Pages

Thursday, May 14, 2015

Is the Iglesia Ni Cristo® a Church of Goons, Corrupt Ministers, Conspirators, Murderers, Mafia, Thieves and warring Family Feud?

... and the goons and hoodlums want the head of Mr. Exposé Antonio Ebangelista for exposing in detail the conspiracy in covering-up the alleged corruption within the Iglesia Ni Cristo® which Felix Manalo founded in July 27, 1914. Sa hinaba-haba ng mga sinulat ni G. Antonio Ebangelista (hindi niya tunay na pangalan), dalawang beses lamang niya nabanggit ang pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 


SA LAHAT NG MGA KAPATID NA PATULOY NA SUMUSUBAYBAY SA MGA PAHAYAG NA ITO

Mga mahal na Kaptid,

Una po ay nagpapasalamat po ako sa Panginoong Diyos dahil sa pinagkalooban kayo ng lakas ng loob na magsuri at patuloy na magsuri sa mga kasalukuyang nagaganap ngayon sa Iglesia, hindi para magusyoso lamang, kundi upang malaman ang katotohanan sa likod ng mga kumakalat na bali-balita ukol sa Iglesia at upang magkaroon ng matibay na kapasyahan kung alin nga ba ang totoo na dapat nating panghawakan.

At dahil s amabilis [sic] na daloy ng impormasyon ngayon, lalo na s apamamagitan [sic] ng mga makabong pamamaraan ng komunikasyon, sa pamamagitan ng cellphones, text messaging, emails, social networking sites gaya ng Facebook, Instagram, Twitter at mga katulad nito, lalong naging mahirap malaman kung alin nga ba ang totoo at alin ang gawa-gawa lamang. Maraming mga Kapatid na ngayon lang nakabasa ng mga artikulo na aking inilabas ay nalulungkot, nagtataka, nababagabag, natatakot at may ilan pa nga ang nagagalit sa akin. Dahil dito ay minarapat ko po munang sumulat sa inyo upang bigyang linaw ang mga katanungan ng marami sa lalong ikapapanatag ng inyong damdamin sa patuloy po ninyong pagsusuri sa mga bagay na ito, angmga katanungang ito ay hango na rin mula sa mga mensahe na ipinadala ng maraming mga kapatid:

T. Sino ka ba talaga? Bakit hindi ka magpakilala, kung talagang totoo ang iyong sinasabi ay bakit hindi ka lumantad at bakit ka nagtatago?

S. Sa hindi maiiwasang kadahilanan ay kinakailangan ko po munang magtago sa pangalang Antonio Ramirez Ebangelista, bagamat hindi po ito ang tunay kong pangalan, subalit ang pangalang ito ay hango na rin sa aking tunay na pangalan. Ang dahilan kung bakit kinakailangan ko itong gawin ay dahil sa proteksyon ko at ng mga taong tumutulong sa akin upang ilabas ang katotohanan. Ngayon pa nga lamang po na hindi ako tunay na kilala ay ganun na lamang ang ginagawa nilang pagtugis sa akin, edi lalo na kung inilantad ko ang sarili ko, lalong mahahadlangan nila ako sa aking isinasagawang paghahayag ng katotohanan upang labanan ang katiwalian. Lahat na halos ay ginawa ng Sanggunian upang ipahanap ako. Nagkaroon na ng mga searches sa mga opisina sa Tanggapang Pangkalahatan, maging sa VCO (pasukan ng mga bisita at empleyado na papasok sa Central), inutusan na ang mga Tagapangasiwa sa bawat distrito na magsagawa ng “pagdadalaw” sa mga bahay ng Ministro kung saan titingnan nila ang mga computer, gadgets (laptop, tablet, cellphone) at titingnan kung may facebook o anumang impormasyon tungkol sa akin at mga isinulat ko, inatasan na ang ACTIV (IT Group ng INC) upang ipa-block at i-shutdown lahat ng mga online accounts ko at alamin kung sino talaga ako at kung saan ako matutugis. Nag-utos na sa ilang “piling” mga kapatid na may kakayanan na hanapin at “patahimikin” ako. At ang pinaka-bago sa kasalukuyan, maging ang mga taga-Sanggunian ay “dadalaw” sa iba’t-ibang Lokal sa iba’t-ibang Distrito para “dalawin” daw ang ilang mga Ministro upang magpayo at palakasin ang kalooban, ito na yata ang pinakamalawak na “fishing expedition” nila upang matuntun kung sino nga ako at sinu-sino ang mga Ministro na sumusuporta sa ginagawa namin. Wala namang masama sa gagawin nilang ito, dapat sana ay matagal na nilang ginawa ito upang madalaw naman nila ang mga Ministro na nasa malalayo at abang mga Lokal upang mapalakas ang kanilang kalooban at mabigyan sila ng inspirasyon na makapagpatuloy na maging malakas na katuwang ng Pamamahala sa Iglesia, at hindi sana yung gagawin lang nila ngayon yan para lamang pakiramdaman ang mga Ministrong inaakala nilang ako o kaya ay mga nakikiisa sa isinasagawa kong pagsisiwalat ng katiwalian sa Iglesia. Kaya wala pong sinoman na nakakaalam ng tunay kong pagkatao, kahit ang asawa ko, kahit ang mga anak ko. Upang matiyak ang seguridad ng lahat ng mga kapatid sa isinasagawang paghahayag na ito.

T. Bakit ka namin paniniwalaan? Ministro ka ba? Kung Ministro ka, bakit mo ginagawa ito? Wala ka bang natutunan sa Ministerial ethics?

S. Ako po ay isang ordenadong Ministro. Nagkapalad po ako na maordenahan sa panahon ng Kapatid na Eraño G. Manalo. Sa mahabang panahon ko po sa Ministerio ay nadestino po ako sa malalyong probinsya na isa sa pinakamabiyayang panahon ng aking Ministerio dahil doon ko po naranasan ang tunay na pag-ibig sa mga kapatid, sa karapatan at sa kapakanan ng Iglesia. Napakasarap madestino sa maliliit at malalayong Lokal na kung saan makikita mo at mararamdaman mo kung paano mahalin ng mga Kapatid ang Iglesia. Kung paanong lalakarin nila ang napakalayong distansya, tatawid pa ng dagat o ilog para lamang makasapit sa pagsamba, marami sa kanila ay ang dala lamang ay nakaplastic na sapatos at nakatiklop na damit pansamba, ilang pirasong nilagang saba o kamote para pantwid gutom. Ang mga bagay sana na gagastusin nila para sa sarili nila at sa kanilang sambahayan ay tinitiis nila para lamang mayroon silang ipanghahandog. Hinding hindi ko malilimot ang mga tagpong ito na kung ako lang ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pang maibalik na lamang sa probinsya kung saan wala naman silang alam ukol sa mga katiwaliang nagaganap sa Iglesia ngayon, kung saan payapa lamang silang naglilingkod sapagkat sumasampalataya sila na dito sila maliligtas. Subalit mayroon po siguro talagang kinakailangan pa akong gampanan kaya ako napunta sa Central pagkalipas ng ilang panahon kung saan ko ginugol ang malaking bahagi ng buhay ko dito sa isa sa mga maseselang kagawaran sa Tanggapang Pangkalahatan sa Iglesia.

Binabatikos ako ng iba na di daw ba ako natututo ng Ministerial ethics, dahil hindi dapat inilalabas sa publiko ang mga pribadong bagay sa loob ng Ministerio. Ang totoo mga kapatid ay matagal na akong binabagabag ng aking budhi ukol sa mga katiwaliang nasasaksihan ko at nalalaman ko. Subalit dahil na rin sa Ministerial ethics kaya ako nanahimik at pinilit na magsawalang kibo na lamang. Subalit pagkalipas ng anim na taon, sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang paghingi ng saklolo ng Kapatid na Lottie Manalo-Hemedez sa Facebook dahil sa panganib sa kanilang kaligtasan. Ito marahil ang nagbunsod sa akin na simulan ito. Wala naman po akong balak na magsiwalat ng mga bagay na ito. Subalit ng nagcomment ako sa Facebook Wall ng Ka Lottie at mayroong isang kapatid na nagngangalang Iggy Lawrence ang siyang sumagot sa akin ng pabalang at sinabing manahimik na lang ako dahil paglaban daw sa Pamamahala ang ginagawa ko, doon nagsimula ang aming sagutan sa Facebook, at dun din nagsimula ang paglalahad ni Antonio Ebangelista at ang mga artikulong mababasa ninyo ngayon sa website na https://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com. Wala na nga po akong balita sa kapatid na iyon, hindi na rin siya nagko-comment sa Facebook, marahil ay pinagbawalan na po siya ng kanilang Pastor o Tagapangasiwa. Kahit papaano ay nais ko sanang magpasalamat sa kaniya dahil kung hindi dahil sa mga maaanghang ninyang komento marahil ay hindi ako nagsimulang maglahad ng mga bagay na nalalaman ko. Sumasampalataya ako na bagamat hindi kami magkapareho ng paninindigan ay kinasangkapan sya ng Ama upang magsimula ang mga paghahayag ng mga katotohanan ukol sa tunay na kalagayan ng Iglesia.

