"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, August 10, 2013

Mga KABUKTUTAN ng mga MINISTRO ng Iglesia ni Cristo® ayon kay yumaong ERAÑO MANALO!


“Ngayon, kung ang isang manggagawa, mga kapatid, sinungaling, hindi puwedeng manindigan. Kung ang isang manggagawa kakampi sa katiwalian, hindi puwedeng manindigan. Kung ang isang manggagawa siya pang nagtuturo ng katiwalian, eh lalong masamang manggagawa ito.

“Wala nang sariling paninindigan ay siya pang kasangkapan ng diablo. Eh sino ho iyang ganyang manggagawa? Maraming manggagawa natin, halos lahat ganyan.

“Hindi ho ba naman isang napakarahas na pagpaparatang iyan? Hindi. Kaya ko nalalaman sapagka't ang mga ulat na dumarating sa amin, hindi totoo. Bakit ho hindi naging totoo?

“Hindi sapagka't ang kapatid ang nagkamali kundi ang mga manggagawa ang siyang bumabago ng ulat para ilihis ang paniniwala ng pangangasiwa.

“Eh iyon ho bang mga tagapamahala nalalaman iyan? Nalalaman iyan ng karamihan. Pero nagkaisa ang mga manggagawa sa loob ng iglesia para linlangin at dayain ang pangangasiwa sa layunin nilang gumanda, kuminis ang bagay na marumi at ang bagay na hindi matuwid.

“Pero napakasama naman na ito palang mga tinustusang ito, ito pala naninira sa iglesia. NAPAKAGAGONG pangangasiwa, na gumagastos ka para sa maninira.

“Pero gusto kong masaktan kayo. Gusto ko na higit pa sa masaktan. Kung maaari ko lang dagukan ang iba ay gagawin ko para maging matindi sa kaniya...

“Yung ibang mga kalihim sa probinsya, talagang wala eh, hindi abot ng kanilang kapasidad. Lalo na sa mga liblib na lugar, papaano makagagawa ng form 'yun?

“Kayong (Eh yong) manggagawa ngayon, inaasahan ko na kapatid, heto, mali ito, bakit ka mag-uulat ng hindi totoo? masama iyan.

“Eh hindi, yung kapatid mag-uulat ng totoo. Baguhin mo iyan! Eh ito ho ang nasa tuntunin. Ah, anong nasa tuntunin?

“Akin na iyan, pag hindi SUSUNTUKIN KITA! Iyan ang manggagawa natin ngayon. “MANLULUPIG! MANINIKIL NG KAPATID.

“Kaya ang iglesia'y naghihimagsik laban sa manggagawa sa nakikita nilang KATIWALIAN AT KATAMPALASANAN na hindi nila inaasahang mangyari.

“Ano ang sulat sa akin ng isang kapatid? Baka gusto ninyong ipabasa ko sa inyo. Hanggang ngayon wala pa po akong nakikitang MATINO na manggagawa sa kasaysayan ng buhay ko, LAHAT ho puro TIWALI. Masakit na salita.

“NASAKTAN AKO... sapagka't ako'y manggagawa rin. Pero hindi ko masita yung kapatid sapagka't alam kong nagsasabi siya, kung hindi man buong-buo na katotohanan eh NAGSASALITA SIYA NG TOTOO.

“Wala nang nagkaroon ng takot sa Dios na kahit isa para tumayo at manindigan sa panig ng katuwiran. LAHAT MANLULUPIG na ng katuwiran.

“Bakit? SUWELDO ang hinahanap, yung TULONG niya, yung BAHAY niya, yung KASAGANAAN niya, siguro, ang TINATAMASA niya pero ang iglesia ay ayaw na niyang pagsilbihan ng totoo.

“Pero isipin ninyo, dumadami tuloy ang ating form. Nagagalit kayo sa opisina. Pati mga taga-opisina kinakalaban ng ibang mga manggagawa. Kapag nag-uulat sa akin, nagagalit. Nasaan ninyo gusto... Papaano ang ating gagawin sa iglesia?

