Pages

Friday, May 1, 2015

Ang Ka Jun Santos (Glicerio Santos Jr) ay Nagtiwalag sa mga anak ng Ka Erdy ayon sa isang ministro

Narito na naman ang isang update ni G. Antonio Santos (hindi niya tunay na pangalan), isang ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagsisiwalat sa lumalaking sigalot sa pagitan ni G. Glicerio Santos Jr. (aka Jun Santos) at ng pamilya ni G. Eraño G. Manalo (aka EGM)

Tumutugon tayo sa panawagan ni G. Santos na ikalat daw ito sa Social Media.

PANALANGIN PARA SA MGA ANAK NG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO


[Make this our Profile Picture]

May 1, 2015 12 Midnight

Mga mahal na Kapatid,

Ngayon po habang naroon sa Japan si Kapatid na Glicerio Santos Jr., kaniya ng ipinamahagi sa lahat ng Lokal sa Japan (at susunod ay sa lahat ng Lokal sa buong mundo) ang sirkular na binasa sa mga pagsamba kung saan ay ipinahahayag na tinitiwalag na sa Iglesia sina Kapatid na Angel Manalo at Marco Manalo.

Ito po ang lalong naglulumiwanag na katunayan na ang pagtitiwalag na ngayon ay wala na sa proseso na itinuro ng Biblia, ng sugo at ng mga naunang namahala sa Iglesia. Sapagkat KUNG nagawa lang sana na nasunod ang tuntunin sa pagtitiwalag, di sana ay KINAUSAP mua sila ng mga KINAUUKULAN kung hindi magawang kausapin sila ng Ka Eduardo. Dahil dito, asahan na po natin lahat na pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang listahan ng mga kapatid na ititiwalag nila ng walang proseso.

Pasensya na po kayo mga kapatid, hindi ko lang siguro talaga makuhang pigilan ang damdamin ko… kung nabubuhay lang sana ang Sugo ngayon, ang Ka Erdy… hindi sana umabot sa ganito ang kalagayan ng Iglesia ngayon. Ganito na ngayon ang larawan ng Ministerio na aming sinumpaan… Ganyan ang larawan ng mga Ministro sa Sanggunian na ngayon ay nagbubunyi dahil sa kanilang kinikilalang tagumpay.

Isipin na lang natin na kung KAYANG GAWIN NG SANGGUNIAN ITO SA MISMONG ANAK NG KA ERDY, PAANO PA KAYA SA ATIN NA MGA KARANIWANG KAPATID LANG SA IGLESIA

Kaya ako sumulat sa inyo mga Kapatid dahil sa alam kong, kung paanong kaming mga Ministro ay naghahalong galit, awa at hinagpis ang nararamdaman, edi lalo na kayong mga kapatid pa kaya. Subalit sa halip na magpadala tayo sa ating emosyon at matukso na lumapastangan at lumaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, maaari ko ba kayong himukin mga kapatid na ngayon ay muling lumuhod sa Ama at buong taimtim na manalangin sa Panginoon Diyos alang-alang sa kapakanan ng Iglesia na sana ay magpakahayag Sya sa Kaniyang piniling lider ng Iglesia, ang pinakamamahal naming Kapatid na Eduardo V. Manalo at nawa ay magdalang habag Siya na iparamdam sa aming namamahala na ngayon namin lalong kailangan ang paggabay at pagmamahal ng isang ama ng buong Iglesia. Na kung sakali mang nagkulang at nagkasala ang sinoman sa kaniyang mga anak, anupat ikinagalit nya ito ng labis, subalit kung maaalala nya ang pag-ibig ng Panginoong Diyos sa tao ng ibigay Nya ang Kaniyang pinakamamahal na bugtong na anak, para sa kaniyang bayan, lalo pa kayo ngayon na nangangailangan ang buong Iglesia ng kapayapaan dahil sa kaguluhan na nililikha ng mga Ministrong nasa hanay ng Sanggunian na sa layuning makapanatili sa pwesto at sa kapangyarihan ay nagulat sa Tagapamahala ng mga walang katotohanang ulat sa layunin na inbunsod sa galit ang namamahala laban sa kaniya mismong mga kapatid sa laman na kasa-kasama nyang pinalaki ng Kapatid na Eraño Manalo noong nabubuhay pa sila at tinuruan ng mataas na uri ng pag-ibig at pagmamalasakit sa Iglesia ng higit sa anupamang bagay. Nawa ay maglubag ang loob ng Kapatid na Eduardo V. Manalo at muli niyang kabigin papalapit sa kaniya ang kaniyang mga kapatid, ang kaniyang nagiisang ina na ngayon ay nabibiyak ang puso sa hinagpis ng damdaming idinulot ng pangyayaring ito.

Hilingin po natin sa ating Ama na sana gabayan Niya ang buong Iglesia sapagkat dumadaan tayo ngayon sa isang napakamapanganib at napakasakit na yugto ng kasaysayan ng Iglesia. Itayo Nya nawang makapangyarihan at matatag ang ating Namamahala upang muli nyang buklurin sa pagkakaisa ang buong Iglesia at pangunahan tayong lahat sa isang malawakan at lubusang paglilinis sa Iglesia, una na sa mga tiwaling Ministro na nilamon na ng kasakiman at masamang espiritu, sunod ang mga tiwaling Tagapangasiwa na naging mga bulag, pipi at binging tagapastol sa kawan.

