Pages

Thursday, May 7, 2015

Unexplained Wealth of Iglesia Ni Cristo® Minister Glicerio aka Jun Santos (Jr) and his family according to an insider

Article shared by Mr. Antonio Ebangelista (not his true name), a Minister of the Iglesia Ni Cristo® working at Central Office in Manila, the Iglesia Ni Cristo Silent No More.

TRUE Deli Cafe, JET 7 Bistro and some Jollibee and McDonald, Chowking outlets allegedly owned by INC™'s General Auditor according to Mr. Ebangelista.

Mayo 5, 2015

Mga mahal na Kapatid,

Dahil sa matinding hamon ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. sa buong Iglesia ng magturo sya ng lektura sa WEBEX Video Conference kausap ang lahat ng mga Ministro at Manggagawa sa buong mundo patungkol sa diumano’y paninira daw na kumakalat sa internet, sa Social Media at ang kaniyang buong igting na ipinagsigawan ay “Walang anomalya sa pananalapi ng Iglesia! Puro lang yan paninira! Wala naman silang ebidensya! Wala! Wala silang nalalaman ni katiting tungkol sa pananalapi ng Iglesia! Wala! Wala silang alam!”.

Papaano naman kaya ipapaliwanag ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. ang di-maipaliwanag na kayamanan nila kaya sila nagkaroon ng mga “high-end” Restaurants na ang nagmamay-ari ay ang kanilang mga anak na si Gertrude “Jet” Santos at “True” Santos-Matias. But then ofcourse tyak na may naka-ready ng “alibi” ang Pamilya Santos ukol dito dahil sa alam nilang darating ang panahon na malalantad din sila. Narito ang kanilang magarbong restaurant na ipinangalang pa nila sa kanila (para hindi daw natin mahalata), ang TRUE Deli Cafe at ang JET 7 Bistro na kung inyong bibisitahin, (gaya ng aking ginawa upang makita ko mismo sa sarili ko kung totoo nga) ay makikita nyo na ito ay hindi tinipid, sa lugar (location) pa lamang ay ginastusan na ng husto dahil napaka-mahal ng commercial value ng lugar kung saan ito nakatayo, mamahalin ang interior at mga kagamitan. Hindi ko na iisipin kung ilang milyon ang ginastos dito, subalit maraming mga kapatid na contractors ang makapagsasabi na hindi mumunting halaga ang ginugol para dito. At kayo na rin po ang humusga kung ito ba ay akma at abot kaya ng isang anak ng Ministro sa Iglesia… Kung sa ibang mga Ministro nga ay napakahigpit ng Pamamahala sa uri ng pamumuhay nila, bakit kapag sa mga anak na ng Sanggunian ay tila baga hindi aplikable ang mga tuntuning ito. At ang Jet 7 Bistro ay mayroon pang mga inuming nakalalasing, hindi lang pala tuntunin ang nalalabag, pati pala ang Doktrina ay hindi na nila isinasaalang-alang. Maari nilang itangging sa kanila ang mga negosyong ito subalit isa itong “open-secret” sa mga nandito sa Central, kaya pinupuntahan pa ito ng mga Ministro at Manggagawa at mga kawani sa Tanggapan. At ang Bistro ni Jet ang siyang may hawak ng “meal ticket” ng lahat ng mga trabahador sa mga pagawain sa Philippine Arena, Sports Stadium at iba pa. Sila din ang nagcater sa mga malalaking okasyon sa Iglesia gaya ng ginawa sa Centenaryo at iba pang malalaking okasyon sa Philippine Arena. O di ba sali nila lahat ng pagkakakitaan sa Iglesia. Kaya magatataka pa ba kayo kung bakit laging gusto ng Ka Jun Santos na maraming aktibidad sa Iglesia lalo na sa Philippine Arena, para kahit yun pang catering ng pagkain mula sa VIP, sa guests hanggang sa nga staff, contruction at personnel ay sa kanila pa rin ang pasok. Hindi ba conflict of interest yan? Hindi naman siguro kasi lahat na lang sa Iglesia ay may interest si JS kaya walang conflict. Kung merong tinatawag na captured market, TAYO GINAWANG HOSTAGED MARKET NG KA JUN SANTOS. Pero ano nga ba uli ang sa i nya (sic)? “Wala kayong nalalaman! Wala! Wala kayong kahit katiting na kabatiran! Wala!” .


