Pages

Friday, May 1, 2015

Mga kapatid ni Eduardo V. Manalo, ititiwalag nga ba?

'Yan ay ayon sa liham ni G. Antonio Ebangelista (hindi niya tunay na pangalan), isang Ministro ng Iglesia Ni Cristo® at  kasalukuyang naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan ng Central, Quezon City. Narito ang liham.

KATUSUAN NG SANGGUNIAN
May 1, 2015 12:00PM

Mga mahal na Kapatid,

Marahil at nakarating nap o [sic] sa inyong kaalaman, maging sa inyong mga kaibigan at mahal sa buhay sa iba’t-ibang panig ng mundo ang ukol sa di-umano’y pagbasa ng sirkular kung saan ay itinitiwalag na daw si Ka Angel at Ka Marc Manalo. Bago po ako naglabas ng official statement ko ay nakipag-ugnayan muna ako sa iba’t-ibang credible sources ng balitang ito upang matiyak na ito ay totoo. Sa tindi ng balita ay napakabilis nitong lumaganap at mabilis ding nakapagdulot ng galit, hinagpis at kaguluhan sa napakaraming mga kapatid sa buong mundo.

Bagamat nakapag post na kami ng pahayag at tagubilin sa mga kapatid ukol ditto [sic] ay patuloy pa rin po naming sinusuysoy ang “source” ng balitang ito kung saang Lokal talaga ito nagsimula. Subalit sa dami ng mga kapatid na nagpadala ng mga mensahe sa akin ay walang makapagbigay ng aktwal na FIRST HAND INFORMATION na ito nga ay kanilang nasaksihan sa pagsambang kanilang dinaluhan.

Dahil dito ay sinikap naming alamin ang katotohanan subalit sa 40 na Lokal at Group Worship Service sa buong Japan ay walang makapagbigay ng CONFIRMED REPORT. Akin din pong nacontact ang isang kasamang Ministro sa Japan bago sila magtungo sa kanilang Pulong na ipinatawag ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. sa Tokyo, Japan, ay sinabi pa nya na wala naman daw ganung bilin sa kanila at wala ring ibinigay na sirkular na babasahin.

Meron pong nagmessage sa akin na contact po naming sa ACTIV na sila man ay walang tinanggap na ganung bilin dahil sa ganyang mga HIGH PROFILE EVENTS ay binibilinan silang magmonitor upang abangan ang social media. Ang tanging bilin sa kanila ay bantayan ang lahat ng mga magla-like at magko-comment sa facebook at iba pang social networking sites at padalan sila ng mensahe na sila ay binababalaan na huwag magla-like at huwang magko-comment dahil ito day nagiging dahilan para magtrending ang usapan sa internet. Kinakailangan dawn a [sic] alisin ang kanilang mensahe at mag-unlike at ito daw ay ipinarating na nila sa kaalaman ng Pamamahala”. Binilinan din daw sila sa ACTIV na gumawa ng mga dummy accounts, i-add si Antonio Ebangelista at i-report ang isini-share kong link sa ating website upang ito ay iblock ng facebook at ng hindi na lumaganap pa ang kaalaman ukol sa mga nangyayari ngayon sa Iglesia. Malinaw na ito ay isang uri ng panlilinlang at pananakot sa mga Kapatid. May isang kasamahan din tayo sa loob ng Central ang nagsabi ng ganito “iyan ang sinasabi ng Ka Jun na walang ibang sinasabi sa social media kundi mga kasinungalingan, binibigyan ang mgakapatid [sic] ng maling impormasyon upang papaniwalain sila at hikayatin na lumaban sa Pamamahala”. Samakatuwid ay nagpasimula sila ng maling impormasyon at hinayaang kumalat ito hanggang sa ito ay maging parang totoo na nagdudulot ngayon sa maraming mga kapatid ng pangamba at kaguluhan. Kaya may ilan na dala ng kanilang di mapigil na emosyon ay nakapagsalita na ng hindi maganda. Ito ngayon ang gagamitin ng Ka Jun Santos na dahilan upang lalong sirain ang inilalabas nating mga impormasyon ditto [sic] sa social media at pararatangan ito na kasinungalingan din daw para walang taong maniwala. Buti na lamang at hindi ganyang kababaw ang pag-iisip ng mga kapatid natin. Mabuti na rin at ating hinikayat ang mg akapatid [sic] na magingmahinahon [sic] at manalangin at hindi upang lumaban at mag-aklasan.

Ito rin ang ginagamit nilang paraan para masukat kung ano ang magiging reaksyon ng Iglesia kapag itinuloy nila ang kanilang plano na itiwalag nga ang mga kapatid ng Ka Eduardo V. Manalo ng hindi man lamang dumadaan sa proseso, na hindi man lamang kinausap ng personal upang magkalinawagan muna bago makapag pataw ng isang mabigat na pagpapasya. Inaalam nila kung magsasawalang kibo ba ang mga kapatid at hahayaan silang magawa nila ang kanilang masamang binabalak o ito ba ay magbubunsod sa mga kapatid nalalong ipaglaban ang pagbubunyag ng katiwalian sa Iglesia, sa Sanggunian. Gagawin nila ang lahat para magulo nila ang Iglesia, isisi nila ang lahat ng ito sa amin na di-umano ay nagsisimula ng maling balita at nag-uudyok daw sa mga kapatid na maghimagsik laban sa Pamamahala para magkaroon na sila ng JUSTIFICATION na itiwalag na ang 2 magkapatid at sinoman na nais pa nilang ipatiwalag.

Lalo tayong maging mapagmatyag mga kapatid dahil gagawin ng Sanggunian ang lahat ng kanilang magagawa upang linlangin ang Tagapamahalang Pangkalahatan at ang buong Iglesia at magdulot ng pagkabahabahagi sa Iglesia. Kung sakali man na dumating man ang sandaling basahin nga ang Sirkular ukol sa pagtitiwalag sa magkapatid at maging sa sinuman na kanilang ititiwalag ng walang proseso o kaya ay ng dahil lang sa nag-like o nag-share sa social networking sites, ay iulat po ninyo agad sa amin upang ito ay maipagbigay alam po naming sa inyo.

Muli po ay magingmahinahon [sic] po tayo at lawakan natin an gating pangunawa atmagpakatalino [sic] tayo sapagkat matatalino po ang mga gumagawa ng katiwalian sa loob ng Iglesia at hindi sila papayag na sinoman ay maaring makahadlang sa kanila sa pakinabang na nakukuha nila bilang Sanggunian.

T [sic] kung sakali man na sa mga darating na pagsamba ay bigla nilang basahin ang Sirkular ukol sa pagtitiwalag sa magkapatid o sa iba pang mga kapatid dahil di-umano ay hindi pagpapasakop sa Pamamahala, lagi po nating tandaan na maging mahinahon po tayo sa pagsubok na susunguin ng Iglesia at sumampalataya tayo na ang Panginoong Diyos ang nakahandang magbigay linaw sa lahat ng ito at gabayan ang Kaniyang bayan sa tamang landas na dapat nating tahakin tungo sa ikasasakdal natin sa ating mga paglilingkod sa Diyos.

Sumaatin nawang lagi ang pag-ibig at paggabay ng Panginoong Diyos.

Ang inyong Kapatid kay Cristo,

Antonio Ebangelista

Email: increportsforvem@gmail.com

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.