"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, August 21, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 6)

(Basahin ang Part 5)

Walang pagkakakilanlan itong si G. allan na masugid nating taga-komento sa blog na ito. Wala siyang kamalay-malay na ine-expose naman niya sa kaliwanagan ang kaalaman niya tungkol sa Iglesia ni Felix Manalo, tatag noong 1914.

Si G. allan ay naghihimutok ang loob sa isang pagsaksi ng dating kaanib na Bumalik sa Pagka-Katoliko.

Ang sabi ni G. allan, kaanib ng INC 1914:

"Hindi po ako reklamo ng reklamo ano ba yan magisip ka nga talagang bulag ang mga pananaw mo sa relihiyon. Khit ICAR OR IKAR man eh wla rin namang nabago hindi ba. Itinakwil p rin ang pangalan ng Panginoong Hesukristo hindi ba na yun nga ang battlecry ko nung akoy katoliko or catoliko eh bakit hindi nakapangalan sa aking relihiyon ang pangalan ni Hesukristo na narealize ko lamang ng nakikinig ako ng aral ng INC. Khit anong pang ipangalan yan may ay RCC ICAR or IKAR talagang inembento lang ito hindi ba at tunay ngang pagtatakwil ng pangalan ng panginoong hesukristo hindi po ba. At kahit nsa Roma ang pagbati ni Apostol Pablo hindi po San Pablo gaya ng inembento ng ICAR ay hindi pa rin nangangahulugang ICAR yun hindi po ba. Pag pinagpilitan mo yan tiyak maraming katoliko na naman ang magiging kaanib sa INC s mga debate naku nakikinita ko na ksi kahit ito hindi mo makuha. Saan ba nakasulat sa buong aklat ng Roma ang inembentong pangalang ng paganong iglesia, G. Catholic Defender magsitas ka nga ng kahit isa mang sitas ng nagpapakilalang ang buong pangalan ng paganong Iglesia ay binanggit man lang ni Apostol Pablo o yun na namang interpretasyon ninyo na self righteous or self serving hindi ba ganyan ang ptuloy na ginagawa mo kahit hanggang ngayon.
August 20, 2010 1:25 PM

Mali. Hindi naman pangalan ang salitang "CRISTO" o "KRISTO". Ang kanyang tunay na pangalan ay HESUS at siya'y magiging MANUNUBOS (CRISTO). Kaya't mali pa rin ang pagkaunawa mo sapagkat HINDI PANGALAN ang CRISTO.

Pero hindi mo pa rin sinasagot ang mga katanungan ko.

Saan ba nakikita sa Biblia na IPINAG-UUTOS ni HESUS na ipangalan sa kanya ang Iglesia.

Kamangmangan ng mga Ministro mo kaya pinagpipilitan nilang sila yung TINUTUKOY sa Roma 16:16. Kahit paikutin mo pa ang paliwanag mo, hindi pa rin magiging KAYO ang tinutukoy roon.

Ang tinutukoy na "mga iglesia ni Cristo" (pansinin mo, maliit na titik "i"), ito ang mga Iglesia ng Corinto, Iglesia ng Tesalonika, Iglesia ng Antioch etc.. at lahat silang "mga iglesia ni Cristo" ay SUMASALUDO sa IGLESIA SA ROMA sa kanilang pananamplatayang BANTOG SA BUONG MUNDO.

May katibayan ba?

Opo. Ang tinutukoy ni Apostol San Pablong "Iglesia ni Cristo sa Roma" ay naron pa rin, NAKATAYO at KINIKILALA ng BUONG MUNDONG siyang TUNAY NA IGLESIANG kay CRISTO mula pa noong unang siglo.

Wanna bet? Eh di sumangguni ka sa mga encyclopedia at MAPAPAHIYA ka.

Ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIANG tatag ni Cristo sa Jerusalem. Ang lahat na umaangkin nito ay HUWAD lamang!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
"Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Ano raw ang tawag sa mga BAGONG SULPOT na "Iglesia ni Cristo"?

