Pages

Thursday, February 11, 2021

PANLILINLANG ang mga ARAL na NABUO mula sa TAGPI-TAGPING Talata ng Biblia

[Originally posted at Iglesia ni Cristo 33 A.D. blog]

Malinaw na PANLILINLANG lamang ang pakay ng isang mangangaral na ang mga itinuturo ay mula sa mga TAGPI-TAGPI at PINAGDIDIKIT na TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng MAPANLINLANG na doktrina.

Mula sa mga SITAS ng talata ng Biblia, INAKAL nating makatotohanan ang kalalabasan nito dahil BANAL ang pinagmulan. 

Depende sa paggamit ng mga Salita ng Diyos. Maging si Satanas na ama ng panlilinlang ay gumamit din ng mga talata ng Banal na Kasulatan, hindi upang magturo ng liwanag kundi upang LINLANGIN ang Panginoong Jesus (Mateo 4).

Ang Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni G. Felix Y. Manalo sa Pilipinas noong 1914 ay GUMAGAYA rin sa ginawa ng ama ng panlilinlang. Gumagamit sila ng talaga ng Biblia, hindi upang ituro ang katotohanan kundi upang ILIHIS ang mga tao sa TUNAY na TURO ni Cristo ukol sa kaisahan ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.

HALIMBAWA, upang PALABASIN ng INC™ 1914 na si CRISTO raw ang NAGTATAG ng Iglesia Ni  Cristo® PAGTATAGPI-TAGPIIN nila ang ROMA 16:16; ang MGA GAWA 20:28 (tanging ginagamit nila rito ay ang LAMSA Translations); ang MATEO 16:18 at marami pang iba.

ROMA 16:16
"... [L]ahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo," ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga TAGA ROMA. Sa titulo pa lamang ng sulat ni Apostol San Pablo, malabong mga Pilipino ang tinutukoy ni niya na BINABATI ng "mga iglesia ni Cristo". Malinaw po, mga TAGA ROMA.  Saan ba ang CENTRAL ng INC™? Nasa Roma po ba? Hindi po! Nasa Diliman, Quezon City, Philippines.  Ang NASA ROMA ay ang VATICAN CITY STATE na Sentro ng Iglesia Katolika?  Samakatuwid, ang IGLESIA KATOLIKA ang tinutukoy ni Apostol San Pablo na BINABATI ng LAHAT ng mga IGLESIA NI CRISTO

MGA GAWA 20:28
"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo." Iyan naman ang payo ng mga Apostol sa buong Iglesia na TINUBOS ng DIYOS sa PAMAMAGITAN ng KANYANG DUGO.

Sa Lamsa, iba ang mga nakasulat. Imbes na 'iglesia ng Diyos', ito ay pinalitan ng 'iglesia ni Cristo'. Sapagkat para kay Lamsa, walang dugo ang Diyos. Si Cristo lamang ang may Dugo. Kaya't para sa INC™ pasok na pasok sa kanilang aral ang ganitong BINALUKTOT na talata ng Biblia.

Para sa INC™ 1914, WALANG DUGO ang DIYOS kundi si CRISTO. Ang hindi maunawaan ng mga INC™ ay TOTOONG WALANG DUGO ANG DIYOS. Ngunit NOONG SIYA'Y NAGKATAWANG-TAO, SIYA ay NAGKAROON ng DUGO (Jn 1:1-4); NAGKAROON ng ANYO (Filipos 2:4-8)!

MATEO 16:18
At kapag nabuo na nila ang kanilang "PATUNAY" raw na nasa Biblia nga ang salitang "iglesia ni Cristo", AARIIN na nila ang TALATA at PAPALITAN ng "Iglesia Ni Cristo": Mula sa 'common noun' (iglesia), papalitan at PALALABASIN na 'PROPER NOUN' (Iglesia) para sasabihin nila sa atin na "Ang pangalang 'Iglesia Ni Cristo' ay nasa Biblia". Samantalang ang Iglesia Katolika ay hindi. Di ba KASINUNGALINGAN ito pero ginagamit para sa PANLILINLANG at marami na ang nalinlang sa mga tagpi-tagping aral na ito?

Pagdaka'y ITATAGPI nila ang talaga mula sa MATEO 16:18; "At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia."  At ang IDIDIIN ang salitang "AKING IGLESIA".

At ipapaliwanag nila ang GRAMATIKA ng salitang 'AKIN' o 'MY'. Na ito raw ay nangangahulugan ng "POSSESSION AND OWNERSHIP" (Pasugo January 1974, p.8).

At ang ang MABUBUO nilang KONKLUSYON ay GANITO: 'SAMAKATUWID ANG IGLESIA NI CRISTO AY SI CRISTO ANG NAGTATAG AT SIYA ANG MAY-ARI.'

TAGPI-TAGPING ARAL na NABUO, MAPANLINLANG ngunit mananatili itong HUWAD na aral na HINDI dapat SINASALIGAN ninuman!


 

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.