Pages

Sunday, July 21, 2019

HINDI RAW IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA?

[Sipi mula sa Iglesia ni Cristo 33 AD blog]

Isa na namang post ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914 ang ating sasagutin sapagkat hindi tayo magsasawang ipagtanggol ang Iglesiang TATAG NI CRISTO at ang TUNAY na KALIKASAN ni CRISTO bilang DIYOS sa kalagayan ng TAO. Gawin nating parang Q&A para mas malinaw. Ang PULA ay ang komento ng INC™ at ang ASUL ay ang ating sagot/komento/paliwanag.


ANG IGLESIA KATOLIKA BA ANG IGLESIA NI CRISTO NA ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?

“Hindi Sapagkat sa Pangalan pa lang ay Bagsak na”😂

Ibabalik rin natin sa kanila ang tanong: ANG IGLESIA NI CRISTO® 1914 BA ANG ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?

Isang malaking HINDI! Sapagkat sa taon pa lamang nang pagkakatatag ay BAGSAK NA! Hulyo 27, 1914!

MALIMIT NATING MARINIG o mabasa na sinasabi ng mga Catholic Defenders na "ang Iglesia Katolika ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo o noong 33 AD."

Subalit, mapapansin na sila na rin ang may pahayag na "Iglesia ni Cristo" ang itinayo ni Cristo noong unang siglo, samantalang sila ay "Iglesia Katolika Apostolika Romana." Kung sa pangalan pa lang ay magkaiba na, kaya hindi mali na sabihing ang Iglesia Katolika ay nagpapanggap lamang na siya ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Cristo nong unang siglo.

Hindi lang po mga KATOLIKO ang NAGSASABING ang "IGLESIA KATOLIKA MISMO ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO" kundi ang kanilang PASUGO rin.

PASUGO Abril 1966, p. 46: 
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
 Ayon naman sa Online Britannica Encyclopedia, na ganito ang sabi:
"The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world." (ang pagdidiin sa amin)
Ito rin naman ang pagpapatotoo ng BBC, ang Iglesia Katolika raw umiral na noon pang mahigit kumulang na 2,000 taon na ang nakakaraan.
"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years."
Ito naman ang buod ng katotohanan sa kasaysayan ng ating kaligtasan, nasusulat sa Wikipedia ang mga ganito:
"...the history of the Roman Catholic Church is integral to the history of Christianity as a whole. It is also, according to church historian, Mark A. Noll, the "world's oldest continuously functioning international institution." This article covers a period of just under two thousand years."
PAG-ISIPAN NATIN:  Ang IGLESIA KATOLIKA raw po MISMO ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO.  Ito ay NAPAPATUNAYAN raw sa PAMAMAGITAN ng PAGTUNTON sa KASAYSAYAN pabalik sa PANAHON ni CRISTO at ng mga ALAGAD na halos mahigit-kumulang na 2,000 taon na ang nakalilipas.

Kaya't DITO LAMANG TAYO SA TOTOO. Ayon sa KASAYSAYAN, ENCYCLOPEDIA at maging sa magasing PASUGO, "ANG IGLESIA KATOLIKA" nga naman MISMO ang "TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO!" Samakatuwid ITO ANG TUNAY AT NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO!

At para hindi naman KAMANGMANGAN ang mananatiling naghahari sa mga isip ng mga kaanib ng INC™ 1914, ito ang ibig sabihin ng salitang KATOLIKO (Catholic)!
Opo, ang IGLESIA KATOLIKA raw po ay ang PANGKALAHATANG IGLESIA NG MGA KRISTIANO! Kaya sana MALINAW na po ito mga kababayan!

Ang ikinakatuwiran nila ay hindi naman daw tinatawag na “Iglesia ni Cristo” ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. May nangangatuwiran pa nga na wala naman daw pangalang itinatawag sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. At iba naman, sapagkat ang Iglesia Katolika ay aminado silang hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo, subalit sinasabi nila na hindi naman daw mahala ang pangalan.

