Pages

Wednesday, May 6, 2015

Sa Iglesia Ni Cristo®, "linggu-linggo ay may mga pagsamba na may handugan, may Tanging Handugan, May Lagak, may Lingap..."

"Talaga namang hindi bankarote ang Iglesia dahil linggu-linggo ay may mga pagsamba na may handugan, may Tanging Handugan, May Lagak, may Lingap, samakatuwid ay mayroong regular na pumapasok na pera sa kaban ng Iglesia tuwing Miyerkules/Huwebes at Sabado/Linggo na pagsamba." -Antonio Ebangelista (hindi niya tunay na pangalan), Ministro ng Iglesia Ni Cristo® sa kanyang blog na Iglesia Ni Cristo Silent No More


Ibig bang sabihin eh nagsinungaling si ReadMeINC sa kanyang pahayag noong 2012 na ang abuluyan daw sa loob ng INC™ ay pawang lahat ay napupunta sa "kawang-gawa"?

http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2012/12/saan-napupunta-ang-abuloy-ng-mga.html#.VUndMfmqqko

Ayon pa kay ReadMeINC:

Hindi po totoo ang akusasyon ng mga asar na asar sa INC na SAPILITAN DAW ang aming handog o kaya namay meron daw kaming IKAPU, ito po ay isang malaking kasinungalingan galing sa Diablo. Ang aming handog ay bukal sa aming puso, iyon ang doktinang natanggap namin sa pagdodoktrina palang ng INC.

Ang abuluyan sa INC ay tuwing pagsamba, Huwebes at Linggo.Ito ay para sa gastusin sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Meron din kaming tinatawag na "Tanging Handugan" ito ay optional, pang lokal o pang distrito. Ang panglokal ay para sa gastusin sa lokal tulad ng electric bills, water bills at iba pa. Ang pang distrito naman ay para halimbawa kung may isang lokal sa isang distrito na kelangan irenovate o irepaint dito iyon kinukuha.

At ang handog sa Pasasalamat tuwing December, ito ay aming pinaghahandaan ng isang taon sa pamamagitan ng paglalagak tuwing Linggo. Itong LAGAK na ito ay ang pakunti kunting hulog o ipon at pagsumapit na ang Disyembre kung magkano ang naipon mo iyon ang HANDOG SA PASALAMAT.
Pangonsensiya pa nitong tagong Ministro:
"Kayo na po ang bahalang manimbang kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang dapat paniwalaan."

Ang hirap ngang manimbang. Pareho kayong gumagamit ng di tunay na pangalan. Pareho kayong nag-sisilbi sa Central ng INC™ at pareho kayong may katungkulang itinuturing na previledged.

Pero ang pagkakaiba lang eh si ReadMeINC ay takot at ayaw isiwalat ang katotohanan tungkol sa katiwalian ng pananalapi sa pangunguna ng kanilang General Auditor.

Ayon sa kanyang blog, si ReadMeINC daw ay Kadiwa Finance Officer, posibleng kasabwat ito ng mga tiwaling Ministro. 

5 comments:

  1. Bakit po kayo nagsinungaling at nandaraya na naman sa mga nagbabasa sa blog ninyo na sinabi raw ni readme na lahat ng abuloy sa INC ay napupunta sa kawanggawa? Binasa ko po ang article niya ukol dito at wala namang ganoon na sinabi niya. Wala po ba kayong takot sa Diyos?

    Siguro naman po ay may natitira pang buti sa puso ninyo upang huwag na ninyong gawin ang mga panloloko sa inyong kapuwa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, ako nga rin ay nagulat kung paano nawala wa kanyang article ang mga pahayag niyang iyon. Well, alam na... in-EDIT niya kaya nawala.

      Sino ang niloloko ngayon ni ReadMeINC? Ako ba? Niloloko niya ang mga mambabasa niya, niloloko niya ang sarili niya at niloloko niya ang INC™ ni Manalo at kung anong klaseng diyos ang meron siya.

      Hindi ko nga lang kasi na-screen shot noon kaya ngayon, I've learned my lesson. Nag-i screen shot na ako ngayon para wala na siyang kawala.

      But one thing for sure, yung mga nakabasa nitong article niya WHEN IT WAS FIRST PUBLISHED knew that ReadMeINC said it...

      And for that, I have no obligation to prove myself, basta alam ng konsensiya niya iyon na niloloko na lang niya ang sarili niya at ang mga sumusubaybay sa kanyang blog.

      Delete
    2. OK po! Ka Readme, kayo, at lalo na ang Diyos ang nakaaalam kung sinabi talaga ni Ka readme na "ANG LAHAT NG ABULOY SA INC AY NAPUPUNTA SA KAWANGGAWA."

      Pero ang sa akin po ay ayon lang sa abot ng aking pananaw sa pagpapasiya o malayang pagsusuri sa aking mga nababasa o nalalaman. Isa si ka readme sa mga finance officer sa kanilang lokal. Detalyado ang paliwanag niya kung saan napupunta ang mga abuloy sa Iglesia. Kaya sa tingin ko po NEXT TO IMPOSSIBLE na sabihin niya na "LAHAT NG ABULOY SA INC AY NAPUPUNTA SA KAWANGGAWA."

      Delete
    3. Imposible nga rin na magnanakaw di umano ang Ka Jun Santos, ayon sa bintang ni Antonio Ebangelista, pero may katibayan eh... matibay na katibayan! Si ReadMeINC, di kaya siya'y ingat na ingat sa usapin tungkol kay Ka Jun at kay Ka Antonio?

      Delete
    4. Ilang ulit ko po bang sasabihin sa inyo na maging maingat kayo sa pagbitaw ng salita upang huwag kayong maging kahiya-hiya. Gusto po ba ninyo na kayo ang malagay sa "hot seat"?

      KAYA PO BA NINYO NA PATUNAYAN O TINDIGAN NA ANG MGA "MATIBAY NA KATIBAYAN" NA SINASABI NINYO NA VALIDO O ACCEPTABLE NA EBIDENSIYA PARA MASABI NINYO NA MAGNANAKAW SI KA JUN SANTOS?

      TIYAK NA TIYAK NAMAN NA HINDI PO NINYO KAYA YON. KAYA, HUWAG MAGING PAKIALAMERO SA MGA BAGAY NA KUNG MAY NALALAMAN MAN KAYO AY NAPAKAKAUNTI LANG.

      Ang sabi nga ng iba, "LITTLE KNOWLEDGE IS A DANGEROUS THING!"

      Please don't mislead people into thinking that you are more expert than you really are.

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.