Pages

Wednesday, August 25, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 10)

(Basahin ang Part 9)

Walang kasawa-sawa itong si G. allan, kaanib ng INC-1914 na ibilad ang kanyang kamangmangan sa kasaysayan at Iglesia Katolika na "siyang tunay na Iglesia ni Cristo" ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46.

Ang kanyang comments ay natatagpuan sa post nating pinamagatang: Iglesia ni Cristo Converted to Catholicism.

Hindi na natin kailangan pang patulan ang iba pang mga sinasabi nitong kaanib ng Iglesia ni Cristo sapagkat wala naman siyang binibigay na "REFERENCE" upang maging makabuluhan ang ating talakayan.

Guguhitan ko na lamang ang mga nakikita kong mga dapat na masagot sa HINABA-HABA ng kanyang sinasabi.

August 25, 2010 10:08 AM
allan said...
Yan ba ang mga patutsada mo naman talagang mapapahiya ka kung may mga Pasugo rin na magpapaliwanag ng talagang mga nakalagay sa mga sinasabi ng mga talata niyan, Diba nasabi ko na sa iyo na talagang iba ang interpretasyon ng aming kalaban diyan including you and some cohorts of yours. Ikaw lang ba ang may pasugo? At hindi rin ba iyan ang sinabi ng mga lumaban sa debate sa Pilipinas at sa ibang bansa pero napahiya at nalantad sila ng ipaliwanag sa kanila ang Pasugo issues. Ang INC ang naglimbag at nagsulat ng mga articles n yan kaya sila dpat ang mag paliwanag yan kya ganyan nga ang ngyari at lalo ngang nahayag ang baluktot at napakamalisyosong pagatake nila kaya marami sa kanila lalo na sa mga debate ang napahiya di lamang sa kapwa ninyo katoliko kung hindi lalo lamang pinatunayan nito ang kamangmangan ninyo at maling pagppakahulugan sa anumang nakasulat n mga babasahing inilimbag ng INC. Sna mapanood mo yung mga debate para naman matauhan ka hindi ba at hindi talaga ito pagaalipusta dahil inilalagay ko lang ang sarili ko sa iyo na dating bulag na sumusunod sa mga aral ng ICAR. Ung mga sinabi mo ngang mga aklat ng ICAR di ba nasabi ko sa mga comments ko na may mga aral at aklat na nilimbag ng ICAR na kinakalaban at pinapahiya mismo ang iba ring mga aklat katoliko katulad ng mga depinisyon mo sa mga idolatry na kinakalaban naman ng ibang mga aklat ng ICAR. Sabi ko sa iyo basahin mo ang mga libro kong nabanggit. Hindi kasi alam ng mga katoliko yaon hindi ba at itatangi mo na naman di ba talagang mga bulag ang mga katoliko.

Very entertaining po itong si G. allan. Hindi ko akalaing magaling pala siyang magpatawa.

Ang sabi niya, "Ikaw lang ba ang may pasugo?"

Naku, HINDI ko po SINABING "ako lang" ang MAY KOPYA ng Pasugo. INYONG magasin ito kaya DAPAT lang na KAYO ang may COMPLETE COLLECTION nito.

Pero NAGTATAKA naman ako kung BAKIT wala ka man lang NABABANGGIT na PASUGO issues dito? Hindi mo man lang masabi kung anong ISSUE ng Pasugo ang tinutukoy mo; anong PAHINA, at KAILAN nalimbag.

MANGMANG ka rin ba sa mga nakasulat sa INYONG Pasugo?

KUMPLETO ba ang iyong PASUGO?

Maaari bang IPAHIYA mo rin ako para MALANTAD naman ang aking kamangmangan sa TUNAY na PAKAHULUGAN ng mga nakasulat sa inyong magasin?

Hindi ko kasi alam na marami palang "NAPAHIYA at NALATAD" ng IPALIWANAG sa kanila kung anong ibig sabihin ng mga KONTRA-KONTRANG nalathala sa inyong magasin?

Katulad na lamang ng PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Sinabi ba ng Ministro na "totoong ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA... noon lang pero ngayon hindi na?

