Pages

Sunday, January 6, 2019

INC™ "My church" ayon kay G. Felix Manalo?

Originally posted at Iglesia ni Cristo 2000 blog

Hindi mahirap unawain ang lohika ng mga bayarang ministo ng INC™. Kung bakit "Iglesia Ni Cristo" raw ang pangalang inirehistro ni Ginoong Felix Manalo sa kanyang iglesia ay sapagkat ito (raw) ang binigkas ni Jesus sa Mateo 16:16-18 na "My church". 
Source: INC Media News
Kaya't kung susundin din natin ang parehong lohika, ang INC™ ay hindi dapat na ipangalan kay Cristo sapagkat hindi naman naparito sa Pilipinas si Cristo para irehistro ito. Dapat lamang na tawaging "Iglesia Ni Manalo" sapagkat hindi maikaila ninuman na si Ginoong Felix Manalo ang nagtatag nito noong 1914 sa Sitio Punta, Santa Ana, Lungsod ng Maynila (Pilipinas) ayon na rin sa kanilang PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5, "Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." At dahil mismong si G. Felix Manalo ang umangkin ng "my church" sa INC™ kaya't lalong lumilitaw na dapat lamang na ipangalan sa nagtatag ang INC™ ~ ang Iglesia Ni Manalo!

PASUGO Mayo 1952, p. 4

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."



No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.