T. Dinisiplina ka ba (tinanggalan ng karapatan bilang Ministro) o kaya ay tiniwalag kaya ka naglalabas ng sama ng loob mo dito sa social media? O baka pakawala ka lamang ng mga kumakaaway sa Iglesia kaya mo ginagawa ang mga ito?

S. Ako po ay isang aktibong Ministro, na ang kahulugan ay hindi po ako natanggalan ng karapatan at lalong hindi po ako tiwalag. Ang totoo, sa mga kasamahan ko sa Ministerio ay madaling mararamdaman ng bumabasa kung ang nagsusulat ay hindi naman talaga kapatid o nagpapanggap lamang na kapatid sapagkat sa mga termino pa lamang ay mahahalata na dahil gaya ng nalalaman ng marami sa atin, iba ang mga terminong ginagamit natin na hindi basta-basta makokopya ng mga nagpapanggap [ganon din naman ang nga nagpapanggap ng mga pari raw o madre raw na umanib sa Iglesia Ni Cristo®.  Ang kanilang mga terminolohiya at pananalita ay hindi ang mga salitang ginagamit ng mga tunay na pari o madre. Halatang nagpapanggap lamang sila upang linlangin ang mga Katolikong salat sa kaalaman at mabulid sa kasinungalingan ng mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na ayon na rin kay G. Antonio Ebangelista ay matagal na niyang bitbit sa kanyang konsensiya at nabababagabag dahil sa katiwalian ng mga Ministro. Mahalata naman sa pananalita!] na kapatid o nagpapanggap na Ministro. Mahahalata din naman sa pananalita ng nagsusulat kung ito ba ay dahil sa nagdaramdam lamang, naghihinanakit, nais na makaganti o kaya ay gumagawa lamang ng mga kinathang kwento na walang katotohanan [Ganyan na ganyang ang mababasa natin sa mga pari raw o madre raw na umanib sa INC™.  Halatang may hinanakit at nais na makaganti o kaya ay gumagawa lamang ng mga kinathang kwento na walang katotohahan.  Alam niyo pala ito, bakit di niyo siyasatin ng maigi kung ang mga converts niyo ay totoo o hindi?] Bagamat hindi ko po masisisi ang ilan na hindi maniwala na ako ay Ministro at wala rin namang ibang paraan na mapatunayan ko ito ng hindi nailalantad ang tunay kong pagkakakilanlan, subalit hindi ang dapat na maging batayan ng pagiging totoo ng katotohanang sinasabi ko ay ang uri ng pagkatao ko, sapagkata ang katotohanan ay isang katotohanan at mananatiling katotohanan, anoman ang pinagmulan nito.

T. Bakit mo sa social media inilalabas ang mga ito? Hindi mo ba alam na may tamang proseso ng pagpaparating sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng ukol sa mga bagay na ito, at hindi sa pamamagitan ng Social Media?

S. Gaya po ng aking sinabi na, hindi ko po ito pinlano na maging ganito. Nagsimula ito na ninanais ko lang naman na makibalita sa social media ukol sa mga nababalitaan kong panggigipit na ginagawa ng Sanggunian sa pamilya ng Ka Eraño Manalo. Ang pangalang Antonio Ebangelista ay pinili ko lang naman dahil sa ito ay hango din naman sa tunay kong pangalan, hindi ko rin sukat akalain na ito ay magiging kung ano ito ngayon, isang malakas at mabisang kasangkapan upang isiwalat ang mga katiwalian sa Iglesia upang ito ay masugpo.

Totoong mayroon ngang tamang proseso sa pagpapaabot ng mga hinaing at suliranin ng Iglesia. At ito ay itinuturo nga namin sa panahon ng aming pagdudoktrina. Kinakailangan ngang dumaan tayo sa proseso o “protocol” upang mailagay ang lahat ng bagay sa kaayusan. Subalit, papaano nga kung marami na ang sumulat subalit hindi naaaksyunan o naiisang tabi lamang. Papaano kung ang iniuulat ay ang mga Sanggunian na sya mismong TUMATANGGAP ng ulat, na siyang dahilan kaya hindi ito naaaksyunan. Papaano makakarating sa Tagapamahalang Pangkalahatan ang mga issue na bumabagabag sa Iglesia kung ito ay HINAHARANG ng SANGGUNIAN o kaya naman ay inililihis nila ang Tagapamahalang Pangkalahatan, o nagpaparating sila ng MALING ULAT O IMPORMASYON. Halimbawa, ang lahat ng aking isinisiwalat na katiwalian ay patungkol lahat sa mga taga-Sanggunian, subalit ng ito ay ipinarating ng Sanggunian sa Tagapamahalang Pangkalahatan ay pinalabas nilang ang binabatikos at pinupuna ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan. Iyan ang dahilan kaya sunud-sunod ang mga pagtitiwalag dahil ginagamit ng Sanggunian ang “blanket authority” upang magtiwalag ng sinuman na kumakalaban sa kanila dahil palalabasin nilang ito ay kumakalaban sa Kapatid na Eduardo V. Manalo na katumbas ng paglaban sa inihalal ng Diyos na manguna sa Kaniyang bayan. At dahil sa padami ng padami ang mga kapatid na nahahapis dahil sa kawalan ng hustisya at talamak na pamamalagi ng katiwalian mula sa kaloob-looban ng Iglesia, sa hanay ng Sanggunian, ito ang dahilan kaya dumarami din ang tao na nakapaglalabas ng kanilang hinaing sa social media. Ano ang nagingtugon [sic] ng Sanggunian para masulusyunan ito? Sa halip na harapin ang mga akusasyon at bigyan ito ng lunas, mas pinili nila na IPAGBAWAL ANG FACEBOOK AT IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA MINISTRO AT PAMILYA NG MINISTRO AT IBANG MGA MAYTUNGKULIN SA IGLESIA. Ganito ba ang marapat talagang pagharap sa mga suliranin sa Iglesia? Hindi po. Ito ang pinakamadali at pinakaduwag na paraan ng pagtakas sa mga tunay na suliranin ng Iglesia. Kung sakali mang may mga umaabuso sa social media at nakagagawa ng mali ukol dito, hindi ang solusyon ay ipagbawal ito upang maitago ang tunay na problema, ang marapat ay turuan ang mga kapatid sa maayos at marapat na paraan ng paggamit ng bagong teknolohiya gaya ng social media. I-educate ang mga kapatid ukol sa kabutihan at panganib ng paggamit nito upang makatulong pa nga sila sa ikapagsasanggalang ng dangal ng Iglesia sa social media at sa lahat ng mga kumakaaway dito. At ang pinakamabisang paraan ng pagharap sa mga problema o suliranin, walang iba kundi ang harapin ito. Sagutin ang punto-por-punto ng mga isinisiwalat kong katiwalian. [Panawagan kay Ka Tonying (Anthony Taberna) ng ABS-CBN.  Tahimik ang kanyang "Dos Por Dos" na programa sa DZMM 630 kHz]. Huwag taguan ang isyu at lalong huwag itago ang isyu s apamamagitan [sic] ng pagsikil s akarapatan [sic] ng tao na malaman ang katotohanan. Kapag ipinagbawal ninyo ang paggamit ng mga kapatid ng facebook, ay para na rin ninyong sinabing huwag ninyong alamin ang itinatago namin. Kapag sumulat ang kapatid sa Tagapamahalang Pangkalahatan ukol sa mga bagay na may katiwalian sa Iglesia, hinaharang ito ng Sanggunian, puwes, dito sa social media, hindi na ninyo mahaharang ang mga ito. Kaya kungmeron [sic] mang dapat sisihin kung bakit sa social media lumalabas ang mga isyung ito, ang dapat pasagutin ay ang Sanggunian na humaharang sa mga ulat sa Pamamahala dahil sa kanilang personal na interes. KUNG HINDI SANA SINIRA NG SANGGUNIAN ANG TAMANG PROSESO NG PAGUULAT SA PAMAMAHALA, HINDI SANA MAPIPILITAN ANG MGA KAPATID NA HUMANTONG SA SOCIAL MEDIA UPANG ILABAS ANG KANILANG MGA ULAT SA LAYUNIN NA ITO AY MAKARATING SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.

