Pages

Tuesday, August 17, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 3)

(Basahin ang Part 2)

ang ICAR nga po ang wlang originality dahil most of her teaching came predominantly from the diabolical ways of the pagan. Sana po ay pag aralan niyong mabuti ang history ng pasko, purgatoryo, convocation of saints, magisterium, at iba pang angaw angaw n mga aral sa ICAR. Hindi yung sitas pa kyo ng sitas ng pasugo eh mismong mga aral sa ICAR ay hindi ninyo lubos na nauunawaan, katulad mga binanggit ko kanina, san po sa bibliya yung? Inquisition the blackest stain in the history of the pagan catholic religion. dapat pag aralan niyo muna ung mga strapado ung mga pagpapakain sa mga leon etc.

Ang tapang naman ng kalooban mong sabihin sa aming "wala kaming originality" eh kayo nga ang kopya ng kopya sa mga Mormons at mga at iba pang mga Protestante eh.

Alalahanin mo, ang Catholic Church of Christ ay tatag na noong 33 A.D. pa samantalang ang pilit na umaangkin nito ay tatag lamang noong 1914.  At tanggap naman nila dahil pinagdiriwang pa nila ang 96th year anniversary nila?

Samakatuwid tanggap nila na sumulpot lamang ang INC kamakailan lamang.

  • Ang aral niyong "hindi Dios" si Cristo kinopiya niyo kay Arius at sa mga Mormons.
  • Ang aral ng pagka-Huling Sugo ni Felix ay kopya naman niya kay Joseph Smith ng LDS bilang "Last Prophet naman.
  • Ang aral naman ninyong "Total Apostasy" ay kopya rin mula sa mga Mormons.
  • Ang anyong TATSULOK sa inyong bahay-sambahan (kuno) ay kopya rin sa mga Mormons.
  • Ang ayos ng inyong tinaguriang TABERNAKULO ay kopya rin mula sa mga Mormons.
  • Ang inyong LOGO ay kopya naman sa mga Masons
  • Ang inyong BANDILA ay kopya naman sa bansang Italy.
  • Ang HANNAKUH na natatagpuan sa inyong bandila ay kopya naman sa mga Hudiyo
  • Ang pagdiriwang niyo ng Anibersaryo at kaarawan ay kinopya niyo naman sa mga Katoliko.
  • Ang pagbiginyang ng nakalubog sa swimming pool ay kinopya niyo naman sa mga Sabadista na minsan ay naging Pastor doon ang inyong sugo.
  • Ang lahat ng katuruan ninyo ay kopya sa mga Protestante at mga kulto.
Ngayon, sinong kumopya, kami ba o ang Iglesia ni Manalo?

At ang mga sinabi sa inyong Pasugo ay gusto mo pang lagyan ng Comentary samantalang malinaw pa sa sikat ng araw ang mga sinabi rito.

Sana huwag mong masyadong ibilad dito ang iyong kamangmangan G. allan.  Pag-aralan mo kung bakit ang "iglesia" ay ginawang "Iglesia" at kung bakit si Manalo ay naging Anghel samantalang si Cristo ay hinamak na tao lamang.

At dapat ka talagang tumayo ang balahibo mo sa aral Ministro ni Manalo na nagsasabing "Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo." (PASUGO Mayo 1964, p. 1)

Susmaryosep!

Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 4

1 comment:

  1. Mormons believe that Jesus Christ is GOD.

    Joseph Smith is the Prophet of "The last dispensation".

    The Triangle is the symbol of the GODHEAD - The Father, The Son, The Holy Ghost

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.