"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Wednesday, September 22, 2010

"Ang Iglesia Katolika ay Tuluyan ng Bumagsak sa Kanluran" ayon sa kaanib ng Iglesia ni Cristo

Libo-libong Katoliko ang dumalo sa Misa ng Santo Papa Benito XVI sa Our Lady of Fatima Shrine noong 13 May 2010 (Photo source: bbc.co.uk)
Hindi po sana ikasasama ng loob ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ang ating komento sa mga artikulong sinulat ng kanilang mga Ministro. Kailangan lamang pong ITAMA ang mga maling pananaw na nakakalason sa mga taong may mabuting kalooban sa loob ng Iglesia ni Cristo.

Ang tinutukoy ko po rito ay ang kahibangan ng isang ministrong nagtatago sa pangalang "readme" Hindi lang po siya hibang kundi mahilig magkalat ng "chismis".

Ayon sa nagtatagong ministro sa kaniyang blog na INC Defenders Online (daw) na may pamagat na "PAGHAHANDOG WAG IKATISOD" ilang ulit niyang sinabing ang Iglesia Katoliko ay "tuluyan ng BUMABAGSAK" na raw at kailangan nilang DAGDAGAN ang kanilang KONTRIBUSYON o ABULOY dumarami raw sila at kailangang BUMILI ng mga LOTE o mga bahay sambahan.

Ang galing.

Bakit kailangan pa niyang MAGKALAT NG CHISMIS para lamang HUMINGI ng ABULOY at huwag daw sanang "IKATISOD" ang paghingi ng DAGDAG na HANDOG?

Heto ang buong artikulo ng Ministrong si README.

August 31, 2010

Mga kapatid, gusto ko lang sabihin na sana ay walang masumpungan sa ating matitisod dahil sa paghahandog o pag-aabuloy, mensahe ko ito sa mga aktibo kahit di aktibo sa Iglesia.
Bakit ko ito nasabi?

Lalo na ngayon, nagiging aware ako sa mga balita at tayo din dapat ay maging aware tungkol sa mga simbahang nagsasara, luma na ay di pa pinapagawa, mga nababangkrap ng simbahan at iba pa. Alam nyo ba na ang simbahang Katolika sa ibang bansa, sa kanluranin ay tuluyan ng bumabagsak? Hindi ko po ito opinyon, ito po ay katotohanan!

Subukan nyong magresearch at malalaman nyo!

Marami ng simbahan ang nagsara, marami ng nababangkrap dahil nga sa usapin tungkol sa "abuse cases" ng mga PARING kala mo ay napakababanal lalo na pag dinedepensahan ng mga catholic defenders.

Bakit hindi tayo namulat sa balitang ito?
DAHIL TINATAGO AT AYAW IPAKALAT NG SIMBAHAN NA SILAY PABAGSAK NA!

Kahit itong mga "abuse cases" ay nung lumang panahon pa naganp ngunit ngayon lang isa isang nagsisilabasan sapagkat TINAGO nila ito ng mahabang panahon...

Kita nyo ang Iglesia Katolika,
ngayon ay pabagsak na
, ngunit ang Iglesia ni Cristo ay kabaliktaran ang nangyayari...


Alam nyo bang ang konstruksyon ng pagpapatayo ng mga bahay sambahan ng Iglesia ay umaabot humigit kumulang sa 100 sa isang taon? at magkano kaya ang tinatayang halaga ng 1 bahay sambahan?? Milyon milyon po! para sa mga di nakakaalam.

At sa ibang bansa, mas focus ng INC ang pagbili ng properties para gawing bahay sambahan sapagkat di ito tulad ng Pilipinas na napakamura pa ng lupa at pagpapagawa o mga materyales sa paggawa. Kaya kung may nakikita kayong lokal sa ibang bansa na kaparehas ng sa Pilipinas, napakalaking gastos po nito umaabot sa 7million dollars (estimated expenses ng planong itatayong bahay sambahan ngayon sa Los Angeles, California).

Marami pang napag uukulan ang mga abuloy, kung kaya wala tayong mababalitaan na may nagsarang kapilya dahil sa utang o anu pa man. O nagsarang kapilya dahil di makabayad ng kuryente at iba pa. Wala ka ring mababalitaang bahay sambahan na sira-sira sapagkat itoy hinihiling sa pamamahala upang iayos kung may mga diperensya na...

Ang Iglesya katolika ngayon ay palubog na, samantalang ang Iglesia ni Cristo na itinayo ng ating Panginoong Jesukristo noong 1st century na ipinangaral ni Kap. na Felix Manalo ay patuloy sa paglago, pag asenso at paglaganp sa ibat ibang bansa sa tulong at awa ng ating Panginoong Dyos!

Kaya wala sanang masusumpungang nag aalinlangan tungkol sa paghahandog dahil napakaswerte natin dahil itoy nagagamit sa wasto hindi katulad ng ating gobyerno na kinukurakot ng magkakapanampalatayang mga KATOLIKO!

Tumingin kayo sa mga bahay sambahan at balita sa PASUGO para makita nyo kung saan saan napupunta ang ating mga handog!


posted by readme

Isa isahin nating usisahin ang mga kahibangan nitong tagong Ministro.

Una, TOTOO bang "ang simbahang Katolika sa ibang bansa, sa kanluranin ay tuluyan ng bumabagsak"?

HINDI po TOTOO! Bagkus LUMALAGO pa po!

Sa katunayan, itong mga nakalipas na linggo September 16-19, ang Santo Papa ay nagtungo sa United Kingdom, isang bansang "highly secularized" sabi nga ng media, first State Visit of a Pope ika nga ay nagulat na lamang sa malaking suportang nakuha niya sa mga Katoliko at di Katoliko roon.

Heto ang sabi ng mga balitang kalat sa buong Europa tulad nitong nakasulat sa pahayagang telegraph:
"Hundreds of thousands of people have met the pope personally in the street and at the major events and also, through television and the Internet, many others have seen him and heard what he has to say," Lombardi said.


"I think also that the message that he has about the positive contribution of the Catholic Church and of Christian faith to society has been received very well."


You have really challenged the whole country to sit up and think, and that can only be a good thing," Cameron said at Birmingham Airport before Benedict's departure for Rome.

Heto ang ISTATISTIKA ng mga KAANIB ng TUNAY na IGLESIA-- ang Iglesia Katolika.

Ayon sa statistics ng adherents.com, ang TOP 10 na may maraming Katoliko sa mga "Kanluraning" bansa ay umaabot pa rin sa kabuuan 465,190,000. Ito ay ang mga bansang Brazil, Mexico, USA, Italy, France, Spain, Poland, Colombia, Argentina at Germany.

Ang TOP 20 Nations with Highest Percentage of Catholics ay ang mga sumusunod:

Vatican City 100%,
San Marino 99.83%,
Saint Pierre and Miquelon 99.36%,
Wallis and Futuna Islands 99.02%,
Italy 97.20%,
Cape Verde 96.00%,
Poland 95.40%,
Mexico 95.30%,
Ireland 95.00%,
Guadelopue 95.00%,
Spain 94.20%,
Luxembourg 94.00%,
Paraguay 93.80%,
Ecuador 93.60%,
El Salvador 93.80%,
Costa Rica 93.00%,
Honduras 92.70%,
Venezuela 92.00%,
Portugal 92.00%

Wala pong sinabi rito ang 78% Catholics ng Pilipinas.

Sa Estados Unidos naman, heto naman ang TOP 10 Estado na may maraming Katoliko at may Highest Proportion of Catholics:

Rhode Islands 63.12%,
Massachusetts 49.22%,
Connecticut 41.82%,
New Jersey 41.26%,
New York 40.47%,
Louisiana 32.44%,
Wisconsin 31.77%,
Illinois 31.29%,
Pennsylvania 30.93%,
New Mexico 30.85%.

Heto naman ang KABUUANG TALAAN na mas UPDATED MULA sa Wikipedia Catholics by Country. Ang mga Katoliko sa buong mundo ay 1,068,368,942 (16.68%).

Kung totoong "ang simbahang Katolika sa ibang bansa, sa kanluranin ay tuluyan ng bumabagsak" bakit may "BISHOPS' CONFERENCE pa kung wala naman na silang IPAPASTOL pa? Konting SENTIDO-KOMON lang po!

Ang nakakalungkot, HINDI pa po UMAABOT sa 10 milyon ang bilang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ayon sa pa rin sa Adherents.com.

At sa halos 10 milyon na iyon, walang dudang 99.99% ay Pilipino dahil "Proudly Philippine Made" ang Iglesia ni Cristo!

Chismis pa nitong nagtatagong Ministrong si "readme"

Subukan nyong magresearch at malalaman nyo!
Marami ng simbahan ang nagsara, marami ng nababangkrap dahil nga sa usapin tungkol sa "abuse cases" ng mga PARING kala mo ay napakababanal lalo na pag dinedepensahan ng mga catholic defenders.