Totoo ba ang sinasabi nilang ito? Ito ngayon ang ating siyasatin sa pagkakataong ito.

MAY PANGALANG ITINATAWAG SA IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO

KATOTOHANAN: Walang tiyak o specific na binigay na turo o utos si Cristo ukol sa pagpapangalan sa Kanya ng Iglesia. Ni walang binanggit si Jesus na sinabi sa mga alagad na 'ipangalan niyo sa akin ang Aking Iglesia.'  

Katulad ng malimit na sinasabi ng mga INC™ na WALA raw malinaw na sinabi si Jesus na 'Ako ay Diyos', DAHILAN para ITANGGI nila ang pagka-Diyos ni Cristo. Ganyan ang pamantayan ng Iglesia Ni Cristo®-1914. Kaya't kung HINDI MALINAW na sinabi ni Cristo, HINDI dapat tanggapin ng INC™ bilang saligan.

Pero porke't walang literal na turo si Cristo na ipangalan sa Kanya ang kanyang Iglesia, hindi ito nangangahulugan na ang Iglesia noong unang siglo ay hindi na Kanya.

Tandaan, tanging sa ROMA 16:16 lang may nabanggit si Apostol San Pablo na "iglesia ni Cristo" at HINDI "Iglesia Ni Cristo"! Magkaiba po 'yan! (Basahin: Aling Iglesia nga Ba ang Tinutukoy sa Roma 16:16?)

Hindi tulad noon 1517 matapos tumiwalag si Martin Luther sa Iglesia Katolika, LIBU-LIBONG mga 'iglesia' na TATAG ng TAO at LAHAT sila UMAANGKIN na SILA raw ang TUNAY.



Ang paggamit ng mga INC™ sa talata sa Mateo 16:18 ay parang sila na rin ang naghukay ng sarili nilang patibong.
Mateo 16:18: "Ngayon sinasabi ko sa iyo na IKAW AY PEDRO, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA, at DI MANANAIG SA KANYA ang PINTUAN NG IMPIYERNO!"
Ang talata sa itaas ay HINDI TUMUTUKOY sa kanila (INC™-1914) kundi ITO aty TUMUTUKOY sa KASAYSAYAN ng IGLESIA KATOLIKA!

DITO TAYO SA KATOTOHANAN! 
  • MALINAW na MAY ITINATAG si JESUS na IGLESIA. 
  • MALINAW na HINDI Niya literal na inutos na iparehistro sa Kanyang pangalan.
  • MALINAW na  KAY Apostol SIMON PEDRO Niya ITINATAG ang Kanyang Iglesia (hindi kay Felix Manalo).
  • MALINAW na IPINANGAKO ni Cristo na HINDI MATATALIKOD itong Iglesiang Kanyang itinatag! 
  • At MALINAW na kung WALANG PAGTALIKOD, WALANG ITATAYO! Kung walang pagtalikod, hindi na kailangan ang pagsulpot ng maraming 'iglesia' mula 1517.
PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Katolika na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung hindi siya tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo, kundi tinatawag siya sa pangalang “Iglesia Katolika Apostolika Romana”?

PAG-ISIPAN NATIN!

Paanong maangkin ng Iglesia Ni Cristo® 1914  na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung HINDI naman naparito sa Pilipinas si Cristo upang muling ITATAG niya ito (Pasugo Mayo 1961, p. 22)? Pangalawa, HINDI NATALIKOD ang tunay na Iglesia kaya't walang kabuluhan ang pag-aangkin ng INC™ na sila ay ang bumangong-muli mula sa pagtalikod (Pasugo Abril 1966, p. 46). 

Ang INC™ ay ipinangalan kay Cristo ngunit HINDI ito kay Cristo! Katulad halimbawa ang  kumpanyang 'SAN MIGUEL CORPORATION', HINDI po PAGMAMAY-ARI ni SAN MIGUEL ARKANGHEL! Ito ay isang korporasyon na itinatag ni Don Enrique María Barretto de Ycaza y Esteban noong 1890 bilang La Fabrica de Cerveza de San Miguel, at pinamumunuan ngayon ni Ginoong Ramon S. Ang at ni Ginoong Eduardo Conjuanco. Wala pong kinalaman si Arkanghel San Miguel rito!