“Kayo ang maghahari sa iglesia? Hindi. TAMAAN KAYO NG KIDLAT AT KULOG bago mangyari iyan. (Kung) Kaya sabi ko sa Dios, napakarami ho namang dapat BAHAING MANGGAGAWA, bakit hindi mo siyang binaha? PARA MALIPOL ang mga TAMPALASANG taong ito. Nadaig pa ang kasalanan ni Judas, iisang maestro ang ipinagkanulo. Iisa ang nagkanulo sa panahon ni Kristo pero NGAYON LAHAT NG MANGGAGAWA nagkakaisa ipagkanulo Dios.

“Te' kayo, tingnan ninyo, mga kapatid, iyan ang tagapamahala sa Visayas at Mindanao. Nagpalitan tayo ng mga matatagal na sa pamamahala. Eh isa-isa, lumalapit sa akin, dumadaing sa akin. Kapatid, mayroon ho akong problema. Ano? Yun hong nakatala sa ating sa senso na mga pangalan ng kapatid, eh hindi ko naman ho makita (dito) ngayon sa aking destino.

“Ano kako ang ibig mong sabihin? Eh ang numero ho eh napakalaki pero sa katotohanan ho'y wala yung tao. Ang Camarines, este ang Sorsogon, hinihiling sa akin na alisin sa talaan ang kulang-kulang na apatnaraang tao eh kakaunti lang naman ang kapatid sa Sorsogon.

“Bakit? Tinignan ko sa ulat ang nakaulat na malamig eh mahigit lang isandaan. Pero ang aalisin eh apat na raan.

“Eh bakit, ano ho ba ang ginawa nung mga dating naroon? Aba'y e di binabago ulat. “Pinakikinis para huwag mapagalitan.

“Samakamatuwid eh malaman, ang sinasanggalang iyong sarili, hindi ang kapakanan ng iglesia. Eh iyon ho ba'y sa Sorsogon lang? Laganap iyan kung saan-saan. Maski sa Maynila, ANG MGA MANGGAGAWA RITO'Y MAGDARAYA. Sasabihin sa iyo, dinoktrinahan ko iyan. Hindi naman. Sasabihin sa iyo, (nabautismu...) iyan ho'y nasubok sa pagsamba, pero hindi totoo. Eh bakit?

“Nakita sa matatandang ministro, nakita sa matatandang manggagawa na iyon pala ang paraan para siya ay bumuti sa paningin ng pangangasiwa.

“Sila ang nagsasanggalang ngayon sa kapakanan! Pero hanggang kailan tatagal ang iglesia'y INAAWAY ng mga MANGGAGAWA, BINABABAG, MINUMURA, NILALAIT at PINIPILIT NA KAYO ANG GUMAWA NG LIKO? Saan kayo nakakita ng manggagawa, sa halip na siyang magtindig sa nakalugmok.

“Yung nakatayo ang ilulugmok para lamang gumanda ang kanyang sarili. Eh kung dito sa Maynila nangyayari iyon eh, eh di lalo na sa probinsya, lalo na sa malalayong lugar. Ay, tingnan ninyo sa Mindanao at sa Bisaya ngayon eh, at sa lahat ng mga... eh iba, mabibigla, mababagong bigla ang senso ng iglesia. Ano ang dahilan? Wala pala yung mga kapatid na iyon, sinasabi lang na naroon. Sino ho ang may gawa niyan? Yung magdarayang manggagawa. Hindi iyong kapatid. Yung kapatid, magkamali man, eh hindi sinadya. YUNG MINISTRO, SINASADYA.

“Tumawag ako ng pulong ng mga pamunuan sa Maynila para sabihin: Mga kapatid, tumulong kayo sa akin. Ayokong mamatay ang manggagawa; ang gusto ko ay pagtulong-tulungan nating sila'y buhayin. Sabihin n'yo sa akin kung ano ang ating maitutulong. Aba'y hindi ang sinabi sa akin kung ano ang maitutulong. Ang sinabi sa akin kung anu-anong KATIWALIAN. Ang sabi sa akin nung isa; Kapatid, tama ho ba na hindi ho itinuturo outline? Tuwing mamimili ho ng tatlong talata, tatanungin, o ano, naiintindihan mo ba iyan? Tama ho ba kapatid, bungkos-bungkos na mga katibayan, siya pumipirma, PINAPALSIKA ho niya pirma ng mga kinauukulang kalihim at mga katiwala ng gawain? Pinigil ko. Ni hindi ko itinanong sino gumagawa niyan.

