Pages

Thursday, August 19, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 5)

(Basahin ang Part 4)

Ang sabi ni G. allan, kaanib ng INC:

May opisyal naman talagang pangalan ang isang organisasyon, hinda ba ginoong catholic defender. Ang ICAR hindi ba opisyal na pangalang ninyo. Itatangi mo ba ito e di lalo na ang Bibliya at hindi ang mga aklat na gawa bilang pnanamplataya ng mga tao katulad n ginawa ng mraming inembentong aklat sa ICAR. kaya nga ang may pinakaraming imbensyon ay wala s siyensya kung hindi s larangan ng relihiyon n pinangunahan ng ICAR. Gusto kitang isama sa Central para mabasa mo ang nakainscribed doon tapos titirahin mo na hindi mo naman lubos na nauunawaan at sasabihin mong ito ay panlilinlang ng INC di ba talaga namang maraming ferocious wolves sa mundong ito, kya hindi puro nasa pulitika ang mga corrupt kung hindi nsa relihiyon rin at santambak p sila o diba!

ICAR daw ang "opisyal" na pangalan ng Iglesia Katolika. Ito ang imbensiyon ni G. allan, kaanib ng INC.

Ang ibig sabihin daw ng ICAR ay Iglesia Catolika Apostolika Romana.

Dahil ito'y lumang pagkakakilalanlan sa Iglesia Katolika dapat Katolika IKAR at hindi ICAR. Dahil sa pagkaalam ko, ginagamit dito ang lumang Alpabetong Tagalog na "K" sa salitang "Katoliko" kaya mali na naman itong kaanib ng INC.

Pero sabi ng ilang mga kaanib ng INC, RCC raw po ang opisyal na pangalan. Ang ibig sabihin raw ng RCC ay "Roman Catholic Church" at ang ilan naman ay "RC" raw po dapat.

At dahil ito ang PILIT nilang pinapangalan sa Iglesiang tunay kay Cristo, WALA RAW SA BIBLIA ang Iglesia Katolika ay "peke" at sila lamang raw ang tunay.

INAANGKIN nila ang salitang "Iglesia ni Cristo" na nakasulat sa sulat ni San Pablo sa mga Katoliko sa Roma 16:16 "Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".

Sila raw po ang tintukoy roon dahil "Iglesia ni Cristo" raw ang pangalan nila at nasa Biblia raw po.

Pero anong Iglesia ang binabati ng lahat ng mga iglesia ni Cristo? Ang IGLESIA SA ROMA. Dito pa lamang dehado na ang pag-aangkin ng Iglesia ni Manalo.

Nakakatuwang pakinggan 'di po ba?

Ang sabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga TAGA-ROMA 1:8-9 "BANTOG" raw ang pananampalataya ng IGLESIA sa ROMA.

"First, I give thanks to my God through Jesus Christ for all of you, because your faith is heralded throughout the world. God is my witness, whom I serve with my spirit in proclaiming the gospel of his Son, that I remember you constantly..."

Hindi ba't BANTOG nga ang pananampalatayang KATOLIKO sa buong mundo?

Pero balikan natin ang problema ni Ginoong allan. ano nga ba talaga ang opisyal na pangalan ng Iglesia Katolika? TAGALOG ba o ENGLISH?

ICAR ba? O IKAR? O RCC? O RC? Ang gulo talaga ng mga inaralan ni Felix Manalo.

Ito raw ang opisyal na pangalang ng Iglesia Katolika sabi ni G. allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Bagamat ang Iglesia Katolika Apostolika Romana ay ginagamit bilang pagkakilanlan sa Katolikong Iglesia ni Cristo, hindi po ito ang pagkakilanlan nito sa buong mundo.

Sa Pilipinas lamang po ang kaalamang "Iglesia Katolika Apostolika Romana".