HUWAD LAMANG!

allan said...

sinasabing ngang bantog ang pananampalataya ng mga kaanib sa iglesia noon pero hindi pa rin sila tinatawag sa pangalan na itinatawag sa inyo ngayon. Malayong malayo ang pananampalataya ng mga unang cristiano sa inyo gaya nga ng laksa laksang imbensyon ninyo at kahit Iglesia sa Roma ay wla sa talata ng Roma ang mga inembento ninyo un ay mga interpretasyon niyo lang wla ni sa konstekto na ipakilala ba na ICAR ang pangalan ng mga cristiano noon. Bakit hindi rin ba bantog ang pananampalataya ng ibang lokal ng INC maliban sa Roma meron at tiyak hindi mo naman naiintindihan ito. Gaya ng mga lokal sa Filipos s tesalonica, sa iba pang bayan lokal may itinatag na gawain ni Apostol Pablo, lalong mahiya naman ang ICAR sa kanyang claims dahil pag sinuro ang mga aral ng mga kapatid sa Roma ay tiyak na tiyak na ibang iba sa pananampalatayang katoliko.
August 20, 2010 1:32 PM

Anong alam mo sa pananampalataya ng mga Unang Kristiano (Katoliko) eh kahit yung lolo mo s tuhod ay di pa ipinapanganak.

At lalong ang iyong "sugo" ay hindi pa naipapanganak noon Unang Siglo.

Sino ba dapat ang nakakaalam ng KASAYSAYAN? Siyempre yung mga taong NARON sa kasaysayan habang ito'y NAGAGANAP.

Natural, ang mga KATOLIKO ay naron na noong unang siglo pa kaya alam namin kung sino ang TUMIWALAG.

Nakakalungkot pero MALABONG kayo ang tinutukoy sa Biblia. Tanging magagawa mo lamang ay ang MANGARAP, tutal libre naman.

I don't have to lecture you on this pero dahil nga sa bilad na bilad ang kamang-mangan mo, ating kunin ang mga FACTS ng encyclopedia.

ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO AY DAPAT SI CRISTO ANG NAGTATAG NITO SA JERUSALEM.

Heto ang sabi ng Wikipedia

"The history of the Catholic Church is traced by the Catholic Church to apostolic times. The history of the Catholic Church is an integral part of the history of Christianity and of Western civilization."

Heto naman ang nakita ko sa Wikipedia about the Timeline of the Catholic Church:

As the oldest branch of Christianity, along with Eastern Orthodoxy, the history of the Catholic Church plays an integral part of the History of Christianity as a whole. This article covers a period of just under 2,000 years (emphasis mine).


Over time, schisms have disrupted the unity of Christianity. The major divisions occurred in c.144 with Marcionism, 318 with Arianism, in 1054 the East-West Schism of the Catholic Church with the Eastern Orthodox churches and in 1517 with the Protestant Reformation. The Catholic Church has been the moving force in some of the major events of world history including the evangelization of Europe and Latin America, the spreading of literacy and the foundation of the universities, hospitals, Western monasticism, the development of art, music, literature, architecture, the scientific method, and trial by jury. Also playing a role in world affairs including, the Inquisition, the Crusades, an analytical philosophical method, and the downfall of communism in Eastern Europe in the late 20th century.

Ano raw ang sabi ng encyclopedia?

Ang Iglesia Katolika raw ang PINAKAMATANDA sa lahat ng "branch" of Christianity. Actually the Catholic Church shouldn't be called "branch" dahil siya ang puno. Kaya't ITO NGA ang tunay na Iglesia ni Cristo.

Ano pang sinabi?

Ang Iglesia Katolika ay nanapaloob sa MAHIGIT-KUMULANG na DALAWANG-LIBONG taon na (2,000 years na).

Mantakin mo iyon? Wala sa kalingkingan ng 96 years ng pagkakatatag ng Iglesia ni Manalo ngayon YEAR OF THE LORD 2,010.

Baka iiyak ka na naman pero sa totoo lang, mula ng 33 A.D., NARON NA KAMI. At ngayon ay 2010 na NARIYAN pa rin kami. Kami ang SAKSI ng kasaysayan kaya't KAMI ang nakakaalam ng pangyayari sa kasaysayan ng pananampalatayang Katoliko sa buong mundo.

Heto naman ang sinasabi ng inyong PASUGO:

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Ano raw?

Walang karapatan ang kahit sinong tao na magtatag ng iglesia. Tanging si Jesu-Cristo lamang daw!

