Heto na nmaan po ang panibagong comment ni G. allan, kaanib ng INC-1914 sa article na may pamagat na Iglesia ni Cristo Converted to Catholicism.
allan said... nsa Earth p rin b po ba kayo o nsa Jupiter na? Pabasa naman nung mga sinasabi kong mga libro para na rin sa kaunawaan mo ng malinaw na ano ba talaga ang ICAR sa mga pagtuturo ng mga banal na kasulatan. Basahin mong mabuti sana ang mga aklat na iyon na inilimbag pa ng ICAR para na rin sa kaunawaan ng mga miembro niya. Entiende. August 23, 2010 1:43 AM |
Ang iminumungkahi niya ay BASAHIN daw ang aklat na SINULAT daw UMANO ng isang "paring Katoliko".
Ito ang pagkasabi ni G. allan kahapon:
Tiyak at hindi mo naman alam ang isang aklat katoliko na gawa ng isang pari ang slaysay niya ukol s mga banal na kasulatan. Sinabi at to quote him na hindi puedeng pagbatayan ng pananampalataya (katoliko) ang isang aklat (Bibliya) na lubhang mahirap intindihin. Alam mo kaya ito G. Catholic Defender,tiyak hindi na naman. August 22, 2010 4:52 AM
"Kinwot" raw niya at heto ang pagkasabi: "Sinabi at to quote him na hindi puedeng pagbatayan ng pananampalataya (katoliko) ang isang aklat (Bibliya) na lubhang mahirap intindihin."
Quote pala ang tawag doon. Very reliable quote nga.
Kung napansin niyo, wala siyang nabanggit na TITLE ng AKLAT. Basta may aklat daw na ganon.
Ginawa pa akong MANGHUHULA ni G. allan.
Sa dinami-rami ng mga aklat na naisulat at nailimbag na mula pa noong magkaroon ng kakayahang magsulat ang mga Katoliko hanggang sa kasalukuyan (2010 A.D.) alin sa mga aklat doon ang tinutukoy mo?
Ito bang aklat na sinasabi mo ay may "IMPRIMATUR" o "NIHIL OBSTAT" o "IMPRIMI POTEST" o WALA?
Baka pinaghilamos mo lang ang mga salitang ito. Dagdag kaalaman para sa iyo G. allan. Wikang Latin po ang mga iyan.
In short, ang ibig pong sabhin ng mga salita ay:
IMPRIMI POTEST - Religious Superior's stamp (pwedeng i-print)
NIHIL OBSTAT - Censor's stamp (walang pag-aalinlangan, umaayon sa katuruan ng Santa Iglesia)
IMPRIMATUR - Bishop's stamp (maaaring i-imprenta ng walang paglabag sa katuruan ng Santa Iglesia)
(Source: fisheaters)
The Church, given teaching authority by Christ and as the conduit for fullness of Truth on this earth, has the obligation to preserve Her sheep from deviations from the Truth and to to guarantee them the "objective possibility of professing the true faith without error" (Catechism, No. 890). Because of this, the Bishops will look at books published by Catholics on Catholic matters in their dioceses, giving them their "okay" if nothing therein is found to be contrary to the Faith (relevant Canon Law: "Title IV: The Means of Social Communication," ¶ 822-832)
Para hindi mo naman SABIHIN na AMING DEFINITION lamang ang mga ito, ito naman ang paliwanag ng WIKIPEDIA ay ganito:
In the Roman Catholic Church an imprimatur is an official declaration by a Church authority that a book or other printed work may be published. Since, according to canon law this permission must be preceded by a declaration (known as a nihil obstat) by a person charged with the duties of a censor that the work contains nothing damaging to faith or morals, the bishop's authorization of publication is implicitly a public declaration that nothing offensive to Roman Catholic teaching on faith and morals has been found in it. The imprimatur is not an endorsement by the bishop of the contents of a book, not even of the religious opinions expressed in it, being merely a declaration about what is not in the book.
Ngayon, kung ang NABANGGIT mong AKLAT ay may "IMPRIMATUR" o "HIHIL OBSTAT" o "IMPRIMI POTEST" ay maaari mo bang sabihin ang title nito?
Kung WALA namang nabanggit na ganong salita, malamang HINDI KATOLIKO ang NAGSULAT at hindi na dapat pag-aksahan ng panahon.
Naroon naman ang OFFICIAL bakit ayaw mong basahin?
Hindi ba't ganito ang ginagawa namin?
Kumukuha kami ng OFFICIAL quotes from your OFFICIAL MAGAZINE PASUGO "WORD by WORD", "VERBATIM" kaya't hindi mo pwedeng sabihin HINDI ito tinatanggap ng inyong Central.
At kung mag-quote ka sana siguraduhin mo lang na "word by word" at "verbatim" din tulad ng ginagawa namin.
Maaari mo namang i-PARAPHRASE iyon lamang DAPAT ay MAGBIGAY ka ng mga REFERENCE para ma-cross check kung NANLILINLANG ka lamang sa pamamagitan ng PAGSISINUNGALING tulad ng ginawa mg mga kapatid mo. Basic po ito sa journalism o sa thesis writing G. allan.
At lalong bawal ang i-DISTORT ang mga quotes tulad ng NAKAGAWIAN na mga kapatid mo sa aming mga OFFICIAL DOCUMENTS.
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.