Pages

Friday, May 15, 2015

Maingat na maingat na pananalita ni ReadMeIglesiaNiCristo sa kanyang blog patungkol di umano'y mga Katiwalian sa loob ng Iglesia Ni Cristo® na isiniwalat ni G. Antonio Ebangelista!


(Saan nga ba masusumpunga sa Biblia ang ganitong structure ng loob ng isang sambahan? Choir sa pinakataas sa harap, na kasama ang mga Ministro na kaharap ang mga tao? Saan ba sila nakakuha ng source ng model na ang LAGAKAN ng SALAPI ay nasa pagitan ng Ministro at ng mga tao? Very unbiblical ang mga sahay sambahan ng mga INC™. Source: http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2015/05/bibliya-magpakatatag-kayo-sa-inyong.html
Maingat na maingat sa kanyang pananalita itong nagtatagong Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagpapakilalang si ReadMeINC sa kanyang pinakahuling post sa kanyang blog na iglesianicristoreadme.blogspot.com.  

Dati rati, lahat ng mga ibinabatong kritisismo sa INC™ eh sinasagot niya punto en punto parang si Antony Ka Tonying Taberna ng ABS-CBN sa kanyang dos por dos. Pero malamang baka pinaghihinalaan din sya ng Sanggunian o kaya'y accomplice siya sa di umano'y MALALIM na KATIWALIAN sa kanilan departamiento.

Habang hayag na hayag na sa Internet ang mga akusasyon ni G. Antonio Ebangelista sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo® sa Central ng di umano'y matagal nang UMIIRAL na KATIWALIAN eh, halata namang si ReadMeINC iwas pusoy. 

Bungad pa niya sa kanyang Opening Statement eh hango sa Biblia (I Pedro 5:8-10).  Magpakatatag daw sila sa kanilang pananampalataya sa "Diyos" sapagkat sa "Diyos" daw po sila nananampalataya at hindi kung sino lamang.

Kanino ba dapat sumampalataya ang mga Kristiano, sa Diyos Ama lamang ba? O Maging sa Panginoong Jesu-Cristo rin?

Ayon sa Juan 12:36 "Sumampalataya kayo sa ilaw habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng liwanag."

Sino ang ILAW na tinutukoy ni Jesus?  

Ayon sa Juan 8:12 "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman."

Eh DAPAT palang SAMPALATAYANAN ang Panginoong Jesu-Cristo at hindi lamang ang Diyos Ama?

Eh di LUMABAG na naman ang mga kaanib ng INC™ sa sinasaad ng Biblia sapagkat sa DIYOS AMA LAMANG daw sila dapat sumampalataya at hindi kung sino!

Pero para sa mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa NAG-IISANG DIYOS, hindi lang ang Ama ang dapat sambahin kundi ang Anak at ang Espiritu Santo rin.  Ang PAGSAMBA at pagkakaroon ng SAMPALATAYA sa DIYOS ay TUMUTUKOY na ito sa IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA.

Ang mahirap lang talaga sa mga kaanib ng INC™ ni Manalo ay sumasamba daw sila sa IISANG DIYOS pero sumasamba rin sila kay JESUS na TAO LAMANG!

Saan nga ba IPINAG-UUTOS ng BIBLIA na dapat SUMAMBA SA TAO LAMANG?!

Ang PAG-UUTOS na SAMBAHIN sa JESUS (Filipos 2:9-12) ay sapagkat SIYA AY DIYOS din!

At ang pagka-DIYOS din ni Jesus ay hindi kathang isip lamang tulad ng sinasabi ng mga bayarang Ministro kundi ito'y NASUSULAT sa BANAL NA KASULATAN.

  • Juan 1:1 "... at ang Salita ay Diyos..." (ang Salita ay hindi po panukala. May panukala bang naglalalang?)
  • Filipos 2:2-12 "Kahit na siya (si Jesus) ay likas at tunay na Diyos..." (Biblia na ang nagsasabing siya ay Diyos)
  • Juan 20:28 "Panginoon ko at Diyos ko!" (hindi po yan exclamation out of fear or surprise tulad ng pambabaluktot ng mga bayarang Ministro kundi ito ay profession of faith!)

Hirit pa nitong tagong Ministro na halatang kapanalig ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr) na inaakusahan ni G. Antonio Ebangelista ng KATIWALIAN eh "DIABLO" raw po ang kanilang kaaway.  At KINAKASANGKAPAN raw ng Diablo ang mga NAGBUBUNYAG ng di-umano'y KATIWALIAN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO® at "NANDITO NA SILA SA INTERNET" at dumarami pa raw sila.

Si G. Antonio Ebangelista kaya ang pinapatungkulan nitong tagong Ministro?

Ang pagkasabi naman po kasi ni G. Ebangelista eh "ako po ay nag-iisa lamang sa pagpapahayag na ito" kaya't paano naman sila dumadami kung mismong si G. Ebangelista na ang nagsasabing lone ranger siya.

Maliban na kung talagang maraming NAGBIBIGAY ng MAHAHALAGANG IMPORMASYON galing mismo sa hanay ng mga Ministro na nakikita ang katiwalian sa pamamahala at pananalapi.

Of course naman, di mo makikita ang di umano'y KATIWALIAN ng mga Ministro sapagkat KASABWAT ka na nila marahil. 

At ang pagkasabi pa ni ReadMeINC eh "HUWAG TAYONG PUMAYAG NA TAYOY MATANGAY NG DIYABLO!"

Hindi kaya SIYA ANG NATANGAY na ng DIABLO at di na nya nakikita ang KATIWALIAN sa KATOTOHANAN?

"Ang ating dapat na gawin ayon sa talata sa itaas ay LABANAN SIYA at MAGPAKATATAG SA ATING PANANAMPALATAYA!"

Lito pa nga ang mga kaanib niyo sa kung KANINO sila SUMAMPALATAYA: Sa DIYOS (Ama) o kay JESUS (na tao)?

Ang sabi mo kasi eh sa Diyos (Ama) lamang daw po sila sumampalataya at "hindi kung sino lamang". Samantalang ang sabi ng Biblia eh SUMAMPALATAYA raw tayo sa PANGINOONG JESU-CRISTO!

Ang labo nga naman talaga!

Sabi pa ni ReadMeINC eh, pagkatapos daw ng kanilang pakikilaban sa "Diablo" na nasa "Internet" na at dumarami pa eh "Diyos"daw ang nagbibigay sa kanila ng kagalingan at katatagan at "PUNDASYONG DI MATITINAG"!