Katulad ng San Miguel Corp., ang sumulpot na iglesia na nagpakilala sa kopyang pangalang 'Iglesia Ni Cristo®' ay tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo, pinarehistro sa gobyerno noong 1914 bilang IGLESIA NI KRISTO (INK) na pinangangasiwaan ngayon ng kanyang apo na si Ginoong Eduardo V. Manalo (EVM). Ngayon, hindi na INK ang pagpapakilala nito kundi INC na sila. 


PAALALA NI CRISTO: Hindi LAHAT ng TUMATAWAG sa kanya ng 'PANGINOON, PANGINOON,' ay PAPASOK sa KAHARIAN ng LANGIT. (Mt. 7:21).  Hindi LAHAT nang NAGPAPANGALAN ng sambahan kay Cristo ay KAY CRISTO!
Ayon sa tradisyon, ang kasaysayan ng Iglesia Katolika ay nagsisimula kay Jesu-Cristo at sa kanyang mga turo (mga 4 BC - AD 30) at ang Iglesia Katolika ay isang pagpapatuloy ng unang komunidad ng Kristiyano na itinatag ng Mga Disipulo ni Jesus. [According to tradition, the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus.] -Wikipedia
BAKIT IGLESIA KATOLIKA ANG TAWAG SA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO? Sapagkat ang Iglesia Katolika MISMO ang Iglesia ni Cristo!
Gayundin naman, sinabi ni Cyril ng Jerusalem, sa ika-apat na siglo na ang Iglesia Katolika ay tinatawag na Katolika hindi lamang 'sapagkat ito ay kumalat sa buong mundo', kundi pati na rin 'sapagkat ito ay ganap na itinuturo at walang kapintasan ang lahat ng mga doktrina na nararapat na dumating sa kaalaman.' [So too Cyril of Jerusalem, in the fourth century, says that the Church is called Catholic not only 'because it is spread throughout the world', but also 'because it teaches completely and without defect all the doctrines which ought to come to the knowledge of men'.] -Wikipedia
Paano kung itawag ang pangalan ni Cristo sa tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo? Sa Roma 16:16:

“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16 NPV)

Paano kung itawag ang pangalan ni Cristo sa HUWAD na Iglesia na itinayo ni Ginoong Felix Manalo noong 1914? Ito ba ay mangangahulugang kay Cristo na?

MALABO pa sa PUTIK na tubig ang sagot. Ang itinuturo ng Iglesia Katolika ay ganito: Na ang Iglesia Katolika ay siya mismong tunay na Iglesia ni Cristo mula pa noon hanggang ngayon!
"Ito ang nag-iisang Iglesia ni Cristo, na sa Kredo na ating itinuturing na isa, banal, katoliko at apostoliko." ["This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic."] -CCC 811
 Ang PROBLEMA ay si Ginoong FELIX Y. MANALO. INAANGKIN niya ang PARA kay CRISTO at PILIT na IKINAKABIT kay Cristo ang iglesiang hindi naman kay Cristo kund ang KANYANG TATAG sa PUNTA, SANTA ANA, LUNGSOD NG MAYNILA (PILIPINAS) noong 1914.

PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios.
Hindi lamang PAG-AANGKIN sa mga katangian ni Cristo kundi pinalalagay pa nilang si F. Manalo ay mas mataas pa sa Diyos sapagkat HINANDOG ng DIYOS ang Kanyang sarili kay Manalo.

PASUGO Mayo 1964, p. 1 ay ganito:

“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."
At INAANGKIN din ng Iglesia Ni Cristo® ni Manalo 1914 ang mga pahayag ni Apostol San Pablo sa mga KRISTIANO SA ROMA 16:16:
"Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo." 
KANINO ba ang SULAT ni Apostol San PABLO? Sa mga Pilipino  o sa mga taga-ROMA?

Wala pong duda na sa mga TAGA-ROMA po ang sulat! Kaya't walang kinalaman ang INC™ na tatag ni G. Felix Manalo.

Bukod niyan, ang SULAT ni Apostol Pablo sa mga Taga-ROMA ay isinulat noon pang mga c.57-58 A.D. samantalang ang INC™ ni Ginoong Manalo ay sumulpot lamang  sa  Pilipinas noong 1914 A.D. Mahigit 1,850 TAON ang pagitan nang itatag ni F. Manalo ang kanyang iglesia sa Pilipinas. Kaya't malabo pa sa maputik na tubig ang kanilang pag-aangkin na sila ang tinutukoy sa Roma 16:16!

Kung ang INC™-1914 ang tinutukoy ni San Pablo, sana kahit minsan ay nangangasigbatian sila ng 'banal na halik'. At sana ay nangangagbatian sila tungo sa kanilang lokal sa Roma.

Pero kabaliktaran! Hindi nagbabatitan ng 'banal na halik' ang kanilang mga bayarang ministro at lalong hindi binabaha ng pagbati ang kanilang lokal sa Roma.

Saan sila NAGPAPABATI? 

Sa PILIPINAS. 

Sa kanilang CENTRAL sa Diliman, Lungsod Quezon! 

Opo, bagamat PINAGMAMALAKI nilang NAKABALIK na raw sa Roma at sa Jerusalem ang ORIHINAL na 'IGLESIA NI CRISTO' ngunit hanggang sa kasalukuyan  NANANATILING sa PILIPINAS pa rin DUMADALOY ang LAHAT ng PAGBATI, PANGANGASIWA, PANANALAPI at ang PAMAMAHALA ng Iglesia Ni Cristo®. Sa Pilipinas pa rin NAROROON ang CENTRAL ng Iglesiang tatag RAW ni Cristo na muling itinatag makalipas ang Sanglibo't Siyamnaraan, at Labing-apat (1,914) taon.

Ating HIMAY-HIMAYIN ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 16:16

"MAGBATIAN KAYO NG BANAL NA HALIK!"


Ang ika-266 na KAHALILI ni APOSTOL SAN PEDRO (Papa Francisco) at si PATRIARKA JUAN X ng ANTIOCH ORTHODOX ay NAGBATIAN ng BANAL NA HALIK sa ROMA!

"ANG LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO AY BUMABATI SA INYO."

Pila-pila ang iba pang mga 'iglesia ni Cristo' sa Roma upang maghatid ng kanilang pabati.






Sa makatuwid, ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang NAGLALARAWAN ng sulat ni Apostol San Pablo sa (Roma 16:16). 

Ang IGLESIA SA ROMA noong panahon ng Apostol San Pablo HANGGANG sa KASALUKUYAN ay siya pa ring IGLESIA SA ROMA!

Kaya't ang pagbati ng banal na halik at ang pagpapadala ng pagbati ng LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO (hindi ang tatag ni Felix Manalo) sa buong mundo ay sa IGLESIA sa ROMA pa rin!



Ang tawag ng mga apostol sa Iglesiang itinayo ni Cristo ay “iglesya ni Cristo” o “Iglesia ni Cristo” (ang “Iglesya ni Cristo” at “Iglesia ni Cristo” ay iisa at hindi magkaiba). Marapat lamang na ang tunay na Iglesia ay tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo” sapagkat:

1. Si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18, amin ang pagbibigay-diin)

Kung si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia, marapat lamang na tawagin ito sunod sa Kaniyang pangalan.

