Pages

Saturday, May 16, 2015

SA IKAPUPURI AT IKARARANGAL NI MANALO!

Ang PAGPAPANGALAN sa mga gusali, establisemento, lugar, o komunidad na PAGMAMAY-ARI ng mga MANALO o ng IGLESIA NI CRISTO® ay PINAG-ARALAN punung-puno ng KAHULUGAN at hindi po NAGKATAON lamang.

Halimbawa, ang kanilang EVangelization Mission, kung babasahin mo lamang eh EVANGELICAL MISSION lang naman siya pero hindi niyo ba pansin ang TATLONG LETRANG sadyang binigyan ng EMPHASIS?

Ang EVM ay abbreviations ng pangalan ni EDUARDO V. MANALO, ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan (Executive Minister) ng Iglesia Ni Cristo®, Inc.

Bakit naman ganyan na lamang ang PAGSINTA ng mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo® sa Ka Eduardo?  Bakit hindi na lamang si Cristo o ang mga Apostoles ang binibigyan ng PAGSINTA? Hindi mangyayari yan sapagkat GALIT SILA sa mga SANTO at SANTA!

Hindi po iba ang Ka EVM or EDUARDO V. MANALO! Siya po ay ANAK ng Ka ERAÑO G. MANALO at si Ka Eraño naman po ay ANAK ng Kapatid na FELIX Y. MANALO na siyang NAGTATAG po ng IGLESIA NI CRISTO® (INC™) sa Pilipinas noong July 27, 1914.

FELIX M. YSAGUN ba o FELIX Y. MANALO?

Ipinanganak at pinangalanang FELIX MANALO YSAGUN ayon sa kanyang si MARIANO YSAGUN at kanyang ina naman ay si BONIFACIA MANALO, parehong Katoliko at namatay na mga BINYAGANG KATOLIKO! Hinding-hindi po sila umanib sa Iglesiang tatag ng kanilang anak. (Wikipedia)

Bakit naging MANALO apelyido niya samantalang YSAGUN naman ang apelyido ng kanyang ama?

Ayon sa paliwanag ng pinaka-kilalang INC™ BLOGGER na si ReadMeINC, tanging dahilan daw ay ang kanyang PAGSINTA sa kaniyang namayapang ina.
"His great reverence for his mother made him drop his family name “Ysagun” for “Manalo” after her death and burial. " source: National Historical Commission of the Philippines (http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2011/11/felix-manalo-or-felix-ysagun.html#.VVafv_mqqko)
Ngunit HINDI po rito SANG-AYON ang isang commentator na kaanib ng INC™.

Sabi po ng isang nagpakilalang Gesmundo del Mundo:
"Brother, I'm sorry but you are mistaken in saying that when the second husband of brother Felix's mother died that "her mother then is responsible to feed 2 (Felix and younger sister) plus, 2 (Fausta and Baldomero) plus, herself equals 5." Mang Mente died in December, 1902. Thus, brother Felix rushed back to Tipas (he was starying in his uncle's house in Sta. Cruz since 1899)to help his seven months pregnant mother. He stayed in Tipas until the middle of 1903, going back to Manila and estaclished his hat store in Paranaque. Also, the main reason for his changing of his surname was not beacuse he grieved heavely his mother's passing away. I just can't say it here. Please always consult an INC historian (there are many in CEM)."
Na sinagot naman ng INC™ Blogger na si ReadMeINC:
"Thanks for the comment brother, but i think i did not commit mistake about the infos i said above, i read it from a website quoted from May-June 1986 issue of the Pasugo magazine that has the biography of Bro. Felix Manalo. I made research available on the internet that came from pasugo magazine and other reliable website like that of the National historical commission of the Phils.. 
I read the article on your blog about this, i just want to ask if it is the real explanation and reason for that? If yes, can i use your info in your blog? salamat po^^"
Sa sagot ni ReadMeINC eh halos DUDA pa siya sa mga INFO niya dahil nakasalalay sila sa BLOG nilang parehong "UNOFFICIAL BLOG" ng Iglesia Ni Cristo®.  Pero ganon pa man ay BOTH are REPRESENTING the IGLESIA NI CRISTO®.