“Bakit? Alam kong ang manggagawa sa Maynila. Mawawalan ng dangal kapag nalaman ng lahat, siya pala'y MAGNANAKAW at TAMPALASAN.

“Maski saan ka bumaling eh, wala kang makikitang liwanag. Bakit? Kumalat, lumalaganap iyang espiritung iyan na DAYAIN ANG ULAT, dayain ang ulat, LINLANGIN ANG PANGANGASIWA.

“Sayang ang papel. Katakut-takot ang nagagastos natin. Binabayaran natin ang mga empleyado sa opisina, hindi pala totoo ang sinisiyasat nila.

“Dito ba magwawakas ang kamatayan ng mga ito? Sa tinagal-tagal ho ba ng iyong pagpapakasakit at pagpapakahirap, at iyon ang sugo sa huling araw, ay dito ba lamang ba matatapos ang kanilang buhay at takbuhin? Kundi ang manggagawa ang siyang lumulupig sa mga kapatid na gustong manindigan, tinatakot. Kaya nagkaroon tuloy ng paniniwala: Ang pinakamasamang tao ang mag-ulat. Ang pinakamasamang tao ang mag-ulat. Ang mabuti ang tahimik. Ang mabuti ang kunsintidor. Ang mabuti ang tiwali. Kaya hindi ako nagtataka, mga kapatid, kung bakit ang Dios pagod na pagod ng katatatag, talikod naman ng talikod ang tao.

“Ang tuntunin niya ang tinatalikuran. Ngayon, nagsasanay na naman ang mga manggagawa talikuran ang tuntunin! Pero sa ginagawa natin ngayon, sa ginagawa ng karamihang mga manggagawa kung hindi man lahat, anong ehemplo ang ipakikita sa may tungkulin?

“Papaano ko ngayon, papaano natin kokontrahin ang mga may tungkulin, magtapat kayo.

“Sasabihin ng may tungkulin: Ikaw ang salbahe eh. Lumilikom ka ng abuloy, wala namang pahintulot. Ikaw ang nagsabi sa amin na huwag na kaming magsusumbong. Papaano kami magtatapat eh ikaw ang gumagawa ng katiwalian? Papaano tayo makakalikha ng mabubuting may tungkulin? Papaano? Kung ganyan ang ating ipamumukha sa mga kapatid natin? Wala na kayong bibig diyan. Isipin ninyo sa Agusan, ilang beses, likom ng likom ng abuloy.?”

7 comments:

  1. Catholic Church is 'irredeemably corrupt', David Starkey claims
    David Starkey, the historian, has risked causing further offence after describing the Catholic Church as “irredeemably corrupt from top to bottom”.
    David Starkey
    David Starkey Photo: Andrew Crowley
    By Hayley Dixon
    11:20AM GMT 17 Mar 2013

    In an outspoken attack, Dr Starkey said the election of a new Pope was simply “theatre” which would mean nothing those outside the faith.

    In 2011 the historian was accused of racism after he suggested black culture was a cause of the 2011 riots.

    He appeared on Radio 4’s Broadcasting House this morning alongside Eamon Duffy, Professor of the History of Christianity at the University of Cambridge, to discuss the election of Pope Francis.

    Dr Starkey said: “The plain truth is that this is an institution, as we all remembered before Benedict XVI resigned, retired, this is an institution that is corrupt and riddled with corruption, irredeemably corrupt from top to bottom and we are just deceiving ourselves.”

    Professor Duffy responded by saying Christians do not believe that anything is irredeemable.

    Related Articles
    Jesuit priest 'was not denounced' by Pope Francis
    20 Mar 2013
    Pope Francis: in Rome, I witnessed a new era
    17 Mar 2013
    PM disagrees with Pope over Falklands
    15 Mar 2013
    Historian Starkey in 'racism' row over riot comments
    14 Aug 2011

    When asked what the new Pope meant for non-Catholics in Britain, Dr Starkey replied: “Nothing at all. It is simply part of the great world theatre of entertainment.