Sa atin na mga karaniwang Ministro at kahit pa mga kapatid, kapag nakitang maykasama o kausap na Ministro ay pinapatawag na agad sa Tanggapan ng Distrito o kaya sa opisina ng Sanggunian at pinapagsasalaysay sa Ka Eduardo at malimit ay dinidisiplina pa sa karapatan, subalit dito ay makikitang kahit pala puntahan sila ng mga “kaibigan” na politiko at naka-post pa online, ay bale wala lang sa Sanggunian. Di ko lang tiyak kung ang tawag dun ay “Double Standard”? Bakit hindi pa natin tawaging “Sanggunian Standard” para malinaw. Kaya kung may kakayanang makapagsimula ng malalaking negosyong gaya ng mga ito ang mga anak ng isa sa kinikilalang “lider” ng Sanggunian, saan kaya galing ang malaking halagang ginamit dito? Sadya bang milyunaryo ang pamilya ng Ka Jun o Ka Annie Santos? Milyunaryo kaya ang mga napangasawa ng kanilang mga anak? Kasi tyak ang isasagot ng napakatalinong-awditor-pangkalahatan ng Iglesia na si Ka Glicerio B. Santos Jr. ay ang mayayaman daw ay ang mga “business partners” ng kaniyang mga anak… sabi nga ng anak kong bunso… “Tell it to the marines!”. Di rin naman kataka-taka dahil kung sa politika nga ay may mga “cronies” or “dummies”, mas mahusay dyan si Ka Jun Santos kasi pinaghandaan na niya lahat yan. Kaya nga nakapag pundar na sya ng mga jollibee, Mcdo, Chowking etc… YOU NAME IT, JS HAS IT!

Hayaan na po natin si Ka Jun Santos na sabihan tayong muli na “Wala naman kayong alam! Wala! Wala naman kayong ebidensya! Wala! Ni katiting ay wala kayong kabatiran!” – J.S.

They say a picture paints a thousand words… well these pictures will definitely paint MILLIONS of words…
























 
By the way, Ka Jun…. simula pa lang ito.

Other members of the illustrious Sanggunian (notorious is the more appropriate term)… sunud-sunod na po kayo. Kaya magmadali na pong mag-close ng mga bank accounts, maglipat sa mga dummy bank accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion na bahay at mga condo, tawagan na lahat ng inyong mga “BAG MAN” at bilinan ng mahigpit na walang pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace lahat ng mga money trails at paper trails at pagtatanggalin lahat, tiayakin na nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang halaga lamang o kaya ay hindi naman sa inyo kung sa kapatid/kamag-anak/kaibigan lamang ninyo at pinahiram lang namang sa inyo, katunayan nga ay eto ang mga OR/CR na wala sa pangalan ninyo, bilinan lahat ng mga kasambahay, kaibigan at kamag-anak na kapag may nagtanong kung sino ang may ari ng ganito at ganyan ay alam na nila ang sasabihin nila, tiyaking malinis lahat ng inyong ginawa at walang anumang ebidensyang makukuha laban sa inyo… In other words, simulan nyo na pong linisin ang dungis na ibinigay ninyo sa malinis at marangal na pangalan ng Pamamahala at ng banal na Iglesia. Dahil sa ang mga kapatid na mismo ang mga nagpapadala ng ebidensya ng katiwalian laban sa inyo, hindi na po ninyo ito mapipigil kahit pa magmalinis kayo.

Tandaan po ninyo nating lahat mga kapatid… maaaring nakapagtago sila sa Diyos ng ilang panahon… SUBALIT HINDI SA HABANG PANAHON. Nakapagtago man sila sa mata ng tao, subalit hindi sila makapagtatago kailanman sa paningin ng Panginoong Diyos.

Antonio Ebangelista

Email: increportsforvem@gmail.com

Instagram: @antonioebangelista

Twitter: @AEbangelista1

2 comments:

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.