Pages

Wednesday, May 6, 2015

Maluhong pamumuhay diumano ng mga matataas na Ministro ng Iglesia Ni Cristo® ayon sa isang Ministro

Ano kaya ang masasabi ni ReadMeINC dito sa isiniwalat na katiwalian sa pananalapi sa loob ng Central ng Iglesia Ni Cristo®? Baka naman imbes na sagutin niya ito ay sasabihin niyang "eh kayo rin naman sa Vatican eh, may katiwalian sa loob ng pamamahala ng Vatican City State." Totoo nga naman ito, pero may ACTION na ginawa ang Vatican City State. Bumuo ito ng komisyon upang magsiyasat at nag-hire sila ng independent investigator at nahuli naman nila ang salarin at gumawa ng hakbang ang Vatican City State in response to the demands by the European Union.

Ganito rin kaya ang nangyayari sa INC™? Kilala na ang salarin at tukoy na tukoy na pero wala yatang balak siyasatin ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo® itong si Ka Jun Santos at masampahan ng kaso kung mapatunayang nagmalabis nga naman ito.

"Hindi natin alam na lahat ng maaaring gawin ng garment factory ay sapilitang ipabibili sa Iglesia, gaya halimbawa ng mga Amerikana ng mga Ministro ay sapilitan ng kailangang magpatahi (kahit meron pa kayong bagong Amerikana) uli gaya ng sinimulan ng gawin sa mga Distrito ng Buacan [sic] at iba pa. Hindi natin alam na ang mga handugan ay hindi na idinedeposito sa bangko ay iba ay dinederecho na sa hotel room ng Ka Jun kung saan sila nanunuluyan. Hindi natin alam na hindi lahat ng mga handugan sa Iglesia ay pinadadaan sa mga official forms at receipts ng Iglesia, gaya ng gagawin sa Coffee Table Book na ang bilin ay gagamitin ang “official” P-13 forms, SUBALIT hindi ito isusulat sa P-1 na Opisyal na Resibo ng Handog sa Pagsamba, at HINDI rin isasama sa SOBRE ng ENTREGO ng Handog, kundi may bukod na SOBRE at “provisional receipt” na maiiwan sa Lokal at Distrito bilang kopya kung sinu-sino pa lang ang nakakapagbayad linggu-linggo (hulugan kasi hanggang sa mabuo ang Php 3,000). Hindi natin alam na mayroong mga properties ang Iglesia Ni Cristo na “commercial in nature” at ginawang komersyo. Hindi totoo na may mga suppliers/contractors na hindi nababayarn ng Iglesia at ang iba ay hindi na talaga binayaran ng Iglesia. Hindi rin natin alam na maraming “unexplained wealth” ang mga Ministro ng sanggunian at ang marami dito ay itinatago nila sa pangalan ng kanilang mga anak at ibang mga kamag-anak. Hindi natin alam na maraming mga “mansions” at mga high-end na mga sasakyan ang mga taga Sanggunian na nakatago lang. Grabe sa dami ba naman ng hindi natin alam ano eh hindi maubos ubos ang mga ito. Di bale sa mga susunod po nating mga paglalahad ay ipapakita po natin ang mga HINDI NATIN ALAM NA MGA ITO."

-Mga sarkastikong pahayag pa rin ni G. Antonio Ebangelista (hindi niya tunay na pangalan), Ministro ng Iglesia Ni Cristo® at nagsisiwalat sa katiwalian ng mga matataas na Ministro sa Central ng INC™ sa pangunguna ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr.), ang General Auditor ng nasabing INC™ ni Manalo.

Naniniwala kaya rito si ReadMeINC?

Hindi po totoo ang akusasyon ng mga asar na asar sa INC na SAPILITAN DAW ang aming handog o kaya namay meron daw kaming IKAPU, ito po ay isang malaking kasinungalingan galing sa Diablo. Ang aming handog ay bukal sa aming puso, iyon ang doktinang natanggap namin sa pagdodoktrina palang ng INC.

Ang abuluyan sa INC ay tuwing pagsamba, Huwebes at Linggo.Ito ay para sa gastusin sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Meron din kaming tinatawag na "Tanging Handugan" ito ay optional, pang lokal o pang distrito. Ang panglokal ay para sa gastusin sa lokal tulad ng electric bills, water bills at iba pa. Ang pang distrito naman ay para halimbawa kung may isang lokal sa isang distrito na kelangan irenovate o irepaint dito iyon kinukuha.

At ang handog sa Pasasalamat tuwing December, ito ay aming pinaghahandaan ng isang taon sa pamamagitan ng paglalagak tuwing Linggo. Itong LAGAK na ito ay ang pakunti kunting hulog o ipon at pagsumapit na ang Disyembre kung magkano ang naipon mo iyon ang HANDOG SA PASALAMAT. -Pahayag ni ReadMeINC mula sa http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2012/12/saan-napupunta-ang-abuloy-ng-mga.html#.VUndMfmqqko

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.