Pages

Monday, May 4, 2015

Ang kapangyarihan ng Hades ay hindi makapananaig sa aking Iglesia...(Mat. 16:16-18)

'Yan ang mga binitiwang PANGAKO ni CRISTO ukol sa TATAG niyang TUNAY na IGLESIA!

Simula pa noong ito'y naitatag, ITO pa rin ang DATI at TUNAY na IGLESIA ni Cristo, hindi nagbago, hindi natalikod, hindi dapat pang i-rehistro at patuloy na umiiral hanggang sa panahon natin sa kasalukuyan.

"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."-PASUGO Mayo 1968, p. 5

Patunay lamang na HINDI NATALIKOD ang UNA, ORIG at TUNAY na IGLESIA katulad ng haka-hakang kwentong kutsero at kasinungalingan ng pekeng "huling sugo" raw ng Iglesia Ni Cristo® o INC™ na si FELIX Y. MANALO!

Ayon sa isang Ministro na nagtatago sa pangalang Antonio Ebangelista sa kanyang ginawang blog na Iglesia Ni Cristo Silent No More na nagsisiwalat sa KATIWALIAN ngayon sa PANANALAPI ng INC™ at ng pamilya ng kanilang sugo ay nagsabi:

"...totoo ngang mayroong nakapasok ng lihim sa Iglesia, na siya namang ipinagpauna na ng Biblia, at nagpasimula ng pagtalikod sa Iglesia sa pamamagitan ng pagmamalabis ng mga Saserdote o mga Ministro, panggigipit, kahambugan, pag-ibig sa salapi at materyal na bagay at ang katiwalian, ang dapat na maging epekto nito sa atin ay ang lalong manghumawak sa mga salita ng Diyos."

Nakapasok na nga raw ang katiwalian sa loob ng kanilang Iglesia na ipinagpauna na raw ng banal na Kasulatan-- ang pagtalikod sa Iglesia.

TAO NGA NAMAN ANG TUMALIKOD at HINDI ang IGLESIA. Gayon din naman ang patunay sa ORIG na IGLESIA ni CRISTO.  Tumalikod ang tao at hindi ang Iglesia.

Lalong lumalabas WALA ngang TOTAL APOSTASY o GANAP NA PAGTALIKOD na itinuturo ni Felix Y. Manalo noong siya't nagsimula pa lamang ng kanyang pangangaral UKOL dito sa BAGONG SULPOT na Iglesia Ni Cristo® raw.

Paalala ng kanilang magasing PASUGO God's Message, February 2012, Volume 2, ISSN 0116-1636, pp. 27-29 (Sinulat ni Lloyd I. Castro)
Ang Panginoong Jesucristo na tagapagtatag mismo ng Iglesia, ang mga apostol Niya, at higit sa lahat, ang Dakilang Diyos, ang mga nagpapatotoo kung alin lamang sa napakaraming iglesia at pangkatin ng pananampalataya ngayon ang iisang Iglesiang titinatag ni Cristo. 
Iyon ang iglesiang dapat nating pasukan upang maging totoo at matibay ang ating pagkakatiwalang may relasyon tayo sa Panginoong Jesus, at sa gayon, tayo'y sa Ama na iisang tunay na Diyos.
Ayon pa sa PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Napakadali palang TUKUYIN kung alin ang tunay sa hindi. Kung alin sa mga nagpapanggap ng Iglesia sa kasalukuyan ang itinayo ni Cristo. Samakatuwid, SIPIIN natin ang mga NAKASULAT sa mga aklat ng KASAYSAYAN kung kamakailan lamang NAGSULPUTAN ang mga nagpapanggap na yan.

PASUGO July August 1988 PP. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”

PASUGO March-April 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."

Totoo nga naman na DAPAT lamang tayong PASAKOP sa TOTOONG IGLESIA at hindi sa HUWAD lamang.  Kaya't ayon sa mga bayarang Ministro ng INC™ dapat nating ALAMIN kung alin sa dinami-rami ng mga NAGPAPANGGAP na IGLESIA ang siyang tunay na IGLESIA NI CRISTO.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Ngayon ay MAS MADALI na sa ating TUKUYIN kung alin.  Sa pangalan pa lamang ng NAGTATAG nito ay malalaman na! Kung tao ang nagtatag-PEKE. Kung si Cristo ang nagtatag-TUNAY!

Sinong nagtatag ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas?


PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5 (ang pagdidiin ay akin)

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Sino ang nagtatag ng Iglesia Katolika?

PASUGO, Abril 1966, p. 46: (ang pagdidiin ay akin)
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
At kung sasabihin man nilang HINDI MAAARI sapagkat ito'y MATAGAL nang NATALIKOD tulad ng sinulat ni Lloyd Castro sa magasing Pasugo (February 2012, pp. 27-29)

Kailangan ang muling pagtatatag sa Iglesiang nagsimula sa Jerusalem noong unang siglo sapagkat ito ay naitalikod sa pananampalataya noong pumanaw na ang mga apostol (Gawa 20:29-30; I Tim. 4:1).

Natalikod noong Unang Siglo pa?

Totoo kaya?

PASUGO, Abril 1966, p. 46: (ang pagdidiin ay akin)
Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

Ang TOTOO raw eh HANGGANG SA KASALUKUYAN (taong 1966) pa nga raw ay HINDI PA NATATALIKOD NA GANAP ang TUNAY NA IGLESIANG TATAG ni CRISTO.

Taong 1966 na po yan, malayong malayo sa Unang Siglo.

So SINUNGALING kaya si Lloyd Castro ng INC™?  Anong sinasabi ng kasaysayan ukol sa nagtatag ng Iglesia Ni Cristo® at Iglesia Katolika?

Iglesia ni Cristo (Tagalog pronunciation: [ɪˈgleʃɐ ni ˈkɾisto] (English: Church of Christ; abbreviated as INC) is an international Christian denomination religion that originated in the Philippines. It was registered and preached in 1914 by Felix Manalo, who became the first executive minister.
Iglesia ni Cristo
Seal of the Iglesia ni Cristo
Seal of the Iglesia ni Cristo
ClassificationIndependent
Theology
  • Unitarianism
  • Restorationism
GovernanceHierarchical/Monarchical
Executive MinisterEduardo V. Manalo
Region102 countries and territories[1]
HeadquartersNo. 1 Central Avenue, New Era, Quezon City,Philippines[2]
FounderFelix Y. Manalo (as the registrant for the Philippine Government)
OriginJuly 27, 1914
Punta, Santa Ana, Manila,Philippines
Congregations5,545[3] as of March 2014
MembersNot published
HospitalsNew Era Hospital
EGM Medical Center (to be constructed)
Aid organizationFelix Y. Manalo Foundation
UNLAD International
Tertiary institutionsNew Era University
Other name(s)INC, Iglesia
Official websitewww.incmedia.org/www.iglesianicristo.net

Source: Wikipedia

Heto naman ang sinasabi ng Wikipedia tungkol sa pinagmulan ng Iglesia Katolika

The history of the Catholic Church begins with the teachings of Jesus Christ, who lived and preached in the 1st century AD in the province of Judea of the Roman Empire. The contemporary Catholic Church is the continuation of the early Christian community established by Jesus. Its bishops are the successors to the Apostles of Jesus, and the Bishop of Rome, also known as the Pope, is the sole successor to Saint Peter,[2] who was appointed by Jesus Christ to be the head of the church in the New Testament who ministered in Rome. By the end of the 2nd century, bishops began congregating in regional synods to resolve doctrinal and policy issues. By the 3rd century, the bishop of Rome began to act as a court of appeals for problems that other bishops could not resolve.
Totoo palang ang IGLESIA KATOLIKA ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO at hindi ang INC™.  Isang malaking KASINUNGALINGAN at PANDARAYA ang pag-aagkin sa IGLESIA nang walang katotohanan.

Tama nga naman pala ang panghihikayat ni Lloyd Castro na dapat tayong PASAKOP sa TUNAY na IGLESIA na si CRISTO MISMO ang NAGTATAG nito.

At  ang nangyayaring KATIWALIAN sa loob ng Iglesia Ni Cristo® ay hudyat kaya ng "pagtatalikod" na MULI ng "Iglesiang minsang lumitaw" sa Pilipinas noong 1914?

Sa SALAPI nagsimula ang PAGKAKATATAG ng INC™ ni Manalo, Sa SALAPI rin kaya ito babagsak ayon sa paghihimagsik na ginagawa ng kanilang General Auditor ayon kay Antonio Ebangelista?

Business is a business. At sa isang business, may magtatagumpay at may bumabagsak.  At kung sakaling bumagsak ang Corporation Sole ng mga Manalo, saan at sino na naman kaya ang "tatawagin" ni "Cristo" bilang panibagong sugo?

Bakit kaya napakalakas at napaka-impluwensiya ng GENERAL AUDITOR ng INC™ na si G. GLICERIO aka JUN SANTOS sa loob ng Iglesia Ni Cristo®? Totoo kayang siya ay ANAK SA LABAS ni FELIX MANALO ayon sa blogger na ito?

Sabi pa ng may-ari ng blog eh, kung magkagayon, si ERAÑO G. MANALO at si GLICERIO aka JUN SANTOS ay MAGKAPATID sa AMA.  Kung magkagayon si aka Jun Santos ay TIYUHIN mismo ni EDUARDO V. MANALO!

"...mga Ministrong nasa hanay ng Sanggunian na sa layuning makapanatili sa pwesto at sa kapangyarihan ay nagulat sa Tagapamahala ng mga walang katotohanang ulat sa layunin na inbunsod sa galit ang namamahala laban sa kaniya mismong mga kapatid sa laman na kasa-kasama nyang pinalaki ng Kapatid na Eraño Manalo noong nabubuhay pa sila at tinuruan ng mataas na uri ng pag-ibig at pagmamalasakit sa Iglesia ng higit sa anupamang bagay. Nawa ay maglubag ang loob ng Kapatid na Eduardo V. Manalo at muli niyang kabigin papalapit sa kaniya ang kaniyang mga kapatid, ang kaniyang nagiisang ina na ngayon ay nabibiyak ang puso sa hinagpis ng damdaming idinulot ng pangyayaring ito." -Ministro Antonio Ebangelio (di niya tunay na pangalan)

Tayo na po mga kapatid sa tunay na Iglesia ni Cristo. Doon na po tayo sa TUNAY at itakwil na po natin ang HUWAD o PEKE.

Hinihintay kayo ni Cristo!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.