Ang pagkakaalam namin kasi, kaya PINILI ni Felix Manalo ang MANALO bilang kanyang bagong LAST NAME ay sapagkat ang MANALO ay NAGHUHUDYAT ng PAGTATAGUMPAY. Sa salitang Inggles eh VICTOR o WINNER!

Kaya't HINDI rin po PAGKAKATAON na ang kanilang HOUSING COMMUNITY sa San Jose, Rodriguez, RIZAL eh pinangalang Iglesia Ni Cristo TAGUMPAY Housing Community.

Pero sa kabila nun ay TINULDUKAN na ni ReadMeINC ang kanyang post na FACT daw!
FACT: Bro. Felix was not a fortune teller, or that he predicted that he will be God's messenger (or he will establish his own church as what others alleged), that he needed to change his full name so that his name "Felix Manalo" would mean "Happy Victor"! and it is everyone's freedom if he/she will change his name, nickname, surname, middle name and so on as long it is legal!

FELIX is "HAPPY"! MANALO is "VICTOR"! 

Dito tayo ngayon SUMAKAY sa "FACT" na ginamit mismo ng kanilang Ministrong si ReadMeINC at pagtatagpi-tagpiin natin kung totoo nga bang ang mga salitang ito'y patungkol lahat kay FELIX MANALO!

Sa isang RESETTLEMENT SITE na itinayo ng Iglesia Ni Cristo® noong Marso 19, 1964 sa pangunguna ng yumaong Eraño G. Manalo sa Palayan City, Nueva Ecija, IPINANGALAN nila itong BARRIO MALIGAYA.

Ayon sa PASUGO God's Message, April 2014,  sa artikulong isinulat ni Marlex C. Cantor na pinamagatang "The Iglesia Ni Cristo resettlement projects: Triumph after tragedy" binanggit doon ng nagsulat kung bakit nga ba BARRIO MALIGAYA ang ipinangalan sa lugar.
"...a place that was to be called Barrio Maligaya, after the Messenger's first name 'Felix' which means 'happy' or 'maligaya'". (p. 29) [all emphasis are mine]

Isa pang RESETTLEMENT SITE ng Iglesia Ni Cristo® na itinayo EXCLUSIVELY para sa kanilang mga kaanib na nasalanta ng mapanirang bagyong si YOLANDA (Haiyan sa International name nito) noong 2013, sa bayan ng ALANG-ALANG itinayo SITIO NEW ERA sa pamamahala ng kanilang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatang (Executive Minister) na si Eduardo V. Manalo!

"Just like Barangay Maligaya and Barangay Bagong Buhay, the dawning of Sitio New Era heralds of bigger and better things to come for the Church...(p. 31) [emphasis are all mine]

Katulad ng nasabi ko na sa itaas, may HOUSING COMMUNITY din po sila sa San Jose, Rodriguez, Rizal na pingangalang Iglesia Ni Cristo TAGUMPAY Housing Community!

Unang itinatag eh Barangay Maligaya na hango sa pangalan ni Felix!

Ngayon nama'y Sitio New Era, hango sa pangalan ni Eraño (Era-ño)!

Kung susundin natin ang kanilang PAMANTAYAN sa PAGPAPANGALAN eh HINDI ito LUMALAYO sa angkan ng mga Manalo.

Ang EVM





Ang EVM na naka-highlight sa mga tarpaulins na may nakasulat na EVangelical Mission! O ang Excellent Visual Media! Ito ay hango sa pangalan ni EDUARDO VMANALO!


Ang CIUDAD DE VICTORIA


Eh ang FORT VICTORIA?

Ang INC ang nagmamay-ari ng buong FORT VICTORIA CONDOMINIUM na mayroong ibinebentang High-End na 1,094 Residential Condo Units, 20 High End Commercial Units, 1,179 Parking Spaces. ayon kay Antonio Ebangelista
Hindi ba't ang sabi ni ReadMeINC eh ang VICTOR ay hango sa pangalang MANALO?

Eh ang Victoria, saan galing?

Simple!

Tagalog : MANALO
English : VICTOR
Spanish: VICTORIA

O, nakita niyo na?


Kaya't KANINO ba NAKAPANGALAN ang mga ESTABLISIMIENTO ng IGLESIA NI CRISTO®?

ILAN SA MGA GUSALI, INSTITUSYON O KOMUNIDAD NA IPINANGALAN SA PAMILYA NI FELIX MANALO!
  • Barrio MALIGAYA hango sa pangalang FELIX!
  • Sitio NEW ERA hango sa pangalang ERA-ÑO (ERA NEW)
  • FELIX Y. MANALO Foundation, ang main charity ng INC™
  • NEW ERA University hango kay ERA-ÑO
  • NEW ERA Hospital hango kay ERA-ÑO
  • INC TAGUMPAY Housing Community, Rizal hango sa pangalang MANALO
  • EVangelical Mission (EVM) hango sa pangalan ni EDUARDO V. MANALO
  • Excellence in Visual Media (EVM) hango sa pangalan ulit ni EDUARDO V. MANALO
  • Ciudad de VICTORIA hango sa Español ng Lungsod ng MANALO
  • Fort VICTORIA (Global Village Taguig) hango sa Fort MANALO!
Bakit nga ba LAHAT eh SINASALAMIN ang mga MANALO? Hindi ba't masyado nang OBVIOUS kung kanino nga ba talaga ang IGLESIA NI CRISTO®?

QUESTIONS & ANSWERS (Pasugo ang sasagot!) (Mula sa 'Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914')

Narito ang Q&A para sa ikalilinaw ng kung sino ang may-ari ng IGLESIA NI CRISTO® na LUMITAW sa PILIPINAS noong HULYO 27, 1914!

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?

Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?

Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?


Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:

“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?

Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Maliwanag sa sikat ng araw na walang pakialam ang Dios at si Cristo sa Iglesiang iyan na tinagurian nilang Iglesia ni Cristo at sumulpot noong 1914.

At isang bagay na kamangmangan na pinupuna sa atin, kung bakit daw na hindi natin tanggapin at kilalaning sa Dios at kay Cristo ang Iglesiang iyan samantalang tinatanggap daw na sa Dios at kay Cristo yaong Iglesiang itinayo noong unang siglo sa Jerusalem. Ang sinasabi nilang ito'y isang kamangmangan sapagkat batid naman nila na mayroon na tayong tinaggap na Iglesia at ibig yata nila na dalawa ang aaniban natin: isa ang tunay at isa ang huwad.

Tanong: Anu-ano pa ang kanilang pinagbabatayan upang palitawing sa Dios at kay Cristo ang kinaroroonan nilang Iglesia?

Sagot: May tatlong bagay pa gaya nitong sumusunod:

(a) Si Felix Manalo raw ay sinugo ng Dios upang itatag ang Iglesia sa Pilipinas.

(b) Ang mga lokales ng Iglesia lamang daw ang kanyang tinatag.

(c) Ang INK raw noong unang siglo, natalikod; nalipol at inagaw ng mga bulaang propeta ang mga ddating alagad ni Cristo kaya walang natira sa tagasunod.

Ang tatlong puntong ito ay isa-isahin nating liwanagin sa pamamagitan ng mga tanong at sagot at ang mga tanong lamang ang manggagaling sa atin at ang mga sagot naman ay sa kanilang PASUGO manggagaling.

Tanong: Ano ang patakaran nina Felix Manalo at panukat upang makilala ang tunay at hindi tunay na Sinugo ng Dios?

Sagot: Ang sagot ng PASUGO ay narito:

(a) PASUGO Nobyembre 1960, p. 26:
“Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)

(b) PASUGO Nobyembre 1959, p. 20:
“Kaninong aral ang itinuturo ng Iglesia ni Cristo? Aral ng Dios, ni Cristo at ng mga Apostol na nasusulat sa Banal na Kasulatan. Walang aral si Kapatid na Felix Manalo na kinatha mula sa kanyang sarili."

Dito tayo ngayon sumakay sa sinasabi nilang patakaran o panukat sa tunay at hindi tunay na sinugo ng D ios, upang wala na silang maidadahilan at ano pa mang pagtatalo. At wala tayong ibang gagawin kundi sisipiin lamang natin ang kanilang mga aral na nasusulat sa PASUGO at pagkatapos ay pagtitimtimbangin natin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, gaya nitong sumusunod:

1- PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”

2- PASUGO Mayo 1963, p. 27:
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
Dito pa lamang sa dalawang artikulong ito na ating hinango sa kanilang PASUGO ay mapapansin na natin, na hindi nagmula sa Dios ang kanilang mga aral na itinataguyod, kundi nagmula lamang kay G. Felix Manalo. Gayon pa man ay ipagpatuloy natin ang pagsipi sa mga dahon ng kanilang PASUGO, ng mga aral na hindi nagmula sa Dios kundi nagmula lamang sa sarili ng yumaong Felix Manalo. At itong PASUGO na napalathala noong taong Nobyembre 1954, p. 2, 1, ay ganito:
“Hindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus an nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo, tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."

Totoo nga kaya na sila ay inuusig at pinaparatangang sa demonyo, na katulad sa naganap kay Cristo! Na siyang katuparan sa nasusulat sa Juan 15:20, at sa Juan 8:40?

Hindi iyon totoo, kundi sila pa nga ang nagpaparatang na ang lahat maliban sa kanila, ay pawang mga demonyo o sa kay Satanas! At bilang katunayan ay ating sisipiin ang mga nasusulat sa kanilang PASUGO na malalaswang salita:

1- PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."

2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”

4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."

Tanong: O sino ngayon ang lumilitaw na nang-uusig at nagpaparatang, kami ba o sina Felix Manalo at ang kanilang mga kaanib? Kung sino pa man ang nagpaparatang ay inaangkin na siyang pinararatangan. At kung ang panukat sa tunay na Iglesia ay sa inuusig at pinararatangang sa demonyo, ay lalong tumitingkad ang pagiging dalisay na Iglesiang sa Dios at kay Cristo ang Iglesia Katolika. May reklamo ba kayo?

At ang isa pa na kalunus-lunos na pagyurak at pagmamaliit sa ating Panginoong Jesu-Cristo ay itong sinabi nilang ang Iglesia Katolika raw ay hindi itinatag ni Cristo kundi ng Diablo. Bakit sinasabi nating pagmamaliit ito kay Cristo? Sapagkat batid nila na ang Iglesia Katolika ay Iglesia ni Cristo, ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Tanggapin natin na nang pasimula lamang naging Iglesia ni Cristo! Ano ngayon ang kalagyan ni Cristo sa naturang Iglesiang iyan? Ang lagay ba’y noon ay naitatag na ni Diablo ang Iglesia Katolia; nakiusap ba si Cristo kay Diablo upang mapasakanya? O inagaw ni Cristo kay Diablo ang Iglesiang iyan!

O sino ngayon ang maniniwala na sinugo ng Dios si Kapatid na Felix Manalo upang itatag ang Iglesia sa Pilipinas?

(c). Ngayon naman ay dumako tao sa ikalawa, ang nauukol sa lokales ng Iglesia ni Cristo.

Tanong: Nasa Jerusalem ba ang central ng mga lokales na itinatag ni G. Felix Manalo?

Sagot: Tanging PASUGO ang ating pasasagutin upang walang gaanong usapan.:

(a). PASUGO Oktubre 1968, nasa huling panakip, at ganito ang mababasa natin:
“Dapat malaman ng lahat-- Dahil dito, ipinahahayag na mula ngayon ang mga nakalagda sa kasulatang ito bilang pasimulang kaanib sa lokal ng San Francisco, Estados Unidos ng Amerika, ay iniuugnay at ngayon ay nasasakop ng Pamahalaang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na may Tanggapang Pangkalatan sa 154, F. Manalo St., San Juan, Rizal, Republika ng Pilipinas."

(b). PASUGO Hulyo 1971, p. 2:
“A permanent Central Office after 57 years establishment of the Church of Christ in the Philippines. This stands on a sprawling lot in Quezon City, at the corner of Cenral Avenue in Commonwealth Avenue."
Nota: Pansinin natin dito kung saan masusumpungan ang Central na nakakasakop sa isang Lokal ng INK na nasa Amerika (USA). Narito pala sa Pilipinas ang Central nila ano po! Matuwid bang tatawagin pa ring "Lokal" ang nakakasakop sa isang "Lokal"?

Kaunting pagbubulay-bulay o sentido comun, mga kababayan namin! Mabuti yata'y magpasuri kayo sa mga doktor na dalubhasa sa utak, habang may panahon pa. Ano po!

(c)-1. Ngayon naman ay dadako tao sa ikatlong punto: Ang nauukol sa pagkalipol ng INK, at ang kanila ring PASUGO ang ating gagamitin sa puntong ito.

1- PASUGO Mayo 1961, p. 21:
“Maliwanag sa pag-aaral nating ginagawa sa unahan nito na ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo ay natalikod o ganap na nawala sa ibabaw ng lupa. Inagaw nila sa pagsunod sa hulihan ni Cristo."

2- PASUGO Hulyo 1954, p.4:
“Ang mga alagad ni Jesus na dating sumusunod sa hulihan niya ay inihiwalay ninyo sa pagsunod sa Kanya, at pinasunod ninyo sa inyong hulihan. Kaya nawalan ng tao ang Iglesia. Ang natira sa Iglesia'y si Jesus at ang mga salita ng Dios."

3- PASUGO Enero 1964, p. 2:
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo sa Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."

Itong mga sinasabi nilang ito ay maraming nailigaw na landas ng Kabanalan. Dahil dito ay inilalahad ko ang mga katibayang magpapawalang saysaysa sinasabi nilang ito at nasusulat din sa kanilang Pasugo gaya nitong mga sumusunod:

(a). PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

Idaragdag natin dito ang talata 29, bilang susog sa talatang 28 na ginagamit nila, at ganito ang karugtong:

(29) Ang aking Ama (wika niJesus), na sa kanila ay nagbigay sa akin ay lalong dakila kaysa lahat; at hindi sila maaagaw ninuman sa kamay ng Ama." Ito bang nasusulat na ito sa kanilang PASUGO ay mabubura pa nila? Gayon din itong garantiyang sinasabi ni Jesus hinggil [sa] mga magiging tauhan niya? At higit pa bang paniniwalaan natin itong mga maling aral!

At bilang kalakip nito ay sisikapin pa natin ang isang banggit na nasusulat sa PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

O ano pa ang ating puntong liliwanagin? Tinatanggap na nilang nananatiling matibay sa aral ng Dios ang mga Apostol ang unang Iglesia ni Cristo. At pagkatapos ay iyan daw ang kanilang pamarisan o dapat gawin. E, gayon pala; bakit sinasabi nilang "ganap na nawala sa ibabaw ng lupa ang mga dating tagasunod ni Jesus, inagaw at nilipol ng mga bulaang propeta." Huwag ninyong gawing sinungaling si Jesus. Malinaw ang kanyang sinabing garantiya na mababasa sa Juan 10:28-29, at inyong ginamit din.

At bago tayo magwakas ay kukuha pa tayo ng isang punto na may kaugnayan din dito.