    “It is up one minute with a new papal election and down the next with the next lot of revelations about the turpitude of the clergy.”

    He risked further offence by claiming that Thomas Becket, the murdered medieval Archbishop venerated as a saint by many Catholics, should be the "patron saint" of child abusers.

    The main scandals within the Catholic Church occurred in areas such as Ireland and America where they acted “outside the law” - as King Henry II accused the Archbishop of Canterbury Thomas Becket of doing in the 12th Century, prior to his killing.

    Dr Starkey said: “I want to have a new patron saint. I want to declare that Thomas Becket is the patron saint of child abusers.”

    When asked if he wanted to respond to the claims Professor Duffy, a Catholic, replied: “Well, no.”

    Dr Starkey is widely regarded as one of Britain's leading constitutional historians, and has presented series for Channel 4 and the BBC. He is to host a new series on how the British monarchy has influenced classical music for the BBC this year to mark the anniversary of the Queen's coronation.

    However, he was widely criticised in 2011 when he claimed, in a debate on the causes of the riots, that "the whites have become black."

    Yun pinuno namin di pinagtatakpan ang mga maling gawa ng kaniyang nasasakupan kundi pinagagalitan at pinaaalalahanan. E yun puno nyo? Un mga PAri nyo? un mga kaanib nyo? Nakakaawa ka naman. pinipit mong pabanguhin ang simbahan mo. di na babango yan dahil punong puno ng kabulukan diyan. Aral pa lang pananampalataya galling na sa mga pagano. ha ha ha. Mamatay kayo sa inggit. Dahil ang Iglesia Ni Cristo ngayon ay mayaman. Napakayaman. ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh SINO ba itong binabanggit mo na DAVID STARKEY? Siya ba ay kaanib niyo? lalong HINDE! Siya po ay kaanib ng samahang QUAKERs.

      At ano ba ang QUAKERS? heto ang sabi ng Wikipedia:

      " their religious faith fitted within categories of Catholic, Orthodox, or Protestant"

      Kaya pala GALIT siya sa KATOLIKO at IGLESIA KATOLIKA. No wonder kung bakit siya nagsulat nun.


      Eh bakit ka puring-puri sa kanyang mga sinasabi? Sapagkat siya ay ANTI-CATHOLIC katulad mo at katulad ng itinuturo ng inyong mga BAYARANG mga MINISTRO, habol lamang ay SWELDO kaya MANDARAYA na SINUNGALIGN pa ayoon kay Eraño Manalo.

      Sige, try harder!

      Delete
    2. Pero ang mga NAKASULAT sa Itaas ay SELF DAMAGING sa IGLESIA NI CRISTO® sapagkat MISMONG si ERAÑO MANALO ang NAGPATOTOO nito.

      Eh sino si ERAÑO MANALO?

      Siya ang may akda ng Fundamental Beliefs of the INC

      Siya ay anak ng sugo

      Siya ay pangalawang papa ng INC

      So between David Starkey at Eraño?

      Dun tayo kay ERAÑ dahil anak siya ng sugo.. eh si David eh kaanib lamang siya ng samahang Quaker na hindi rin tanggap ang inyong INC!

      Delete
    3. David Starkey and Michael Hitchens are bought and paid for by the leftist marxist in the UK & the US, to fakely discredit the Catholic Church because it opposes its diabolic agenda such as abortion, same-sex marriage and a host of other psychopathic inhumane treatment of its local citizens to serve their depopulation agenda. Patriots, conservatives and traditionalists here in the States disregard them as non-relevant (no one pays attention to them), anti-white, anti-institution patsies like Starkey and Hitchens has no credibility at all.

      Delete
  2. Kala nmn sa mga pari e tuwid natuwid lahat. Mga tao rin yan. Kaya pinapangaralan ni ka erdie. Meron nga ko nakita pari e nabangga trjicycle sasakyan four wheels. Ginigipit mismo nyang kakatoliko na batang magtatricycle. Kawawa ung bata. Hay bhala na kau

    ReplyDelete
  3. Cath def and ray ang galing nyo naman mag explain.viva rc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po.. God bless. WE all should DEFEND the CHURCH of CHRIST... the real one. And let's unite against the FAKE church of manalo.

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar