Pages

Thursday, November 27, 2014

Balitang Iglesia Ni Cristo Church...

"The Volvo sped across a grassy lawn and crashed into the Iglesia Ni Cristo church." -Central Kitsap Reporter

Nakakatawa, "Iglesia" na, "church" pa. Mas matatawa kayo kapag isinalin sa Ingles ang "Iglesia Ni Cristo".  Magiging ganito: "The Volvo sped across a grassy lawn and crashed into the Church of Christ church..."

Bakit kaya ganon? Dapat magsiyasat!

Sapagkat ang "Iglesia Ni Cristo" ay REGISTERED TRADEMARK lamang po.   Katulad po yan ng Jollibee®, MacDonald's®, KFC®, San Miguel®, Bench™. Kaya't kahit  nasusulat sa Ingles ang balita, TAGALOG pa rin po ang pagpapakilala sa Iglesiag TATAG ni Manalo-- ang Iglesia Ni Cristo® o kilala rin sa daglat na INC

"Under the supervision of the Christian Family Organizations Committee led by Brother Angelo V. Manalo, the Unity Games has grown to become the biggest multi-sport and multi-district sports league of the Iglesia Ni Cristo." -SunStar

Ilang ulit ba nating sinasabi sa mga kaanib ng INC™ na ang Iglesia Ni Cristo® ay PAG-AARI  ng mga MANALO!

Hindi pa ba sapat ang mga PALATANDAAN na obvious na obvious na pinakaita ng kanilang mga bayarang MINISTRO?

Halimbawa:
  1.  Ayon sa kanilang rehistro sa SEC, si FELIX MANALO po ang FOUNDER at hindi si Cristo.  Sinang-ayunan po ito ng kanilang opisyal na magasing PASUGO (Agosto-Setyembre 1964, p. 5). Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit na isinusulat ng mga mamamahayag na si Felix Manalo ang nagtatag ng INC™ at hindi si Cristo!
  2. Ayon sa kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo® si FELIX YSAGUN MANALO po ang kauna-unahang EXECUTIVE MINISTER ng kanyang Iglesia.  Pagkamatay ni FYM noong April 12, 1963 dahil sa sakit sa bituka, si ERAÑO de GUZMAN MANALO po ang naging ministrong TAGAPAGMANA o ang pangalawang EXECUTIVE MINISTER.  Noong namatay si EGM noong August 31, 2009, naging ministrong TAGAPAGMANA o ang pangatlong EXECUTIVE MINISTER si EDUARDO VILLANUEVA MANALO.  Ngayon tanging si ANGELO VENTURA MANALO ang susuunod na ministrong TAGAPAGMANA at magiging ika-apat na EXECUTIVE MINISTER ng INC™.
  3. Ang kanilang charitable institution ay nakapangalan kay FELIX Y. MANALO FOUNDATION.
  4. Ang NEW ERA UNIVERSITY ay binaliktad na pangalan ni ERA-ÑO!
  5. Ang EVM sa EVangelical Mission nila at EVM sa Exellence in Visual Media ay acronym ng pangalan ni Eduardo V. Manalo!
  6. Ang CIUDAD DE VICTORIA ay Español ng "City of Winner" o sa Tagalog na "LUNGSOD NG MANALO"!
Anong sinabi ng yumaong Eraño sa mga nagnanais na MAGHARI sa kanilang INC™?

“Kayo ang maghahari sa iglesia? Hindi! TAMAAN KAYO NG KIDLAT AT KULOG bago mangyari iyan." (Basahin ang kabuuan dito)

Bakit sinabi ng yumaong Eraño 'yan? 

Sapagkat ito'y PINAGHIRAPANG ITATAG ng kanyang amang si FELIX Y. MANALO!


Walang kaduda-duda na ang Iglesia Ni Cristo® o INC™ ay PAG-AARI ng mga MANLO!

MAGSURI! Kayo'y makakalaya mula sa kulto ni Manalo!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.