Nawa ay basbasan Nya tayong lahat mga kapatid na huwag tayong mawalan ng pag-asa, huwag tayong manglupaypay, patuloy tayong manghawak sa magagawa ng Panginoong Diyos para pihitin ang ganitong mga pangyayari sa lalong ikatatatag ng ating kahalalan. Huwag po tayong maghihimagsik mga Kapatid, huwag tayong magtataas ng kamay laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, huwag tayong tatalikod sa pagsunod sa mga kalooban ng Diyos. Ipinahintulot ito ng Panginoong Diyos na mangyari sapagkat meron Siyang inaasahan sa bawat isa sa atin, at mayroon din Siyang nakalaan na matutupad sa bawat isa sa atin. Hindi po natutulog ang Diyos, kita Nya ang lahat ng mga ito, at Siya na ngayon ang kikilos para sa ikalilinis muli ng Iglesia.

Sumampalataya po tayong lahat mga kapatid na ang pinakamalakas na maitutulong natin sa Kapatid na Angel at Kapatid na Marc, sa kanilang mga kapatid at mga mahal sa buhay at sa kanilang naghihinagpis na ina, ang Ka Tenny, ay ang ipanalangin natin sila. Ngayon, at araw-araw at huwag tayong magsasawang hilingin sa Ama na sila ay ingatan palagi at aliwin sa ganitong mga mabibigat na pagsubok sa kanilang buhay…

Huwag po tayong magsasawang magmahal at magmalasakit sa Pamilya ng Ka Erdy, hindi lamang dahil sa sila ay mga kapatid din sa Iglesia, at Doktrina sa atin na mahalin natin ang ating mga kapatid, maging ang hindi nga nating kapananampalataya ay ating minamahal at ipinagmamalasakit edi lalo na sa mga kapatid natin sa Iglesia, at mas lalo na sa Pamilya ng Ka Erdy na isa sa mga naunang namahala, nagmahal, nagmalasakit at umibig sa Iglesia. Ginugol nila ang kanilang buong buhay at ang buong buhay ng kanilang buong sambahayan sa pag-ibig at pagmamalsakit sa Iglesia kaya marapat lamang na sila ay ating mahalin at ipagmalasakit din.

Higit sa ating lahat ay ipanalangin natin ang Tagapamahalang Pangkalahatan upang magabayan sya sa kaniyang mga pagpapasya at pangunguna sa Iglesia alang-alang sa payapa at matuwid nating paglilingkod sa Panginoong Diyos at pagtalima natin sa mga dalisay na utos ng Panginoong Diyos.

Mga kapatid ipanalangin po natin sila… 
PUBLISHED BY
Antonio Ebangelista
Ministro sa Iglesia Ni Cristo Kasalukuyang naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan ng Central, Quezon City View all posts by Antonio Ebangelista

2 comments:

  1. #‎TheTruthCaster‬, ‪#‎IglesiaNiCristo‬, ‪#‎INC‬, ‪#‎Manalo‬, ‪#‎FelixManalo‬, ‪#‎ErañoManalo‬, ‪#‎EduardoManalo‬, ‪#‎IsaiasSamsonJr‬,
    The Almighty clearly does not approve that what is bad is called good, and what is good is called evil; the same with falsifying things. The wrath of the Lord is unto those who think they are wise but woefully dumb.
    But to the self-righteous, to the hypocrites, they think they are wise. It is like you are seeing one walking upside-down: down is the head and up is the feet.
    It is been widely publicized that Isaias Samson Jr., one of the primary ministers of the Iglesia ni Cristo, together with his family, filed a complaint against the Sanggunian for alleged illegal detention. As response, the Sanggunian disrespectfully assailed the Secretary of Justice Honorable Leila De Lima. The Sanggunian accused Secretary De Lima of giving special attention to the case filed against them. They sarcastically said, why not focus on the case of the Fallen 44?
    http://www.controversyextraordinary.com/2015/08/iglesia-ni-cristo-de-lima.html

    ReplyDelete
  2. At kung sino ka mang nagpapakilalang ministro, HUWAD KA!...Kasi Iglesia ka ng MANALO at di ni Cristo. Alam mo ba docktrina kung ministro ka? Alam mo ba na bawal na bawal sa Biblia ang lumikha ng baha bahagi? Alam mo rin ba na ang paglabas ng video nila ta manawagan ng "Vigil" na hindi naman common term sa INC ay panawagan ng bahabahagi? Alam mo rin ba na kapag ang isang INC memeber ay hindi na tumupad ng tungkulin and bawal lalo na ang pagka ministro? na gaya ng ginawang pagiwan at pagtigil sa pagtupad nila Angel at Marco bilang mga ministro? narinig mo ba ang texto ng Ka Erdy nung araw na bawal ang lumaban sa Pamamahala at magiwan ng tungkulin? Alam mo rin ba na ang kanilang mga GINAWA ay maliwanag na paglaban at nagkasala sa Espiritu? Anong kausapin ang sinasabi mo, ordinaryong mga kapatid nakakausap ng Ka Eduardo, sila pa kay? Alam mo ba kung bakit? Kasi may mga KONDISYONES silang gustong mangyari na kailan man ay hindi papayagan sa LOOB NG IGLESIA....sabi nga ng Ka Erdy nung araw....SA IGLESIA, WALANG COMPROMISE!!! Sumunod ka o hindi ka sumunod...nsa iyo yun!...KAYA PAG AYAW PASAKOP...TINITIWALAG....wag mong palabasin na API sila...hindi, dahil HINDI NA SILA SUMAMBA ng mahigit kalahating TAON at HIndi pa Nag STA CENA!!!.....ALAM MO BA ITO GINOONG BULAANG MINISTRO?

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.