T. Hindi mo ba alam ng dahil sa kagagawan mo ay marami tuloy mga kapatid, lalo na ang mg amahihina [sic] sa pananampalataya o kaya ay mga kasalukuyang dinudoktrinahan, sinusubok o bagong bautisado ang pinanghihinaan ng pananampalataya kaya kasalanan mo ito?

S. Isa po ito sa matagal kong pinag-isipan kung bakit matagal na panahon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na isiwalat ang lahat ng mga bagay na nalalaman ko. Subalit gaya ng ipinayo sa akin ng isa kong malapit na kaibigan na Tagapangasiwa. Ang katotohanan ay isang “double-edged blade”. Na ang ibig sabihin ay mayroon itong dalawang bahagi, ang isang bahagi ng paglalahad ng katotohanan ay maaari itong makapagpahina ng pananampalataya ng mga kapatid na may mahina na ng pananampalataya sa pasimula pa man. Ito ay magsisilbing dahilan sa kanila para lalong matisod o kaya ay pagalinlanganan ang katotohanang kanilang tinanggap. Kung may deprensya na sa pananampalataya ang isang kapatid, kahit na maliit na bagay ay maaaring magtulak sa kanila na manghina at mahiwalay. Subalit ang ikalawang bahagi ng katotohanan na siya namang dapat na maging katangian nating lahat, ay kapag nabasa ang mga katotohanang ito, ay lalong makapagpapatibay sa pananampalataya ng isang kapatid upang sampalatayanan nya na ito ang totoong Iglesia, ito lamang ang ililigtas ng Panginoong Jesucristo pagdating ng araw ng paghuhukom. Lalo tayong dapat na manghawak sa dalisay na salita ng Diyos at hindi ng salita ng tao. Sumampalataya tayo na ang pinagdadanan ng Iglesia ngayon ay ipinagpauna at niloob ng Panginoong Diyos na maganap dahil sa mayroong nais mapatunayan ang Panginoong Diyos sa atin, pinadadaan Nya tayo sa mga mabibigat na pagsubok dahil sa nais mapatunayan ng Panginoong Diyos ang ating katapatan sa Kaniya at sa kaniyang mga kautusan. Ng pinadaan ng Panginoong Diyos ang bayang Israel sa mga pagsubok,['Yun pala eh! Sinubukan din pala ng Diyos ang bayang Israel pero sila'y hindi naging tapat. Sa kabila nun, HINDI INIWANAN ng Diyos ang bayang pinakaiibig niya.  Bakit naman sa katuruan ng INC™ ni Manalo eh, INIWAN ni Jesus ang kanyang UNANG IGLESIA para itatag muli kay Felix Manalo?  Kung hindi iniwan ng Diyos ang kanyang bayang Israel, bakit si Jesus eh iniwan niya ang kanyang Iglesia at itinatag MULI kay Felix Manalo pagkaraan ng libong tayon 1,914 years??!] nakita sila sa paggawa ng kasalanan at paglabag sa kaniyang mga kalooban, hindi ibig sabihin na nangyari iyon sa bayang Israel na bayan ng Diyos ay nangangahulugang hindi tunay na bayan iyon ng Diyos, hindi rin iyon nangangahulugan na hindi totoo ang Diyos at ang Kaniyang mga aral at mga pangako. Nangangahulugan lamang iyon na pinadaan ng Panginoong Diyos ang Kaniyang bayan sa ganoong mga pagsubok para makita kung sino sa Kaniyang mga lingkod ang mananatiling nanghahawak sa Kaniyang mga kautusan kahit pa nakikita nila na ang karamihan ay nasa paglabag o nasa katiwalian na. Dahil sa pagsubok na iyon, nakita ng Panginoong Diyos kung sino lamang ang karapatdapat makasapit sa pangakong lupain na ipinangako ng Panginoong Diyos sa Kaniyang Bayan. [So sino ang tumalikod, ang bayang Israel o ang tao?]

Ganyan din po sa panahon natin ngayon, hindi porket may mga nagaganap na iregularidad sa loob ng Sanggunian at maging sa hanay pa ng mga nasa loob ng Ministerio ay nangangahulugan ng hindi totoo ang Iglesia, [ganon din kaya ang pamantayang ginamit niyo sa Iglesia Katolika bago niyo sabihing ito'y ang dating Iglesia ni Cristo ngunit natalikot na ganap?!] ang Doktrinang ating tinanggap, ang kahalalan natin sa loob ng tunay na Iglesia, at ang pangakong kaligtasan pag dating ng araw ng Paghuhukom. Lalong nangangahulugan lamang ito na totoo ang Pasugong ito ng Panginoong Diyos sa mga huling araw na kapag tayo ay dumanas ng mga matitinding pagsubok lalo nga at nasa loob na ang pagsubok at pag-uusig ngayon, dito ngayon malinaw na makikita kung sino ang sasama sa daloy ng agos ng katiwalian lalo nga kung ang mismong mga taga-Sanggunian pa ang nangunguna dito, at kung sino ang hindi aayon sa kanila at maninindigan sa katotohanan at sa mga dalisay na salita ng Diyos. Kaya kinakailangang mamili ng tao, saan sya hahanay? Sa hanay ng mga tiwali dahil sa nakikita nyang may ilang gumagawa na nito? O sa hanay ng mga matuwid na bagamat malaki ang tukso na gumawa ng katiwalaian at kasalanan, ay maninindigan pa rin sa panig ng pagsunod sa mga kalooban ng Diyos. 

Samakatuwid, hindi kasalanan ng naghahayag ng katotohanan kung ano ang magiging epektonito sa pananampalataya ng nakikinig o nagbabasa. Kailanman at malinis ang layunin ng naghahayag ng katotohanan, hindi ito magagamit sa pagpapahina ng pananampalataya, bagkus lalo nitong papapagalabin ang pananampalataya ng isang kapatid upang lalong magsuri ng katotohanan sa lalong ikapaninindigan niya sa panig ng pagsunod sa mga kalooban ng Diyos. Paraan ito ng Panginoong Diyos sa inilunsad ng Pamamahala na Paglilinis sa Iglesia, lahat ng mga ayaw magbagong buhay at nananatili sa kasalanan at dumudingis sa kalinisan ng Iglesia ay aalisin ng Panginoong Diyos upang maiharap ang Iglesia na malinis at walang anumang dungis o kulubot, tunay na karapatdapat sa pagtatamo ng kaligtasan. [Tama! Kahit sa kabila ng katiwalian ng iba, HINDI babaguhin ng Diyos ang TUNAY NA IGLESIA at HINDI siya magtatatag ng bagong Iglesia. Bakit hindi ginamit ang pamantayang ito sa Iglesia Katolika sa inyong pagtuligsa na ito'y tumalikod kaya't KAILANGANG MAGTATAG MULI si Felix Manalo ng panibago dahil sa katiwalian?!!! Magtatatag bang muli si G. Antonio Ebangelista ng panibagong Iglesia dahil sa katiwalian sa loob ng INC™??]

T. Hindi nyo ba alam na ginagamit ng ibang relihiyon ang inyong mga isinisiwalat upang gamitin itong paninira sa Iglesia? Kaya kayo ay kasangkapan ng diablo upang dungisan ang Iglesia.