KATOTOHANAN: Si Cristo ang NAGTATAG sa MISMONG TUNAY na IGLESIA. Si Felix Y. Manalo ang NAGTATAG ng HUWAD at PEKENG iglesia.
  • Ang tunay na Iglesia ay tatag sa Jerusalem noong c. 33 A.D. at hindi 1914.
  • Ang tunay na Iglesia ay si Cristo ang nagtatag at hindi tao!
  • Ang tunay na Iglesia ay may mga TANDA (Marks); ito ay Isa, Banal, Katoliko at Apostoliko!
  • Ito ay binabati ng lahat ng mga iglesiang kay Cristo!
  • Ito ay tuloy-tuloy, di natalikod kailanman!
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay MAAARING ISALIN sa LAHAT ng wika nang HINDI NAGBABAGO ang PAKAHULUGAN at ang PINATUTUNGKULAN.  Ito ay HINDI NAKAKULONG sa WIKANG TAGALOG! Kapag ang isang iglesia ay nakakulong sa iisang wika, HUDYAT na ito ay PEKE! Tatag ng TAO!

Ang Iglesiang tatag ni G. Felix Y. Manalo ay NAIPAREHISTRO sa WIKANG TAGALOG kaya't kahit sa ibang bansa, ang katawagan pa rin sa kanya ay 'Iglesia Ni Cristo' na may pagsasalin sa lokal na wikang kinaroroonan nito, HUDYAT na ito ay ang iglesiang pag-aari ni G. Felix Manalo at hindi ng ibang mangangaral na may kauring pangalan sa wikang Ingles.

Halimbawa, itong artikulong ISINULAT SA INGLES pero kapag ang TINUTUKOY ay ang IGLESIANG TATAG NI F. MANALO, NANANATILI sa WIKANG TAGALOT ~ ang  'Iglesia Ni Cristo':
Iglesia Ni Cristo has thousands of followers in Canada, but in the Philippines, some devotees have been accused of kidnapping and murder. This is the story of a Canadian man who ran up against members of the church and ended up dead. (Source: CBS News)
Worshippers come to hear Manalo speak at an INC church in a Toronto suburb in September. (CBC)
Sambahan ng INC™ sa Petrusburg, South Africa (Source: INC News and updates)
2. Pinatutunayan din sa Mateo 16:18 na ang tunay na Iglesia ay kay Cristo o pag-aari Niya:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18, amin ang pagbibigay-diin)

Ang sabi ni Cristo ay “itatayo ko ang AKING IGLESIA.” Kung si Cristo ang may-ari at ang Iglesiang itinayo Niya ay Kaniyang pag-aari, marapat lamang na tawagin sunod sa Kaniyang pangalan.

PINATUTUNAYAN lamang ng MATEO 16:18 na ang MISMONG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang TATAG NIYA noong UNANG SIGLO.  Ang INC™ 1914 ay walang kinalaman sa Mateo 16:18.

"At sinasabi ko naman sa iyo, na IKAW AY PEDRO, at sa IBABAW ng BATONG ITO ay ITATAYO ko ang AKING IGLESIA; at ang mga PINTUAN ng HADES ay HINDI MASISIPANAIG LABAN sa KANYA (Iglesia)." (Meteo 16:18, amin ang pagbibigay-diin).

Ano-ano ang pinapatunayan ng Mateo 16:18?

  • Mayroong iisang Iglesiang tatag si Cristo.
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo ay itinatag noong Unang Siglo.
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo ay itinatag kay Apostol Simon Pedro (bato).
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo ay hindi matatalikod ayon sa pinangako ng nagtatag na si Cristo.
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo ay siyang tunay at wala nang iba.
Ano-ano ang patunay ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas mula sa kanilang Pasugo?
  • Ang INC™ ay tatag sa Pilipinas at hindi sa Gitnang Silangan.
  • Ang INC™ ay itinatag lamang nitong ika-20 siglo sa panahon ng mga huling araw.
  • Ang INC™ ay itinatag ni Felix Y. Manalo at hindi ni Cristo.
  • Ang INC™ ay pag-aari ng nagtatag at hindi ni Cristo.
  • Ang INC™ ay huwad lamang sapagkat ito ay sulpot lamang
  • Ang INC™ ay huwad sapagkat ang tunay ay hindi pa natatalikod.
3. Si Cristo ang ulo at ang Iglesia ay katawan ni Cristo:

“At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” (Colosas 1:18)

Bilang Siyang ulo ng Iglesia, marapat lamang na tawagin ang Iglesiang itinayo ni Cristo sunod sa Kaniyang pangalan.

Maging ang mga awtoridad Katoliko mismo ay nagpapatunay na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo.” Ganito ang pahayag ng isang paring Katoliko sa aklat na Religion: Doctrine and Practice, sa pahina: “5. Did Jesu Christ established a Church?

“Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.”

(Cassily, Francis B., S.J. Religion: Doctrine and Practice for use in Catholic High Schools. 12th and revised edition. Imprimi Potest: Charles H. Cloud, S.J. Provincial of the Chicago Province. Imprimatur: George Cardinal Mundelein, Archbishop of Chicago. Chicago: Loyola university Press, 1934, p. 442-443.)

Kaya ang hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo ay hindi tatag ni Cristo. Hindi kay Cristo, at hindi ang Kaniyang pinangunguluhan.

SI CRISTO BILANG ULO NG IGLESIA ay TURO NAMAN ng IGLESIA KATOLIKA ~ ang siyang tunay na Iglesia ni Cristo! (Pasugo Abril 1966, p. 6). Ito ay nababasa sa OPISYAL na KATEKISMO Blg. 792:
Si Cristo "ang ulo ng katawan, ang Iglesia (Colosas 1:18)." Siya ang prinsipyo ng paglikha at pagtubos. Itinaas sa kaluwalhatian ng Ama, "sa lahat ng bagay siya ay pinakadakila, (Colosas 1:18)" lalo na sa Iglesia, na sa pamamagitan niya ay pinalawak niya ang kanyang paghahari sa lahat ng bagay. [Christ "is the head of the body, the Church (Colossians 1:18)." He is the principle of creation and redemption. Raised to the Father's glory, "in everything he [is] preeminent, (Col. 1:18)" especially in the Church, through whom he extends his reign over all things.]
Si CRISTO bilang ULO ng IGLESIA, hindi na kailangan pang i-SPELL OUT na kay Cristo ang Iglesia sapagkat sa salitang IGLESIA pa lamang si CRISTO mismo ang may-ari! Sa konteksto ng mga KRISTIANO noong UNANG SIGLO ang salitang "iglesia" o "church" ay tumutukoy, walang iba kundi ang Iglesia Katolika!

SUMULPOT lamang naman ang LIBO-LIBONG mga IGLESIA raw ni Cristo mula nang umusbong ang PROTESTANTISMO 1,517 at BINABOY ang Banal na Kasulatan noong 1549. Kaya't ngayon, ANG DAMI-DAMI ng mga relihiyon na umaangkin na SILA RAW AY MGA 'IGLESIA NI CRISTO' rin pero ayon sa PASUGO ay lahat ng mga iyan ay mga HUWAD LAMANG!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang (ang pagdidiin ay amin lamang)."
Bilang iglesiang bumangon lamang ngayon, KASAMA na ang Iglesia Ni Cristo® 1914 sa mga TINUTURING nilang mga 'HUWAD LAMANG'!

At sa IGLESIA KATOLIKA ay PINATUNAYAN na ng KASAYSAYAN, ng PASUGO at iba pang mga reperensiya tulad ng mga ENCYCLOPEDIA na ITO ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ TATAG ni CRISTO noong UNANG SIGLO (c33 A.D.) at ang REHISTRADONG IGLESIA NI CRISTO® (1914) ay PAG-AARI ni G. FELIX Y. MANALO!

PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
Kung totoo man ang kanilang sinipi mula kay Fr. Francis Cassily, S.J, TUGMA at TAMA naman ang PAGLALARAWAN sa IGLESIA KATOLIKA bilang siyang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO sapagkat ang IGLESIA KATOLIKA nga ang TATAG ni Cristo at wala nang iba!