Ibig ba niyang sabihin eh 'YUNG TATAG NA IGLESIA ng PANGINOONG JESUS eh NATINAG, NABUWAG, GUMUHO, TUMALIKOD at NAWALANG-GANAP?

Samantalang ang INC™ na TATAG ni FELIX MANALO noong 1914 ay MAS MATIBAY PA sa IGLESIANG si CRISTO MISMO ang NAGTATAG noong UNANG SIGLO?

Konting SENTIDO KUMON naman mga kababayan!

Paano namang katangap-tanggap ang mga pangungusap na 'yan na palalabasing MAS MATATAG pa ang itinatag ng tao kaysa sa ITINATAG NI CRISTO at ng DIYOS?

Parang MAS naging INUTIL pa ang WALANG SILBI ang ITINATAG ni CRISTO kaysa sa ITINATAG ni FELIX MANALO?

Eh di WOW!

At hallucination pa nitong lunatic eh "MAKABAHAGI TAYO SA WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN SA LANGIT, KASAMA SI KRISTO."

Paano naman sila NAKAKASIGURO na SILA'Y MAKIKIBAHAGI sa WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN sa LANGIT eh kay sa turo pa lang eh ITSA-PWERA na si Cristo?!

Tapos bonus pang MAKAKASAMA nila si "KRISTO"?

Teka nga, BAKIT NAGING "K" ang Kristo at hindi "C"?  Hindi ba't ang pangalan niyo ay "Iglesia ni CRISTO (letter "C" at hindi "K"?

Ang gulo-gulo nga naman ng mga inaralan ng PEKENG SUGO. Palibhasa PURO SAHOD lamang ang inaatupag! Bayad na bayad na Ministro!

At bilang panghuli, bilang KABUUAN ng kanyang mensahe LABAN sa mga EXPOSITION ni G. ANTONIO EBANGELISTA eh, sabi niya:

"Huwag po tayo paapekto sa kung ano mang nababasa natin ngayon tungkol sa pamamahala, alisin ang PAGDUDUDA, PAG AALINLANGAN at PANLALAMIG dahil hindi po natin ito ikakaligtas. Hayaan natin ang Diyos ang gumawa ng paraan upang maisaayos ang pagsubok na ito. At ang dapat na ipamayani ay ang PANANAMPALATAYA, PAG ASA AT PAG IBIG."


WALA pong KALIGTASAN sa Iglesia Ni Cristo®!


Bakit kaniyo?

Sapagkat sa Iglesia Ni  Cristo®, para sa kanila ay TAO LAMANG si JESUS, noon, ngayon at sa kanyang pagbabalik.

“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin) 
Taliwas sa sabi ng Biblia:

"Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas." -Heb. 13:8
Kung si Cristo ay DIYOS noon, DIYOS pa rin siya NGAYON at DIYOS siya MAGPASAWALANG-HANGGAN!

At anong KATAWAGAN sa mga TAONG NANGANGARAL na SI JESUS ay HINDING-HINDI NAGING DIYOS?

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala." -2 Juan 1:7
Mga MANDARAYA at mga KAAWAY NI CRISTO raw ang TAGAPAG-TATAG at mga MINISTRO ng Iglesia Ni Cristo® sa PAGTATATWA sa PAGKA-DIYOS ni CRISTO (Diyos na naging TAO)!

At ang BABALA sa atin LIBONG TAON nang nakararaan eh MAG-INGAT daw tayo upang HUWAG MAWALANG SAYSAY ang mga katuruan ng mga Apostol.

Kaya't tukoy na tukoy po natin kung SINO ANG MGA DI NAG-INGAT at NAGPADALA sa mga MANGANGARAL na mga KAAWAY NI CRISTO at mga MANDARAYA.

Kaya't HINDI KATAKA-TAKA na TALAMAK ang DAYAAN at KATIWALIAN ngayon sa IGLESIA NI MANALO o mas kilala sa pangalang Iglesia Ni Cristo®! 

Pagmamakaawa pa nitong tagong Miinistro eh "Kapatid, huwag kang bibitiw ha?"

Takot na takot silang mawalan ng tao ang kanilang man-made na Iglesia. Natural, kapag kokonti ang kaanib, konti ang abuluyan at konti ang lagak.

Pero taliwas sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!

HINDI PO TAYO NATATAKOT kahit na umabot pa tayo ng SAMPUNG KAANIB! 

Bakit kaniyo? 

Sapagkat SI CRISTO ang NAGTATAG ng IGLESIA KATOLIKA. At kung SIYA ang NAGTATAG eh DAPAT LAMANG na SIYA RIN ang MAG-IINGAT NITO at MAGPAPATAKBO nito!

Kung MATALIKOD, MAWALA, o MAGAPI MAN ITO, kapabayaan ni Cristo! At yan ang katuruan ng mga bayarang Ministro!  NAGPABAYA si Jesus kaya NATALIKOD na GANAP ang kanyang orihinal na tatag na Iglesia at kinakailangan pa niya ng isang FELIX MANALO para maitayo ito hehehe.

Salamangkero ng Biblia nga naman!

Pero SIGURADO po tayo na hinding hindi po MANANAIG ang KADILIMAN sa KANYANG IGLESIA, NOON, NGAYON at KAILANMAN! Pangako po yan ng NAGTATAG-- ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO!

Sabi ni nga ni SAN ATHANASIUS noong ika-4 na siglo eh "Even if Catholics faithful to tradition are reduced to a handful, they are the ones who are the True Church of Jesus Christ."




25 comments:

  1. Matagal na to na anomaliya pero ngayon lang lumabas... Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal na nga raw ito sabi ni G. Antonio Ebangelista. Pero ngayon lang siya naglakas loob magsiwalat dahil maraming COVER UP na ginagawa, maging itong si READMEINC eh halatang kasabwat sa cover-up tapos kung mamatahin niya ang ktiwalian ng mga tiwaling Catholic priests eh piesta. O ngayon, KARMA dumating sa kanila.. NGANGA!

      Delete
  2. Para po sa inyong kaalaman, Noon pa ay nakahanda na kami sa kahit na anong pagsubok na aming pagdaraanan. Kahit pa po sabihin na may mga kaanib sa INC na gumagawa ng masama o kahit na po ministro pa siya sa INC (BAGAMAN SA NGAYON AY PURO AKUSASYON PA LAMANG YAN), ay wala kaming ipinagtataka, at di kami nabibigla sapagkat kahit sa panahon ng mga Apostol ay mayroong Judas, may Himeneo at Alejandro, may mga tinuruan ang Panginoong Jesucristo na hindi naman tunay na sumasampalataya sa mga itinuro Niya. NGUNIT HINDI PO DAHIL DOON AY MALI NA O MASAMA NA RIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO, ANG MGA NAMALAGING TAPAT NA APOSTOL AT MGA KAANIB SA MGA ARAL NA ITINURO NI CRISTO SA KANILA.

    HINDI PO KAMI NABABAHALA SA MGA GANYANG MGA AKUSASYON AT PANINIRA SA IGLESIA NI CRISTO. HINDI NA PO BAGONG BAGAY SA AMIN YAN.

    O baka isipin na naman po ninyo na tunay pa rin na iglesia na itinatag ni Cristo ang Iglesia Katolika kahit nagkaroon ng napakaraming mga di matutulan na mga corruption sa hanay ng inyong mga papa at mga pari. Yan po ang inyong malaking blunder. Sorry na po lang sa inyo, dahil sa ang mga kamalian at katiwalian ay hindi lamang sa imoralidad ng inyong mga naging papa at mga pari kundi sa inyong mga itinurong doktrina na labag sa Biblia.

    KAHIT NA ANO PA ANG GAWIN NG SINUMANG KUMAKALABAN SA IGLESIA NI CRISTO KASAMA NA KAYONG MGA CFD AY HINDI NINYO MAPIPIGIL ANG PARAMI NG PARAMI NA MGA DATING KATOLIKO NA NGAYON AY MGA UMAANIB NA SA IGLESIA NI CRISTO. WALA RING TIGIL ANG MGA CONSTRUCTION PROJECTS NG INC SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO NA KANIYANG NILALAGANAPAN.

    ISA LAMANG PO ITO SA MGA KATOTOHANAN NA NAMAMALAGING MATATAG, MALAKAS, AT PATULOY NA NAGTATAGUMPAY AT AANI PA NG NAPAKARAMING TAGUMPAY ANG IGLESIA NI CRISTO KAHIT SINO PA ANG ILAGAY NG DIYOS NA MAMAHALA DITO AT SA NGAYON AY ANG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.

    Kung mapatunayan naman na totoo ang mga ipinaparatang na yan sa kaninuman pagkatapos ng patas na pagsusuri, Subok na subok na namin ang pagiging mabuting lider ng Pamamahala sa INC, Hindi kukunsintihin yan kundi tiyak na tiyak namin na lalapatan ng kaukulang disiplina at aksiyon, sinuman sila.

    TANONG KO LANG PO NA SANA AY SAGUTIN DIN NINYO:

    SA INYO PO BA AY NILALAPATAN NG TAMANG DISIPLINA O KAPARUSAHAN ANG SINUMANG KAANIB NIYO NA GUMAGAWA NG KATIWALIAN O KASAMAAN?

    ITINITIWALAG PO BA SILA SA INYO?

    Kung gusto po ninyo ng usapan ukol sa katiwalian o kasamaan ng mga kaanib at mga lider ng relihiyon ng INC o ng Iglesia Katolika, CALL PO AKO RIYAN.

    Timbangin po natin kung sino ang punong-puno ng kabulukan sa moral, mga eskandalo, iba’t ibang uri ng kasamaan at katiwalian, mga pagpatay sa kapuwa tao, at kung ano-anong mga imoralidad. Iglesia ni Cristo po ba? o Iglesia Katolika?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama!

      Yon ang dahilan kung bakit HANGGANG NGAYON ay NAMAMAYAGPAG pa rin ang IGLESIA KATOLIKA sa loob na ng 3 siglo!

      Hindi mo ba naisip yan? So kung gagamitin kong pamantayan ng pagka-TUNAY ng Iglesia ang mga pamantayan mo eh lalong LUMALAKAS ang KATOTOHANANG tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang PINAKAMATANDANG PANINIWALA sa lahat mga nag-aangking "Kristiano"

      Biblia nga eh, kahit tuldok o kuwit walang contribution si Felix Manalo. At ni kahit isang INC™ Minister ay naturingang "Bible Scholar"! And till now, YOU RELY HEAVILY on OUR CATHOLIC BIBLE VERSIONS at PROTESTANTS na TINAWAG NIYONG MGA KAMPON ni SATANAS!

      O, semplang na naman kayo sa paliwanag!

      Delete
  3. Isa lamang po ang paglaki at pag-unlad ng isang organisasyong panrelihiyon sa kahayagan ng tunay na Iglesia. Hindi po ito ang kabuuan o kaganapan ng pagiging sa Diyos. Kaya ang sabi ko ay, ISA LAMANG PO ITO SA MGA KATOTOHANAN.

    Ang balita ko ay matatalino ang mga CFD na gaya po ninyo kaya gagamitin ko lang ang mismong salita niyo, “Hindi mo ba naisip yan?”

    Kaya huwag po ninyo agad ipagmamalaki na dahil sa matagal ng umiiral sa mundo ang Iglesia Katolika (hindi lang po 3 siglo kundi halos 2000 libong taon na) o ayon sa inyo ay siyang may pinakamatandang paniniwala sa lahat ng mga nag-aangking Kristiano ay tunay na kayong sa Diyos.

    Una, kung batayan ng pagiging tunay na paniniwala o pananampalatayang panrelihiyon ay ang tagal ng pag-iral, lilitaw na ang Hinduismo na itinuturing na pinakamatandang relihiyon na hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang tunay na paniniwala o pananampalataya sa lahat ng mga relihiyon. Tiyak naman na di ka sasang-ayon dito, di ba? Alam ninyo rin po siguro na iiral din hanggang sa katapusan ng mundo ang mga pansirang damo o mga hindi tunay na pananim ng Diyos. Di ba agree rin po kayo dito?

    Ikalawa, Huwag po ninyong kalilimutan ang turo ng Panginoong Jesucristo na makikilala ang tunay sa Diyos sa aral o doktrina.

    SINO PO KAYA ANG NAHAHAYAG NA SUMESEMPLANG NA NAMAN SA PARAAN NG PAGSAGOT?

    Kaya konting ingat naman po sana sa pag-unawa sa mga sinabi ko para huwag po kayong malagay sa ganyang “unstable” na sitwasyon.

    At saka hindi po yata ninyo sinagot ang mga tanong ko. Wala naman pong mahirap unawain sa mga tanong ko, di ba? Napakasimple lang naman po at madaling unawain ang mga itinanong ko. Pasensiya na po at uulitin ko lang baka dahil sa baka na-overlook ninyo lang at di ninyo sinasadya na umiiwas lang na sagutin ang mga ito.

