Pages

Monday, February 23, 2015

Abuloy ng mga Iglesia Ni Cristo® sa 'Dios' ba o sa mga Manalo?



Napakagaling mo naman. Isang hindi kaanib sa Iglesia ay nakagawa ng sariling breakdown ng mga alay sa Diyos. Nakakatawa ka dahil puro second hand experience lang ang alam mo. Try mo namang subukan ang tunay na pglilingkod, baka sakaling maramdaman mo ang pagtawag ng tunay na Diyos. Kung sabagay, pangit nga pala para sa mga katoliko ang pagbibigay ng malaking halaga sapagkat mas pinahahalagahan nila ang kanilang kayaman kaysa sa kanilang kapayapaan. Sa comment mong ito, mas lalo mo lang pinapatunayan na ang mga katoliko ay hindi buong loob na nagbibigay at samakatuwid ay binibilang ang kanilang mga naaabuloy at pinagtitipiran ang Diyos. Kaawa-awa. Wala kasing matibay na doktrina ang Katoliko patungkol sa pagbabalik ng mga biyayang nakamtan sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos. on Iglesia ni Cristo Symbol, nasa Biblia ba ang kahulugan ng kanilang bandila?

Napakagaling mo naman.

Opo magaling po ako. Sa katunayan, biyaya po ng Dios ang kagalingan ng isang tao. Biyaya po itong ibinigay sa mga unang mga Kristiano upang maging patunay po na ang kanilang mga aral ay kinasihan po ng Dios. Kaya't sa katuparan ng mga pangakong iyon, ang tunay na Iglesia ni Cristo ay tumatawid na po sa ikatlong milenyo!

Isang hindi kaanib sa Iglesia ay nakagawa ng sariling breakdown ng mga alay sa Diyos.

Una, mali po kayo riyan. Ako po ay tunay na kaanib ng tunay na Iglesia ni Cristo at hindi po Iglesia Ni Cristo®.  Kayo po ay kaanib po ng INC™ na itinatag po ng isang erehe, dating Katoliko at tumiwalag at nagtayo ng kanyang sariling iglesia at pinangalanan niyang "Iglesia Ni Cristo (INC"), pinarehistro at pumirma bilang "Tagapagtatag" o siyang may-ari ng INC™. 

At pangalawa, patungkol po sa Iglesia Ni Cristo in a Nutshell ano po ba ang ipinagmamaktol ninyo sa mga pagbubunyag ng nag-upload tungkol sa financial flow sa loob ng INC™ ni Manalo? Top-secret po ba kung magkano ang kinikita ng Corporation Sole ng mga Manalo at masyado kang nag-aalala kung bakit alam ng nag-upload ang lahat nito? 


Ang pangatlo po, hindi po sa Dios ang mga alay ng mga kaanib ng INC™. Kailan ba naging sa Dios ang mga alay niyo eh puro papuri sa mga Manalo ang inyong mga dedications ng mga gusali, paaralan o foundation. Halimbawa nito, ang The Felix Y. Manalo Foundation, Inc; ang New Era University bilang papuri kay yumaong Eraño G. Manalo (Era-New); ang EVangelical Missions niyo na may big letters na EVM-- ang initial ni Eduardo V. Manalo-- ang inyong Executive Minister na apo ni Felix Y. Manalo. Ang kinatitirikan ng inyong Philippine Arena-- ang Ciudad de Victoria na kung isalin sa Tagalog ay Lungsod ng Manalo? At kailan pa naging 'dios" ang mga Manalo at inaalayan ng abuloy?

Nakakatawa ka dahil puro second hand experience lang ang alam mo. Try mo namang subukan ang tunay na pglilingkod, baka sakaling maramdaman mo ang pagtawag ng tunay na Diyos.

Tanong: Totoo ba o hinde ang mga paratang ng nag-upload ng Iglesia Ni Cristo in a Nutshell? Kung totoo, dapat ka lang namang mabahala kasi nabubunyag kung sino at kanino pala napupunta ang mga kinukulimbat na salapi ng mga Manalo. Kung hindi naman totoo eh bakit di ka magpakita ng counter evidence upang mapatunayan mong nagsisinungaling ang nag-upload nito?  

Kung sa paglilingkod lang ang usapin, naku, hindi po kami kulelat diyan. Ang Iglesia Katolika po na siyang tunay na Iglesia ni Cristo ay isa sa may pinakamalawak na paglilingkod.


Mula po sa pagtulong sa mga kapus-palad, mga may sakit, mga nawalan ng tahanan, mga inabandona, mga may kapansanan, mga inapi ng pamahalaan, mga nasalanta, mga biktima ng kalamidad at digmaan, at marami pang iba, sa iba't-ibang sulok ng mundo.  Kami po ay natatagpuang naglilingkod sa bawat sulok ng mundo-- maging sa mga lugar na hindi man lang napupuntahan ng mga bayarang Ministro ng Iglesia Ni Cristo®, kami'y naroon at naglilingkod para sa Dios.

Kung sabagay, pangit nga pala para sa mga katoliko ang pagbibigay ng malaking halaga sapagkat mas pinahahalagahan nila ang kanilang kayaman kaysa sa kanilang kapayapaan.

Hindi po sa pangit. Nagbibigay po ang mga Katoliko ng naaayon sa kanilang kapasyahan ng HINDI na kailangan pang i-record kung magkano ang kontribusyon sa bawat buwan. Hindi po kasi sapilitan ang pagtulong sa Iglesia.  Sa katunayan, kung gawin siguro naming sapilitan ang abuluyan sa Iglesia ni Cristo ay malamang kami na ang pinakamayamang Iglesia sa buong mundo. Pero hindi kami sa yaman ng sanlibutan nagbibilang. Kami po ay nag-iimpok ng yaman sa langit at binibilang namin ang mga banal sa langit na sila ang naging pruweba na kabanalan ang aming pakay.

Kayo kaya sa Iglesia Ni Cristo®, anong impok ba ang inyong gawain? Pinalalagay ninyong "nanlalamig" ang isang kaanib kung di na siya nagsasamba sapagkat ang isang mananampalataya sa INC™ ay kabawasan sa pumapasok na abuloy sa loob ng INC™ ni Manalo.

Sa post ni INC-Readme, sinisiraan niya ang Iglesia Katolika, 'yun pala ay dahil sa nanghihingi ng DAGDAG ABULOY sa mga kaanib. [Basahin ang "Ang Iglesia Katolika ay Tuluyan ng Bumagsak sa Kanluran" ].

Sa comment mong ito, mas lalo mo lang pinapatunayan na ang mga katoliko ay hindi buong loob na nagbibigay at samakatuwid ay binibilang ang kanilang mga naaabuloy at pinagtitipiran ang Diyos.

Tulad ng sinabi ko, hindi naman po kami maka-sanlibutan at kailangan pa naming magtayo ng pinakamalaking arena para lang sabihing mayaman kami.  Hindi po kasi nabibilang sa salapi ang tagumpay ng isang Iglesia kundi sa mga kaanib.  Sa inyo man ang malaking arena pero sa tunay na Iglesia naman ang malaking paglilingkod sa Dios at pagmamalasakit sa kapwa-tao. Doon po tayo magkaiba-- ang Iglesia ni Cristo vs. Iglesia Ni Cristo®!

Wala kasing matibay na doktrina ang Katoliko patungkol sa pagbabalik ng mga biyayang nakamtan sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos.

Strawman. Ano naman ang katibayan mo't sinabi mong walang matibay na doktrina ang Iglesia Katolika? Napagtagumapayan namin sa mga emperyo, kaharian at ideolohiyang namatay na lamang sa kasaysayan at ngayo'y tumatawid na kami sa Ikatlong Milenya.

Nakalimutan mo na ba na ang mga KALENDARYO na nakasabit sa inyong mga opisina, kahit sa opisina ni Eduardo V. Manalo ay CATHOLIC CALENDAR?



Nakalimutan niyo yatang ituro sa mga kaanib niyo na ang tawag sa mga kalendaryo nio sa INC™ Central ay ang Gregorian Calendar na pinasinayan ni Papa Gregory XIII noong 1582.  At ngayo'y ginagamit ng buong mundo, maging mga di-Katoliko bilang Standard Calendar.  

Hindi lang yan. Ang BIBLIA na ginagamit ninyo, hindi naman ito sinulat ni Felix Manalo. At lalong walang ambag dito si Eraño G. Manalo at si Eduardo V. Manalo.  Ni laway, walang pakinabang kay Angelo Eraño Manalo pagdating sa usapin ng Biblia.  NAKINABANG na lamang kayo sa aming mga gawa.  Kami ang nagsulat, kami ang nag-compile, kami ang nag-ingat, nag-translate, nagpayaman at nagtalaga kung alin ang mga dapat na aklat na makikita sa Biblia. Ginawa pa namin ito noong 382 A.D. sa Konseho ng Roma

At sa mga sumunod pang mga taon, IDINEKLARA namin ang Biblia bilang ang SALITA NG DIOS! 

Ang original na bilang ay 73 at hindi 66! Ang ginagamit niyo ay kulang-kulang na Biblia!

Halos lahat ng pananampalatayang Kristianismo ay nakaugat sa Iglesia Katolika at ang mga hidwaang aral naman ay galing sa mga kampon ng mga Protestante at kasama na po kayo riyan mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo®!

Muli po, magsuri po kayo. Magnilaw at magdasal. Magbasa po ng Bibliang hindi binaboy ng mga Protestante.  Baka sakaling manumbalik ang inyong pananampalataya at tuluyan nang iwan ang Iglesia Ni Cristo na tatag lamang ng isang ereheng si Felix Manalo noong 1914!

1 comment:

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.