IYAN din ang ITINUTURO ng IGLESIA KATOLIKA sa OPISYAL na KATEKISMO Blg 811:

["This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." These four characteristics, inseparably linked with each other, indicate essential features of the Church and her mission. The Church does not possess them of herself; it is Christ who, through the Holy Spirit, makes his Church one, holy, catholic, and apostolic, and it is he who calls her to realize each of these qualities.] Ito ang nag-iisang Iglesia ni Cristo, na sa Kredo na ating itinuturing na isa, banal, katoliko at apostoliko." Ang apat na katangian na ito, ay magkakaugnay sa bawat isa, ay nagpapakita ng mga mahahalagang katangian ng Iglesia at ng kanyang misyon. Ang Iglesia ay hindi nagtataglay ng mga ito sa kanyang sarili; Si Cristo na, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ay Siyang gumagabay sa kanyang Iglesia sa kanyang pagiging banal, katoliko, at apostoliko, at siya ang tumawag sa kanya upang mapagtanto ang bawat isa sa mga katangiang ito. 

KAALAMAN: 




  • Sa ANTIOCH UNANG tinawag na Kristiano ang mga taga-sunod ni Cristo (Gawa 11:19-30)
  • Sa ANTIOCH UNANG naisulat na KATOLIKA ang tawag sa Iglesia ni Cristo.
  • Sa Roma 16:16 lamang nababasa ang salitang 'iglesia ni Cristo' at hindi Iglesia Ni Cristo.
  • Sa Gawa 20:28, Iglesia ng Diyos at tawag sa Iglesia ni Cristo.

PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Katolika na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung aminado naman sila na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay “Iglesia ni Cristo” gayung sila ay “Iglesia Katolika Apostolika Romana”?

PAG-ISIPAN DIN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Ni Cristo® (INC™) 1914 na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung aminado naman sila na 1914 lamang sila itinatag at aminado rin naman sila na ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa pasimula ay ang Iglesia Katolika?

PASUGO Abril 1966, p. 46: 
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
ANG KAHALAGAHANG TINATAWAG SUNOD SA PANGALAN NI CRISTO O SA PANGALANG “IGLESIA NI CRISTO”

Ano ang pinatutunayan na ang Iglesia Katolika ay hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo? Sa Gawa 4:12 ay ganito ang sinasabi:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Ganito kahalaga na tinatawag sa pangalan ni Cristo. Ang sabi ng Biblia, “St sa kanino mang iba ay walang kaligtasan.”

HINDI LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGALAN NI CRISTO AY KAY CRISTO (Mateo 7:21)!

Ito ang BABALA ni CRISTO sa PAGDATING ng mga BULAANG PROPETA (1517-1914). SINO ang mga DARATING na mga BULAANG PROPETA?

Silang mga NANGGALING SA ATIN (nanggaling sa Katoliko), ngunit HINDI na sila ATIN. Sapagkat KUNG SILA AY ATIN, NANATILI sana sila sa ATIN. 

At ayon kay Apostol San Juan (1 Juan 1:18)  ITO AY DAPAT NA MANGYARI (ang kanilang PAGTALIKOD sa TUNAY na IGLESIA ni CRISTO), upang MAHAYAG ang KATOTOHANAN na SILA'Y HINDI na ATIN at SILA ngayo'y mga KALABAN NI CRISTO!
"Mumunting mga anak, sumapit na ang huling oras. Batay sa inyong maririnig na dumarating na ang ANTI CRISTO, marami nang anti-Cristo ang dumating; kung kaya nalalaman nating sumapit na ang huling oras.  SA ATIN SILA NANGGALING ngunit HINDI SILA ATIN, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang MATANYAG NA SILANG LAHAT AY HINDI NA ATIN."
At sino ang mga ANTI-CRISTO na ito? Sila ang mga MANGANGARAL na HINDI TANGGAP si HESUS (na DIYOS) na NAGKATAWANG-TAO!
"Sapagkat NAGKALAIT sa daigdig ang MARAMING MANDARAYA na AYAW KUMILALA na si JESUCRISTO ay NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang MANDARAYA at ang ANTI-CRISTO." (2 Juan 1:7)
Tanggap ba ng mga INC™ si Cristo bilang Diyos? 

