benidicto ay “hand-picked” ng Ka Jun Santos nang siya ang ipinuwesto ng Ka Jun para maging Tagapangasiwa ng Japan. Si Ka Jun ang siyang mangangasiwa ng Lingap Pamamahayag sa Japan sa Mayo 3, subalit isasagawa na lamang ito thru WEBEX (Video Conference). Subalit ang hindi nauunawaan ng Ka Jun at ng kaniyang inilagay na Tagapangasiwa ay kung gaano kaselan ang kalagayan ng rehistro ng Iglesia sa Japan. Alam ito ng lahat ng mga Kapatid doon subalit hindi ito pinapansin ng Ka Manny Benedicto. Dahil dito ay nanganganib na mapatawan ng mabigat na kaso ng Japan ang Iglesia Ni Cristo dahil sa hindi ito nakapagbabayad ng kaukulang buwis sa Tax Center ng Japan. Dito ay nanganganib na mapatawan ng parusa ang INC sa punto na ito ay mapasara at mapauwi ang lahat ng mga Ministro at mga kapatid na hindi Japanese citizen. Ito ang napakalaking problemang kinakaharap ng Iglesia sa Japan dahil sa hindi maayos na pamamalakad sa pananalapi, na sa layuning makuha ang lahat ng handugan ay binalewala ang kaukulang pagugugulan nito para sa kapanan ng Iglesia.

Narito ang update tungkol sa nasabing Tax Evasion problem ng INC® local ng Japan, salamat kay G. Antonio Ebangelista

GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN

April 24, 2015 Antonio Ebangelista
PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS

April 24, 2015

Mga mahal na Kapatid,

Marahil ay inyo na pong napakinggan lahat ang video clip ng Kapatid na Eraño G. Manalo ukol sa mahigpit na biling ng Kapatid na Felix Y. Manalo sa kaniya ukol sa kahalagahan ng masinop na Pananalapi sa Iglesia. Na wala dapat utang ang Iglesia, na hindi dapat magsasagawa ng anoman ng hindi natitiyak na may sapat na pondo o maayos na pananalapi. Na kapag nagsimula ng pumasok ang utangsa Iglesia ay buwisit na ang kaniyang buhay.


Natupad ba sa atin ito sa kasalukuyang panahon? Opo, simula po ng pumanaw na ang Kapatid na Eraño G. Manalo at nagsimula ng manamantala ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. sa kabang yaman ng Iglesia at hindi na nasinop ang pananalapi sa Iglesia dahil sinaklaw na niya ang tungkulin bilang Ingat Yaman dahil sya na ang kumokontrol ng labas at pasok ng pera at wala namang makakapigil sa kaniya dahil sa siya din ang Awditor ng Iglesia. Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….

Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa napakaling suliranin na kinakaharap ng Iglesia Ni Cristo sa Japan na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang ukol sa taxation duties ng Iglesia ni Cristo sa pamahalaan ng Japan. Ang bagay na ito ay ilang beses ng isinulat ng mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit laging hindi ito binibigyan ng pagpapahalaga. Bilang katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na ng Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo ng utang nakailangang bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.

Kung mapapansin ninyo ay pawang purong kapabayaan sa pananalapi ang isyu kaya napipinsala ang malinis na pangalan ng Iglesia at napapasapanganib ang paglilingkod ng mga kapatid.

Itong dokumentong ito ay nakalagay sa isang folder na may nakasulat na STRICTLY CONFIDENTIAL at ipapadala sa Tagapangasiwa ng Japan sa layunin na ito sana ay maaksyunan na. Sa layunin ng mga kapatid na matiyak na hindi ito ma-cover up na naman gaya ng mga nagdaang pangyayari sa layunin na huwag mapasama ang imahe ng Tagapangasiwa. Dahil sa ilang beses na itong ipinagsawalang bahala ng Tagapangasiwa, may ilang mga kapatid ang nagpasyang kunan ito ng larawan at ipinadala sa amin upang maisiwalat natin ang matagal ng nagaganap na problema sa Japan ng dahil sa hindi masinop na pananalapi at pangangasiwa. Ito ang pangunahing dahilan kaya pupunta ang Ka Jun Santos sa Japan, upang matiyak na kung hindi ito masusulusyunan, ay makagawa ng isa pang dummy account kung saan maaaring i-deposit ang pera upang huwag na itong maisama sa financial review na gagawin ng Japanese government.

Sa halip na pagtakpan pa ang problemang ito at maisapanganib pa ang paglilingkod ng mga kapatid sa Japan na kay tagal na hiniling sa Panginoong Diyos na sila ay malayang makapagsagawa ng paglilingkod sa Ama, ng dahil lang sa kapabayaan at kapangahasan ng ilang mga tiwaling Ministro sa hanay ng Ka Jun Santos, Ka Manny Benedicto at mga kasama pa nila na pilit na binabaluktot ang batas ng dahil sa pansariling pakinabang. Sana, ngayon na ito ay nalalaman na ng lahat ng mga kapatid na sumusubaybay dito, sana naman ay gawan nyo na ng tamang aksyon at hindi ang pagtakpan pa ang problemang ito at ipagwalang bahala uli.

Narito po ang nasabing Confidential Report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan. 







Ang inyong kapatid kay Cristo,

Antonio Ebangelista

More articles and evidences of corruption and scandalous debts of INC tomorrow. Stay tuned-in our beloved corrupt Sanggunian and equally corrupt cohort-Ministers…

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.