Pages

Sunday, December 15, 2019

Bakit Iglesia Katolika ang Kinagisnang Tunay na Iglesia ni Cristo?

[Originally posted at Iglesia ni Cristo 33 AD Blog]

Bago natin talakayin ang walang katapusang kamangmangan ng mga bagong sulpot na relihiyon ukol sa kasaysayan ng tunay na Iglesia ni Cristo, iminumungkahi kong basahin muna ang artikulong "Pagmamali ng Iglesia Ni Cristo na Tatag ni Felix Manalo noong 1914 Tungkol sa Kasaysayan ng Kristianismo" upang mas maunawaan natin ang daloy ng ating pag-uusapan.

Source: http://tunaynalingkod.blogspot.com/2014/01/bakit-iglesia-katolika-at-hindi-iglesia.html
Ipinagtataka ng iba kung bakit Iglesia Katolika ang kinagisnan ng lalong maraming tao samantalang ang itinatag ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo. Ito ay bunga ng kawalan ng kabatiran sa tunay na kasaysayan ng Iglesiang itinatag ng ating Panginoong Jesuscristo noong unang siglo. Kapag ating nalalaman ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay hindi na tayo magtataka kung bakit ang Iglesia Katolika ang kinagisnan ng marami samantanlang hindi ito ang Iglesia itinatag ng ating Panginoong Jesucristo. 
Paano ba nagsimula ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo? Ano ang kalagayan nito noong una? 
Ang Iglesia ni Cristo ay nagsimula sa panahon ng Panginoong Jesucristo sa lupa bilang isang munting kawan. Tinawag Niya ito na muting kawan.



TANONG: Bakit Iglesia Katolika at hindi Iglesia ni Cristo ang kinagisnan relihiyon ng marami?


SAGOT: Ating sagutin ang kanilang tanong sa isa pang tanong. Ano nga ba ang nauna, Iglesia Katolika o Iglesia Ni Cristo® (INC)?

Ayon sa opisyal na magasin ng INC™, ang PASUGO, ang TUNAY  na Iglesiang kay Cristo ay iyong TATAG mismo ni Cristo noong UNANG SIGLO sa JERUSALEM.
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO Mayo 1968, p. 7
Pinatutunayan lamang ng kanilang magasing Pasugo na ang TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo ay ang Iglesiang NAROON na noon pang UNANG SIGLO. 

Ang tanong natin ay ganito:  

TANONG: KAILAN NAITATAG NI G. FELIX MANALO ANG 'IGLESIA NI CRISTO' SA PILIPINAS?

SAGOT: Ayon sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5, ay ganito: “Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Ito ay PINATUTUNAYAN ng kanilang SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION REGISTRATION.

"THAT THE APPLICANT IS THE FOUNDER AND PRESENT HEAD OF THE SOCIETY NAMED 'IGLESIA NI KRISTO'"
Wala na po tayong dapat pagtatalunan. MALINAW po na sinasabi ng kanilang Pasugo at Rehistro na ang NAGTATAG AT ULO (Founder and Head) ng Iglesia Ni Cristo® (INC) ay HINDI si Cristo kundi si G. FELIX Y. MANALO.


Tanong: Ang Iglesia bang TATAG ng Panginoong Jesukristo NOONG Unang Siglo ay TINAWAG at REHISTRADO sa pangalang "IGLESIA NI CRISTO"?

OO. Sapagkat walang ibang iglesia naitatag si Cristo noong Unang Siglo. Kaya't BY DEFAULT ang Iglesia ay KAY CRISTO!

HINDI. Sapagkat hindi pinag-utos ng Panginoong Jesus na ipangalan sa Kanya at iparehistro ang Kanyang Iglesia bilang "Iglesia Ni Cristo" na may daglat pang 'INC'

Tanong: Kung totoong pinag-utos ni Criso na ipangalan kay Cristo ang Kanyang tatag na Iglesia, bakit TAGALOG ang pagkakarehistro nito sa Pilipinas at sa ibayong dagat? 

Sagot: Sa dami ba naman ng UMAANGKIN ng pagka-Iglesia ni Cristo, hindi na po bago ang  pag-aangkin ng INC™. (Tingnan: 'Huwad na mga Iglesia ni Cristo'). Kaya't para walang KALITUHAN sa mga sulpot na "Iglesia ni Cristo" o "Church of Christ" ay very DISTINCT at madaling makilala ang TATAG ni G. FELIX MANALO sapagkat ito ay may OPISYAL na LOGO at OPISYAL na PANGALAN sa WIKANG TAGALOG "Iglesia Ni Cristo" AYON SA KANIYANG OPISYAL NA REHISTRO!

Photo Source: Kete Christ Church
Kung may mga "Iglesia ni Cristo" man na susulpot ngunit HINDI kapareho ng LOGO sa itaas, ito ay HINDI kay G. Felix Y. Manalo kundi sa iba pang iglesiang TATAG rin ng tao!

Kasaysayan ang magpapatunay na ang IGLESIA kay Cristo ay IISA. Hindi sumulpot saan mang lupalop ng mundo. Si Cristo ang NAGTATAG! Ang Iglesia ay walang sangay, BUO at may PAGKAKAISA.

Kasaysayan pa rin ang nagsasabing ang TUNAY na Iglesia ni Cristo ay kilala rin sa pangalang IGLESIA NG DIYOS (Gawa 20:28) sapagkat si CRISTO ay TUNAY na DIYOS at TAONG totoo! 
The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Encyclopedia Brittanica Online

"...the history of the Roman Catholic Church is integral to the history of Christianity as a whole. It is also, according to church historian, Mark A. Noll, the "world's oldest continuously functioning international institution." -Wikipedia

"The Roman Catholic Church or Catholic Church is the Christian Church in full communion with the Bishop of Rome, currently Pope Benedict XVI. It traces its origins to the original Christian community founded by Jesus Christ and led by the Twelve Apostles, in particular Saint Peter. 
"The Catholic Church is the largest Christian Church and the largest organized body of any world religion. The majority of its membership is in Latin America, Africa, and Asia. 
"As the oldest branch of Christianity, the history of the Catholic Church plays an integral part of the History of Christianity as a whole." -New World Encyclopedia

Kaya't HINDI po nakakapagtataka kung bakit ang IGLESIA KATOLIKA ang KINIKILALANG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO sapagkat tanging ang Iglesia Katolika lamang ang Iglesiang NAGMULA pa sa panahon ng mga APOSTOL.

"The history of Catholicism is the story of how Christianity began and developed until the present day." -New World Encyclopedia

Kaya't sa mga NAGSUSURING kaanib sa Iglesiang tatag ni G. Felix Manalo, huwag na po tayong padadaya sa mga bulaang mangangaral. Tayo po'y bumalik na sa tunay na Iglesiang KAY CRISTO ~ ang "IGLESIA KATOLIKA na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.