    SA INYO PO BA AY NILALAPATAN NG TAMANG DISIPLINA O KAPARUSAHAN ANG SINUMANG KAANIB NIYO NA GUMAGAWA NG KATIWALIAN O KASAMAAN?

    ITINITIWALAG PO BA SILA SA INYO?

    ANG GUSTO PO BA NINYO NA PAG-USAPAN NATIN AY ANG UKOL SA MGA KATIWALIAN O KASAMAAN NG MGA KAANIB AT MGA LIDER NG RELIHIYON NG INC O NG IGLESIA KATOLIKA?

    Pagpaumanhinan na lamang po ninyo ako kung tinatamaan na agad kayo ng mga pa-jab jab na pinakakawalan ko. Let us practice good sportsmanship kung baga sa boksingero. OK po ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huwag na po kayong magpaka-ipokrito rito Alfer. Yung SANTO PAPA nga namin na di man lang kayo pinakikialaman eh GINUGULO niyo siya at SINISIRAAN at PINAPARATANGANG siya ang "666" o "Anti-Cristo", mas nakakahigit pa kaya kaming mga CFD sa kanila?

      Kaysa maayos ang pagsagot namin o hinde, basta INC™ ni Manalo, sigurado hindi totoo ang pagbabait-baitan ng mga yan. Sa kaloob-looban niila ay LAHAT KAMING KATOLIKO ay mga ISINUMPA at MAPUPUNTA sa IMPIYERNO. Kaya't yan ang dahilan kung bakit kayo galit sa amin.

      PASUGO Agosto 1962, p. 9:
      “Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”


      O ayan, kaya huwag ka nang magbabait-baitan sa comments mo!

      At kaya kami gumagamit ng INYONG PAMANTAYAN upang mai-level namin ang kaya ng inyong pang-unawa sa inyong sariling pamantayan.

      Pangalawa, ang PAGLAGO ng IGLESIA ay para sa inyo ay "KINASIHAN" ng DIYOS.

      Eh kung ganon pala ang pamantayan eh LALABAS na MAS KINASIHAN pa ng DIYOS ang IGLESIA KATOLIKA sapagkat TUMATAWID na po kami sa IKATLONG SIGLO at mahigit 1.2 BILYON na po ang amin mga taga-anib.

      Hindi ba't panukat niyo rin ang ginamit namin?

      Pangatlo, ang sagot sa SIMPLENG TANONG mo eh ganito?

      A INYO PO BA AY NILALAPATAN NG TAMANG DISIPLINA O KAPARUSAHAN ANG SINUMANG KAANIB NIYO NA GUMAGAWA NG KATIWALIAN O KASAMAAN?

      ITINITIWALAG PO BA SILA SA INYO?

      BALIKAN natin si CRISTO!

      SINO sa mga NAGKASALA ang ITINIWALAG ni CRISTO? Sige, umpisahan mong magpangalan!

      Kung si CRISTO ay HINDI nagtiwalag sa mga publikano at makasalanan, IGLESIA NIYA ITONG IGLESIA KATOLIKA kaya't wala kaming karapatan sapagkat MISMONG NAGTATAG ang HINDI nagtuwalag sa kanila.

      Kundi sila'y MINAHAL at sabi niya sila ang dahlan ng kanyang pagparito upang sila'y maliligtas!

      Mat. 2:17 "hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan. "

      Pero heto ang mga dapat na ITINITIWALAG sa tunay na IGLESIANG KAY CRISTO!

      1. Pagtatakwil sa Diyos
      2. Pagtatakwil kay Cristo bilang Diyos at Tao
      3. Pagtatakwil sa Espiritu Santo
      4. Pagtatakwil sa mga Doktrina ng Iglesia
      etc...

      Heto basahin mo ang LATAE SENTENIAE para maliwanagan ka!

      At ang malaking pagkakaiba ng mga TIWALING mga KATOLIKO at INC™?

      Sa amin TIWALAG ang mga TIWALING mga PARI.

      Sa INC™ SUGO ang inakusahang RAPIST, at naging DIAKONESA pa ang "sinungaling" na NANIRANG PURI (raw) sa "sugo"

      At hindi lang yan, NASA LOOB NG CENTRAL until now ang mga TAHASANG mga CORRUPTION na pinamamahalahan ng SANGUNIAN...

      Kita mo ang pagkakaiba?

      Delete
    2. Pinaalalahanan ko na po kayo na maging maingat sa inyong pananalita dahil sa yon naman ang talaga ang tama at nararapat na gawin ng isang katulad ninyo na nagpapakilalang defender ng Iglesia Katolika. Ayaw po ba ninyong sundin ang turo ng para sa inyo ay siya ang unang Papa ng Iglesia Katolika—Si Apostol Pedro.

      Na ayon sa kanya ay dapat po na maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag, panatilihin ang malinis na budhi, at magandang asal. Kung ayaw po ninyong makinig sa turo niya ay nasa sa inyo na po iyon. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan kung ano ang ating gagawin. Pero dahil sa ang Diyos ay pag-ibig kaya tinuturuan Niya tayo kung ano ang mabuti, matuwid, at tama na dapat nating gawin. Ginagamit Niya ang turo ni Apostol Pedro para sabihin sa inyo iyon. Nasa tao na po ang pagpapasiya kung susunod siya o hindi. Ano po kaya ang pipiliin ninyo? Aabangan na lang po namin.

      Salamat po sa sagot ninyo na may pagtitiwalag po kayo. Binasa ko rin po ang inirekomenda ninyong basahin ko. Kaya lang ang hindi ko pa rin po maintindihan ay bakit marami pa rin akong nakikitang katoliko, (bagaman hindi naman po lahat dahil marami rin akong kakilala na mababait at may mataas na moralidad na mga Katoliko), na namamalagi sa mga masasamang gawain. Siguro naman po ay di kayo nagkukulang ng pagtuturo sa kanila at binigyan na sila ng maraming pagkakataon na magbago pero di pa rin nagbabagong buhay ngunit di sila itinitiwalag. Paano po ninyo ito ire-reconcile sa sinabi ni Apostol Pablo na “itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo”?

      Sorry po! Mali ang paggamit ninyo sa isa sa mga katotohanan na sinabi ko para makilala ang tunay na sa Diyos. Isipin na lang po ninyong mabuti kung bakit mali ang pagkagamit ninyo o mali ang interpretasyon ninyo sa sinabi ko. Kung di ninyo talaga maunawaan ang inyong pagkakamali ay ipaliliwanag ko pero di ko po lalabagin ang turo ni Apostol Pedro.