S. Tinimbang ko rin po ng mahabang panahon ang ukol sa bagay na ito dahil sa batid kong maaaring gamitin ito ng mga kaibayo natin sa pananampalataya upang siraan ang Iglesia. Subalit kung ito ay itatago natin, ano ang pinagkaiba natin sa mga maling relihiyon, gaya ng katoliko at Dating Daan, na ginagawa ang lahat upang itago ang katiwalian sa loon [sic] ng kanilang relihiyon na sa kinalaunan din naman ay mahahayag at lalabas pa nga na pilit lang pala nila itong itinatago upang magmalinis? [Nagsalita ang nagmamalinis!] Gaya halimbawa ng mga kaso ng katiwalian, homosexuality, pedopilya ng mga paring katoliko. [Eh ang kaso ni pangangalunya at panggagahasa ni Felix Manalo na inyong 'Huling Sugo'? Hindi ba't ITINAGO niyo ito at PILIT na PINANATAHIMIK ang mga nagsisiwalat ng inyong mga katiwalian? Ang iba sa mga Catholic Defenders ay BINABANTAAN niyo pang ipadukot?! Naalala niyo si ROSE TIPON? Anong ginawa ng INC™ ni Manalo? Pilit na gustong patahimikin at sikilin ang kanyang karapatan. Kinasuhan ng paninirang puri ngunit di kayo nagtagumpay! Yan ba ang mga katangian ng "tunay" na iglesia?] Maging ang katotohanan ukol sa homosexuality ni Eli Soriano at ang kanilang katiwalian sa pananalapi ng Dating Daan, idagdag pa ang kanilang pagbabaluktok sa mga salita ng Diyos upang papaniwalian ang tao na sila ang totoo. [Hindi ba't si G. Antonio Ebangelista na rin ang nagsisiwalat ng PAGGAMIT ng mga Ministro ng talata ng Bibliang na may baluktot na pag-unawa? Sabi pa nga niya eh tama ang sitas pero mali ang pagkaunawa!]  Sa kahuli-hulihan ay wala tayong dapat na ipangamba kahit pa isipin ng mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na nakapuntos sila sa Iglesia Ni Cristo dahil sa mga katiwaliang isinisiwalat ko. Dahil kahit sumahin pa natin ang lahat ng ito, nangangahulugan lamang na kahit pa may ilang mga Ministro na natuksong magkasala dahil sa sila ay nananatiling tao sa likas na kalagayan, hindi nangangahulugan ito na mali na ang Diyos o hindi tunaya ng Iglesia Ni Cristo, ang katunayan nga ay hindi pumayag ang Panginoong Diyos na magtagumpay ang mga tiwaling taong ito dahil sa inihahayag na sila ng Diyos dahil nga sa paglilinis na isinasagawa sa Iglesia. [Ganon din naman ang nangyari sa Iglesia Katolika ah! Inihayag ng Diyos ang katiwalian ng mga ibang pari tulad ng pangako niya na HINDI MANANAIG ANG KAPANGYARIHAN NG HADES upang malinis ito. At isinagawa nga ng Iglesia Katolika ang paglilinis at pakikipag-ugnayan sa Civil Courts upang maparusahan ang mga nagkasala!  Kayo ba sa INC™ may naparausahan na bang tiwaling kaanib ng INC™? Yung KOREANO na WANTED sa PAGNANAKAW, nasaan na? Hindi ba't KINUPKOP niyo pa at pinakiusapan ang Malacañang upang siya'y magpiyansa at makalaya??!! Si G. Antonio Ebangelista rin naman ang nagbunyag niyan di ba?] Kaya hindi ang solusyon ay itago natin ang mga isyus, alo nga at sinumulan ng Sanggunian na sirain ang proseso ng tamang paguulat sa Pamamahala upang solusyunan ang mga suliraning ito. Kahit pa malantad ang ganitong mga anomalya sa hanay ng mga Sanggunian, ay hindi pumapayag ang Panginoong Diyos na magtagumpay sila, katunayan ay gumagamit Siya ng mga kasangkapan sa pamamagitan ng mga tao, kaganapan at pagkakataon upang ilantad ang kasamaan sa loob ng iglesia bago nito tuluyang italikod ang Iglesia sa pamamagitan ng pagsuway sa mga dalisay na salita ng Diyos.

Kaya maaaring magbunyi at magalak ang mga di tunay na tagapangaral ng ibang mga relihiyon, subalit sa huli ay mangapapahiya din lang sila at mangabibigo dahil hindi nila mababali ang katotohanan na dito sa loob ng Iglesia Ni Cristo naroroon ang tunay na Diyos, narito ang Sugo sa mga huling araw na ito, narito rin ang mga dalisay na salita ng Diyos na siyang gagabay sa atin upang maitaguyod ang katotohanan para sa ikapagtatamo natin ng kaligtasan pagdating ng araw ng paghuhukom. [Hindi niyo ba nahalata na hindi man lang niya mabanggit-banggit ang pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo? Binanggit niya ang Dios, at ang kanilang Sugo pero wala si Cristo! Yan ba ang Iglesia ni CRISTO na WALANG CRISTO?] Kay kung sakali man akalain nila na mayroon na silang bala na maaaring gamitin laban sa Iglesia Ni Cristo, nagkakamali sila dahil hindi papayag ang Panginoong Diyos [ganon din naman sa tunay at orig na Iglesia, HINDI PAPAYAG ANG DIOS na MAAGAW ni Satanas ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO noon pang una.] na maitalikod ang Kaniyang bayan sa mga huling araw na ito. Ang totoo, kapag natapos na ang mga katiwaliang ito sa hanay ng Sanggunian at ng mga nasa Ministerio, at naisagawa na ang paglilinis sa Iglesia, ako at ang lahat ng mga Ministro at mga kapatid ang siyang ring makakaharap ng mga huwad na tagapangaral na iyan, at lalo lang silang mangapapahiya at mangabibigo dahil nasa Iglesia Ni Cristo ang tunay na Diyos na Siyang lulupig sa kanilang lahat. [Nasa TUNAY NA IGLESIA ang TUNAY NA DIOS at TUNAY NA PANGINOON na siyang HULING SUGO, ang Panginoong Jesus!]

T. Bakit mo ba ginugulo ang Iglesia at bakit ka naninira? Puro kasinungalingan lang naman ang mga sinasabi mo at nanghihikayat ka pa ng iba na maniwala sayo. Hindi mo ba alam na nakasulat na sa Biblia na hindi na matatalikod ang Iglesia kaya balewala lahat ng mga ginagawa mo?

S. Hindi ko po kailanman hinangad na manggulo sa Iglesia, kung ako lamang ang papipilii ay mas gugustuhin ko sana na mamuhay na lamang ng tahimik at wala ng ganito na naglalagay pa sa akin at sa pamilya ko sa peligro dahil sa mga tinatamaan kong maiimpluwensyang tao sa Iglesia sa Sanggunian. Subalit hindi rin kaya ng aking konsensya na manahimik na lamang at hayaang magpatuloy ang paggawa nila ng katiwalian porket kaya nilang patahimikin ang mga kapatid, lalo na ang mga Ministro na nasa ilalim ng Sanggunian. Tayo pong lahat ay tinuruan ng doktrina sa pagiibigang magkakapatid at tinuruan tayong huwag maninirang puri o magupasalaan sa isa’t-isa, ito ang dahilan kaya ko sinisikap na maging objective at unbiased ang aking paglalahad ng mga presentasyon ng mga artikulo. Bago ko inilabas ang mga ebidensya at hinayaan kong kayo mismo ang makapakinig ng mismong pahayag ng Ka Glicerio B. Santos sa kaniyang lektura noong WEBEX Video Conference para sa kaniyang mga bibig nyo mismo marinig ang kaniyang ipinagsisigawan na paninira lamang daw ang mga ito at walang anumang ebidensya, saka ko inilabas ang mga ebidensya. Kaya hindi nila kayang pasinungalingan ang mga ito, wala na silang ibang kayang gawin kundi ang palusutan ito, huwag pansinin, baguhin ang leksyon para patamaan ako [ang sabi mo pa nga eh tama ang sitas pero mali ang pag-unawa] at takutin ang mga kapatid, at tugisin ako. Subalit wala ni isa sa kanilang tugon ay ang humarap sa Iglesia at magpaliwanag ng harapan na totoong walang nagaganap na katiwalian at isa-isahing sagutin ang mga alegasyon ng katiwalian laban s akanila.

Totoo pong hindi na matatalikod ang Iglesia. [At HINDI po ito NATALIKOD kahit kailan! TAO ang tumalikod sa Iglesia tulad ni Felix Manalo na tumalikod ngunit HINDI ang Iglesiang tatag ni Cristo sa Jerusalem!] Bakit? Dahil sa mayroong mga kapatid, mga maytungkulin at mga Ministro na titindig at hindi papayag na maitalikod nila ang Iglesia sa pamamagitan ng paglabag sa mga utos ng Diyos [ganon din naman sa Iglesia Katolika. May mga TUMINDIG (tulad ni San Francisco ng Assisi) na HINDI PAPAYAG na maitalikod ang Iglesia sapagkat PANGAKO ito ng PANGINOONG JESU-CRISTO na HINDI mananaig ang kapangyarihan ni  Satanas kaya't nagpapadala siya ng mga TITINDIG, hindi upang magtatag muli kundi upang ITINDIG ang IGLESIA laban sa mga gustong sumira rito!] na siyang itinuro pa ng Sugo at ng kapatid na Eraño G. Manalo. Kaya kailanman at mayroong ginagamit na kasangkapan ang Diyos [Tama! Gagamit ang Dios ng kasangkapan! Kaya't paano naitalikod ang Iglesiang tatag ni Cristo sa Jerusalem kung ang inyong pamantayan pa lamang ay NANGYARI na noon pa man?] para ipagsanggalang ang Iglesia sa lahat ng mga tumutuligsa dito, sa mga sumisira dito at sa mga dumudungis dito, [kaya nagkaroon ng mga CATHOLIC DEFENDERS] hinding hindi talaga matatalikod ang Iglesia.[TAMA! HINDI NATALIKO, HINDI MATATALIKOD AT HINDI TATALIKOD katulad ni Cristo, Diyos siya noon, Diyos siya ngayon at Diyos siya magpasawalang-hanggang (Heb. 13:8)!] Subalit oras na mas pinili ng mga kapatid na magpatakot sa ginagagawang panggigipit at pananakot ngmga Pastor, mga Tagapangasiwa at mga Sanggunian, at kapag mas pinili ng marami na manahimik at magsawalang kibo at umayon sa daloy ng katiwalian nila, iyan ang magiging simula ng ganap na pagtalikod ng Iglesia, gaya ng naganap sa mga unang bayan ng Diyos. Samakatuwid ay nakatitiyak tayong hindi matatalikod ang Iglesia  [At tinitiyak naming mga Catholic Defenders sa inyo na HINDI NATALIKOD kailanman ang tunay na Iglesia!] kailanman at mayroon pang naninindigan sa totoo, sa mga dalisay na salita ng Diyos at sumusunod sa Kaniyang mga utos at tuntunin.

T. Bakit ninyo binabatikos ang Tagapamahalang Pangkalahatan, hindi ninyo ba alam na siya ang inilagay ng Diyos para manguna sa Iglesia?

S. Hindi ko pokailanman binatikos, pinuna o pinangunahan ang Tagapamahalang Pangkalahatan. Kung mababasa niyo po lamang ang lahat ng aking mga isinulat ay wala kayong mababakas na paglaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Bakit? Sapagkat iisa po tayo ng pananampalataya na ang Kapatid na Eduardo V. Manalo ay siyang itinalaga ng Panginoong Diyos na lider ng Kaniyang Bayan at kinakailangan tayong pasakop sa kaniya. Walang sinomang maaaring makapagsulit sa namamahala sa Iglesia kundi ang Panginoong Diyos lamang. At iyan ang aking paninindigan noon hanggang ngayon. Ang binabatikos ko at nilalabanan ay hindi ang Tagapamahalang Pangkalahatan, kundi ang KATIWALIAN, sa kahit anomang uri o kalagayan o personalidad. Kaya ito ay aking inihahayag. Kung mayroon mang pinangungnahan ang tagapamahalang Pangkalahatan, ito ay walang iba kundi ang mga nasa Sanggunian dahil sa pinangahasan nilang ilingid sa kaalaman ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ang ukol sa tunay na kalagayan ng Kawan o ng Iglesia dahil sapinoprotektahan nila ang kanilang sarili at ang kanilang posisyon dahil sa alam nila na oras na malaman ng Ka Eduardo ang mga tunay na isyu ng katiwalian sa Iglesia at ito ay malaman nyang umuugat sa mismong mga Ministrong pinagtiwalaan niya upang maging malalakas na katuwang niya sa Pamamahala, alam nilang iyon na ang magiging wakas nila.

Kung pinayagan ng Panginoong Diyos na matganap [sic] ang lahat ng mga ito para sa paglilinis na nagaganap sa Iglesia, ang Panginoong Diyos din ang gagawa ng paraan upang kilusin ang tagapamahalang pangkalahatan upang isagawa ang kalooban ng Panginoong Diyos sa tamang panahon at sa paraan na loloobin ng Panginoong Diyos. Iyan ang dapat nating sampalatayanan. Ang tanging magiging bahagi lamang natin ay magawa ang bahaging ipinagagawa ng Panginoong Diyos sa atin, ito ang aking bahagi, iyan ang inyong bahagi, ang Diyos ang magbibigay ng tagumpay sa Iglesia upang mahayag ng husto ang mga taong tampalasan at malinis ang hanay ng Ministerio lalo na sa hanay ng Sanggunian. 

T. May personal ka bang galit kay Ka Jun Santos kaya mo sya pinepersonal o kaya ay sa kahit sinoman sa Sanggunian? Mayroon ka bang hiniling s akanila noon na hindi ka napagbigyan kaya ka nagkakaganyan o kaya ay naghahangad ka ba ng posisyon na hindi ka napagbigyan? Kapag ba binigyan ka ng magandang posisyon o titigil ka na sa ginagawa mo?

S. Wala po akong personal na galit sa kanila, wala rin akong pinupunterya na pabor o posisyon mula sa kanila. Hindi ko po ito ginagawa “for personal interest”. Ito po ay ginagawa ko upang ihayag ang katiwalian na siyang dumudungi sa kalinisan ng Iglesia. Ang gampanin o posisyon sa Iglesia ay hindi kailanman dapat gamitin bilang panunuhol sa kaninoman para gumawa o huwag gumawa ng isang bagay, gaya ng naging nangyari sa ilang mga Ministro at mga Tagapangasiwa, gaya din ng kanilang ginawa kay Ka Arnel Tumanan at mga katulad din nila na nung binigyan na ng “posisyon” sa Iglesia ay nanahimik na lamang at sumangayon na sa kanila. [So nasusuhulan pala ang mga Ministro. Bayad na bayad pala sila. Eh kaya pala sa kabila ng panlilinlang nila at pagsisinungaling sa kanilang mga ulat ay parang wala silang konsensiya dahil sa bayad pala ang bawat sasabihin nila?] Kapag dumating ang pagkakataon na naganap na ang paglilinis sa Iglesia, lalo na sa hanay ng mga nasa Sanggunian, nasiyasat na at napatawan na ng disiplina o parusa ang mga nagkasala, hindi na po ninyo ako kailangang kumbinsihin na tumigil na sa pagsisiwalat ng mga katiwaliang ito, kusa na lamang mawawala si Antonio Ebangelista dahil na naganap na ang kaniyang bahagi, naibalik na ang tamang proseso ng pag-uulat sa Pamamahala, naibalik na angkredibilidad at integridad ng mga nasa Ministerio at nasa Sanggunian, at naibalik na ang Iglesia sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan. Tapos na ang gamapanin ni Antonio Ebangelista. [Ganon din naman ang mga Catholic Defenders. Itigil lamang ng mga Ministro ang paninira sa Iglesia Katolika ay kusang mawawala ang mga Catholic Defenders.]

T. Gusto mo bang palitan ang Tagapamahalang Pangkalahatan, sino naman ang gusto mong ipalit?

S. Wala po ako, ni sa hinagap, na layunin na palitan ninoman ang ating mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan. Siya ang inihalal ng Panginoong Diyos, at kaya siya naririyan ay dahil sa iyon angkalooban ng Panginoong Diyos. Wala rin po akong isinusulong na mungkahi kung sino ang mas karapatdapat na maging Tagapamahalang Pangkalahatan dahil hindi iyon saklaw ng karapatan ninoman kundi sa ating Panginoong Diyos lamang na Siyang naglagay sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Kaya kung mayroon man sinoman na nagsasabing na palitan na ang Tagapamahalang Pangkalahatan o kaya keyso ang dapat ipalit ay si ganito o si ganyan, mariin ko pong tinututulan iyon at hindi ko iyon kailanman sasangayunan, dahil ang Panginoong Diyos lamang ang Siyang magpapasya ukol sa mga bagay na may kinalaman sa lider na Kaniyang itinalaga sa Iglesia. [Sa anong pamantayan ba dapat na si Manalo at ang kanyang angkan ang siyang mamamahala? Saan ba nakatitik sa Biblia na MINAMANA ang pagiging lider ng Iglesia? Minamana rin ba ang kaligtasan? Ang pamamahala? Ngunit patungkol sa INC™, hindi ba't ang batas ng Pilipinas ang nagtatakda kung sino ang mamamahala at magmamana at magmamay-ari sa isang Korporasyon ayon sa pagkarehistro nito sa SEC? Ngayon, ayon sa rehistro ng INC™ sa pamahalaan, sino ang may-ari? Sino ang nagtatag? Sino ang kahalili? Sino ang magmamana?]

T. Kung sakaling sinasabi mong hindi ka lumalaban sa Ka Eduardo Manalo, subalit ang nilalabanan mo naman ay ang kaniyang mga pangunahing katuwang, edi ang katumbas din nun ay nilalabanan mo ang Tagapamahalang Pangkalahatan dahil sa ang Sanggunian ay bahagi ng Pamamahala sa Iglesia?

S. Totoo pong ang Sanggunian ay bahagi ng Pamamahala sa Iglesia, kung paanong ang mga Tagapangasiwa, mga Pastor at maging ang mga Maytungkulin sa mga grupo sa bawat Lokal ay bahagi din ng Pamamahala, subalit bagamat bahagi sila ng Pamamahala ay hindi nangangahulugang sila ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan. Hindi porket iniuulat natin ang kamalian, paglabag ng isang bahagi ng Pamamahala, halimbawa ay ang katiwala, ang Pastor, ang tagapangasiwa o kahit ang Sanggunian, ay mangangahulugan na ay nilalabanan natin ang Tagapamahalang Pangkalahatan bagkus ay tumutulong tayo sa kaniya sa paraan na makarating sa kaniyang kaalaman ang paglabag ng isang katuwang niya sa Pamamahala upang ito ay maituwid upang mapangalagaan ang kalinisan at integridad ng kabuuan ng Pamamahala. Ang hindi dapat makita sa sinoman ay ang pagbatikos sa mga katuwang ng Tagapamahala sa layunin na manirang puri, maghatid dumapit, pintasan ang mga ito o magparatang ng walang katunayan sa layunin na manggulo at lumikha ng pagkabaha-bahagi. Kaya kinakailangang malinaw sa atin ang ating layunin kung bakit natin ginagawa ang isang bagay, malinis ba ang ating layunin, sa ikabubuti ba ito ng Iglesia sa layunin na mapanatili ang kalinisan nito, at wasto ba ang ating layunin kaya natin ito gagawin. Dahil kapag hindi wasto ang ating layunin ay nagkakasala lamang tayo. Kapag naman hindi natin ito iniulat sa Pamamahala dahil sa takot na tayo ay bantaan ng mga ito, ibig sabihin ay pumapayag tayo na manatili ang paglabag at kasalanan o dungis sa loob ng Iglesia na siyang nagpapasama sa imahe ng ating mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan. Katumbas din ito na nagiging kasangkapan tayo o “accessory to the crime” dahil sa pananatili nating tahimik o walang kibo samantalang alam nating mayroon ng mga paglabag at katiwalian sa Iglesia. [Si ReadMeINC, kasabwat kaya siya at tila tahimik siya sa usapin ng katiwalian sa loob ng INC™?] Kaya hindi ibig sabihin ng paguulat natin ng tapat ukol sa ginagawang katiwalian ng sinoman sa mga katuwang ng Tagapamahala, ay nangangahulugan na lumalaban na tayo sa Tagapamahalang Pangkalahatan, hindi po, manapa ay tinutulungan pa natin siya na malaman ang katotohanan para makapagpasya sya ukol dito. Dahil kapag mali ang ulat, mali din ang maipapataw na pasya, kapag tama ang ulat, tama ang pasyang maipapataw ng namamalahala, iyan anglaging [sic] sinasabi noon ng Kapatid na Eraño Manalo, kaya napakahalaga na matiyak nating wasto ang ulat na ating ipaparating sa namamahala sa Iglesia.

T. Hindi ba’t totoo na lumalaban kayo sa Tagapamahalang Pangkalahatan at bilang katunayan ay nasa Friendslist ninyo sa Facebook ang mga kumakalaban sa Iglesia at sa Tagapamahalang Pangkalahatan?

S. Gaya po ng aking ipinahayag na noon, ako po ay nag-iisa lamang sa pagpapahayag na ito. Wala po akong kasamang iba. Kung mayroon mang ibang mga naglalabas din ng mga ganitong issue ng katiwalian o iregularidad, ay hindi ko po sila mga kasamahan, hindi ko po sila mga kilalang personal. May ilan nga na ginagamit lamang ang mga isyung inilalabas ko upang ilunsad ang kanilang pansariling kapakanan o opinsyon. Lahat ng nag-friend request sa akin noon una ay lahat in-accept ko dahil sa open sa public ang aking profile. Subalit kapag mayroong sinoman na nagsasalita ng laban sa Tagapamahalanag Pangkalahatan o kaya naman ay nagsasalita ng pabalbal o mga salitang “below the belt” ay akin pong pina-private message upang pagbawalan sila. Kapag nakinig sila ay itinutuwid nila ang kanilang ginagawa, yung iba naman na ayaw pasaway ay bina-block ko na lamang o dini-delete. Wala po akong kontrol sa mga sinasabi nila o takbo ng kanilang opinyon, ito ang dahilan kaya ang aking mga sinasabi ay pawang patungkol sa mga bagay na aking isinulat na inilalabas ko sa aking opisyal na facebook account, opisyal na facebook page, wordpress site at iba pang social networking sites upang matiyak ng mga kapatid na babasa na ito ay hindi kailanman naglalaman ng anumang paninira o pagbatikos sa Tagapamahalang Pangkalahatan o naghihikayat sa kanino man na lumabas na sa Iglesia o labanan ang Tagapamahalang Pangkalahatan. Ito rin ang dahilan kaya marami ang kumokopya ng aking pangalan upang linlangin ang mga kapatid na ako iyon at maglalabas ng mga di wastong pahayag at saka iuulat ng Sanggunian sa namamahala na pahayag ko daw. Kaya ang aking panawagan sa mga kapatid ay maging mahinahon, maging mapagmatyag, maging mapanuri upang makita nila ang mga katusuhang ginagawa ng Sanggunian upang baluktutin ang katotohanan. Kapag mayroong sinomang nagpapanggap na ako, sawayin po ninyo at i-block. Gawin nating malinis ang laban na ito kahit pa marumi sila kung lumaban. [Kailan ba naging malinis lumaban ang isang kaanib ng INC™? Ang resbak.com (paghihiganti) ay isa lamang sa mga hayagang kababaan ng uri kung lumaban ang mga kaanib nila.]

Hindi ko rin po kailanman gumagamit ng mga pananalitang may panunungayaw o pagmumura, pagsasalita ng pananakit sa personal napagkatao ng sinoman, ang inaatake ko lamang ay ang katiwalian at ang akto ng paggawa nito. Kung meron mang gumagawa ng mga ito ay aking sinasaway dahil sa nakakasama ito sa imahe ng kilusan sa paglilinis sa Iglesia.

T. Papaano namin malalaman ang katotohanan sa dami ngmga [sic] lumalabas sa social media kaya hindi na namin alam kung alin ang totoo at sino ang nagsasabi ng totoo?

S. Maging matalino tayo mga kapatid sa ating mga pagsasaliksik, huwag kayong maniniwala agad porket sinabi lang ni Antonio Ebangelista, o porket nabasa niyo lang sa Facebook. Ang marapat ninyong gawin ay basahin ang magkabilang panig, magtanung tanong, maging mapagmatyag, timbangin ang mga impormasyon, [nakapagtataka kung bakit hindi man lang nila ilapat sa mga Katoliko ang ganitong pamantayan ng pagsisiyasat samantalang hinihikayat pala nila ang kanilang kaanib na magsiyasat ng may katalinuhan at tamang pagtimbang.] at higit sa lahat ay manalangin upang magabayan kayo sa magiging pagpapasya ninyo. Kaya kahit pa dumating na ma-hack nga nila ang mga account ko at magpadala ng mga mensahe sa inyo na nanghihikayat sa inyo ng mga bagay na sasalungat na sa mga pinahayag kong ito na siya kong paninindigan sa paghahayag ng katotohanan, marapat lamang na huwag ninyong paniwalaan at itakwil ninyo. Ano ngayon ang ating dapat na maging batayan kung alin ang katotohanan? Kung ano ang nakasulat sa Biblia, ang sabi ng Panginoong Jesucristo, “Ang Salita Mo’y katotohanan”. Samakatuwid, kailanman at mayroong nagpapakilalang nagsasabi ng katotohanan subalit lihis na sa sinasabi ng Biblia,huwag ninyo itong sundin sapagkat hindi ito ang katotohanan bumababa mula sa langit, kundi karungang mula sa diablo dahil sa ito ay kasinungalingan. Ang pinamatibay na basehan natin ay ang mga salita ng Diyos. Mararamdaman din naman ninyo kung sakaling gumagamit ang Sanggunian ng mga salita din ng Diyos na nakasulat sa Biblia subalit sa hindi nito kaukulan o para sa maling aplikasyon, para lamang pangatwiranan ang kanilang gustong gawin o ipagdiinan. [Matagal na naming napansin ang paggamit ng mga bayarang Ministro ng mga talata sa Biblia, hindi upang masumpungan ang katotohanan ng Diyos kundi upang ma-accomodate nila ang kanilang mga halaw at pansariling aral tulad ng pagiging "Huling Sugo" raw ni Felix Manalo at ang pagdidiin nila na si Cristo ay tao noon, tao ngayon at tao rin siyang babalik ayon kay Ministro Emiliano Agustin, Pasugo Enero 1964, p. 13)] Ang espiritu santo mismo ang siyang maguudyok sa atin para maramdaman kung ang mga leksyon sa pagsamba ay nasa uring nagpapahayag ng impormasyon para tayo ay matuto na sumunod sa mga salita ng Diyos o ito ba ang ginagamit lamang ng Sanggunian upang papaniwalain ang mga kapatid, takutin o kumbinsihin na sangayunan ang kanilang ginagawa o pinagagawa. Sa awa at tulong ng Panginoong Diyos ay magagabayan tayo upang makapagpasya ng wasto ukol sa mga bagay na nais Niyang matupad sa atin upang maingatan ang ating kahalalan at ikapagtatamo ng kaligtasan. [Sino ang Espiritu Santo para sa INC™?]

T. Papaano kami makakasubaybay kung sakaling binabawalan kaming pumunta sa mga social networking sites?

S. Ang pinakamagandang gawin ninyo ay gumawa ng “dummy account” o account na hindi nyo tunay na pangalan, upang makasubaybay kayo sa mga inilalahad sa Facebook at iba pang social networking sites. Karapatan po nating lahat na magsuri sa katotohanan. Hindi ba’t noong tayo ay dinudoktrinahan pa lamang ay hinihikayat tayong magtanong ng magtanong at sasagutin ito ng mga Ministrong nagdodoktrina, subalit bakit ngayon, kapag nagtanong ka ay katumbas na agad ng paglaban sa Pamamahala? Ito ay dahil sa hindi nila kayang sagutin ng derechan ang mga katanungang ito. Kung kayonaman [sic] po ay gagamit ng inyong sariling personal facebook account, iwasan na lamang po ninyong mag-like o magcomment sa mga mensahe sa inilalabas upang huwag kayong mamonitor ng ACTIV. Dahil oras na kayo ay naglike, nagcomment o nagshare ay iaalerto ng ACTIV ang inyong Pastor na nakasasakop sa inyo at iuulat naman ito sa Tagapangasiwa ng inyong Distrito at ang kasunod na mga mangyayari ay ang kasalukuyang nararanasan ng maraming mga kapatid ngayon, tatawagan ng Ministro, ipapatawag sa opisina, kakausapin ng Ministro at ng Tagapangasiwa, bababalaan, pagagawan ng salaysay at uutusang i-unlike ang mga mensahe, tanggalin ang mga comment at shared messages o kaya naman ay pabubuksan sa harap nila ang inyong facebook account babasahin ang inyong mga private messagesa at comments at ito ay ipapadeactivate sa inyo. Ito ang ginagawa ngayon ng mga Tagapangasiwa sa buong mundo, sa atas ng Sanggunian, upang pagtitiwalagin ang sinumang sasangayon sa mga bagay na aking isinisiwalat sa social media. Kaya sa halip na ito ay isa-isang sagutin ng Sanggunian, ang ginagawa nila, dahil ito nga daw ang mas madali, ay ang takutin na lamang ng tiwalagan ang mga kapatid. Para na tuloy tayong pinangungunahan ng Sanggunian na kung umasta na ngayon ay parang sindikato o mafia, ito ang nakalulungkot nakalagayan ng Sanggunian ngayon.

T. Ano ba ang pakay ninyo sa paglalahad nyo ng mga katiwaliang iyan?

S. Ang hangad ko po ay maibalik ang Transparency at Accountability sa Iglesia. Ibalik ang Merit/Demerit system sa Ministerio at ibalik ang integridad at kredibilidad ng Ministerio na dinungisan ng Snaggunian [sic] at ilang mga tiwaling Tagapangasiwa. Nais kong buwagin ang “palakasan system”, “under the table transactions”, “midnight appointments”, “pakimkim o lagayan system”. Sa pamamagitan ngmga [sic] inihahayag kong katotohanan at sa pagsisiwalat ko ng mga katiwalian sa Iglesia, nawa ay magkaroon ng delikadeza ang mga Ministrong nasa Sanggunian at bumaba sila sa kanilang posisyon at pumayag na sumailalim sa boluntaryong pagsisiyasat sa kanila ukol sa mga katiwaliang ikinakaso sa kanila. Sagutin nila isa-isa ang mga isyung ito at kung sila ay mapatunayang nagkasala, nagmalabis sa kapangyarihan, inabuso ang pagtitiwala ng Tagapamahalang Pangkalahatan at ginamit ang pera ng Iglesia para sa hindi nito kaukulan o para sa kanilang pansariling kapakinabangan, at naging instrumento sa panggigipit at pagmamalupit sa pamilya ng Ka Erdy, kinakailangan silang disiplinahin, itiwalag kung kinakailangan at managot sa parusang iapapataw ng batas kung kinakailangan. Walang ibang makapagsasakatuparan nito kundi ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa paggabay at patnubay ng Panginoong Diyos. Ganito rin ang gagawin sa mga tiwaling mga Tagapangasiwa at mga Ministro na nagpakasangkapan sa Sanggunian sa kanilang mga tiwaling mga gawa. Kung papaano ito mangyayari at kung kailan ito matutupad, iyan po ay para sa Panginoong Diyos na. [Pag-aari ito ng mga Manalo, nasa kanila kung kailan at paano ito matutupad. Walang kinalaman ang Diyos sa sigalot ng Korporasyon ng mga Manalo!]

T. Bakit hindi na lamang ninyo ipaubaya ito sa Panginoong Diyos tutal ay sa Kaniya naman ang Iglesia ito, huwag na ninyong panghimasukan pa ang bagay na ito? [Sinong nagsabing "sa Diyos" ang INC™?]