(b). PASUGO Agosto 1971, p.22:
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa

lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”

Ang ibig nilang palitawin dito, ay noong 1914, ay nawala na ang itinayo ni Cristo. Bueno, tingnan natin ang bagay na ito, sapagkat may isang banggit na nasusulat sa PASUGO, Abril 1966, p. 46:

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

NOTA: Dapat pansinin natin ang katugon na petsa nitong banggit na "kasalukuyan." Ang petsa nito ay noong Abril 1966, sapagkat noon nga napalathala ang sinasabi nilang ito. Kung gayon, maliwanag na hindi pa nawala ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Bakti? Sapagkat pinapasukan pa rin ni Satanas ng kanyang mga maling aral. Malinaw po ba?

Ang lahat ng mga bagay na ito mga kababayan naming kaanib sa Iglesiang tatag ni Felix Manalo ay pinakikiusapang ipaliwanag at sagutin asna ninyo sa lalong madaling panahon. At kung hindi ninyo kayang sagutin sapagkat tinitiyak kong malalagay kayo sa kahihiyan, ay itigil sana ninyo ang gawaing tungo sa kapahamakan.

Ganito naman ang sinasabi ni Propeta Isaias tungkol sa mga Manunulat katulad nitong tagasulat ng Pahayagang PASUGO. Isaias 10:1-2, ay ganito ang sinasabi: "Sa aba nila na nagpapasya ng mga likong pasya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwalian. Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng mga dukha ng aking bayan, upang an mga babaeng balo ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila".

Kaya't ang MUNGKAHI ko sa mga NAGSASALIKSIK ng KATOTOHANAN, iwan niyo na ang INC™ sapagkat HINDI ITO GALING SA DIYOS o kay CRISTO sapagkat ito'y PAGMAMAY-ARI NG MGA MANALO!

Tandaan niyo, HINDI KAMI NAGKULANG sa PAGPAPAALALA sa inyo SAPAGKAT ang PAGDATING ng MANDARAYA at mga ANTI-CRISTONG MANGANGARAL ay HINULAAN na sa BIBLIA. At kung di tayo tatalima sa BABALA ng UNANG IGLESIA ukol sa PAGDATING nga naman ng mga BULAANG PROPETA na TUMALIKOD sa TUNAY NA IGLESIA ay hudyat na PINILI niyo ang KAPAHAMAKAN kaysa KALIGTASAN.

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y [Diyos] naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo." -2 Juan 1:7

4 comments:

  1. Wala bang mas matalinong blogger kesa sayo? Tutal hobby mo lang naman ito. Namumulot ka lang naman ng kwento. Wala kang basehan. Defender ka, madami kang pinupuna, pero nakakatamad kang kausapin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakalungkot at ang alam mo lang sa mga pinupukol na kabulukan sa INC™ ni Manalo eh walang basehan. Ngayon siguro nganga kayo!

      Delete
  2. Why with so much hate for the INC? I thought this is chatolic defender? But why are most if not all blogs are pertaining to INC in particular? Why won't you discuss chatolic matters here instead of trying to prove that Catholic is the real church? What do you gain from bashing INC when your blog site says chatolic defender?Shouldn't you be more focused on discussing chatolic teachings and explaining to people why chatolic is the true church for you? I think you should change the name of your blogspot to BashingINC.blogspot because I don't see or haven't read any defence on why Catholic is the true church aside from the ones that are included in your blogs while bashing INC

    ReplyDelete
  3. Why with so much hate for the INC? I thought this is chatolic defender? But why are most if not all blogs are pertaining to INC in particular? Why won't you discuss chatolic matters here instead of trying to prove that Catholic is the real church? What do you gain from bashing INC when your blog site says chatolic defender?Shouldn't you focus on discussing chatolic teachings and explaining to people why chatolic is the "true" church for you? You should change the name of your blog to BashingINC instead of chatolic defender because I don't see anything regarding the defence of chatolic teachings aside from the fact that you only put it in when you're bashing INC in your blog posts.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.