Bakit hindi tayo namulat sa balitang ito?
DAHIL TINATAGO AT AYAW IPAKALAT NG SIMBAHAN NA SILAY PABAGSAK NA!
Tanong niya, sagot niya.

Tinatago raw ng mga Katoliko ang mga gawaing karumaldumal ng mga tiwaling pari.  Mas tumatama pa kung sasabihin niyang, TINAGO ng mga PARING ito ang kanilang mga malalaswang gawain at ngayon lamang lumabas.  Huwag na niyang ibintang sa buong Santa Iglesia.

At halatang HINDI rin naman NAG-RESEARCH talaga itong ministro dahil wala siyang kaalam-alam na HAYAG sa WIKIPEDIA ang bilang ng mga KATOLIKO sa buong mundo sa kabila ng ginawang "SEX SCANDAL" ng mga tiwaling mga paring Katoliko.

Ayon sa Santo Papa Benito XVI "I think of the immense suffering caused by the abuse of children... especially within the Church and by her ministers. Above all, I express my deep sorrow to the innocent victims of these unspeakable crimes.” (source: euronews).

Opo, umamin po ang Santo Papa na dahil sa mga pagkakasala ng mga iilang tiwaling mga paring Katoliko, ang buong Iglesia ay nagdurusa.

Pero HINDI ito BABAGSAK. Pangako ito ni Cristo! "I will build my Church and the gates of hell SHALL NOT prevail against it." (Mt. 16:16-18). Heto nga't nagbagsakan na lahat ng mga kahiraan sa mundo at mga emperyo pero heto's NAMAMAYAGPAG pa rin ang Iglesiang TUNAY na kay CRISTO (33 A.D.).  Mahigit 2,000 years na po kami!

Ito'y dahil PANGAKO ito ng NAGTATAG. HINDING-HINDI ito babagsak ginoong Ministro dahil ito ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO mula pa noong UNANG SIGLO, ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46.

On the contrary, ang "Huling Sugo" na "hinirang" (daw) ng Dios, kung saan inalay ng Dios ang kanyang dugo, "upang dumios sa kanya" (PASUGO Mayo 1964, p. 1) ay napatunayang NANGGAHASA ng mga kaanib ayon na rin sa mga nakasulat sa pahina ng kasaysayan.

Inamin ba ito ng "Sugo"?

Hindi po.

Itinago po niya ito. Nalaman na lamang ito noong inakusahan siya ni Rosita Trillanes.

Pero umamin ba ang sugo pagkaraang lumabas ito sa media?

Hindi pa rin po.

Ano po ang ginawa ni Felix Manalong sugo?

Inakusahan po ni si Bb. Trillanes ng "paninirang-puri".

Kinatigan ba ng korte ang inihain ni Felix Manalong sugo?

Hindi po. Pinatuyan po ng korte na may panggagahasa ngang naganap. Ayon sa Court of Appeals:
"... the Prosecution admits that there is reason to believe that the offended party, Manalo, did commit immoral acts with some women members of the Iglesia."

At sabi pa ng nasabing Korte:
"And the Solicitor concludes that he found out through proofs presented that Manalo is a man "de baja moral" (man of low moral) and that he took advantage of his position in the Iglesia to attack and sully the virtue of some of his female followers."

Mababa raw ang MORALIDAD ng sugo ayon sa Korte!

Matapos katigan ng Korte ang salaysay ni Bb. Trillanes, UMAMIN ba ang SUGO?

Hindi po. Ginawa na lamang niyang "DIAKONESA" ang babaeng NANIRANG PURI sa kanya.

(Basahing ang argumento ni Bro. Cenon Bibe Felix Manalo vs Rosita Trillanes, may Rape ba o wala?)

Hindi po masama ang magkwento kung ang ikinukwento ay may basyahan. Madali ang magparatang pero mahirap pong mapatunayan.

Hindi po sana ikasasama ng loob ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ito pero pakisabi sa mga gumagawa ng mga artikulo niyo na ayusin nila ang kanilang mga posts at sikapin nilang walang sablay para naman kapani-paniwala ito.

Sa kabuuan ng PANINIRA ng Ministrong si readme ay may NAIS pala siyang hilingin.

At dahil BUMABAGSAK na raw ang Iglesia Katolika, dumarami raw po ang umaanib sa kanilang kulto at kailangang "BUMILI NG LOTE" upang magtayo ng mga "sambahan".

May STATISTICS SOURCE kaya siyang magpapatunay na dumarami nga sila?

Malabo. Dahil ito'y tinatago ng Central sa publiko. Kaya't paano malalaman ng isang kaanib ng Iglesia kung dumarami nga ba sila o hindi? Ito ba'y nasusukat sa pagdami ng kanilang mga "Mormon copied" temples?