The Greek roots of the term "Catholic" mean "according to (kata-) the whole (holos)," or more colloquially, "universal." At the beginning of the second century, we find in the letters of Ignatius the first surviving use of the term "Catholic" in reference to the Church. At that time, or shortly thereafter, it was used to refer to a single, visible communion, separate from others. (Catholic Answers)

Ito naman ang paliwanag ng Wikipedia
The term Roman Catholic first appeared in the English language in the 16th century to differentiate specific groups of Christians in communion with the Pope from others. It has continued to be widely used in the English language ever since, although its usage has changed over the centuries. It is now even used to distinguish different groups of Catholics who recognize the Pope, e.g., those who belong to the Latin Rite from those who belong to the Eastern Catholic Churches

Sino raw po ang NAGBANSAG sa amin ng "ROMAN"? Ang Church of England noong 16th Century, panahon ni Haring Henry VIII na tumiwalag sa Iglesia Katolika.

Sa ngayon ang "Roman Catholic" daw ay ginagamit sa mga Katolikong may pagtalima sa Santo Papa o ang mga Katolikong gumagamit ng "Latin Rite" liban sa mga ibang Katolikong gumagamit ng ibang mga "rites".

...The terms "Catholic Church" and "Roman Catholic Church" are names for the entire church that describes itself as "governed by the successor of Saint Peter and by the bishops in communion with him". In its formal documents and pronouncements the church most often refers to itself as the Catholic Church or simply the CHURCH (emphasis mine).

In its relations with other churches, it frequently uses the name "Roman Catholic Church", which it uses internally also,though less frequently. Some writers such as Kenneth Whitehead and Patrick Madrid argue that the only proper name for the Church is "the Catholic Church.

Kitam! Hindi pala opisyal na pangalan ito.

It is simply known as the "Catholic Church" in any language or simply "THE CHURCH".

Ito naman ang paliwanag ni Kenneth D. Whitehead:

"The term Roman Catholic is not used by the Church herself; it is a relatively modern term, and one, moreover, that is confined largely to the English language. The English-speaking bishops at the First Vatican Council in 1870, in fact, conducted a vigorous and successful campaign to insure that the term Roman Catholic was nowhere included in any of the Council's official documents about the Church herself, and the term was not included.

"So the proper name for the universal Church is not the Roman Catholic Church. Far from it. That term caught on mostly in English-speaking countries; it was promoted mostly by Anglicans...

"The proper name of the Church, then, is the Catholic Church. It is not ever called "the Christian Church," either. Although the prestigious Oxford University Press currently publishes a learned and rather useful reference book called "The Oxford Book of the Christian Church," the fact is that there has never been a major entity in history called by that name; the Oxford University Press has adopted a misnomer, for the Church of Christ has never been called the Christian Church.

"As mentioned in the Acts of the Apostles, it is true that the followers of Christ early became known as "Christians" (cf. Acts 11:26). The name Christian, however, was never commonly applied to the Church herself. In the New Testament itself, the Church is simply called "the Church." There was only one. In that early time there were not yet any break-away bodies substantial enough to be rival claimants of the name and from which the Church might ever have to distinguish herself. (Read the whole article HERE)

Ano ulit ang Opisyal na Pangalan ng TUNAY na IGLESIANG kay CRISTO?

