Bumisita na naman po si G. allan, kaanib daw ng INC-1914 at nag-iwan na naman po siya komento na walang reference. Hindi po siya nagkokomento sa mga specific posts natin at pinili pa rin niyang mag-komento sa post na may pinamagatang Iglesia ni Cristo Converted to Catholicism.
Pinilit po nating kilalanin kung sino itong G. allan sa pamamagitan ng pag-click ng kanyang pangalan sa comments niya pero ito po ang lumabas na resulta.
Siya rin po ay NAGTATAGO katulad po ng kanyang kinaaanibang kulto- ang IGLESIA ni MANALO-- Walang pagkakakilanlan, walang official website, walang published doctrines and teachings, HINDI po HAYAG ang kanilang mga katuruan. Tanging ang mga katuruan nila ay nasa kanilang mga templo at naipapaliwanag LAMANG ng kanilang mga MINISTRO.
At ayon po sa PAMANTAYAN ni kay G. allan, "NAKAKASUKA" raw po ang may mga "LIHIM" na itinatago.
Amen po ako diyan.
Heto po ang pagpapakilala ni G. allan.
allan said... I am an Iglesia Ni Cristo too but to say that we are called manalista is an upfront and also evil to say. You say your a defender of the Catholic Church, that is natural to do and say for a Cathechist, did you ever think that saying manalista is also evil in the sight of God. Your way of defending seems humble but brutally not really in the realm of the Christian spirit. You should be called Catholic or katoliko because it is really based on your faith and not in the Holy Bible. Because the true church of Christ based her teachings in the Bible so thats why we are called Christians (Iglesia Ni Cristo). August 14, 2010 7:50 AM |
Isang magandang pagkakataon sana mula kay G. allan na ipaliwanag dito kung bakit maling TAWAGIN silang MANALISTA.
Napakainam sana kung naipaliwanag niya rito kung bakit "saying manalista is also eveil in the sight of God" daw. Gusto niyang palabasin na KASALANANG MORTAL ang sabihing MANALISTA sila.
Saan kaya sa Banal na Kasulatan ang mga paniniwalang "evil in the sight of God" ang pagsasabing sila'y Manalista?
Hindi ba't tatag ni Felix Manalo ang INC sa Pinas at hindi kay Cristo? Marapat lamang na tawaging "Iglesia ni Manalo" dahil ang tunay na Iglesiang kay Cristo ay si CRISTO MISMO ang nagtatag!
Ang TUNAY na IGLESIAng kay Cristo ay TATAG sa Jerusalem at HINDI sa Sitio Punta, Sta. Ana, Maynila sa Pilipinas. TATAG ito noong 33 AD at HINDI 1914 AD.
At bagamat alam pala nitong kaanib ng INC-1914 na "brutally not really in the realm of the Christian spirit" daw ang pagpuna sa kanilang "Huling Sugo" at "Anghel" bakit hindi man lang niya napuna ang mga mga BRUTAL at WALA sa ESPIRITU ng pagka-KRISTIANOng mga akusasyon MISMO ng kanilang "sugo" na OFFICIALLY PUBLISHED in their Pasugo Magazine?
PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Hindi lang dito nakikita ang pagiging DOUBLE STANDARD, TWO-FACETED ng mga kaanib ng INC-1914.
Katulad na lamang ng pagpuna nila sa mga imahe at rebulto sa Iglesia Katolika. Sinasabi nilang pagano raw ang pagkakaroon ng mga rebulto. Samantalang ang laki-laki ng rebulto ng kanilang HULING SUGOng si Felix Manalo sa Central at mga IMAHE ni Ka ERAÑO Manalo ay nakikita sa buong central na inalayan pa ng mga bulaklak.
Sinasabi nilang HINDI DAPAT ipagdiwang ang kaarawan ni Cristo tuwing Pasko dahil may "pagan" origin daw ito. Samantalang halos MANGANDARAPA sila sa PAGDIRIWANG ng KAARAWAN ni FELIX, ERAÑO at EDUARDO MANALO.
At walang maliw na PAGDIRIWANG ng FOUNDING ANNIVERSARY tuwing sumapit ang JULY 27 of each year kung saan NAG-IIMBITA pa sila ng mga KAANIB sa IGLESIA KATOLIKA tulad ni Lea Salonga para gawing MASAYA at KAAKIT-AKIT na DALUHAN ang kanilang PAGDIRIWANG!
