Pages

Wednesday, September 23, 2015

SAPOL SA VIDEO: Pagkalito ng mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo® at ni Eduardo V. Manalo kung kaninong "Kalooban" ang kanilang sinusunod!

KALOOBAN NG DIYOS (Ama) o KALOOBAN NG TAO (Jesus)!

Dahil ayon sa Teolohiya ng Iglesia Ni Cristo®, IISA LAMANG ang DIYOS at ito ay ang DIYOS AMA LAMANG! At ang Panginoong Jesu-Cristo ay TAO LAMANG at hindi siya Diyos!

Heto ang sabi ng Ministro na si Emiliano Agustin (PASUGO, Enero 1964, p. 13 “TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”

Sa isang VIDEO na pinost sa Facebook mula sa United with EVM, huling-huli sa video ang kalituhan ng mga Ministro nila at ng Ka Eduardo V. Manalo kung kaninong "KALOOBAN" ba talaga ang kanilang sinusunod.


Kung mahanap niyo ang video na 'yan (nasa incmedia.org), maririnig mismo sa tapat ng print-screen ng mga katagang nakasulat (Ang video ay bahagi nang teksto / sermon ni Eduardo V. Manalo noong July 05, 2014). Ganito ang pagkakasabi ng Ka Eduardo V. Manalo...

"...Kaya hindi mo maaaring punahin ang Pamamahala eh. Sapagkat ang ipinagagawa sa atin ay alin?  'Yung kalooban nino?  Nang Diyos..." (background: kasabay ng pahayag ni EVM ay mga Ministo na sumagot sa tanong na 'Kalooban nino?'... "Panginoong Hesukristo")."

1 comment:

  1. Wala pong mali doon kasi ang Panginoong Diyos At ang Panginoong Jesus ay may mga kautusan at kalooban na dapat naming sundin....Mali po ang pagkaunawa niyo sa konteksto ng pahayag ng aming tagapamahala.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.