HINDI!

Tanggap ba nila na si Jesus ay Diyos na NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:1,14)? 

HINDI!

Ngayon alam niyo na kung sino ang tinutukoy rito ni Apostol San Pablo na mga mandaraya at mga anti-Cristo.

PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maaangkin ng Iglesia Katolika na na sila ang tunay na Iglesiang may kaligtasan kung hindi sila tinatawag sa tanging pangalang ibinigay ng Diyos na sukat nating ikaligtas?

Totoong hindi basta tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay tiyak nang ito ang tunay na Iglesiang kay Cristo, subalit isang katotohanan na kung hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay tiyak na hindi siyang Iglesiang itinayo ni Cristo.

Kaya, ang argumento ng mga Catholic Defenders na hindi lamang ang Iglesia ni Cristo ang Iglesiang tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay hindi nagpapatunay na sila ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo, sapagkat hindi naman sila tinatawag sa pangalan ni Cristo.

Tulad lang ito halimbawa ng paghanap natin sa tunay na may-ari ng isang lupa. Kung ang tunay na may-ari ay “Pedro dela Cruz,” kung gayun, ang taong nagsasabing siya ang may ari ng lupa subalt hindi naman “Pedro dela cruz” ang pangalan, ay tiyak na tiyak na hindi siya ang may-ari ng nasabing lupa. Kung higit man sa isa na may pangalang “Pedro dela Cruz” ang nag-aangkin ng lupa, tiyak na ang mga hindi tinatawag sa pangalang ito ay hindi na isasama ng korte sa sisiyatin kung sino nga ang tunay na “Pedro dela Cruz” na may-ari ng lupa.

Samakatuwid, sa paggamit natin ng “process of elimination” ay tiyak na tiyak na “eliminated” na agad ang Iglesia Katolika sa mga dapat na suriin kung alin ang tunay na “Iglesia ni Cristo,” sapagkat hindi nga sila tinatawag sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo.” Dahil dito, sa paghanap ng tunay na Iglesia ni Cristo ay tiyak na hindi ito ang Iglesia Katolika.

PAG-ISIPAN NATIN MGA KABABAYAN

Paanong maaangkin ng Iglesia Ni Cristo® na sila ang tunay na Iglesiang may kaligtasan kung hindi sila ang tinawag ni Cristo at wala sa kanila ang pagpanig ng katotohanan ng kasaysayan ng tao? Paano naman sila ang tunay kung kamakailan lamang sila itinatag? Paanong sila ang tunay kung ang TUNAY na TATAG ni CRISTO na Iglesia Niya ay DI PA NATATALIKOD?

Kung may TUMALIKOD, HINDI ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO kundi ang SILA ang TUMALIKOD sa tunay na Iglesia.
SA ATIN SILA NANGGALING ngunit HINDI SILA ATIN, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang MATANYAG NA SILANG LAHAT AY HINDI NA ATIN." (1 Juan 1:18)
Ating pamantayan sa pagkilatis kung alin ang tunay, doon tayo sa ORIG, huwag sa mga KOPYA-KOPYA lamang.

Anong aral ang napupulutan natin sa artikulo ng INC™? Hindi lahat ng MAGKAPANGALAN o MAGKATUNOG ay TUNAY. Ang isa riyan ay HUWAD!

Photo Source: How to Spot Fake
Ating gawing GABAY ang KANILANG sinabi sa PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

Kung sino mang 'iglesia' ang bagong sulpot at inaangkin din na sila ay Iglesia ni Cristo, sila ay hindi tunay kundi HUWAD lamang! Sapagkat ang IGLESIA KATOLIKA ang MISMONG IGLESIA NI CRISTO!


No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.