allan said... nsa moon ka na ba ngayon mr catholic defender at ihihilis mo na naman ang katotohan at sasabihin mo ay puro reklamo na naman. Ang masasabi ko naman doon ay hindi n talaga siya taong marunong umintindi ng katotohanan pag yan na naman ang magiging patutsada mo o kaya ung century old n paninira kay ka Felix Manalo. Naku wla ng makakapantay s mga katotohan na itinuturo lamang ng Pamamahala s INC kaya nga yung huling naglalakas lakasan ang loob na lumaban sa INC na si Ginang Soriano e este G. Soriano pla ay tuluyan ng nawala sa mundo ang kanyang mga kayabangan at ang lahat ng kanyang mga kasinungalingan ay sumambulat ng lahat sa kanya mismo dahil mismong mga dating kaanib niya ang kumalaban sa kanya at nagpatunay ng marami niyang mga madilim na pinagagagawa s knila mismong samahan o yung century old ninyong paninira na kulto or okultismo. Marapat lang n twagin silan gayon dahil mas makapangyarihan pa ksi si G. Eli Soriano kesa sa Dios na sinasamba nila. Hindi ba. At dahil sa kaso ng panggagahasa kaya bumatsi na sa malayong lupain na s inaakala niyang hindi na siya makokorner pa ng mga pulis dito sa Pilipinas. August 28, 2010 5:22 PM |
Ikaw ba G. allan ay nasa kalawakan at halos hindi ka man lang makakuha dito sa Earth ng kahit anong reference?
Nasaan na yung sabi mong AKLAT na SINULAT ng isa umanong "PARING KATOLIKO" na nagsulat ng laban sa aming katuruan? Hanggang ngayon wala kang maibigay na reference!
Nasaan na ba yung sabi mong "YOUTUBE" video na nagpapatunay na kamalian sa aming katuruan. Hanggang ngayon wala kang maibigay na link!
Nasaan na yung sabi mong mga PASUGO magasin mo at pinagyabang mo pang "hindi lang ako" ang may Pasugo magasin. Bakit hindi ka man lang nakakapag-quote kahit isa sa mga Pasugo collections mo!
Actually wala akong interes sa away ng INC-1914 at ng ADD. O kung ano man ang hidwaan ng dalawang kampo-- KAMPO de SORIANO laban sa KAMPO de MANALO.
Huwag mong masyadong punahin si G. Eli Soriano dahil kapatid mo rin siya sa pananampalataya. Ang kanyang mga ninuno ay mga tiwalag na kaanib ng INC-1914 ni Felix Manalo kaya't sila'y galit na galit sa inyo dahil tiniwalag nga sila ng inyong Sugo.
Pero matanong kita, IS IT not "BRUTALLY not in the REALM of the CHRISTIAN SPIRIT" ang away niyong dalawa na NAPAPANOOD ng maraming tao sa Pilipinas? Kung saan SINISIRAAN niyo ang BAWAT isa samantalang PAREHO naman may kanya-kanyang KAPUNAAN?
Pinapalagay niyo bang ang inyong mga FOUNDERS ay mga SANTO at walang kapunaan? At kailangan niyo pang IPANGALANDAKAN sa buong bansa ang inyong mga kasiraan?
Hindi mo ba napuna ito? Hindi ba't ang katuruan ng TUNAY NA CRISTO na SINASAMBA at PINUPURI namin sa tunay na Iglesia ni Cristo (33 AD) ay "GIVE THE OTHER CHEEK AS WELL" bakit RESBAK.com kayo ng RESBAK.com?
Hindi ba "NOT in the REALM of Christian Spirit" ang PAGHIHIGANTI? Hmmm... sa iyo galing ito G. allan.
Paki-APPLY na lamang ng iyong magandang mungkahi! Huwag lamang sa salita!
allan said... Ang ka Felix Manalo ay siniraan rin ng mga kaso daw ng kung ano ano pero ang ang ngyari sa huli - napatunayan n mga fabricated at nasambulat pa ang tunay ng mga taong cohorts ni satanas sa likod nito kaya hindi nagtagumpay. Hinarap ni Ka Felix Manalo ang mga paninira s kanya at sa tulong ng Dios ay nagwagi siya kya marapat lang ang kahulugan sa likod ng tunay niyang pangalan na Felix Manalo na kung pagaaralang mabuti ay Felice or Maligaya sa tagalog at Manalo na ang ibig sabihin naman ay pagtatagumpay kaya pag pinagsama ay Maligayang Pagtatagumpay! Hindi ba yan ang kalagayan ng INC s buong mundo ngayon. Hindi ba! Di katulad ng paganong Iglesya na replete ng mga karima rimarim na kasaysayan, ng kanyang pagpatay at paimbabaw na mga seremonya na ngpahina ng mga budhi ng mga kaanib nito. Sukol s kalapastangan at katakawan s kapangyarihan at kurapsyon na kahit ang kanilang mga kapilya ay tigib ng mga karumal dumal ng mga kwento sa mga likod nito, ng kanilang mga simboryo n pamatay sa kanilang mga sarili. Intiende! August 28, 2010 5:22 PM |
Ang pagkalaman ko ay ang "Ang" ay ginagamit sa isang pangungusap bilang tanda na ang tinutukoy sa pangungusap ay isang bagay.
Ang "Si" naman ay gamit kapag ang pinapatungkulan ng tinutukoy ay isang TAO.
Bakit "Ang ka Felix Manalo" ang gamit mo sa imbes na "Si ka Felix Manalo"? Ang inyong SUGO ba'y BAGAY o isang TAO?
Mali. Hindi po nagwagi si Felix Manalo sa kanyang kasong PANGGAGAHASA kay ROSITA TRILANES. Kundi SINUHULAN niya ang NAG-AKUSA upang I-ATRAS ang kaso at bawiin ang kanyang sinaunang salaysay.