      Sa tanong po ninyo na pangalanan ko ang itiniwalag ng Panginoong Jesuscristo ay parang wala po kayong alam na itiniwalag si Cristo. Wala po ba? o mayroon? Pakisagot nga po muna ninyo ito. Mayroon o wala?

      Ilang beses ko na rin po na nabasa ang mga ikinalat ng sinuman sa inyo ukol sa akusasyon na “RAPIST” si ka Felix Manalo. Ngunit noon at hanggang ngayon ay di napatunayan at kailanman ay di mapatutunayan. Ewan ko lang po kung mayroon sa sinuman sa inyo ang may kakayahan na patunayan sa isang neutral ground ang ukol sa napakasamang paratang na yan. Mayroon po ba o wala?

      Pakisagot din po sana ito.

      Delete
    3. Alfer, una, paalalahanan mo muna ang mga namumuno sa INC™ upang itigil na nila ang pang-aalipusta at paninira nila sa Iglesia Katolika na sa pasimula pa ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo.

      Pangalawa, pakisabi sa mga Ministro ninyo na pwede naman nilang ipalaganap ang mga doktrina ng INC™ ni Manalo ng HINDI NA MANIRA pa ng iba. Kung baga sa English eh, you don't need to demonize the Catholic Church to prove your teachings.

      Kasi kami sa Iglesia Katolika, kahit baliktarin mo pa ang Catechism of the Catholic Church pero wala kaming inaapakang paniniwala ng iba. Purely Catechism ang inilalahad namin doon ayon sa Biblia at ng Magisterium. Iyan ang dahilan kung bakit maraming nagbabasa ng aming opisyal na Katekismo na nasusulat ngayon sa lahat ng wika at AVAILABLE ito sa mga leading bookstore worldwide.

      Pwede niyo bang gawin ito? Ang ilathala sa publiko ang PASUGO God's Message official magazine niyo para naman mabasa ng marami? Bakit mga Ministro lamang at mga kaanib ng INC™ ni Manalo lamang ang nagbabasa nito at pilit pang pinababayaran.

      O kaya''y yung PANDOKTRINA niyo na isinulat ni Eraño de Guzman Manalo, na anak ng inyong TAGAPAGTATAG. Gusto niyong gawing INC™ lahat ng mga Katoliko para maligtas sa "dagat-dagatang" apoy pero hindi naman available sa leading bookstore ang inyong mga official magazines and teachings, very ironic di ba?

      Pangatlo, mabuti naman at kahit papaano ay medyo sumasang-ayon ka na si Apostol Pedro ay ang Unang Papa ng tunay na Iglesia.

      Kasi, kund hindi si Pedro, sino ang unang papa? Madali lang naman TUNTUNIN kung TOTOO ba ang claims ng Catholic Church o hinde...

      Heto ang LIST OF POPES ng CAtholic Church at kung DI KA SANG-AYON eh pwede mong sulatan ang Wikipedia for your objection but make sure to present strong evidence of your objection, otherwise what WE HOLD TRUE will remain TRUE untill you can prove us wrong!

      Kung si San Pedro pala ang unang Papa, nangangahulugan na tanggap niyo rin na KAHALILI niya si POPE FRANCIS sa kasalukuyang panahon. At ang paghirang sa kanya bilang Santo Papa ay hindi po ito dahil gusto lamang ni Archbishop George Bergoglio na maging Papa. Siya po ay ibinoto, tinanggap ang office of the Petrine Ministry, at inihirang at inihayag bilang si PAPA FRANCISCO o kung ano pa mang translations ng kanyang pangalan sa iba't ibang wika.

      Si Felix Manalo naman ay nanatili niyang bitbit ang KATOLIKONG PANGALAN niya noong SIYA'Y BINYAGAN sa Iglesia Katolika. Hindi ito napalitan maliban sa KANYANG PAGPUMILIT na PALITAN ang Ysagun sa Manalo.

      At mananatiling Felix ang pangalan niya kahit na ipangaral niyo pa siya sa ibang wika at ibang bansa. Bakit? Sapagkat walang universal mandate si Felix manalo na ipakilala bilang "huling sugo" unlike kay Apostol Pedro, na Peter sa English et Pietro sa Italian etc. Si Pope Francis eh Francisco, Francois sa French, etc pero iisa ang pinatutungkulan... sapagkat may univesal recognition sa office of the Papacy na kinikilala ng buong mundo dahil sa kasaysayan nito na KASINGLUMA pa ng mga bansang umiiral ngayon.

      Pang-apat eh, ang PAGTITIWALAG ni Cristo ay HINDI KATULAD ng PAGTITIWALAG ninyo sa INC™ ni Manalo.

      Mag-share lang ng FB page o mag-LIKE o mag-comment na PABOR kay Antonio Ebangelista eh TIWALAG na.

      Nakita niyo ang pagtitiwalag sa mga kaanib niyo sa US dahil sa pag-sangyon nila sa kritisismo ukol sa IBINENTANG INC™ sa US?

      Delete
    4. Eh yung kumalaban sa Administrasyon eh TIWALAG na agad.

      Yung nangangalunya, pakikiapid, mga kasalanang sekswal eh TIWALAG na agad.

      Si Cristo hindi!

      Binibigyan niya sila ng pagkakataon na MASUMPUNGAN ang AWA at HABAG ng Diyos. Binibigyan niya sila ng isa pang pagkakataon na mamuhay ng may dalisay at kabanalan.

      At kung magbago man sila ay may kaligtasan, kung hindi, Diyos na ang bahala sa kanila pero HINDING HINDI sila ITITIWALAG sapagkat ang DIYOS ay DIYOS ng AWA, HABAG at PAGMAMAHAL.

      Ganon po sa amin.

      Tsaka ang CRISTO po namin ay DIYOS na TUNAY at TAONG totoo.

      Ang Cristo ninyo ay TAO LAMANG, isang SINUNGALING at MANDARAYA na MANLILINLANG pah.

