Pages

Sunday, July 5, 2015

Kawani ng INC™ Central, sumulat kay G. Antonio Ebangelista upang isiwalat ang nalalamang di umano'y anumalya


Noong nakaraang taon lamang ay nagdaos ng magarbong ika-100 Foundation Anniversary ang Iglesia Ni Cristo® sa kanilang "Philippine Arena" sa Santa Maria-Bocaue Bulacan sa tinawag nilang  "CIUDAD DE VICTORIA" (Español ng "LUNGSOD NG MANALO") na dinaluhan ng kanilang mga kaanib.

Heto's wala pang isang taon ay kabilaan na ang mga paratang ni G. Antonio Ebangelista sa kanilang General Auditor ng pagmamalabis sa pananalapi.  Proyekto rito proyekto roon. At dumadami ang kanilang mga "fund raising" activities.

Ayon pa kay G. Antonio Ebangelista, may 40 Milyong Piso pang utang ang Philippine Arena sa Meralco dalawang buwan na ang nakalilipas.

Nariyan ang pagbebenta raw ng mga ari-arian at lupain, dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na pag-aari ng INC™ ni Manalo-- lahat sa desisyon ng isang tao-- walang iba kundi ang Ka Jun Santos (Glicerio Santos Jr) na ayon sa nagtatagong Ministro ay utak sa mga anomalya sa loob ng Iglesia Ni Cristo® (basahin ang blog ni G. Antonio Ebangelista mula sa simula -- ang "Iglesia Ni Cristo Silent No More" blog).

Bakit kaya napakalakas ng impluwensiya ng Ka Jun Santos sa loob ng Iglesia Ni Cristo®? Bakit hindi man lang siya nabibigyan ng sanctions ng Executive Minister? Hindi ba't nakakapagtataka kung bakit nga "untouchable" siya?

Sino nga ba ang Ka Jun Santos?

Ayon sa blog na Philippine Taxpayer, kung si Ka Jun Santos na sinasabi nilang General Auditor at si G. Glicerio Santos Jr. ay iisa, malamang na siya raw ang tinutukoy sa bulung-bulungan na "illigitimate son" daw ni Felix ManaloKung magkagayon, ang Ka Jun Santos ay tiyuyin pala ng Ka Eduardo? Pero, wala pa namang  patunay na totoo ang mga usapin na 'yan kaya hindi maaaring bigyan ng mabigat na dahilan.

Narito na naman ang panibagong pagbubunyag ng isang kaanib ng INC™ ni Manalo na hindi na natatahimik ang konsensiya sa kabi-kabilaang anomalya "VOICE OF THE BRETHREN: PHP 19.95 MILLION UNPAID TO A SUPPLIER FOR THE INC MUSEUM PROJECT"


Ito po ay sulat ng isang kapatid na nagtatago sa pangalang “Lovely Rose”. Siya po ay isang kawani sa Tanggapan ng Central. Makikita nyo po sa ibaba nito ang actual na email na ipinadala niya kasama na po lahat ng supporting documentation sa kaniyang isiniwalat.


From: Lovely Rose
Date: June 30, 2015 at 11:45:20 PM GMT+8
To: iglesianicristosilentnomore@gmail.com
Subject: Unpaid Contractors

