Pages

Saturday, March 19, 2016

GMANews: ‘Misteryo ng Monasteryo,’ dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa ‘I-Witness’

Source: GMAOnline

“MISTERYO SA MONASTERYO”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
March 19, 2016


Noong 1948, isang dalaga ang tumakas para pumasok sa Carmelite Monastery. Siya ang bunso at paboritong anak ng gobernador ng Batangas. Maganda at may talento sa pagtugtog ng piano, tila wala na siyang hahanapin pa. Pero tinalikuran ni Teresing ang komportableng buhay na ito para sa isang payak na pamumuhay sa umiikot lang sa loob ng mga pader ng monasteryo.

Makalipas ang isang buwan, yayanigin niya ang mga na pader ito nang isiwalat niya na nagpapakita sa kanya ang Mahal na Birhen. Sumunod dito ang iba’t ibang misteryosong kaganapan--- ang pag-ulan ng mga talulot ng rosas at kalaunan, ang pagsayaw ng araw na masasaksihan ng maraming tao. Kikilalanin ito sa buong mundo bilang Aparisyon ng Mary Mediatrix of All Grace.

Pero noong 1951, idineklara ng mga opisyal ng simbahan na hindi totoo ang mga naganap sa Lipa at ipinagbawal ang debosyon sa Our Lady of Mediatrix. Pinaalis si Sister Teresing sa monasteryo. Lahat ng dokumento, mga talulap ng rosas at pati ang imahe ng Mediatrix ay iniutos na sunugin. Isinara ang pintuan ng monasteryo at nagkaroon ng “ban of silence” na tatagal ng apatnapung taon.

Noong 1990, binuksan muli ni Arsobispo Gaviola ang imbestigasyon patungkol dito. Sa pakiusap ng isang madreng nakaratay na, inilabas muli ang imahe ng Our Lady of Mediatrix na naitago nila at pinayagan itong makita muli ng publiko. Bumuo siya ng isang grupo para imbesitgahang muli ang kaso.

Taong 2015, ang kasalukuyang Arsobispo ng Lipa na si Ramon Arguelles, ay nagdeklara na ang mga naganap sa Lipa noong 1948 ay “worthy of belief”. Makalipas ang halos pitong dekada, ang kuwento ni Sister Teresing, tanggap na nga ba ng simbahan? Ano nga ba ang mga tunay na naganap sa loob ng Monasteryo ng mga Carmelite sa Lipa? Bakit nagkaroon ng “ban of silence” ? Babalikan ni Sandra Aguinaldo ang mga kaganapan ng 1948 at matutuklasan na ito ay balot pa rin ng misteryo. Abangan ang “Himala ng Lipa” ngayong Sabado, sa I-Witness, pagkatapos ng Magpakailanman.

English version:

In 1948, a young woman who was the youngest and who was the favorite daughter of the Batangas governor ran away to enter the Carmelite Monastery. Beautiful, talented, and privileged, Teresing turned her back on her comfortable life in exchange for the austere life confined within monastery walls.
A month later, these same walls shook with the revelation that the Blessed Virgin Mary appeared to her in a series of apparitions. Other mysterious events soon followed — showers of rose petals and later on, a dancing sun witnessed by many. This phenomenon would be known around the world as the Apparition in Lipa by Mary Mediatrix of all Grace.

In 1951 however, local church officials declared these phenomena a hoax and banned all devotion to Mary Mediatrix. Sister Teresing was asked to leave the monastery. All documents including the nuns’ diaries, rose petals and the statue of the Mediatrix were ordered destroyed and the monastery doors closed. The “ban of silence” was imposed and lasted for forty years.
In 1990, Archbishop Gaviola re-investigated the case and at the request of a dying nun, allowed the statue of the Mediatrix, which was spared from destruction and hidden by the nuns, to be venerated in public again. He then created a new panel to re-investigate the case.

In 2015, current Archbishop of Lipa Ramon Arguelles, declared these mysterious events as “worthy of belief”. What really happened inside the Carmelite monastery in 1948? Why was the “ban of silence” imposed? Sandra Aguinaldo revisits the events of 1948 and discovers they continue to be as mysterious as they were 67 years ago. I-Witness presents “Himala ng Lipa”, this Saturday on GMA, after Magpakailanman.

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.