May PALIWANAG ba ang inyong MINISTRO kung NAKASULAT din ang mga KATOTOHANANG ito sa mga PAHINA ng KASAYSAYAN tulad ng pagkasulat ng pagkakatatag ng INC-1914?

May nabanggit ba siyang mga TALATA ng BIBLIA na MAGPATOTOO nito?

Ano kaya ang PALUSOT ng mga MINISTRO dito sa mga HULA-HULANG PAGSULPOT daw ng IGLESIA KATOLIKA sa mundo?

•Si Emiliano Magtuto--PASUGO Nob. 1956, p. 18: -- 44 B.C.
•Si Benjamin Santiago -- PASUGO Peb. 1959, p. 1: -- 400 A.D.
•Si Benjamin Santiago -- PASUGO Ago. 1962, p. 3: -- 1870 A.D.
•Si Teofilo C. Ramos -- PASUGO Mar. 1956, p. 25: -- 1870 A.D.
•Si Joaquin Balmores -- PASUGO Peb. 1952, p. 9: -- 400 A.D.

Parang kinikinita kong may kapansanan ang mga makininig sa mga Ministrong ito. Tumatango kahit mali.

Kami pa ngayon ang bulag? :)

Tungkol naman sa PAULIT-ULIT mong binabanggit na AKLAT KATOLIKO, maaari bang BUMALIK ka muna sa pag-aaral kahit basic journalism. Hindi ako MANGHUHULA para malaman ko kung ano itong binabanggit mong aklat.


August 25, 2010 1:05 PM
allan said...
At kaya nga hindi na lumalaban sa mga debate ang mga ICAR n katulad mo dahil lumang mga taktika ng mga atake ang alam ninyo na ginaya rin naman ng ibang mga bulaang tagapangaral. At yan ang katotohanan sa mga sinabi ko na iisa lang talaga ang hininga ninyong lahat bagamat hindi sila katoliko pero pag sa debate at mga diskusyon ngkakaisa kayo sa ibang mga aral like ung pagan origin na Trinity ni ang termino ay hindi mo makikita sa pabalat ng Banal n kasulatan hindi po ba at iisa rin ang mga atake nila na katulad rin hindi ba how interesting sana nga makakita kayo ng debate. Meron sa youtube, Isang depensor na katolikong amerikano at nawindang siya sa mismong mga aral na sinusunod niya na mismong mag "boomerang" sa kanya ang mga atake niya at naexposed hindi lamang ang tunay niyang layunin pati na rin ang laksa laksang mga aral pagano sa ICAR hindi ba sana mapanood mo. Oh well ganyan talaga ang mga tanda ng mga taong mapaparusahan sabi ng ng Bibliya ng mga hinerohan ang kanilang sarili n nagbabagang bakal.

Ang labo talaga ng mga inaralan ng mga Ministro ni Felix Manalo.

Kasasabi mo lamang sa taas na may mga aral at aklat na nilimbag ng ICAR na kinakalaban at pinapahiya mismo ang iba ring mga aklat katoliko.

Tapos ngayon sasabihin mong "iisa lang talaga ang hininga ninyong lahat..."

Ano ba talaga? NAGKAKAISA ba kami o NAGLALABAN-LABAN?

Sa pagkaalam ko, ang IGLESIA KATOLIKO lamang ang may UNIFIED TEACHINGS sa pamumuhay ng bawat Katoliko at kung anong klaseng buhay dapat meron sila.

Kaya't ang sabi ng Panginoon "Whoever is not with me is against me." (Mt. 12:30). Kaya't walang duda. Ang kumakalaban sa Iglesia Katolika ay hindi KAANIB ng Iglesia Katolika.

Sa tingin mo, NATIWALAG ba ang mga Ministrong may labo-labong aral sa loob ng INC-1914? Isa laban sa isa pero nasa iisang samahan?

HINDI PO!

Para naman di ka magmukhang LATANG WALANG LAMAN, pwede bang maglagay ka ng LINK ng youtube na binabanggit mo para MAPAHIYA kami sa katotohanang NAKASALALAY sa YOUTUBE.