Magandang araw po Kapatid na Antonio Ebangelista,
Ako po ay matagal nang sumusubaybay sa inyong mga blogs. Sa totoo lang po noong una ay mahigpit na sinabihan na po kami dito sa opisina na huwag magbabasa ng mga nasa social media na mga paninira sa Pamamahala. Ako po ay sumunod at galit nga po ako sa sinomang naninira sa Iglesia, lalo na sa Pamamahala. Subalit ang unang-unang nagkukwento sa amin dito sa opisina ay ang mga mismong kasamahan naming mga Ministro. Baka hindi lang po ninyo naitatanong, magagaling po palang artista ang mga Ministro, lalo na dito sa opisina, kasi po kapag ang mga Ministrong hepe dito sa opisina ang nagtatanong sa kanila ay parang napaka inosente nila na wala daw silang alam dahil hindi naman daw sila nagbabasa sa social media, sabi nga po ng isang kasama kong Ministro sa Section namin, ni hindi nga daw po siya marunong magcomputer kaya po wala syang kaalam alam, pero huwag ka, kapag kami-kami na lang ay puro pala sila updated. 95% po ng mga Ministro at kawani dito sa opisina namin ay A.E. na rin simula ng magbasa ng mga blogs ninyo. Ako na po yata ang pinakahuli sa mga nagbasa dahil ayaw ko talagang maniwala. Pero naisip ko na kung yun ngang mga Ministrong na nandito ay nagbabasa ng mga post ninyo eh ako pa kaya. Kaya nagbasa na rin po ako mga 2 weeks ago. Naiinis po ako sa inyo Ka A.E., dahil simula ng magbasa ako ng blog ninyo ay lagi ko na itong sinusubaybayan. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag wala akong nababasang blog ninyo. Kapag nga wala kayong post ay nag-aalala na ako, actually nag-aalala lahat ng mga kasama ko sa opisina at lahat ng mga kakilala kong sumusubaybay din sa inyo. Natatakot nga kami na baka nahuli na kayo o kaya napaano na kayo. Kasama na po kayo sa ipinagpapanata ko araw araw na sana ay ingatan po kayo ng Ama at maipagpatuloy po ninyo ang inyong hangarin na isiwalat ang mga katiwalian sa Iglesia.
Tuwing naglalakad-lakad po ako sa opisina o kaya ay kapag nasa break time kami sa CDH ay nagmamasid masid ako sa paligid kasi baka mamaya nakasabay ko na pala kayo sa hagdan o kaya sa pagbili ng chit pero hindi ko man lamang namamalayan na kayo na pala si AE. May mga suspetya po ako kung sino kayo kaso hindi rin ako sigurado. Sana po balang araw kapag tapos na ang lahat ng ito at nakakulong na lahat ng mga tiwaling Ministro, sana makamayan ko man lamang kayo.
Sa amin po sa opisina may code kami para sa inyo para hindi po kami mahuli ng mga panatiko dun. Pero ang pinakamasarap magkwento ng inyong mga blog ay ang mismong mga Minsitro kasi sila mismo ang nagpapatunay na totoo lahat ng inyong mga isinusulat. Binabasa rin pala namin yung sagot ng Pristine Truth pero sa palagay ko po ay hindi masyadong maalam ang sumulat nun. Para bang bagong graduate lang sa BEM kaya pati ang paraan ng pagsulat nya ay kababakasan ng immaturity at hindi sya bihasa sa pagdedebate. Takot din syang magpakilala kasi siguro alam nyang mali sya at tyak na hahuntingin sya ng mga kapatid na galit sa katiwalian at sa sinumang ipinagmamatuwid ang katiwaliang ginagawa nila. Sana nga po maglabas kayo ng artikulo na ipinakikilala kung sino ba talaga ang nasa likod nyang theiglesianicristo.blogspot.com para makilala naman sya. tutal wala naman daw mali sa ginagawa niya at para naman daw sa Iglesia edi dapat matapang din syang magpakilala. Pero kahit naman magpakilala sya o hindi, wala pa ring kwenta ang mga isinusulat nya dahil halatang halata na mababaw sya kaya mababaw din ang paraan ng pagpapaliwanag nya. Isa na nga rin sya sa mga code namin sa opisina eh, kapag ang kausap namin ay medyo bobo ang sagot ang sinasabi namin “eh Mr. Blogger (bobo) pala to eh”. At kapag naman nanalo sa argumento o kantyawan ay sinasabi ng mga Ministro “Edi AE!” sa halip na “Edi Wow!”. Pasensya na po kayo ka AE kung para napahaba yata itong sulat ko, kasi po parang ang dami kong gustong sabihin sa inyo pra tuloy akong hinihingal hehe. Ok po, tapos na po ang pasakalye ko.
Bago po ako sumulat sa inyo ay ipinagpanata ko po ito sa Templo para po matiyak kong gagabayan ako ng Ama sa gagawin kong pagsulat sa inyo. Nais ko pong ibahagi sa inyo itong mga dokumento na aking nakita ng isang kaibigan ko na nagoopisina din po sa Tanggapang Pangkalahatan. Lalo lang daw po niyang napatunayan na totoo ang mga isinusulat ninyo dahil sa sya mismo ang nakakakita ng mga katiwalian sa opisina daw po nila. Ipinadala nya po sa akin ang mga ebidensyang ito para ipadala ko daw po sa inyo dahil hindi sya bihasa sa computer eh baka ma-trace pa sa computer nya sa bahay nila. Sa computer po ng anak ko ako gumawa ng sulat ko at ginamitan ko rin po ng VPN gaya ng payo sa article nyo noon para sigurado. Ka AE, hindi po ako marunong magprisenta ng mga ebidensyang ito kaya po ipapadala ko na lang po lahat ng ito at kayo na lamang po ang mag-ayos. Basically ay mga katibayan po ito na marami pong mga Contractors ang mayroong pagkakautang ang INC hanggang ngayon po. Is apo itong ipinadala ko po. Magpapadala pa po ako kapag naipadala po sa akin ng akingkaibigan yung iba pa para lalong maunawaan ng mga kapatid na ibang iba na po ang kalagayan ng pananalapi ngayon sa Iglesia. Datirati po ay pinakamatagal na ang 2 weeks bago mabayaran ang mga suppliers at contractors, subalit ngayon po ay buwan na ang lumipas at hindi pa nababayaran at yung iba ay hindi talaga binabayaran at wala na lamang silang magawa kasi iipitin din yung iba nilangprojects kapag umangal sila, meron nga pong iba ay nademanda na ang Iglesia dahil sa ayaw magbayad. Next week daw po ay ipapadala nya sa akin yungmga proof at ipapadala ko po agad sa inyo.
Ka AE, kayo na pong bahalang magtago sa identity ko o anumang pagkakakilanlan ko para hindi po ako mapahamak maging ang aking kaibigan. Sana po ay lalo pa kayong patnubayan para lubusan ninyong mailantad ang mga kamalian ngayon sa Iglesia na pilit nilang pinagtatakpan kaya lalong lumalalim pa tuloy ang mga isyu ng corruption. Dapat talaga itong mai-expose ng ito ay mahayag sa lahat ng mga kapatid at sama sama nating tutulan ang katiwaliang ginagawa nila. Mag-iingat po kayo lagi dahil alam na alam na po sa buong Central na kasalukuyan pong P 2 Million na po ang pabuya sa sinumang makahuhuli sa inyo. Sumasampalataya po kami na iingatan po kayong palagi ng Ama. Salamat po.
Lovely Rose

Narito po sa ibaba ang mga attachments na pinadala ni Lovely Rose kay G. Antonio Ebangelista


Mababasa po ang kabuuan ng artikulo rito sa blog ni Ka Antonio "Iglesia Ni Cristo Silent No More"

1 comment:

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.