Pages

Saturday, May 9, 2015

UPDATE: IGLESIA NI CRISTO® LOCALE OF JAPAN reported by a Filipino resident minister

All conversations were taken from an Iglesia Ni Cristo® Minister at Central Mr. Antonio Ebangelista (not his real name) through his blog Iglesia Ni Cristo Silent No More... and what a help for Mr. Ebangelista if the owner of  iglesianicristoreadme.blogspot.com who claims HIS BLOG is now TRENDING BACK should also RE-POST this fight to "purge" INC™'s growing corruption within the Finance Department where ReadMeINC is presently working.

The only trending unofficial INC™ blog in the internet,
yet is silent over the alleged corruption within the
Iglesia Ni Cristo® Church's Finance Administration

May 8, 2015
PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN 
Mula po sa isang Kapamatok po namin sa Ministerio sa isa sa mga Lokal sa Japan:

Magandang araw po kapatid na Antonio. Ako po ay isang Ministro din. Dito po ako nakadestino sa Japan. Nabasa ko po ang inyong isinulat ukol sa Tax Evasion Case ng INC dito sa Japan. Nabasa ko rin po ang inilabas sa isa pang blog ukol sa sagot daw po sa inyong mga pahayag para ito ay pasinungalingan. Pasensya na po kayo kung hindi po ako makapagpapakilala sa inyo sa dahilang mahigpit po ang tagubilin sa amin ng aming Tagapangasiwa dito, maging ng Ka Jun Santos. Noong una ko pong nabasa ang inyong mga posts ay aaminin ko pong nagalit ako at gusto ko po kayong murahin. Subalit ng unti-unti ko pong binasa ang lahat ng mga pahayag ninyo mula ng simula ay naramdaman ko po ang inyong malasakit, na wala po kayong hangaring lumaban o lumapastangan sa Kapatid na Eduardo V. Manalo kundi ang inyong pagnanais na labanan ang katiwalian alang-alang sa Tagapamahalang Pangkalahatan at sa kapakanan ng Iglesia. Ito po ang dahilan kaya ako naglakas ng loob na sumulat na sa inyo upang ipaalam ang katotohanan ukol sa bagay na ito na mariin na pinabubulaanan ng kampo ng Ka Jun Santos sa pamamagitan po ng mga ipinakakalat nila sa internet para di-umano ay pasinungalingan ang inyong mga isiniwalat ukol sa kalagayan ng Iglesia dito sa Japan. Kaya upang makatulong po sa kahit na maliit na paraan ay hayaan nyo po sanang ako na ang sumagot sa mga isyus ukol po sa totoong kalagayan ng INC dito sa Japan:

  1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan. Sa Pipilipas po ay talagang wala kayong mga tax para sa tulong ng ministro,subalit dito sa Japan po ay may hinihinging kaukulang filing para sa mga ministro at workers, dahil ang kategorya nito sa pamahalaan ay “sweldo”. Ayon sa lawyer ng Iglesia dito sa Japan ay sinasagot lang sya ni Ka Benedicto (Tagapangasiwa namin) na tulong lang daw ang natatanggap,opo totoo yun, pero sa gobyerno ng Japan yun ay nasa kategoryang “sweldo” parin. Nakalulungkot po na ito ay hindi iniintindi kahit pa naka 3-palit na ng lawyer ang Iglesia dahil sa walang tumatagal. Dahil sa kawalan ng pagkaunawa ng Tagapangasiwa namin, kahit na ipinaliwanag na sa kaniya ang batas na ito sa Japan, kaya pinagtatawanan na lamang ang Iglesia ng lawyer dahil malaking katanungan sa kanila kung anong klaseng religion ba daw ito ,dahil sa hindi marunong sumunod sa batas ng pamahalaan ng Japan.
  2. Ngayon humingi na ng tulong itong Pangulong Diakono ng Tokyo sa isang kapatid dito sa Japan na higit na nakakaunawa sa law regarding sa finance and legal documents kaya ang Kapatid nating iyon ang syang derechong nakikipag ugnayan sa lawyer na lingid sa kalaman ng aming Tagapangasiwa,dahil sa di nga sila nakikinig. Isinusulat ko na po ito at ipinaabot sa inyo dahil ang sabi ng Kapatid na siyang nagmamalasakit na nga sa amin dito ay di sya concern sa anumang bagay o pagtakpan ang kasiraan ng sinomang ministro o ang naging kapabayaan ng Central dahil sa na-overlooked nila ang isang napakahalagang bagay na ito na may kaugnayan sa pagkakarehistro at pananatiling legal ng Iglesia Ni Cristo dito sa Japan. Ang pananampalataya ng lahat ng mga kapatid dito sa Japan ay karapatdapat lamang na pananagutan ng mga Ministro at di ng mga Pangulong Diakono na ng dahil sa pagmamalasakit sa Iglesia ay ginagawa ang lahat ng paraan upang maisaayos ito. Ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan ang siyang malalagay sa kahihiyan at mapipinsala kapag ito ay hindi naagapan ng Central 
  3. Hindi naman po nai-wawala o na wi-withdraw ang cancellation ng registro sa Japan dahil sila ay maluwag naman, binibigyan nila ng palugit or warning …..Hindi po namin lubos na maunawaanang kung bakit ipinagwawalang bahala ito ng aming Tagapangasiwa samantalang napakabigat po ng magiging implikasyonnito sa Iglesia Ni Cristo, lalo na sa pagkakarehistro dito sa Japan. Sa halip na ito ay harapin nila at pahalagahan ay mas labis na inatupag pa nila ang pagdating ng Ka Jun Santos kaya lagi syang hindi available kapag hinahanap ng mga Kapatid upang makausap ukol sa bagay na ito.
  4. Noon pong nagsagawa ng Pamamahayag ang Ka Jun Santos dito sa Japan noong Mayo 3, nagkita-kita po ang lahat ng mga Pangulong Diakono at mga Ministro kaya marami na po ang may alam na sa tunay na panganib sa kalagayan ng rehistro ng Iglesia Ni Cristo dito sa Japan. Kaya kahit sino pong mga kapatid, lalo na ang mga maytungkulin at mga Pangulong Diakono at mga Ministro ang makausap ninyo dito sa Japan ay magpapatunay na isa talagang nakaka-alarmang problema ito na dapat sana ay hinaharap na ng Tagapangasiwa at ng Central.
  5. Para po sa kabatiran ninyo, ang petsa ng pagkakarehistro ng Iglesia Ni Cristo dito sa Japan ay Hulyo 12, 2014….INC SETTLEMENT January to December 31. Ang sinasabi ng abogado ng Iglesia, ang starting period ay December 31. Samakatuwid, kinakailangan na sa loob ng apat na buwan (4 months) ay nakapag submit na ng kinakailangang dokumento sa gobyerno ng Japan o TAX CENTER. Ang time limit po ay April 30, samaktuwid ay lapse na po tayo.
  6. Subalit bagamat lumampas na tayo sa pagsusumite sa deadline ng gobyerno ay nagbigay pa rin sila ng palugit, lalo nga at maraming inaasikaso din ang TAX CENTER na ganitong mga kaso. Kaya may karagdagang 2 buwan po uli sa June 30 ay hihintaying ng TAX CENTER ang ating magiging opisyal na tugon. Kung sa kabila ng palugit na kanilang ibinibigay ay hindi pa rin tayo makakatugon ay magpapadala na sila ng WARNING LETTER ang gobyerno (TOKUSOJYO).
  7. Alam lahat ng lawyer kung anu-ano ang kailangang isumite. Pero hanggang ngayon ay di pa rin kumikilos sila Ka Benedicto ukol dito.
  8. Kung maisasaayos ito agad at maisusumite ang mga kailangang dokumento ay maliit na halaga lamang ang kailangan nating bayaran, mga Y100,000.00 para sa SETTLEMENT ng INC sa GOVERNMENT.
  9. Subalit kahit magbayad pa tayo, subalit hindi pa rin tayo magsusumiti ng mga kaukulang dokumento sa gobyerno ay magsasampa na sila ng kaso sa korte (SHIN-SAKAI) Judgement Cycle or The REGISTRATION WILL BE CANCELLED.
  10. Kapag nangyari po ito lahat mahahalungkat, maging ang Lokal Fund at ang problema ay d po ito nakapangalan sa INC ang lahat ng account, nasa personal account ng kapatid ito naka pangalan. Ang sabi ng lawyer ay di pa nila makausap si Ka Benedicto, dahil busy nga sa pagdating ng Ka Jun Santos dito sa Japan. Ang paulit-ulit na sinasabi ni ka Benedicto sa mga abogado ay “Ang Iglesiang ito ay sa Diyos” na para bagang ang ibig nyang sabihin ay kahit lumabag ito sa batas ay hindi ito mapipinsala, kaya ang tingin tuloy sa kaniya ng abogad ay parang “crazy” na daw dahil parang ang tingin niya ay dahil sa isa tayong Relihiyon ay nanganhgahulang hindi na tayo nasasaklaw ng mga batas sa bansang ating kinabibilangan.
  11. Ano po ang mangyayari kapag hindi tayo tumugon sa batas na ito ng Japan? Kapag nangyari na nga ito at hindi tayo nakatugon ay pupunta na ang mga taga-Tax Center at ang magiging penalty po natin ay 40% for 5years computed sa ministers’ salary (or tulong) ang bawat isa po. Subalit di pa po doon natatapos iyon, malalagay po ang INC sa kahihiyan sa gobyerno at sa Japanese Communities, alam naman po natin kung gaano kahalaga sa mga hapon ang “honor” o kredibilidad. Kapag nalagay na po tayo sa kahihiyan ay mahihirapan na po tayong muling mag-apply ng Registration sa gobyerno dahil na-blacklist na tayo.
  12. Subalit kung ito po ay maaasikaso agad, bagamat magmumulta lang tayo para sa 10 buwan at wala ng 40% na sisingilin pa sa INC.
  13. Isa pa pong katanungan ng abogado natin ng Iglesia regarding sa ating mga property na sya nyang sinasabi sa distrito na di na malaman ng lawyer kung paano at bakit hanggang ngayon ang lahat ng property mula sa hanay na nauna ng nabili sa Tokyo, 2nd yung office ng distrito, 3rd yung Hamamatsu Locale, 4th Okinawa ay pawang di naka rehistro sa pangalan ng INC. Anong dahilan nila bakit di pa daw ilipat ang mga ito sa pangalan ng Iglesia at nananatiling nakapangalan sa mga kapatid bilang personal property nila. Kaya hanggang sa kasalukuyan ay wala pa pong nakarehistrong fixed asset ang INC. Ito po ang dahilan kaya hindi maisama sa SETTLEMENT ang mga properties ng Iglesia ay dahil sa hindi pa naililipat at wala pa rin silang balak na ilipat sa pangalan ang mga properties na ito.

Ang mga nakalulungkot na kalagayang ito ng Iglesia dito sa Japan ang dahilan kaya ako po ay nag-ipon ng lakas ng loob na sumulat na sa inyo at baka kapag kayo na po ang nagsiwalat nito ay matawagan na ng pansin ang aming Tagapangasiwa at ang Central upang asikasuhin na nila ito at ng maging mapanatag na rin po ang aming kalooban para sa kapakanan ng Iglesia dito sa Japan. Sana po ay mabiyan nyo ng boses ang tinikom na boses ng lahat ng mga Ministro at mga Kapatid dito sa Japan.

Kung makikita nyo lang po ang kalagayan ng mga kapatid po natin dito sa Japan, ang akala ng marami ay mararangya ang buhay nila dito subalit ang katotohanan ay mga hirap din sila sa buhay at patuloy na nagsusumikap araw-araw para lang may maipangtustos sa kanilang mga pangangailangan, sa pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay na nandyan sa Pilipinas at higit sa lahat upang may magugol para sa aming paglilingkod sa Diyos.

Alam ko pong dumarating ang pagkakataong napapagod na rin kayo sa ginagawa ninyong pakikipagbaka sa mga kasamaan sa Iglesia lalo na sa Ministeryo, subalit hinihiling ko po sa Ama na sana po ay makapagpatuloy pa po kayo sa pagsisiwalat ninyo ng mga katiwaliang ito sa layunin na ito ay maituwid at maibalik ang Iglesia sa putong ng katwiran at kabanalan.

Ako po, kabilang ang maraming mga “gising na” na mga Ministro, kasama ng aming buong Sambahayan ay kasama po ninyo sa laban ng pananampalatayang ito at sa pagmamakaawa sa Panginoong Diyos tuwing 10PM na iligtas po Niya ang mahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan sa lahat ng taong gumagawa ng masa sa Iglesia lalo na ang mga nasa hanay ng Sanggunian.

Salamat po Ka Antonio at mabuhay po kayo.

Ministro po dito sa Japan

Tugon ni G. Antonio Ebangelista:

Mahal na Kapatid,

Maraming salamat po sa inyong matapang na paglalahad ng tunay na kalagayan ng INC dyan sa Japan. Ang totoo po ay hindi ko na nga pinapansin ang isinusulat ng mga nasa kampo ng ACTIV ng Ka Jun Santos dahil alam kong hindi lang nila lubos na naunawaan ang issue na isiniwalat ko dahil ang mga ito ay pawang galing din naman sa mga kapatid dyan sa Japan. Kaya nga ang lagi kong payo sa mga kapatid na nagtatanong kung di ko raw ba sasagutin ang sagot ng sumulat na iyon laban sa akin, ang payo ko ay basahin nila ang nilalaman ng pahayag ng kabilang panig at sila na mismo ang magpasya kung alin ang mas matimbang, tutal kapag naman nahayag na ang totoong kalagayan ng INC dyan sa Japan ay kakainin din nila ang sinasabi nila. Ang iyong pagsulat sa akin at paghahayag ng mga impormasyong iyan ay katunayang isa ito sa paraan ng Panginoong Diyos upang lalong mahayag ang katotohanan.

Maraming salamat po Kapatid, sana po ay lalo kayong magpakalas dyan sapagkat lalo na sa mga panahong ito na sinusubok ang Iglesia at ang pananampalataya ng mga kapatid, lalo tayong kailangan ng mga kapatid na nanghihina at nanglulupaypay upang huwag silang mahiwalay ng landas o matisod sa mga pangyayaring ito, upang lalo silang magpakatatag upang makapanatili sa loob ng kawan at magtamasa ng kaligtasang ipinangako ng Panginoong Diyos.

Ang inyong Kapatid kay Cristo,

Antonio Ebangelista

Official FB Page: Silent No More
Email: increportsforvem@gmail.com
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1

Si READMEINC, kapanalig kaya siya ng Ka Jun Santos o ng Ka Antonio Ebangelista?

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.