At bilang kapalit, ginawang DIAKONESA si Rosita.
Basahin ang mga artikulong ito:
Nakakatuwa pala ang pangalan ni Felix Manalo. Nangangahulugan pala ito bilang "MALIGAYANG PAGTATAGUMPAY".
Saan ba galing ang salitang "Felix"?
Nakakatuwang PAG-ARALAN ang PANGALAN ni FELIX MANALO.
Ayon sa Wiktionary, ang FELIX raw ay salitang LATIN (ancient Roman Language) na ang ibig sabihin ay "lucky" o kaya'y "happy."
Ang Latin po ay salita ng mga sinaunang mamamayan ng Roma o Rome (na ngayon ay kabisera ng bansang Italia). Narito rin po nakatayo ang SINAUNANG IGLESIA NI CRISTO sa Vatican, sa loob po mismo ng ROMA at LATIN pa rin po ang kanilang OFFICIAL language sa loob ng VATICAN. Sa kanila rin po naka-adress ang Epistle of St. Paul to the Romans.
Ang ibig daw pong sabihin ng FELIX ay "LUCKY o "HAPPY" sa salitang English.
Ang pangalan po ni FELIX MANALO ay PINILI ng kanyang mga Katolikong magulang at IPINANGALAN sa batang BINYAGAN sa loob ng IGLESIA KATOLIKA.
Nakaugalian na po kasi sa Iglesia Katolika na pangalanan ang binyagang bata mula sa mga Santo at mga Banal upang mamuhay ng kabanalan ang bininyagan sa "ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritung Banal." (Mt. 28)
So marahil HANGO po ang PANGALAN ni FELIX mula sa mga SANTONG may pangalang FELIX tulad ng mga sumusunod:
San Felix (namatay noong c. 303), martyrs
San Felix (namatay noong 68), martyrs
San Felix (d c. 212), martyrs
San Felix (d. c. 303), martyrs
San Felix (d. 286), martyrs
San Felix ng Burgundy (fl. 7th century)
San Felix ng Como (d. c. 390)
San Felix ng Cornwall (fl. 5/6th century)
San Felix ng Nantes (d. 584), bishop of Nantes
San Felix ng Nola (d. c. 255)
San Felix ng Rhuys (d. 1038)
San Felix ng Thibiuca, dating obispo at patron ng Venosa)
San Felix ng Valois (d. 1212)
San Felix isang Hermitanyo (fl. 9th century)
San Felix, martir kasama si San Anesius
San Felix, isa sa mga Martir ng Córdoba kasama si San Aurelius at Sta. Natalia (d. 852)
San Felix, martir ng Furci kasama si San Justin ng Siponto (d. c. 310)
IBINIGAY po kay FELIX ang pangalan niya sa loob ng IGLESIA KATOLIKA. Ang MANALO po ay apelyido ng kanyang KATOLIKONG INA. At ang YSAGUN naman ay ang apelyido ng kanyang KATOLIKONG AMA.
Sa makatuwid, ang buong pangalang FELIX MANALO YSAGUN ay binigay na PANGALAN noong siya'y BINYAGAN sa loob ng IGLESIA KATOLIKO at hindi sa INC-1914.
Ang mga magulang po ni Felix Manalo Ysagun ay NANATILING matatag sa pananampalatayang KATOLIKO hanggang sa KAMATAYAN!
Kaya't walang dahilan upang magsaya ang mga kaanib ng INC-1914 dahil walang pangalan si Felix na ibinigay sa loob ng kanyang INC-1914.
Lahat ng pagkakakilanlan sa kanyang pangalan at binyag ay KATOLIKO.
Sa makatuwid, mas NANAIG ang PAGKAKATOLIKO sa katauhan ni FELIX MANALO kaysa sa kanyang TATAG na Iglesia.
Namatay si Felix Manalo na gamit ang kanyang BINYAGANG (Katoliko) PANGALAN at namatay din siyang HINDI nabinyagan sa INC-1914.
"Maligayang Pagtatagumpay" ba ang pakahulugan ng pangalang FELIX MANALO?
TUMPAK nga po.
Dahil Katoliko ang kanyang pangalan, sa makatuwid MALIGAYANG NAGTATAGUMPAY po ang IGLESIA KATOLIKA "na siyang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO" ayon sa PASUGO (Abril 1966, p. 46) na siyang NAGBIGAY ng PANGALAN kay FELIX MANALO noong siya'y BINYAGANG-KATOLIKO!
Ang sabi pa ng PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
Purihin ang Dios! Purihin si Cristo Hesus! Namamayagpag po ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO mula noong ITATAG niya ito sa taong 33AD hanggang ngayong 2010 AD.
Sa makatuwid TUMPAK po walang KASINUNGALINGAN ang sinabi ni Cristo na HINDING-HIINDI magagapi KAILANMAN ng kasamaan ang kanyang Iglesia: "...I will build my church, and the gates of the netherworld SHALL NOT prevail against it." hango sa PANGAKO ni Cristo sa Mt. 16:16-19.
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.