      Pero alam naman natin na HINDING HINDI sinungaling si Cristo at lalong hindi siya mandaraya at manlilinlang. Si Satanas ang mandaraya at manlilinlang... na siyang ginawa ni Felix Manalo sa PAGTATAKWIL sa PAGKADIYOS ni Cristo upang LINLANGIN at DAYAIN ang mga tao... kaya''t natupad kay Felix Manalo ang mga hula ng Biblia... hindi bilang "huling sugo" kundi ang darating na anti-Cristo (2 John 1:7)

      Delete
  4. Nagpost po si AE ng isa sa mga lektura ng aming Pamamahala. Basahin po ninyo ng paulit-ulit upang maunawaan din ninyo kung ano at paano ang tamang estilo ng pangangasiwa na ipinatutupad sa amin sa INC. Sana po ay matulungan din kayo ng lekturang ito ng aming Pamamahala para sa ikabubuti rin ninyo.

    Kaya huwag po sana kayong magagalit na tahasan kong sabihin na MALING-MALI na naman po ang alam ninyo tungkol sa pamunuan ng INC. Kailanman ay hindi sila nagturo sa amin na manira sa aming kapuwa bagkus ay sinasaway nila ang sinuman na gagawa nito. Baka po naipagkakamali ninyo na isa lamang na paninira ang pagpuna namin sa inyong mga paniniwala. Ang alam ko po na itinuturo at ipinatutupad ng Pamamahala sa INC ay ilantad ang mga maling aral at ituro ang katotohanan o mga salita ng Diyos para huwag mapahamak o maligtas ang tao sa araw ng paghuhukom. Maging ang Panginoong Jesucristo po ay pumupuna rin o sabihin pa natin na tumutuligsa sa mga masamang gawa at mga maling pagtuturo ng iba’t ibang pangkatin panrelihiyon sa kanyang kapanahunan gaya ng mga Pariseo at Saduceo.

    NANINIRA LAMANG PO BA SI CRISTO SA KANYANG GINAWANG PAGTULIGSA SA KANILANG MGA KASAMAAN, MGA MALING GAWAIN, AT MGA MALING ITINUTURO SA MGA TAO. Di ba ito ang isa sa mga dahilan kaya po nagalit sa kanya ang karamihan sa mga Hudyo at pinagsikapan nila na ipapatay ang Panginoong Jesucristo dahil sa di nila naunawa ang katotohanan na kanyang sinasabi at nasasaktan sila sa katotohanan ng mga sinabi ni Cristo sa kanila.

    MAY NABASA PA NGA AKO NA PINAGSABIHAN SILA NG PANGINOONG JESUCRISTO NA ANG AMA NILA AY ANG DIABLO! Yon po ang totoo ngunit hindi lang nila maunawa at lalong di nila matanggap dahil sa kapag nagtrace sila ng kanilang pinagmulan ay galing sila kay Abraham kaya ang mali nilang akala ay sa Diyos pa rin sila pero ang totoo ay sa Diablo na sila dahil sa kung ano ang gusto ng Diablo yon na ang kanilang ginagawa –MAGSINUNGALING.

    Binasa ko sa dictionary ang kahulugan ng “LIE”.

    1. a false statement made with deliberate intent to deceive; an intentional untruth; a falsehood.
    2. something intended or serving to convey a false impression:.
    3. an inaccurate or false statement.

    Kauri rin yan ng tinatawag na “MISREPRESENTATION”

    1. to represent incorrectly, improperly, or falsely.
    2. to represent in an unsatisfactory manner.

    MISREPRESENT usually involves a deliberate intention to deceive, either for profit or advantage:

    HINDI PA RIN PO BA NINYO NAHAHALATA NA KAURI NA RIN KAYO NG MGA HUDYO NA PINAGSASABIHAN NI CRISTO NA SA DIABLO DAHIL SA GINAGAWA NINYONG MISREPRESENTATION AT PAGSISINUNGALING SA MGA TAO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi mo ba nahahalata na KAURI NIYO NA ANG MGA PUMATAY KAY CRISTO sa PAGTATANGGI sa kanyang PAGKA DIYOS?

      At ang sabi ni Apostol San Juan eh, MARAMI raw ang dumating na mga NANGANGARAL na SI CRISTO ay HINDI naparito sa laman (BILANG DIYOS)... SILA raw ay mga MANDARAYA at mga ANTI-CRISTO.

      Ang tinutukoy mo diyan sa comment mo ay si FELIX MANALO. Nangaral siya ng isang MALKING PANLILINLANG na sabing si CRISTO AY TAO LAMANG noon, ngayon at sa mga darating na panahon!

      At dahil sa kasinungalingan at pandaraya ni FElix Manalo, SA KANYA AKMA lahat ng sinabi mo.

      At dahil doon ay naging AMPON siya ng KASINUNGALINGAN!

      Eh yung mga pinapalabas niyo sa TV na sinasabi niyong "DATING PARING KATOLIKO" eh sa totoo lang eh hindi naman siya Katoliko? (BASAHIN MO RITO!)

      At pinalabas niyo pa sa inyong OFFICIAL TV PROGRAM, ang PANDARAYA pala sa inyo ay OPISYAL NA NINYONG GINAGAWA?

      Eh yung SINABI ng yumaong Eraño Manalo na MGA SINUNGALING at MANDARAYA" raw ang mga MINISTRO niyo! (PANOORIN o PAKINGGAN DITO)!

      WALA raw MATINO! Lahat ay MANLULUPIG!

      O ano yon, MISMONG anak ni Felix ang NAGPATOTOO na MARAMING MANDARAYA sa inyong mga MINISTRO!

      YAN ANG MALINAW NA PANDARAYA AT PANLILINLANG!!!!
      So MGA MINISTRO niyo ang PAGSIBIHAN niyo! Iyan din ang PINAGLALABAN ni AE, ang labanan ang COVER UP o pandaraya at panlilinlang at PANINIKIL ng mga MInistro niyo sa Central sa pamamagitan ng Sangunian at ni Ka Jun Santos.

      It's time to clean up yoru closet.. at kung AYAW NIYONG PAKIALAMAN KAYO, dapat sana NOON PA MAN AY NILUBAYAN NIYO NA KAMI..

      Eh nauna kayong MAMBASTOS sa aming mga KATOLIKO kaya NAGKAROON ng CATHOLIC FAITH DEFENDERS...

      Ngayon, REAP WHAT YOU SOW...

      And we will never allow anti-Christ groups to take over the CHURCH OF CHRIST which CHRIST FOUNDED in the first century, NOT IN 1914!