Eh sinong nagtatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas?

Ang sabi ng PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Ayon pala. Si Felix Manalo pala ang NAGTATAG ng INK sa Pilipinas ayon sa rehistro nito.

Dios ba si Manalo? Hindi po. Siya'y 100% TAO.

May karapatan daw ba ang hamak na tao upang magtatag ng "iglesia"?

Ang sabi ng Pasugo nila ay "Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Wala na tayong dapat pang pagtalo-talo G. allan. Malinaw na ang mga sinasaad ng inyong Pasugo. Mas maniwala ako sa OPISYAL na pahayag kaysa sa OPINION mo.

ANG LAHAT NG BAGONG SULPOT NA IGLESIA NI CRISTO NGAYO AY "HUWAD LAMANG" - PASUGO Mayo 1968, p. 7

Heto naman ang sabi ng Wikipedia tungkol sa IGLESIA ni CRISTO sa Pilipinas:

Iglesia ni Cristo(pronounced [ɪˈɡleʃɐ ni ˈkɾisto]); Tagalog for Church of Christ ; also known as INC, and previously known as Iglesia ni Kristo or INK (Kristo being the Tagalog translation for Christ), is the largest entirely indigenous Christian religious organization that originated from the Philippines [emphasis mine] and the largest independent church in Asia. Due to a number of similarities, some Protestant writers describe the INC's doctrines as restorationist in outlook and theme.. INC, however, does not formally consider itself to be part of the Restoration Movement. Felix Y. Manalo officially registered the church as a corporation sole with himself as executive minister on July 27, 1914 and because of this, most publications refer to him as the founder of the church.
.
Ganon din naman ang sinabi ng PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

May paglaban-laban ba sa sinasabi ng Wikipedia at ng Pasugo?

Wala po. Tugmang-tugma po.

At tsaka G. allan, di ka ba nahihiya sa pinagsasabi mo?

Saan ba nakikita sa Bibliya na LOKAL at tawag sa mga Iglesiang naron na noong unang siglo? Dahil sinabi ni Felix Manalo sa inyo kaya PIKIT-MATA ninyong sinusunod? tsk tsk tsk.

allan said...

Hindi Katoliko or Catoliko dahil nung panahon lang na wla ang mga apostol na bumangon ang ganitong pangalan at sa mismong Roma pa nagsimula ang pagtalikod kaya tinawag siyang ang Banal na Iglesia Katolika Apostolika Romana s magkahiwalay na mga panahon at pagkakataon. Hindi magulo ang aral ng K Felix Manalo kung hindi katotohanan lang dahil mismong kasaysayan ng pagkakatatag ng pangalan ng ICAR sa mundo ang isiniwalat niya hindi po ba. Di ba ang paliwanag pa lang ng mga pinagmulang ng ICAR ay sa mga tao rin nila o kaya sa mga pumupuna sa kanila ng galing ano ba yan talagang mga inembento lang di ba dapat sa Bibliya rin higit sa lahat kunin ang mga rason bakit tinawag ang gayong. Talagang gawain n talaga ng mga katoliko yaon ang mga interpretasyon o inembento ng kapwa nila tao nakakasuka talaga hindi mo maipakita sa buong bibliya ang iba pang rason na ngpapatunay ng kahalalan sa pangalan p lang. Hindi mo sinagot ang tanong ko na bakit ninyo itinakwil ang pangalan ng Panginoong Hesukriso na diyan ay bulag na hindi mo namamalayan. At tiyak hindi mo alam at hindi itinuro ng mga imbentor na mga pari ang isang aklat rin ng isang pari n nagpapatunay na tunay na ang pangalan ng Iglesiang itinatag ng ating panginoong hesukristo ay Iglesia Ni Cristo na lalong nagsasaad n magkakalabang mga paliwanag at patotoo ng mga depensor katoliko. At ang kanyang aklat ang magsisiwalat kung bakit dapat tawaging Iglesia Ni Cristo ang pangalan ng Iglesia na itinatag ng Kristo noong siglo. Nakakasuka talaga ang yan ang dpat alamin mo. Ang mga dahilan niya ay hinango niya sa bibliya kaya talagang dapat sanang sinusunod ng mga katoliko at pag sinunod nila ito ay tiyak mawawala sila sa Pagka katoliko. Dpat mabasa ang aklat niya. Nakakasuka talaga ang magkakakalaban sa isang organisasyon. hindi po ba gaya nga ni arius noon pa. na yan nga ang dahilang ng pagtalikod ng tunay na iglesia na naging ICAR sa katuparan.

Wala kaming dapat ipaliwanag kung ang gagamitin namin ay Tagalog, English, Bisaya, Ilocano, Kapampangan, Ivatan, Ilonggo, Arabic, Hebrew, Latin, Greek, French, Italian, Spanish, Portuguese, Hindi, Urdu, Malay etc. Kahit anong translation, IISA LAMANG ang PAKAHULUGAN.

Eh kung sinabi pala sa inyo ni Cristo na dapat pangalan niya ang nakalagay sa iglesia niyo bakit mula IGLESIA NI KRISTO (INK) ay naging IGLESIA NI CRISTO (INC).

Ano nga ba talaga? Kakahilo naman talaga itong mga inaralan ni Felix Manalo.

Para naman lalo kang mahilo, tanungin natin ang Pasugo kung kailan nga ba NAITATAG ang "imbentong" Iglesia Katolika? Ihanda niyo ang inyong "Bonamine" para walang "biahilo". Source: Ang Katotohanan Tungkol sa INK - 1914 ni Julian Pinzon:
PANSININ: Ang mga ito ang Ministrong inaralan at inatasang magpahayag ng pagkatatag ng Iglesia Katolika Apostolika Romana:
  • Si Emiliano Magtuto--PASUGO Nob. 1956, p. 18: -- 44 B.C.
  • Si Benjamin Santiago -- PASUGO Peb. 1959, p. 1: -- 400 A.D.
  • Si Benjamin Santiago -- PASUGO Ago. 1962, p. 3: -- 1870 A.D.
  • Si Teofilo C. Ramos -- PASUGO Mar. 1956, p. 25: -- 1870 A.D.
  • Si Joaquin Balmores -- PASUGO Peb. 1952, p. 9: -- 400 A.D.
Ganyan ang labo-labong aral ng mga Ministro ng INC-1914.

allan said...

Kaya kita iniimbitahan sa Cetral ay para pasinungalingan ang talaga namang ksinungalingan at panggugulang sa mga kapwa mo katoliko sa rebulto ni Ka Felix Manalo na nsa Central dahil nga may naksulat doon na hindi dapat sambahin ang rebulto o kaya anumang larawan niya na yan ay ibang iba sa mga ritos at seremonya ng pagsamba s mga rebulto larawan, ataul relikya mga ano anong mga bgay na pagkakaperahan. At inaanyayang bumalik kami sa Iglesia Katolika eh hindi na kami maloloko pa dahil nga sa mga paimbabaw na aral nito sa mga katulad niyang katoliko sa buong mundo. Ang mga pagpatay na ginawa s pangalan ng ICAR, ang mga himala na hanggang ngayon ay pinagkakaperahan. hindi na ako babalik personal sa relihiyong yan. dahil ayokong bumalik sa pagpapatiwakal ang mga sinumpa lang ng panginoong Dios ang makikita sa relihiyon na yan. Meron nga kayong hininga pero wlang kabuluhan sa panginoong Dios parang mga hayop na nabubuhay na sa oras na mamatay ay papatayin pa s wlang hanggang apoy na iyan ang kabayaran ng mga paimbabaw ninyong mga ginagawa.kya marahil si Jose Rizal ay hindi nakaabot sa pagtatag ng INC sa huling araw dahil talagang nilabanan niya ang mala demonyong sistema sa relihiyon na yan kaya IPINAPATAY SIYA. Hindi nga naman siya malulunod ng isang basong tubig ng ICAR. Hindi po ba kahit kailan takot kang mailahad ang inyong sistema sa madla. Tingnan natin kung magagawa mo talaga ang panloloko ninyo oras na malantad yan sa publiko sa isand diskusyon n tiyak tatanggihan ninyo. Dahil yan ang ikinabagsak ng bilang ng mga miembro ng ICAR pati na rin ang realization ng mga ito sa mga inembento aral ng kademonyahan ng mga sinugo ni satur sa mundo.

Heto naman ang nakuha ko sa isang blog na nagpakilalang Politics is my Religion:

Iglesia Ni Cristo cult has been very sensitive when the name of a member of Manalo family is at stake. They glorify the Manalo family too much that they would not even consider other people leading their church [emphasis mine]; their leader should always come from the Manalo family.... The Iglesia Ni Cristo cult consider their founder as an angel, Felix Manalo is an ex-catholic. They even erected a bronze statue for their beloved leader to commemorate the life and death of their leader Felix Manalo.

Ang paalala sa mga INC sa kanilang mga kaanib:

ANG KAHALALAN NG SUGO
AY LAGI NATING ALALAHANIN
NGUNIT ANG LARAWAN AT SIYA
KAILANMAN HUWAG SASAMBAHIN

Bakit kaya PINAPAALALAHANAN nila ang kanilang mga kaanib na "huwag sambahin" ang rebulto ni Manalo?

Katulad na lamang ng mga paalala sa mga publikong lugar na "HUWAG UMIHI RITO" ay sapagkat may mga umiihi na sa lugar na nilagyan ng paalala.

Ang ibig ba nilang sabihin ay may SUMASAMBA NA sa REBULTO ni MANALO sa Central kaya't PINAPAALALAHANAN nila ang mga kaanib nilang HUWAG SAMBAHIN ang rebulto ni Felix Manalo?

Kahindik-hindik.

Sa amin sa Katoliko, di namin sila pinapaalalahanan sapagkat HINDI kami SUMASAMBA sa mga rebutol namin.

Yung mga lumilipat sa INC ang mga sumasamba sa mga rebulto kaya sila umalis at doon sumamba sa rebulto ni Felix Manalo.

Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 7

8 comments:

  1. Ang pagluhod ba ay hindi pagsamba? Sinu ba ng lumuluhod sa rebulto? Kung anu-anung unreliable sources ang kino-quote mo. Bakit hindi ka manangan kung anu ang nakasulat sa Biblia at hindi sa sarili mong kaalaman lamang? Kitang-kita sa pagkakataong ito kung sino ang mangmang. Wala nang dapat patunayan pa. Malalaman mo na lamang ang lahat kung nasusunog ka na sa dagat-dagatang apoy.

    ReplyDelete
  2. Salamat Jonathan sa pagbibilad mo ng iyong kamangmangan.

    Samakatuwid, naniniwala ka palang ang PAGLUHOD pala sa isang bagay maging tao o rebulto ay isang uri ng "pagsamba". Para sa aming mga Katoliko at tunay na kaanib ng TUNAY na IGLESIANG kay CRISTO, ang pagsamba ay nasusukat hindi sa panlabas na anyo.

    Ang Dulia, Hyperdulia, LATRIA ay mga salitang Griego na nagpapayaman sa salitang "SAMBA" na para sa mga PEKENG katulad mo ay naniniwala sa iisang salita.

    Kung sa iyong paniniwala bilang kaanib ng kultong IGLESI ni CRISTO ni Manalo, ang PAGLUHOD pala ay isang uri ng PAGSAMBA, ibig sabihin si FELIX MANALO pala ay DIOS sapagkat siya'y NILUHURAN ng kanyang mga bagong ministro.

    At alin sa aking mga teksto ang mga sinasabi mong "UNRELIABLE" ang mga PASUGO ba? Walang saysay pala ang mga Ministro mong LUMULUHOD kay FELIX MANALO at pati ang kanilang mga PANULAT ay minamaliit mo.

    At bilang pangwakas, ikaw din pala ay NAGKUKUNWARING DIOS sapagkat alam mo palang mapupunta kami sa "dagat-dagatant apoy". Ayon sa aming katuruan, DIOS lamang ang tanging NAKAKAALAM kung sino ang MALILIGTAS at kung sino ang HINDI.

    Tunay ngang si FELIX MANALO ay hinulaan sa Biblia, hindi bilang banal kundi isang ANTI-CRISTO sa pag-aangkin ng mga katangiang tanging DIOS LAMANG ang may alam.

    Purihin ang Dios at si Cristo at kabilang kami sa TUNAY na IGLESIA ni CRISTO na tatag ni Cristo 33AD.

    ReplyDelete
  3. Eh anung tawag mo sa mga humahalik sa paa ng "santo," nagpapatirapa, naglalakad ng paluhod patungo sa "altar"? Tila inuulit nyo lang ang ginawa noon kay Baal. At sino ang nag-uutos na tawagin ang mga paring "father"? Sa ispiritwal na aspeto, ang Diyos lamang ang nararapat na tawaging Ama. Hinatulan ng Diyos na ang mga gumagawa nito ay MANGAPAPAHIYA! Mula pa noon ay hinatulan na ng Diyos kung sino ang maliligtas at hindi, at hindi nya sinabing ang mga gumagawa ng walang kabuluhang paulit-ulit ang maliligtas kungdi ang mga tunay na sa Diyos at kay Cristo.

    ReplyDelete
  4. im earl fro CAvite...

    medyo pareho ang pagkaliko niu po ah...........

    try po natin sa tanong muna:

    Naniniwala po ba kayo na ang KRISTO ay TAO sa KALAGAYAN...? TAO po ba cya..?

    isa pa:

    Naniniwala ba ang KATOLIKO sa mga IMAHE o MGA REBULTO....??


    masagot niu lang po yan sakin ng maliliwanagan ako..........


    gusto ko po me SITAS.......

    ReplyDelete
  5. Magbasa ka na lang ng mga posts ko para di paulit ulit ang sagot sa paulit ulit na tanong niyo. Tutal ayaw niyo ng paulit ulit di ba?

    How to do that? I will guide you step by step:

    1. Click on "Iglesia ni Cristo" label
    2. Try to scan from first post to the latest
    3. Remember to take down notes and don't rely on your thick skull.
    4. I am 100% your recycled questions are answered, at may bonus pah.

    ReplyDelete
  6. Napansin ko ito na sabi ng IKAR defender


    "Wanna bet? Eh di sumangguni ka sa mga encyclopedia at MAPAPAHIYA ka.

    Ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIANG tatag ni Cristo sa Jerusalem. Ang lahat na umaangkin nito ay HUWAD lamang!"

    nabasa nyo ba sa encyclopedia kung saan natatag ang IKAR?

    sabi nyo po ang tunay na iglesia ni kristo itinatag sa jerusalem

    i remember when i was in high school nabasa ko sa groliers encyclopedia na Roman Catholic Church was Founded in Rome is it true?

    or pumunta si Kristo sa roma para itatag ang tunay na iglesia?

    ReplyDelete
  7. Your information is definitely misleading and inaccurate. There are numerous encyclopedias you can use as cross reference. If you think Grolier is doubtful of its information, then there's no point of using that misleading books.

    This what Britannica is saying.

    And here's from FACTMONSTER, and I quote:

    "The new religion spread rapidly throughout the Roman Empire. In its first two centuries, Christianity began to take shape as an organization, developing distinctive doctrine (principles), liturgy (the form of its ceremonies), and ministry. By the fourth century the Catholic church had taken root in countries stretching from Spain in the West to Persia and India in the East."

    Do you need more sound information that are not from Catholics? You only have to desire the TRUTH and it will be laid before your eyes.

    Truth is, Christ didn't find a Church in Sta. Ana, city of Manila in the Philippines. Applying your last sentence:

    "or pumunta si Kristo sa pinas para itatag [muli] ang tunay ng iglesia?"

    ReplyDelete
  8. Ang mga relihiyon o samahan ng pananampalataya at walang basbas ng ating Panginoon ay huwad.Iisa lamang at natatanging samahan na itinatag ng ating Panginoon at ito ang tunay at makatutuhanan kung pagkamakadiyos ang hinahanap na tamang daan patungo sa kaharian ng ating mahal na Panginoon.Hindi naman kayo bulag sa Pilipinas nandiyan ang Bantayog ng katutuhanan ayaw lamang ninyong tanggapin sa inyong mga kalooban.Wala na kayong oras kahit mahanap pa ninyo ay huli na kayo pababana ang ating mahal na AMA sa kanyang Lupang Hinirang at Lupang Pangako sa atin ng ating Panginoon na ang Pilipinas ang siyang magiging Bagong Jerusalem sa takdang panahon.((

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar