Pages

Friday, May 22, 2015

Di umano'y maaunmalyang sabwatan ng mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo® sa pananalapi ayon sa isang Ministro sa pagpapatayo ng FORT VICTORIA (FOR MANALO) na pag-aari ng IGLESIA NI CRISTO®

Sa patuloy na pakikibaka nitiong si G. Antonio Ebangelista, isang Ministro ng Iglesia Ni Cristo® sa pagsisiwalat tungkol sa di umano'y mga talamak na CORRUPTION ng mga Ministro ng INC™ sa pangunguna raw ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr), General Auditor ng INC™ na nasa Central.  Itong FORT VICTORIA or FORT MANALO ay isa sa mga sinasabing maanomalyang project ng Iglesia Ni Cristo®.

May 14, 2015
IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)

Para po sa mga Kapatid na ngayon pa lamang sumusubaybay ng mga artikulong aking inilalabas sa Social Media upang ilantad ang mga katiwalian sa loob ng Iglesia, lalo na sa hanay ng mga Ministro sa Sanggunian, nababatid ko pong marami sa inyo ay magugulat, magtataka, malulungkot o magagalit sa akin dahil sa inyong matutunghayan sa mga pahayag na ito. Upang lalo po ninyong maunawaan ang lahat ng ito, ay maaari po ninyong basahin muna ito: First Things First.

Narito po ang aktwal na pahayag ng tumatayong lider ng Sanggunian ng Iglesia, ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. na siyang nanguna sa International Video Conference ng lahat ng mga Ministro at Manggagawa sa buong mundo sa pamamagitan ng WEBEX noong Abril 28, 2015 (Japan) pakinggan po muna ninyo upang lalo ninyong maunawaan ang aming ipapakita sa pagkakataong ito:

https://soundcloud.com/antonio-ebangelista/bro-glicerio-b-santos-jrs-battle-cry

Sa bahagi po ng lektura ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. ay kaniyang ipinagdidiinan na “WALANG ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA! PURO KAYO PANINIRA! WALA NAMAN KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA KAYONG NALALAMAN KATITING MAN! WALA!”

Wala nga ba talagang anomalya kapag ang isang Religious Institution na non-commercial at non-profit organization ay makipag- JOINT VENTURE sa isang COMMERCIAL and PROFIT-MAKING COMPANY gaya ng SAN JOSE BUILDERS?

Wala ba talagang ANOMALYA kung ang nagmamay-ari ng isang Exclusive High-End Condominium sa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig City (Fort Bonifacio) ay ang IGLESIA NI CRISTO. At ito ay naka-Joint Venture sa San Jose Builders Inc.

Subalit baka naman iilan residential units lang naman ito?

Ang INC ang nagmamay-ari ng buong FORT VICTORIA CONDOMINIUM na mayroong ibinebentang High-End na 1,094 Residential Condo Units, 20 High End Commercial Units, 1,179 Parking Spaces.



Play Audio Clip: “WALANG ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA! PURO KAYO PANINIRA! WALA NAMAN KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA KAYONG NALALAMAN KATITING MAN! WALA!” – Kapatid na Glicerio B. Santos Jr.

Sinu-sino naman kaya ang unang nakabili na sa mga HIGH END UNITS na ito?

Kilala nyo po ba ang mga pangalan na nakabili na ng mga mamahaling condo units na ito? Wala naman po sigurong mag-iisip na sila ay mga “dummies” para sa mga INC VIPs na gumagamit ng mga condo units na iyon? Hindi nyo rin siguro nakikilala yung isang pangalan dyan na pumakyaw ng napakaraming condo units na mas kilala sa tawag na JUNGAR na kilalang-kilalang Contractor ng INC at ng Sanggunian at nagkataon din siguro na nakuha nya ang karamihan sa mga construction projects ng INC? Para kanino kaya yung mga condo units na ipinangalan nya sa kaniya? Titirahan ba nyang lahat yan? Hindi rin po siguro totoo yung sinasabi ng mga nakausap naming staff doon na may sariling PRIVATE ELEVATOR ang Sanggunian at iba pang INC VIP Guests patungo sa kanilang HIGH-END CONDO UNITS? Wala pa nga bang ebidensya ng anomalya…?

Ano nga bang itsura ng mga condo na ito? Baka naman nagkakamali lang tayo, hindi naman yata Condo units ang ipinatayo dito dahil sa lupa ito ng IGLESIA at nakapangalan ito sa Iglesia Ni Cristo? Baka naman kapilya ito o kaya naman ay District Office ang ipinatayo dito?

*Cue Slide Show*






Play Audio Clip: “WALANG ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA! PURO KAYO PANINIRA! WALA NAMAN KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA KAYONG NALALAMAN KATITING MAN! WALA!” – Kapatid na Glicerio B. Santos Jr.

SA HARAP PO NG MGA NAGSUSUMIGAW NA MGA EBIDENSYANG ITO, KAYO NA PO ANG MAGPASYA KUNG KUNG ALIN ANG TAMA AT ALIN ANG MALI NA KANILANG MULING PAGSISIKAPANG PAGTAKPAN.

Mga pinagpipitagan po naming na magigiting na Ministro sa Sanggunian, mula po noon, hanggang ngayon, gusto ko pong linawin na ang NILALABANAN KO PO AY ANG KATIWALIAN SA LOOB NG IGLESIA. ANG ISINISIWALAT KO PO AY ANG KATIWALIAN NINYO, NG MGA MINISTRO SA SANGGUNIAN NA GINAGAMIT ANG KATUNGKULAN UPANG MAGMALABIS SA KAPANGYARIHAN, UPANG MANGGIPIT AT MANAKOT SA MGA KAPATID UPANG HUWAG KAYONG KWESTYUNIN, KAYONG MGA NAGTATAGLAY NG MGA HINDI MAIPALIWANAG NA KAYAMANAN NA KINUHA NINYO MULA SA MAHALAY NA PAKINABANG AT MULA SA SAGRADO AT BANAL NA KABAN NG IGLESIA! At kung talagang totoong wala kayong kasalanan, wala kayong itinatago, wala kayong di-maipaliwanag na kayamanan, di kayo nakikinabang sa banal na Pananalapi ng Iglesia, edi bakit hindi kayo magkusang sumailalim sa isang masusing pagsisiyasat upang patunayan na wala kayong kinalaman sa mga anomalyang ito at patunayang hindi totoo ang mga inihayag na mga ebidensya laban sa inyo. Magpakita man lamang kayo ng DELICADEZA (o obsolete na ba talaga ito sa inyo), bigyan man lamang po ninyo ng dangal ang banal na tungkuling nadudungisan ninyo dahil sa mga kinasasangkutan ninyong anomalya. Sa halip na ang ginagawa ninyo ay laging kayong magpapakalat ng maling impormasyon na kesyo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ang kinakalaban ko, nagawa pa ninyong lapastanganin ang mga sagradong leksyon sa pagsamba para lamang papaniwalain ang mga kapatid na sumasamba na ako ay laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, samantalang kahit isang batang musmos na may bukas na puso at isipan na babasa ng mga bagay na isinulat ko mula noon ay mapapatunayang wala akong binatikos o sinabing anomang laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan dahil sumasampalataya ako na walang sinomang maaaring humatol sa Namamahala sa Iglesia kundi ang Panginoong Diyos. Kaya bakit kaya may ilan na bumabasa ng mga bagay na isinulat ko, mga taong nakapag-aral, marurunong, subalit lihis ang pagkaunawa? Dahil sa sarado ang kanilang puso at isipan at agad silang tumatalon sa konklusyon na sinomang sumulat ng mga bagay na gaya nito ay “automatic” na agad na lumalaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan.

Alamin nga po muna natin, papaano kaya pinapaniwala ng Sanggunian ang mga Kapatid, pati na ang pinakamamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan na ang kalaban ng pananampalataya ay si Antonio Ebangelista at hindi sila na mga gumagawa ng katiwalian? Simple lang po… MIND CONDITIONING. Papaano po nila ito ginagawa? Lahat ng mga impormasyon ukol sa tunay na kalagayan ng Iglesia ay ililingid ng Sanggunian sa Ka Eduardo, ang ipapakita sa kaniya ay mga tagumpay daw ng Iglesia, gaya ng mga Guiness Records na nakuha ng Iglesia ngayong taon (halimbawa ay ang pinakamaraming beses na hinawakan ng Ka Jun ang palibot ng kaniyang labi at inayos ang kaniyang necktie habang nagtetexto), ang malaking halaga na resulta ng Tanging Handugan para sa Closing Centennial, na sa kabila daw ng maraming bumabatikos ay lalo namang tumaas ang halaga ng nalikom na Tanging Handugan. Maganda sanang pakinggan, subalit hindi na lamang nila isinama ang damakmak na pananakot sa mga Ministro na nakadestino sa Lokal na oras na umurong sila sa Tanging Handugan at nakapagbigay hapis sa Namamahala ay “malayo ang kaniyang mararating” kaya ang kawawang Ministro ay gagawin ang lahat upang sumulong ang handugan sa kaniyang Lokal, mistulang magmakaawa sa mga Kapatid. Hindi na rin nila sinabi na ang realidad ay napakaraming Lokal ang umurong sa Tanging Handugan para sa Open Centennial, ay sorry, Closing Centennial pala, sorry po I lost track kung anong klaseng Centennial na nga pala ang ipagta-Tanging Handugan natin ngayon, kaya lamang nasabing mataas ang handugan ay dahil sa maraming progresibong Lokal at Distrito ang nagdala sa higit na nakararaming umurong na Lokal para magmukhang tumaas nga naman ang halaga sa kabuuan.

Sasabihin na naman ng Ka Jun nyan…”WALA NAMAN KAYONG NALALAMAN NA KATITING SA PANANALAPI SA IGLESIA! WALA!”

Ano ang kasunod na ginawa ng Sanggunian para linlangin ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan, nagpakawala sila ng mga tao ng ACTIV na magiging “poser” o magpapanggap na si Antonio Ebangelista o iba pang personalidad sa Social Media at magsisimulang magkalat ng maling impormasyon at tahasang babatikusin o pagsasalitaan ng masama ang Tagapamahalang Pangkalahatan, pagkatapos ay irereport nila sa Tagapamahalang Pangkalahatan na “ganito po ang pinagsasasabi ng tiwalag na itong si Antonio Ebangelista, pinagdimlan na po iyan kaya nga ang kaniyang ipinakakalat ay puro batikos at paninira po sa inyo, siya po ang nagkakalat sa Social Media ng paglaban sa Pamamahala at nanghihikayat pa sa mga kapatid na lumaban din sa Pamamahala” (kuhang-kuha po ba ka Gerry Purification pati ang wordings? Gaya din ng mga sinasabi mo pong mga “sinabi daw” ng Tagapamahalang Pangkalahatan na kesyo isinulat nyo pa po kamo sa inyong post-it para lang i-name drop ang Ka Eduardo at papaniwalain o takutin ang inyong kausap na kapatid na ang mga sinasabi ninyo ay mga mismong mga sinabi ng Ka Eduardo)

At ngayon napapaniwala na nila at ginalit na nila ang Ka Eduardo kay Antonio Ebangelista at ang mga katulad ko din na nagsisiwalat ng katiwalian ng mga taga-Sanggunian, ang sunod naman nilang ginawa ay nag-Loyalty Check sa mga Tagapangasiwa upang matiyak na walang lalaban o sasalungat sa kanilang balak dahil ang katumbas nito ay pagsalungat sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Ang hindi nauunawaan ng Sanggunian ay nagpapanggap na lamang ang higit na nakararaming mga Tagapangasiwa na kunwari ay sumasangayon sila sa lahat ng mga sinasabi ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. subalit sa loob-loob nila ay alam nila kung ano ang katotohanan dahil marami sa kanila ay nagbabasa din ng mga sinusulat ko at mas madalas pa nga silang sumulat sa akin upang magbigay ng insipirasyon na ipagpatuloy ang pagsisiwalat ng lahat ng katiwalian ng Sanggunian. Ang katapatan ng lahat ng mga Ministro ay sa Tagapamahalang Pangkalahatan at wala kay Ka Jun Santos, kay Ka Radel o sa kanino mang Sangguninan, pinakikisamahan na lamang nila dahil nga sa wala din lang silang magawa pa, subalit suklam na suklam na rin sila s amga taga-Sanggunian dahil alam naman nila ang pinagagagagawa ng mga Sanggunian. At dahil sa isipan ng Sanggunian ay kuha na nila ang Tagapamahalang Pangkalahatan at mga Tagapangasiwa ng mga Distrito, ang susunod nilang gagawin ay makuha ang mga kapatid. Maghahanay sila ngayon ng mga leksyon na ang pinakalayunin ay ikondisyon ang isipan ng mga kapatid na ang pagtutol sa mga itinalagang KATUWANG (SANGGUNIAN) ng Namamahala ay ang katumbas din ay ang pagtutol sa Tagapamahalang Pangkalahatan at pagtutol na rin sa kalooban ng Diyos, at mga hindi maliligtas dahil sa ititiwalag.