Pinaliguy-ligoy pa niya ang kwento, HIHINGI lang pala ng DAGDAG na ABULOY sa mga KAANIB.

Bago kayo magagalit tulad ng ginagawa ng ilan niyong kaanib na nagnakakaw ng pangalan ng may pangalan para lamang rumesbak, balikan niyo ulit ang sinulat ng inyong ministrong si readme at makikita niyo ang UNDERLYING intention niya.

You see. Kailangan pa niyang MAG-CHISMIS at MANLINLANG at gumawa ng mga kwentong kutsero para isipin ng mga kaanib na "dumarami" nga sila at kailangan ng DAGDAG na PERA.

Lalong lumalakas ang kutob kong totoo nga ang mga nakasulat dito sa article na Iglesia ni Cristo in a Nutshell.

Hirit pa nitong ministro:

Ang Iglesya katolika ngayon ay palubog na, samantalang ang Iglesia ni Cristo na itinayo ng ating Panginoong Jesukristo noong 1st century na ipinangaral ni Kap. na Felix Manalo ay patuloy sa paglago, pag asenso at paglaganp sa ibat ibang bansa sa tulong at awa ng ating Panginoong Dyos!


Kaya wala sanang masusumpungang nag aalinlangan tungkol sa paghahandog dahil napakaswerte natin dahil itoy nagagamit sa wasto hindi katulad ng ating gobyerno na kinukurakot ng magkakapanampalatayang mga KATOLIKO!
Gusto niyang paniwalaang ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ay "tatag" ni Cristo.

Hindi po mangyayari ito.

Heto nga't OPISYAL na sinabi ng mga ministro sa PASUGO:

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
PASUGO Nobyembre 1960, p. 26:
“Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)
PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
PASUGO Mayo 1963, p. 27:
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”

AT ALIN NGA BA ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?

PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Ayon sa WIKIPEDIA sa History of the Catholic Church
The History of the Catholic Church is traced by the Catholic Church to apostolic times. The history of the Catholic Church is an integral part of the history of Christianity and of Western civilization.
Never mong mahanap diyan na NAWALA ang IGLESIA KATOLIKA.

Kaya tama pa rin ang sinasabi ng Pasugo at Wikipedia, na ang Iglesia Katolika NGA ang siyang TUNAY at NAG-IISANG Iglesiang TATAG ni CRISTO noong UNANG SIGLO 33 A.D.
----------------------------------------------------
Note: Ang mga quotables na Pasugo ay hango sa isang babasahing may pamagat na Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914 na sinulat ni Julian Pinzon na nilimbag ng Divine Word Publication (ngayon ay Logos Publication), sa Oroqueta St. Lungsod ng Maynila.

8 comments:

  1. thanks for sharing the links on the downloadable INC/MANALO articles.
    this Inc ministers are very nefarious and will stoop to any level using lies and misinformation just to fleece their members hard earned money...
    they (INC/MANALO)should try to attend our Easter Vigil to see how many Converts we have (U.S)

    ReplyDelete
  2. Praise God denzkyy for that good news. I also heard from my SVD priest friend in Chicago that there last Easter there were at least 10 INC members who were re-verted to the Catholic Faith.

    Let's continue pray for many souls to be saved and find their true home to the true, One, Holy, Catholic, and Apostolic Church of Christ founded in 33AD.

    God bless you and your love ones.

    ReplyDelete
  3. Pag naging pari po ako kukuhanin ko ito at ipamahagi sa mga katoliko na gustong maging INC. Para malamannilaang side naten.

    ReplyDelete
  4. Salamat po kung ganon... God bless, sana matuloy kayong magpari.

    ReplyDelete
  5. That was a hard hit to Minister "readme".. I doubt He can still sleep at night. Let's pray for Him.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iglesia katolika ang nag iisang naitatag ng diyos,simbahang pangkalahatan

      Delete
  6. Totoo pong tonay nga'ng ang iglesia katolika ang kinasiyahan ng diyos,ang kanyang naitatag ng matopag ang kanyang mga pangako,mamolat po sa ang mga buaang propita,ginagamit nia ang biblia para makapangdaya sa kapwa,

    ReplyDelete
  7. Puro kahibangan ang mga sinasabi ng minitro ni manalo,maliwnag pa sa buwan na maliwanag.
    .dapat ang tawag sa kanyang iglesia ay iglesia ni manalo,kawawa kayo mga pagano mga bulaang..magagaling kono..

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar