Pages

Friday, August 27, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 11)

(Basahin ang Part 10)

Paulit-ulit at nakakasawang sagutin na ang mga comments ni G. allan, kaanib ng INC-1914 dito sa ating post na pinamagatang Iglesia ni Cristo Converted to Catholicism:

allan said...
kahit ang kapatid na Felix Manalo ang nagpasimulang magbalangkas ng mga aral ng INC ay hindi s kanya mismo ang mga aral o aral ng tao ang sinasampalatayanan ng INC kung hindi lahat ay nakabatay sa mga Banal na kasulatan at ang lahat ng aral ng Dios n kanyang iminulat sa lahat ng mga kapatid s INC ay ibang iba sa mga gawa gawang aral lamang ng tao sa mundo kya magkakalaban sila s espiritu. S katotohanan ang kanyang panga2ral ay may tatak ng espiritu santo kaya kahit anong gawing pagatake sa kanya ay hindi kailan man nanaig kung hindi nalipol ang mga maling aral n naglipana sa mundo kya ito ang napakapapagtunay ng higit na dakilang pagibig ng Dios sa tao para makaalis siya sa napakasakit na kahihinatnan ng mga taong hindi Cristiano o Iglesia ni Cristo pagdating ng araw ng paghuhukom.

August 26, 2010 11:37 AM

Para wala na tayong pagpapaliguy-ligoy pa, tanging sila-sila na lamang ang ating pasasagutin mula sa kanilang PASUGO:

UKOL SA TUNAY NA IGLESIA

1- PASUGO Mayo 1963, p. 13:
“Noong tumalikod ang bayang Israel at sumamba sa diyus-diyosan ay nagsugo ang Dios upang magtatag ng Iglesia"

2- PASUGO Setyembre 1940, p. 1:
“Dapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito."

3- PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

4- PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

5- PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
-------------------------------------------------------------------------

UKOL SA PAGKA-SUGO NI FELIX UPANG MAGTATAG NG IGLESIA

1- PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2,5:
“Sino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).

“Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag ng INK."

2- PASUGO Mayo 1967, 9.14:
“Sa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."

3- PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip:
“Iyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."

4- PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
-------------------------------------------------------------------------

ANG LABO-LABONG ARAL UKOL SA IGLESIA AT NG NAGTATAG

1- PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."

2- PASUGO Mayo 1964, p. 15:
“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."

VERSUS:

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?

Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?

Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?

Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?

Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Tanong: Ano ang patakaran nina Felix Manalo at panukat upang makilala ang tunay at hindi tunay na Sinugo ng Dios?

Sagot: Ang sagot ng PASUGO ay narito:

(a) PASUGO Nobyembre 1960, p. 26:
“Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)

(b) PASUGO Nobyembre 1959, p. 20:
“Kaninong aral ang itinuturo ng Iglesia ni Cristo? Aral ng Dios, ni Cristo at ng mga Apostol na nasusulat sa Banal na Kasulatan. Walang aral si Kapatid na Felix Manalo na kinatha mula sa kanyang sarili."

1- PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”

2- PASUGO Mayo 1963, p. 27:
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”

Ang mga PASUGO quotes na ito ay hango sa munting akalt na sinulat ni Julian Pinzon na pinamagatang: Ang KATOTOHANAN Tungkol sa INC - 1914. Basahin niyo ito upang maligtas ang inyong kaluluwa.


allan said...
mahilig ka na namang mng atake pero hindi mo na naman sinusuri ang mga aral ng Katolisismo di ba kahayagan talaga ito ng pagiging panatiko at bulag sa katotohanan. Bakit ang ICAR b saan saan o kung ano ano ang pinagbatayan niya ng kanyang pananampalataya sa pangunguna ng mga depensor at tagapagtaguyod nito di ba karamihan naman talaga ay galing sa mga pagano. Nakakasuka talaga ang mga katotohan di ba Mr Catholic Defender, sige nga magisip ka saan pinagbatayan ang Inquisition para lupigin ang hindi sumasampalataya sa mga aral katoliko noon, Hindi mo na maaalis ang mga katotohanan ukol sa mga pangyayari sa ICAR di ba ginoong Catholic Defender, Ipakita mo nga saan nakuha ng mga depensor ninyo ang mga batayan sa malakihang pagpatay na ito diba etoy espiritu ng mga paganong sumasamba sa mga dios diosan ninyo walang pagkkaiba tapos again and again ay dinidikit mo sa pananampalataya ng mga unang Cristiano. Naku po kung buhay sila ngayon ay tiyak na ililibing ka nila ng buhay dahil nga sa napakalaki ng pagkakaiba ng dalawang panig. at aral sila ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng mga Apostol kaya hindi nila tiyak masisikmura ang mga pinaggagawa ninyo since the EARLIEST TIMES PA!
August 26, 2010 11:44 AM

Ang galing mong punahin ang aming HISTORY kasi LANTAD na LANTAD ito. Saan naman NAKALANTAD ang KASAYSAYAN ng IGLESIA ni MANALO? Hayon, nakatago sa Central, Sikreto at AYAW ILANTAD ng mga MINISTRO!

May problema ka ba sa INQUISITION? Heto magbasa ka. Baka isipin mong itinatago namin na nasusulat sa mga sumusunod na websites:


APOLOGIES FROM THE POPE


Heto naman ang PROTESTANT INQUISITION:


Hindi ko ninais na pag-usapan muli ang imoralidad na pamumuhay ng kanilang sugo at anghel. Ngunit para maging patas din naman, ating siyasatin kung anong uri ng pamumuhay and kanilang SUGO at ANGHEL.
SINO SI FELIX MANALO?
Alalahanin natin na si FELIX MANALO ay mataas pa sa PAPA ng ROMA AYON sa KATURUAN ng Iglesia ni Manalo dahil SIYA raw ay HULING SUGO at ANGHEL ng DIOS at ni CRISTO, mga titulong HINDI inangkin ng kahit sinong Papa ng tunay na Iglesia ni Cristo.

Ang mga pinagkukuhanan natin ng mga detalyeng ito ay galing sa numero unong kalaban ng kulto, at HINDI po GALING sa mga KATOLIKO dahil HINDI namin gawain ang MANIRA para lamang kami maging TAMA:



Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 12

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.