Nakapangingilabot na nakaya nilang ipangahas na makipantay sa Tagapamahalang Pangkalahatan para lamang papaniwalain ang mga kapatid na hindi sila pwedeng kwestyunin o batikusin dahil sa sila ay ang PAMAMAHALA, at ang bumatikos o pumuna sa kanila ay lumalaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan at sa Diyos. Kaya kung mapapansin nyo, ang lagi nilang ibinabalandra sa kanilang mga pananalita ay ang walang kamaly-malay na Tagapamahalang Pangkalahatan na walang nalalaman o kinalaman man lamang sa mga katiwaliang kanilang ginagawa. Unti-unti na nilang itinanim sa isip ng mga kapatid na masama na ang magtanong ngayon dahil ang katumbas nun ay pagkwestyon o paglaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Nakakatuwang isipin na noong Dinudoktrinahan pa lamang tayo ay lagi tayong hinihikayat na magtanong ng magtanong at sasagutin ng Ministro para lubos tayong maliwanagan. Subalit ngayon mga kaanib na sa Iglesia ay tinuruan naman tayong wag na wag kang magtatanong dahil ikatitiwalag mo yan. Ipinagbawal ang pagsusuri sa mga nilalaman ng Social Media. Ang mahigpit na tuntunin na ngayon, oras na mag-like, mag-share o mag-comment ang kapatid sa alin man sa mga sinulat ko o ng ibang tao na laban sa Katiwalian ng Sanggunian, asahan mo na tatanggap ka ng tawag o papupuntahin ka sa opisina ng Tagapangasiwa upang kausapin. Pagagawin ka ng salaysay na ang nilalaman ay yung mga salitang nais nilang ipalagay din syo. (Sana pala sila na lang ang nagsalaysay)

At ngayon lubos na nilang napapaniwala ang mga kapatid at ang Tagapamahalang Pangkalahatan na anumang may kinalaman kay AE o sa kaniyang mensahe ay mali at hindi dapat basahin. Nagawa na rin nilang takutin ang mga kapatid sa panahon ng pagsamba para nga naman walang maglakas loob na alamin ang katotohanan ukol sa mga nagaganap ngayon sa loob ng Iglesia. Kaya gayon, kahit ano pang ilabas kong mga ebidensya laban sa mga isyu ng katiwalian ay nakakondisyon na sa isip ng tao na mali ang inilalabas ko at ang mga ito ay pawang paglaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Kaya mahahalata ninyo napagkatapos kong maipost ito na isa sa napakalaking anomalya ng Iglesia sa kasalukuyan ay tatadtarin nanaman nila ako ng batikos, pagpapa-block sa FB, pararatangan nilang kumakalaban sa Ka Eduardo at sumisira sa Iglesia at marami pang iba.

Subalit, sino nga ba talaga ang totoong lumalaban at hindi nakikipagkaisa sa Tagapamahalang Pangkalahatan? Ang gumagawa ng katiwalian at labag sa mga utos ng Diyos o yaong taong sa halip na makiayon sa katiwalian ay mas piniling ihayag ito dahil pilit itong itinatago sa kaalaman ng Tagapamahalang Pangkalahatan? Kayo po ang makapagsasabi. Sabi nga sa leksyon sa pagsamba, si Ananias at Zafira nga, isang bahagi lang ang itinago mula sa namamahala sa Iglesia sa panahon ng mga Apostol, subalit pinarusahan at pinatay ng Diyos. Sumampalataya po tayo na hindi kailanman maitatago ng Sanggunian mula sa paningin ng Panginoong Diyos ginagawang nilang katiwalian at paglilinlang sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Parurusahan ng Panginoong Diyos ang gumagawa nito sa loob ng kaniyang kawan.

Salamat sa Panginoong Diyos at mayroon pa rin namang mga kapatid na nananatiling tapat sa mga kalooban ng Diyos at naging bukas ang isipan, kaya agad nilang naunawaan ang tunay na mensahe ng ginagawa kong ito, hindi para sa aking sarili, kundi para sa mahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan,para sa mga kapatid at para sa Iglesia sa kabuuan at para sa ikatitibay ng ating pananampalatay upang malampasan natin ang matinding pagsubok na ito ng ating pananampalatay upang matamo nating ang pangakong kaligtasan.

Nawa ay gabayan tayo ng Panginoong Diyos na pagkalooban ng matalinong puso upang matimbang natin ng husto ang mga impormasyong ating tinatanggap upang mapagtanto natin ang tamang kapasyahan, at ito ay walang iba kundi ang tiyaking anumang ating ginagawa ay sangayon sa kalooban ng Diyos at hindi ng sinomang tao o grupo ng tao. Maraming salamat po.

Antonio Ebangelista

Official FB Page: Silent No More

Official Website: https://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com

Email: increportsforvem@gmail.com

Instagram: @antonioebangelista

Twitter: @AEbangelista1

Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

1 comment:

  1. Everyday, I pass through this place going and from work. Its near Beaufort along 5th Ave. I'm surprised to know that it is owned by the Iglesia ni Krsito™.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.