      Delete
    2. Napanood ko rin po iyon sinasabi ninyo na paring katoliko na umanib sa INC. Wala pong sinabi roon na pari siya ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. Ang napanood ko sa aming TV Program ay pari siya ng Apostolic Catholic Church. Ipinakita pa nga ang mga dokumento na nagpapatunay na doon siya dati kaanib o naging pari. Ang alam ko po na paring Katoliko na nagmula sa Iglesia Katolika Apostolika Romana ay si kapatid na Beda Aboloc. Di ko lang matandaan ang buong pangalan niya. Nabasa ko yon sa mga issue noon ng PASUGO ng INC. May anak na siyang Ministro din ngayon sa INC.

      MAYROON DIN PO NAPANOOD AKO NA MGA DATING MADRE MULA SA SIMBAHAN NINYO ANG UMANIB SA INC.

      Pero ang pag-anib po ng sinuman sa alinmang relihiyon kahit pa sa amin o sa INC ay di batayan na ang inaniban niya ay tunay ng relihiyon. Ang pinaniniwalaan ko po na tunay na sa Diyos ay kung sino ang tunay na nagtuturo ng aral ng Diyos at buong katapatan at pagsisikap na sumusunod sa mga ito.

      Delete
    3. Yon pong sinasabi ninyo na pinupuna ng kapatid na Eraño Manalo na mga pandaraya sa pag-uulat at mga maling pagpapatupad ng mga tuntunin sa INC ng mga ministro ay napanood ko na rin po ang sagot doon noong gamitin yon ng kampo ni Eliseo Soriano.

      Noong malaman po namin yon na mga kaanib sa INC ay lalo po kaming humanga at sumampalataya sa pagiging matuwid at magiting na lider ng pamamahala sa INC. Walang kinukunsinti na katiwalian at hindi papayag na maghari ang katiwalian sa INC.

      Sana po ay narinig din ninyo ang kabuuan lalo na ang mga huling pananalita ng kapatid na Eraño Manalo sa lektura niyang yon noon at kayo man ay hahanga sa kanyang katapatan at paninindigan sa panig ng Diyos. Tunay na ang Diyos ang naglagay sa kaniya na maging lider sa bayan niya noong wala na ang kapatid na Felix Manalo. Hindi niya pinababayaan kahit namatay na ang sugong lider na nanguna sa INC

      Nabasa na po ba ninyo iyong lektura na ipinost nila AE tungkol sa leadership style ng INC.

      Lalo akong sumampalataya na nasa tunay akong INC sa mga nabasa ko na pagtuturo ng Pamamahala na ipinost ni AE sa blog niya.

      Delete
    4. Paano matutupad sa inyo ang sinasabi sa Biblia na ang iglesia ay dapat iharap sa Diyos na banal, malinis, at walang kapintasan kung di ninyo itinitiwalag ang namamalagi pa rin sa mga kasamaan at nagpapatuloy sa masasama at kahiya-hiyang mga gawain?

      Delete
  5. Binanggit po ninyo yong itiniwalag dahil sa nag-repost ng akusasyon ni Antonio Ebanghelista. May pagka- malilimutin na po yata kayo. Kayo pa nga po ang nagbigay sa akin ng link tungkol sa sinasabi ninyong LATAE SENTENIAE

    Ipaaalala ko lang ang isang bahagi nito na ganito ang sinasabi:

    Excommunications[edit]

    Unless the excusing circumstances outlined in canons 1321-1330[5] exist, the Code of Canon Law imposes latae sententiae excommunication on the following:
    • an apostate from the faith, a heretic, or a schismatic;…

    Kailangan pa po ba na i-clarify ko sa inyo ang isyung yan o naliliwanagan na rin po kayo.

    Request lang po, Puwede po ba na huwag tayong magpaiba-iba ng issue na pinag-uusapan para po maging magaan ang pag-unawa at pagtimbang ng lahat sa ating tinatalakay na issue.

    Mayroon pong mga napakahalagang bagay na dapat kayong sagutin ngunit di ko alam kung sinasadya ninyong huwag sagutin o nao-overlook ninyo lang sa pagsagot. Gaya po nito:

    Tinatanong ko lang po kayo kung wala kayong alam na itiniwalag si Cristo ngunit di po ninyo sinagot. Wala po ba kayong alam o mayroon kayong alam?

    Di po kami tutol na ang mga nagkakasala ay bigyan ng pagkakataon na magbagong-buhay. Ipinatutupad po yan sa INC. Mababasa po ninyo yan sa lektura na ipinost ni AE. Kahit po si AE at ang iba pa na gumawa ng kasamaan ay binibigyan ng pagkakataon na magbago at makapagbalik-loob sa Panginoong Diyos. Ganyan po ang nasasaksihan ko at napatutunayan na pagtrato sa mga nagkakasala.

    Pero kung ayaw magbago sa kabila ng mga pagtuturo, pagsaway, babala, at iba pang pagkakataon upang huwag siya mapahamak, Buong giting po na tinutupad sa INC ang bilin ng mga Apostol. “itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo.”

    Kayo, ano po ang paliwanag ninyo sa sinabi ni Apostol Pablo na, “itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo”?

    Ipinagmamalaki pa nga ninyo ang sinabi ni Athanasius na,

    "Even if Catholics faithful to tradition are reduced to a handful, they are the ones who are the True Church of Jesus Christ."

    So di po kayo natatakot na ma-REDUCED ang bilang ninyo sa “handful” na lang kung sila na lang ang nanatiling tapat sa inyong Catholic traditions. Pero di po ganyan ang nagiging paninindigan ng simbahan ninyo ngayon. PAG-ISIPAN DIN PO NINYO ANG UKOL DITO.

    Binanggit ninyo rin po ang ukol sa ipino-promote ninyo na diumano ay “RAPIST” si Ka Felix Manalo. Gusto ko lang pong malaman kung mayroon sinuman sa inyo ang may kakayahan na patunayan sa isang neutral ground ang ukol sa napakasamang paratang na yan. Mayroon po ba o wala?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa ako ulyanin!

      Gusto mo kasing ipagtanggol na si Cristo ay nagtiwalag din pero ang sabi ko hindi siya nagtiwalag TULAD NG PAGTITIWALAG NIYO SA MGA KAANIB NIYO.

      Isang LIKE lang sa FB eh TIWALAG NA..

      Kaya binigay ko sa iyo ang link ng LATAE SENTENTIAE para malaman mo kung paano at sino ang maaaring itiwalag sa Iglesia Katolika... hindi ung mag like lang ng FB eh TIWALAG NA..

      Sa amin may standard na sinusunod kung sino ang natitiwalag at HINDI sya desisyon ng isang Ka Jun lamang kundi mismong ang buong Santa Iglesia sa buong mundo ay sumusunod sa prosesong ito!