Tungkol sa Trinity, pagan pala ang pagsasabi ni Kristo ng "binyagan niyo sila sa ngalan (SINGULAR) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo?

Hindi ba't GANITO rin kayo NAGBIBINYAG sa swimming pool? Anong tawag niyo sa TATLONG pangalang nabanggit: AMA, ANAK at BANAL NA ESPIRITU? Tatlong dios kaya?

Nakakatawa ka na G. allan.

Tutal nahirapan ka rin palang hanapin sa Biblia ang salitang TRINITY.

Wala po sa Biblia ang salitang TRINITY. Binanggit kung sino-sino ang nasa Trinity. Ito ay ang AMA, ANAK at BANAL NA ESPIRITU.

Ginagawa mo palang talaang ng salita ang Biblia.

G. allan, hindi po dictionary ang Biblia. At lalong hindi po ito textbook sa college. Huwag kang maghanap ng mga lenguwaheng wala naman sa Biblia.

Tutal hilig mo rin palang maghanap ano. Pwes baka naman pwedeng tulungan kaming hanapin sa Biblia ang mga sumusunod:

BIBLIA
Felix Manalo
EraƱo Manalo
Eduardo Manalo
Iglesia ni Cristo (Proper Noun)

Salamat po.


August 25, 2010 1:11 PM
allan said...
Talagang walang sinag ng liwanag ng bibliya ang mga sinomang nasa maling relihiyon. Di ba napatunayan ko na yan dun palang sa pangalan ng kapatid na Felix Manalo na hinanahanap mo s Bibliya tapos nun pinakita mismo ang implikasyon nito sa iyo di ba lalong nagpapatunay na nsa kadiliman talaga ang mga ktulad ninyo. Isa k tiyak s magsasabing dapat ipapako ang panginoong hesukristo sa krus lalo ng ihayag niya ang kanyang kahalalan sa pangangaral ng evangelio. Wla ang pangalan niya s mga aklat ng bibliya pero ang kanyang gawain ay matagal ng nakasulat sa mga aklat ng mga propeta noon. Di ba eto palang eh naglalarawan na ikaw ay isang anti kristo talaga na nagpapatunay rin na pangalan n nakakapit sa inyo-katoliko. Bakit ninyo itinakwil ang pangalan ng panginoong Hesukristo na hindi mo naman maliwanag n nasagot sa Bibliya. Matakot kang talaga sa mga iba pang masisiwalat sa inyong madilim na pananampalataya at puso.

Naku. Tumpak po kayo riyan G. allan.

Ang mga maling relihiyon talagang WALA sa LIWANAG.

Kaya't sa aral pa lamang makikita kung sino ang NAGSUSULAT sa LIWANAG at sino ang NAGSUSULAT sa DILIM.

Ang mga nagsusulat sa kaliwanagan ay MALINAW ang sinasabi.

PINAPALIWANAG nila ito ayon sa pagkaunawa ng BUONG Iglesia at hindi ang kanilang sariling pagkaunawa.

Nililimbag ito.

Pina-published.

Pinapakita, LANTAD at HINDI TINATAGO!

Ang mga maling aral ng mga maling relihiyon, KABALIKTARAN.

Sila-sila lamang ang NAKAKAALAM ng kanilang aral. Nagpapaliwanag AYON SA SARILING OPINYON (kaya naglalabo-labo ang aral).

Nililimbag nila PARA LAMANG sa mga kaanib.

Pina-publish pero hindi sa lahat ng tao.

TINATAGO, SINISIKRETO at HINDI INILALABAS sa PUBLIKO.

Ikaw na ang magsabi kung sino ang nasa LIWANAG at sino ang nasa KADILIMAN.

At ikaw na rin ang magsasabi kung sino ang ANTI-CRISTO na gumagamit ng pangalang CRISTO pero laban naman kay Cristo.

Anong sabi ng Banal na Kasulatan?

"Whoever is not with me is against me." (Mt. 12:30)

Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 11

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.