S. Totoong ang Panginoong Diyos ang Siyang gagawa para s akapakanan [sic] ng Iglesia. Subalit kung sinasamapalatayanan natin na ang Panginoong Diyos ang gagawa ng paraan para sa Kaniyang Iglesia, [Iglesia Ni Cristo na TAO o Iglesia Ni Cristo na DIYOS?] dapat ay sampalatayanan din natin na Ang Panginoong Diyos ang gagawa sa kaparaanang pipiliin Niya. Kaya kung sakalimang [sic] naihahayag natin ngayon ang mga katiwaliang ginagawa ng Sanggunian o ng mga tiwaling Ministro, samapalatayanan din natin na ito ay kalooban ng Panginoong Diyos na mahayag. Dahil kung hindi, baka noong una pa lamang akong maglabas ng mensahe ukol sa mga katiwalian, malamang ay nanigan na ang aking mga daliri at hindi ko na naisulat ang mga ito. Samakatuwid hindi natin maaaring sabihin na Diyos na ang bahalang gumawa ng paraan tapos tayo rin pala ang magpapasya kung alin ang paraan at hindi paraan ng Panginoong Diyos na kungbaga [sic] ang ginagawang paghahayag ngayon sa mga katiwalian ng Sanggunian ay hindi isa sa mga kaparaanan ng Panginoong Diyos para matupad ang Kaniyang kalooban. Nasa tao ang gawa, pagsusumikap at pagtatyaga na gawin ang kalooban ng Diyos, nasa Panginoong Diyos naman ang pagtatagumpay kung ito ay sangayon sa Kaniyang kalooban at kabiguan kung ito aylabag [sic] sa Kaniyang kalooban. Hindio [sic] maaari na ipapaubaya natin ang lahat sa Panginoong Diyos at wala na tayong gagawing iba, napatunayan na ito ng napakaraming tagpo sa kasaysayan ng Biblia, kung saan ang mga lingkod ng Panginoong Diyos ang siyang gumawa, hindi nanood lang o naghintay lang, gumawa sila at ang Panginoong Diyos ang siyang gumawa ng paraan para sila ay magtagumpay o hindi. [Hindi lang ang mga nakatitik sa Biblia. Maging sa kasaysayan ng Pagliligtas, kasaysayan ng tunay na Iglesia -- ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo (Pasugo, Abril 1966, p. 46)]. Kung mali ang ginagawa natin ngayon, sumapalataya tayo na hindi tayo papapagtagumpayin ng Panginoong Diyos, at malamang ay magtatagumpay pa rin ang mga nasa Sanggunian sa kanilang patuloy na paglabag sa mga kalooban ng Panginoong Diyos at paggawa ng katiwalian sa Iglesia. Alin kaya ang papayagan ng Panginoong Diyos na magtagumpay at alin kaya ang hindi Niya papayagan, manapa ay mabibigo?

T. Wala naman talagang sigalot sa Pamilya ng Ka Erdy at ng Ka Eduardo eh, kayo lamang ang nagsasabi nyan kaya nagkakalat kayo ng paninira?

S. Ito po ay hindi isyu ng suliranin sa Sambahayan ng ating yumaong Tagapamahalang Pangkalahatan at ang Kapatid na Eraño G. Manalo. Ito ang dahilan kaya hindi ko ito masyadong tinatalakay dahil sumasampalataya ako na kung meron man higit sa lahat na nakakaalam ng tunay na kalagayan ng pamilya ng Ka Erdy at ng Ka Eduardo ay walang iba kundi sila lamang at tanging ang Ka Eduardo lamang ang siyang makakapagbigay lunas dito. Hindi ko pangangahasan an sabihin pa ang iba kong nalalaman sapagkat sumasapalataya ako na maaayos din sila alang-alang sa ikatutupad ng doktrina ukol sa pag-iibigang magkakapatid at pagmamahal sa mga magulang. Ang Ka Eduardo lamang ang tanging may kakayahan na ipatawag at tipunin ang kaniyang magulang at mga kapatid upang makausap ng masinsinan at malaman ang lahat ng katotohanan ukol sa mga isyung bumabalot patungkol sa kanilang Samabahayan na siyang bumabagabag sa buong Iglesia dahil sa sila ang nagsisilbing ehemplo sa lahat ng mga kapatid ukol sa marapat na sambahayang Iglesia Ni Cristo, kaya kapag may nababalitaan ang Iglesia ukol sa mga nakababahalang balita ukol sa kanilang sambahayan ay hindi natin maiwasang hindi maapektuhan, kung kailan sila ipapatawag ng Ka Eduardo upang makaharap at makausap ng personal ay tanging ang Tagapamahalang Pangkalahatan lamang ang siyang makapagsasabi, sa tulong at awa ng Panginoong Diyos. Ang bahagi natin na mga kapatid sa Iglesia ay patuloynating [sic] mahalin ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan, maging ang Ka Tenny, ang Ka Angel, Ka Mark, Ka Lottie at ang kanilang buong Samabahayan. Ipanalangin natin sila sa Panginoong Diyos na patuloy silang ingatan, pagkalooban ng kalusugan at lakas upang malampasan ang pagsubok na ito sa iglesia at sa kanilang Sambahayan. Hilingin natin na ilayo sila sa anumang masasama, lalo na sa mga plano ng mg ataong [sic] tampalasan na nakapaligid sa kanila. Sa awa at tulong ng Panginoong Diyos ay maaayos din ang problema nila sa kanilang Samabahayan at manunumbalik mula ang kapayapaan sa buong Iglesia.

T. Papaano kami makakatulong sa inyo pong ginagawa?

S. Maging mapagmatyag po tayo at gising sa lahat ng bagay. Kung mayroon po tayong alam na paglabag na ginagawa ng sinoman, lalo na ng mga nasa Sanggunian, mga Tagapangasiwa o ng iba pang mga Ministro o mga Kapatid, ipagbigay alam po ninyo ito sa mg akinauukulan, [sic] subalit kung nangangamba po kayo na bago kayo pag-initan o kaya naman ay gamitin ito laban sa inyo, maaari po ninyo i-email ito sa amin increportsforvem@gmail.com o kaya ay antonioebangelista@gmail.com at ito po ay sisikapin naming mabigyan ng kaukulang atensyon. Kung sakaling kayo po ay ipatawag ng inyong mga Ministrong Destinado, Tagapangasiwa o Sanggunian, huwag po kayong sasagot ng pabalang, igalang po ninyo sila sapagkata nanatili pa rin po ang katotohanang sila ay mga Ministro, igalang po ninyo ang karapatan nila. Sumagot po kayo ng may katapatan subalit ingatan po ninyo ang inyong sarili na huwag magamit ang anumang sasabihin ninyo upang ipanggipit sa inyo para kayo ay takutinnila [sic] ng pagtitiwalag. Sumangayon kayo sa anumang kanilang sasabihin dahil sa mawawalan din naman ng saysay na kayo ay makipagtalo sa kanila dahil sa sila ang nasa puder ng kapangyarihan. Kung pinagagawa kayo ng salaysay ay gumawa kayo, kung pinababago nila ito at ipinasusulat sa inyo ang gusto nilang ipalagay sa inyo, gawin ninyo, humingi lang kayo ng kopya at ipa-receive po ninyo sa kanila sapagkata iyan naman ay karapatan ninyo, at saka po ninyo ipadala sa akin kalakip ang inyong totoong salaysay ukol sa nais ninyo talagang ipahayag sa inyongsalaysay [sic]. Ang tanging maitutulong po ninyo sa amin ay magpadala po kayo ng mga ebidensya na alam po ninyongmakatutulong, hindi upang manira sa kanino man, kundi upang ihayag ang mg akatiwalian [sic] na ginagawa ng kung sinoman, lalo na ng mga Ministrong katuwang ng Pamamahala, ang mga nasa Sanggunian. Magpadala po kayo ng mga larawan kung makita ninyo sila sa mga mamahaling restaurant, hotels at iba pa, kung may mga kausap silang politiko, contractor o kung sino pa man na alam ninyong mayroong ginagawang labag o walang kinalaman sa Ministerio. Ipadala po ninyo sa amin ang mga larawan ng kanilang itinatagong masion, mga mamahaling sasakyan at ipa ba na nagpapatunay na mayroon silang di-maipaliwanag na kayaman. Lahat ng inyong maitutulong ay para po mailantad ang katotohanan at upang maisagawa ang ganap na paglilinis sa Iglesia at maibalik ito sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan.

Nawa po nakatulong na mabigyang linaw ang ilan sa mga karaniwang katanungan ng mga kapatid ukol sa mga bagay na nababasa nila sa Social Media upang tayo ay magabayang lalo sa ating paghahangad na malaman ang katotohanan at ibunyag ang kamalian at kasinungalingan.

Kung mayroon pa po kayong ibang mga katanungan ay maaari po ninyo i-message o i-email po sa akin. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsubaybay.

Ang inyong Kapatid,

Antonio Ebangelista

Official FB Page: Silent No More
Email: increportsforvem@gmail.com
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1

Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

PUBLISHED BY
Antonio Ebangelista
Ministro sa Iglesia Ni Cristo Kasalukuyang naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan ng Central, Quezon City View all posts by Antonio Ebangelista

1 comment:

  1. Ako'y tunay na IGLESIA NI CRISTO... isa po ako at ang pamilya namin ang nakaranas ng pagsasawalang halaga ng Tagapangasiwa ng Distrito! "LABAN po AKO sa KATIWALIAN na nangyayari sa IGLESIA." Ka Antonio Ebangelista, Ano po ang DAPAT kung gawin para makatulong sa pagsugpo ng KURAPSYON / KATIWALIAN sa loob ng MAHAL nating IGLESIA?

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.