English: Catholic Church
Tagalog: Iglesia Katolika
Afrikan: Katolieke Kerk
Albanian: Kisha Katolike
Arabic: الكنيسة الكاثوليكية
Azerbaijani: Katolik Kilsəsi
Albania: Католическата църква
Chinese: 天主教會
Croatia: Katolička crkva
Czech: Katolická církev
Danish: Katolske kirke
Dutch: Katholieke Kerk
Estonia: Katoliku kirik
Finnish: Katolinen Kirkko
French: Église Catholique
German: Katholische Kirche
Greek: Καθολική Εκκλησία
Hebrew: הכנסייה הקתולית
Hindi: कैथोलिक चर्च
Hungarian: Katolikus Egyház
Icelandic: Kaþólska kirkjan
Indonesian: Gereja Katolik
Italian: Chiesa cattolica
Japanese: カトリック教会
Korean: 가톨릭 교회
Latvian: Katoļu baznīca
Lithuanian: Katalikų bažnyčia
Macedonian: Католичката црква
Malay: Gereja Katolik
Maltese: Knisja Kattolika
Norwegian: Katolske kirke
Persian: کلیسای کاتولیک
Polish: Kościół katolicki
Portuguese: Igreja Católica
Romanian: Biserica Catolică
Russian: Католическая церковь
Serbian: Католичка црква
Slovak: Katolícka cirkev
Slovenian: Katoliška cerkev
Spanish: Iglesia católica
Swahili: Kanisa Katoliki
Swedish: Katolska kyrkan
Thai: คริสตจักรคาทอลิก
Turkish: Katolik Kilisesi
Ukrainian: Католицька церква
Urdu: کیتھولک چرچ
Vietnamese: Giáo hội Công giáo
Welsh: Eglwys Gatholig
Yiddish: קאַטליק טשורטש

Iba't ibang salin, NAGBAGO ba ang PAKAHULUGAN?

Hindi po.


At NARITO po ang kanyang OFFICIAL DOCUMENTS nakikita at napag-aaralan ng lahat ng tao sa BUONG MUNDO.

No secrets! Hayan po, lantad.

Salamat na lamang sa imbitasyon mong pumunta sa Central niyo. Doon na lamang ako maniwala sa Iglesia sa Roma na "bantog" ang pananampalataya sa buong mundo sabi ni Apostol San Pablo.

Bilang pang-wakas, ganito rin ang sinasabi ng Official Magazine ng INC. Sila'y inaanyayahang "MANATILI" sa ARAL ng DIOS tulad ng ginawa ng UNANG IGLESIA (Katolika), "sila'y nanatiling MATIBAY sa aral ng mga Apostol".

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."(PASUGO Hunyo 1940, p. 27)

Suggested Further Readings: Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914

Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 6

4 comments:

  1. Ako si Jessa,
    Bago ka mang husga sa ibang relihiyon, hindi bat ang Iglesia noong una sa Roma ay natalikod? basahin mo ito!!!
    “Tatlong Persona sa isang Diyos”
    Ang Pang-kalahatang kard
    Ang Pamagat: Tawheed Laban sa Doktrina ng “Tatlong Persona sa isang Diyos”
    Wika: Tagalog
    Maikling Pagkakalarawan: Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na itong konseptong ito ay hindi aral o batas ni hesus at maging sinomang propeta sa buong kasaysayan..........
    “Tatlong Persona sa isang Diyos”
    Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas ni Hesus at maging sinumang propeta sa buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang mga iniwang disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusonod sa kaisahan ng Diyos hanggang taong 90 A.D. Ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa "shepherd of hermas" na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano.
    Nang lumaganap ang “Roman Church Doctrine”, ang mga tunay na Kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa di-makatwirang Doktrina ng Trinidad. Sa taong 190 A.D. isa sa mga kasapi ng Apostolic Church na si Iraneus ay sumulat kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na Kristiyano. Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ng Apostolic Church ay ganap na sumunod sa simpleng aral ni Hesus. Bilang kasapi, si Lacteneus ay sumulat noong 310 A.D. na "si Hesus ay kailanman hindi nagsabi na siya ay diyos"
    Sa taong 320 A.D., si Eusebius ay nagsulat; "Si Hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na Diyos at dapat sambahin." Sa kabila ng laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa isang Diyos, maraming ‘Unitarian’ ang matapang at matibay na naglahad ng kanilang kaisipan laban sa doktrina ng Trinity.
    Isa sa pangunahing Unitarian na si Arius ay tandisang nagsabi kay Bishop Alexander ang walang katotohanang Doktrina ng Trinity. Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperor Constantino ay nagtawag ng "First General Council" sa Nicea na nilahukan ng 318 Bishops upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang "council" na ito ay sumang-ayon sa Doktrina ng Trinity sa pangunguna ni Athanasius nguni’t si Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong "isang diyos". Sa taong 380 A.D., si Emperor Theodosius ay nagtakda na ang ‘orthodox faith (trinitarian catholic faith)’ ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Sa taong 383 A.D., si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa Doktrina ng Trinity. Sa kabila nito, hindi nabuwag ang mga ‘Unitarian’. Isa sa tumuligsa sa Doktrina ng Trinity na si Servetus (16th century) ay nagsabi na "ang pagtanggap sa doktrina ng Trinity ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS". Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi "ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina."
    Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katwiran. “Katiyakan, ang Kafirun (di-naninwala) ay yaong nagsasabing: “ Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa Trinidad) subali’t walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Isang Ilah (Diyos – ang Allah) at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang sinasabi nila, katotohanan, isang masakit na parusa ang darating sa Kafirun na kabilang sa kanila.” [5:73]

    ReplyDelete
  2. Ang sabi ni Cristo ay kailanman 'HINDI MANANAIG ANG IMPIYERNO SA KANYANG IGLESIA" (Mt. 16) so paano mo maipaliwanag ngayon sa amin na nanaig pala ang Impiyerno sa kanyang Iglesia sa pagtuturong siya ay Dios. Hindi ba't lalabas na sinungaling si Cristo at hindi totoo ang Mt. 16?

    Pero dahil sa HINDI sinungaling si Cristo at TOTOO lahat ang kanyang sinabi. Kaya't lalabas na kung nanaig ang katuruan ng TRINIDAD sa kanyang Iglesia, ito'y totoo dahil kailanman "HINDI manananaig ang kapangyarihan ng impiyerno" sa kanyang Iglesia.

    Huwag niyo nang ipilit na gawing katawa-tawa ang inyong mga sarili. Ang aming mga aral ay nasa internet at pwedeng siyasatin ng kahit sinong matalino sa mundo.

    Ung sa inyo, wala kayong opisyal na katuruan. Sige subukan niyo ngang ilahad sa mundo ang SIMULAIN ng katuruan ninyo tungkol kay Felix Manalo bilang "huling sugo".

    Lalabas na sa kasaysayan ng INC, noong mga 1920s lang ito itinuro ni Felix sa takot na magkawatak-watak ang kanyang iglesia.

    ReplyDelete
  3. @Jessa

    Siguraduhin mo ang sinasabi mo...
    bakit nag talikod ang Catholic Church sa diyos?
    Hindi bat ang Church is the bride of Christ according sa Book of Revelation? eh bakit ganoon?
    PUT THIS IN YOUR HEAD JESSA! A bride should remain loyal to her groom.

    Only a liar would say the Catholic Church was apostatized, even Martin Luther did not say that the Roman Catholic Church was apostatized.
    Our doctrine is true and apostolic, and how would you say that Iglesia ni Manalo is the church where the apostles belong? kilala ba ng mga apostol si Felix Manalo? hindi! kasi gawa2x lang ito, INC has no official doctrine, they only rely on their own understanding.
    And by the way the Devil can use the Bible to destroy the Church.
    As the Book of the Proverbs say, "Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding"
    INC ministers lean on their own understanding to manipulate and brainwash the people around them.

    No matter what you say the Roman Catholic Church stands victoriously throughout the years.

    ReplyDelete
  4. Ang katolisismo ay kaylanman ay hindi tumalikod sa aral ni kristo,dahil sa pinakabagong istatistiko bilyon na ang mga myembro nito ay patuloy na dumadami pa,malayong malayo sa bilang ninyo . . at bago mo husgahan ang katolisismo,alamin mo muna ang history ng founder nyong si manalo at paano syang naging anghel . . at ng malaman mo ang tunay na kulay ng sekta nyo o kulto.Me nalalaman pa kayong history!nasaan ba ang sekta nyo noong 13th,14th,15th cerntury?gamitin nyo na lahat ng history books tingnan natin kung makita mo!Mabuti pa magbago ka na habang me oras pa ! ! dahil buhay ka pa sinosunog na kaluluwa mo . . .

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.