      Malinaw na ba?!

      Delete
    2. Salamat naman po at may pag-amin na rin kayo na may pagtitiwalag na ginawa ang Panginoong Jesucristo. Ngunit bakit kaya napakarami ko pong nakikita na mga kaanib ninyo na dapat ng itiwalag ng ayon mismo sa sinasabi ninyo na guidelines ng mga dapat na itiwalag, pero bakit po di itinitiwalag?

      Paano ninyo ire-reconcile sa nangyayari ngayon sa inyo maraming miyembro ang utos ng mga Apostol na, ITIWALAG ANG MASAMANG KASAMAHAN NINYO?

      Delete
  6. Mga tanong for clarification lang po ang mga ito? Sabi nga ay “give them the benefit of the doubt.” Ano na po ba ang nangyari sa inyo? Nagkasakit po ba kayo? Very busy lang po ba kayo for the past days? Nasaan na po ang mga comments ko? O baka naman tama po talaga ang hinala ko na hindi na po ninyo kayang harapin ang katotohanan ng mga sinasabi ko kaya itatago na lang ninyo ang kahiya-hiyang nangyayari sa inyo dahil sa akala ninyo ay nakapulot kayo ng armas laban sa INC at dali-dali ninyong ipinutok pero sa mukha pala ninyo sumasabog.

    Di po ba kayo naniniwala na ang katotohanan (gaano man kasakit o kapait) ang magpapalaya sa inyo? Kaya friendly advice lang po muli:

    HUWAG PO NINYONG TAKASAN ANG KATOTOHANAN BAGKUS AY PANINDIGANAN PO NINYO.

    Be fair to everyone po, PLEASE POST MY COMMENTS!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi porke't gusto mo eh ikaw ang masusunod sa blog ko. Mag oonline ako kapag gusto ko dahil di ko naman career ang magblog. Past time ko lang naman ito, way of evangelizing ika nga...

      Bakit hindi ka doon magtanong kay AE para may clarification? Dahil ba sa baka MATIWALAG ka kung doon ka TATAMBAY?

      HUWAG PO NINYONG TAKASAN ANG KATOTOHANAN BAGKUS AY PANINDIGANAN PO NINYO!

      Provide me link of your comments to IGLESIA NI CRISTO SILENT NO MORE so I see how you may clarify things with Ka AE, and I will follow you there...

      Be fair to everyone! Be fair to Mr. Antonio Ebangelista and his cause for cleaning out the LIES AND DECEIT in the INC™ through Ka Jun Santos!

      Delete
  7. Recognize ko po na blog ninyo ito at kayo ang nagma-manage nito. Salamat po at nag-uukol kayo ng panahon na sagutin ako. Ngunit masama po ba na ang hanapin ko sa inyo ay ang pagiging fair, unbias, just, at honest sa inyong pagiging manager? Magkaiba man tayo na paniniwalang panrelihiyon ngunit pareho lang tayong nagmamahal sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesus at sa kinaaaniban nating relihiyon.

    SO, I’m sharing my VIEWS IN A VERY POLITE WAY THAT I CAN. IS IT NOT FITTING TO EXPECT THE SAME FROM YOU AS AN HONEST AND TRUE DEFENDER OF YOUR BELOVED CATHOLIC CHURCH?

    Sinagot ko na po kayo ukol sa sinasabi ninyo na mag-react ako kay AE. Hindi ako makapag-comment sa mga paratang ni AE dahil wala po akong makitang part na puwede akong mag-comment doon sa blog niya. Yong iba na nagpost ay idinilete na nga niya. Ito po ang katunayan:

    http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/ano-ba-ang-tunay-na-layunin-ni-antonio.html

    Di gaya po sa blog ninyo na hanggang ngayon ay may nakalagay na bahagi ukol sa comments o reply. Ibinigay ko na rin po sa inyo ang link kung saan may mababasa kayong mga sagot sa mga akusasyon ni AE.

    http://theiglesianicristo.blogspot.com/

    Isa pa po. Bakit po ba hanggang ngayon ay hindi pa ninyo ito sinasagot? Hindi naman po kayo ulyanin, di ba?

    MAYROON PO BA NA SINUMAN SA INYO ANG MAY KAKAYAHANG HUMARAP SA INC SA NEUTRAL GROUND UKOL SA NAPAKASAMANG PARATANG NINYO NA "RAPIST" SI KA FELIX MANALO. MAYROON PO BA O WALA?

    ReplyDelete
  8. Ilan araw na po akong naghihintay sa sagot ninyo. Ok lang po kung medyo matagalan kayo dahil sa part time nyo lang naman pala ang pagdedepensa sa simbahan nyo. Wait na lang po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alfer, marami kang hindi alam sa Iglesia Katolika na siyang tunay at orig na Iglesia ni Cristo.

      Una, hindi po career ang pagiging defender. Yung CFD po o Catholic Faith Defender ay isang registered group kaya sila ang nakaatas na opisyal na nagtatanggol ng Inang Simbahan.

      Ang CFD po ay lokal lang dito sa Pilipinas pero marami pong mga international APOLOGISTS ang masusumpungan sa internet at pwang mga magagaling.. and take note, dati po silang mga protestant pastors and ministers ang iba sa kanila.

      Kaya, part time lang po akong nag-oonline pero ang aking blog ay NANGANGARAL 24/7 kahit ako'y tulog. Kaya't masasabi ko na maraming mga taong natututo sa aking munting ministry sa awa at tulong ng Diyos natin-- AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO!

      Delete
  9. Thank you po uli sa inyong reply. Pero bakit po may mga itinanong ako sa inyo na di ninyo sinasagot? Kailangan pa bang ulitin ko ang mga tanong ko na di ninyo sinasagot? Sabi po ninyo ay di kayo ulyanin, di po ba? Kung di naman po ninyo kayang sagutin, di ipagtanong ninyo sa ibang ninyong mga kasamahan na mga CFD rin o sa sinasabi ninyong mga International Apologist ng simbahan ninyo.

    ReplyDelete
  10. Yun lang. Libangan lang pala to ng CFD. Hindi pala seryosohan topic dito.
    Pero bakit ganun? Andami nyang post nung unang putok ng krisis sa Iglesia?
    Tapos ngayon nawawala na sya dahil may paratang sya na kailangan nyang i-validate?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa kay Antonio Ebangelista at naisiwalat lahat ng kabulukan sa loob ng INC™. Media po ang naglilibang sa inyo ngayon.

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.