Pages

Saturday, May 21, 2016

'GETTING TO KNOW THE IGLESIA NI CRISTO': PANLILITO AT PANLILINLANG — GAWAIN NG KADILIMAN


Ano nga ba talaga? Iglesia Ni Cristo o Church of Christ? O pareho?

Alam niyo ba ang mga paniki ay ang bukod tanging mammals na may pakpak at karaniwa’y nakikitang lumilipad pagsapit ng takipsilim hanggang sa magbubukang-liwayway.

Ang mga paniki ay HINDI IBON. Katulad din sila ng ibang mga mammals na may buhok at hindi balahibo. Nanganganak at hindi nangingitlog tulad ng mga ibon maliban sa Monotreme na nangingitlog.

Ngunit sa mga taong hindi pa nakakakita ng paniki sa kanilang buhay, sa biglang tingin, habang sila’y lumilipad sa kadiliman, pagkakamalan nga naman silang mga ibon.

Dahil sa totoo lang, ang akala ng ilan, ang LAHAT NG LUMILIPAD ay ibon. Nakakalito! Nakakalinlang! Hindi ba?

Kaya ginamit ko ang paghahambing na ito ay sapagkat MARAMING MGA Kristiano ang NABULID sa ganitong PAGKALITO kaya’t NALINLANG. Akala nila tunay na Iglesia, iyon pala ay huwad.

Gawain po kasi ni Satanas ang panlilito para makapanlinlang.

Aminin po natin na NAPAKARAMI pang mga Katoliko ang SALAT na SALAT pa sa KAALAMAN tungkol sa pananampalataya.  Kaya't ito ay SINASAMANTALA ng mga bulaang mangangaral upang manlito at manlilang.

Maraming mga Katoliko na ang UMANIB sa samahang ITINATAG ni FELIX MANALO (na dating Katoliko rin) noong taong 1914 sa pag-aakalang ang ‘IGLESIA NI CRISTO®’ na KANIYANG TATAG ay ang “tunay” raw na Iglesiang itinatag ni Cristo.

PANLILINLANG SA PAMAMAGITAN NG WIKA


Napansin niyo bang TAGALOG o FILIPINO ang gamit nating WIKA sa pagsulat ng artikulong ito? Kaya’t asahan niyong TAGALOG din ang paggamit ko ng salitang “IGLESIA NI CRISTO” at hindi “CHURCH OF CHRIST”.

Ganoon din naman kapag WIKANG INGLES ang ating gamit. I will use the words “CHURCH OF CHRIST” instead of the Tagalog “IGLESIA NI CRISTO”.

Bakit kaniyo? 

Sapagkat sa WIKA, mas nauunawaan natin ang pakahulugan ng mga salitang ginagamit. Kapag gamit naman natin ay Español (España), natural lamang na ang wikang mababasa ninyo ay HINDI ‘Iglesia Ni Cristo’ kundi “IGLESIA DE CRISTO”. At ganon din sa iba pang mga wika halimbawa na lang ay Prances (France) ay L'ÉGLIES DU CHRIST'.

TAGALOG BA O INGLES?

Pamphlets na pinapamudmod ng mga kaanib ng INC™ sa mga Katoliko

Ang BAGONG TIPAN ay NASUSULAT sa WIKANG GRIEGO.

Pero napansin niyo ba ang WIKANG gamit ng TUMUTULIGSA sa atin sa kanilang PAMPHLETS na pinamudmod noong nakaraang Sabado (larawan sa itaas)  ay sa WIKANG INGLES di ba?

Pero NAKITA niyo ba kung bakit sa kanilang PAGBANGGIT ng pangalan ay BALIK sa TAGALOG?


Getting to know THE IGLESIA NI CRISTO (Church of Christ)’?

Hindi ba MAS AKMA kung ganito na lamang pagkasulat ng titulo: “Getting to know THE CHURCH OF CHRIST (Iglesia Ni Cristo)’. Tutal wikang Igles naman ang gamit kaya’t dapat lamang na Ingles din ang salin at HINDI Tagalog.

ANG PAGBUBUNYAG

Hindi po nila gagawin ‘yan sapagkat ang ‘IGLESIA NI CRISTO’ at ‘CHURCH OF CHRIST’ ay HINDI MAGKATULAD. Hindi po sila parehas at hindi rin po sila related ayon sa batas na nag-iingat sa kanilang PAGKAKA-REHISTRO.

Paano naman magkaiba eh pareho lang naman ang PAKAHULUGAN?

‘Yan marahil ang namumutawing katanungan sa inyong mga isipan.

Magkaiba sapagkat ang TAGALOG na ‘IGLESIA NI CRISTO’ ay kay FELIX MANALO. At ang ‘CHURCH OF CHRIST’ ay pag-aari ng mga ibang mga sektang Protestante.

Katulad ng mga sumusunod:

  • The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints o mas kilala sa pangalang Mormons (itinatag ni Joseph Smith noong ika-6 ng Abril, 1830 sa Utah, USA.  Sa ngayon may maraming hidwaan sa katuruan nila kaya't nagkawatak-watak.)
  • The Church of Christ 4th Watch (isang Pentecostal church na itinatag ni Arsenio T. Ferriol sa Pilipinas noong 1972 sa paniniwalang siya raw ay ang 'Huling Apostol' ni Cristo.)

Ang mga nabanggit nating mga 'CHURCH OF CHRIST' (sa Tagalog ay 'IGLESIA NI CRISTO')  sa itaas ay WALA PO SILANG saling pangalan sa Tagalog. Nananatili pong Ingles. Ganyan ang pagpapakilala nila sapagkat ITO ay ang kanilang REGISTERED TRADEMARKS (Patented) sa Securities and Exchange Commissions.

Ang ‘Church of Christ’ or ‘Churches of Christ’ ay HINDI maaaring magpakilalang ‘Iglesia NI Cristo’ o ‘Mga Iglesia Ni Cristo’ sapagkat PAGLABAG ito sa 'IGLESIA NI CRISTO' bilang isang Registered Patented Trademark. At ipaglalaban ng mga INC ang kanilang rehistro sa hukuman.


Eh ginamit din naman ng Iglesia Ni Cristo ang ‘Church of Christ’ ah.

Tama. Ginamit nga nila ang salitang ‘Church Of Christ’ ngunit hindi bilang SINGLE ENTITY kundi bilang “TRANSLATION” lamang at HINDI registered name.

Sapagkat ang salitang ‘IGLESIA NI CRISTO’ ay INIINGATAN ng Securities and Exchange Commission’s Registered Patent (bilang Corporation) katulad ng mga registered patent CORPORATIONS na Jollibee, McDonald, SanMig, SM, atb.

Ibig sabihin, HINDI PWEDENG GAMITIN ninuman ang TAGALOG na ‘IGLESIA NI CRISTO’ ng walang PAHINTULOT mula sa nagrehistro nito na walang iba kundi si FELIX Y. MANALO na ngayon ay pinamamahalaan ng kanyang APONG si EDUARDO V. MANALO na NAGTAKWIL at NAGTIWALAG sa kanyang SARILING INA at mga KAPATID SA DUGO!

Kaya’t kung may iba pang mga bulaang propeta ang gustong magtatag ng kani-kanilang mga iglesia. Pasensiya pero THAT NAME WAS ALREADY TAKEN.

Maari sigurong pangalan niyo na lamang ang inyong iglesia bilang ‘Iglesia Ni Cristo Jesus’ o ‘ Iglesia ni Cristong Diyos’ o ‘Iglesia ni Cristong Taong-tao ang Kalagayan’ pero HINDI sa pangalang ‘IGLESIA NI CRISTO’!

NASA BIBLIA BA ANG REGISTERED NAME NA ‘IGLESIA NI CRISTO’?

Parehong MERON at WALA!

Meron pong ‘/iglesia ni Cristo/’ sa Biblia (pagbigkas) at sa BIBLIANG TAGALOG lamang po ito nababasa (oo naman!)

Ito ay tanging sa ROMA 16:16 lamang masusumpungan. (Sila nga ba ang tinutukoy sa Roma 16:16? Basahin DITO!)

PERO IBA ang NAKATITIK sa Roma 16:16. Ito ay ‘mga iglesia ni Cristo’ at HINDI Iglesia Ni Cristo’!

Ibig sabihin ay common noun po ang nakasulat at HINDI proper noun!

Yung NAKAREHISTRO po sa S.E.C. ay PROPER NOUN at HINDI common noun tulad ng nakasulat sa Bibliang Tagalog.


Mahalaga pa ba ‘yon?

Opo. Mahalaga po ang grammar sa pagbabasa ng Biblia. Para na ring “Idiot’s Guide”, ang common noun po at proper noun ay magkaiba ayon sa rules of grammar.

Halimbawa ng common noun at proper noun ay ang mga sumusunod:

  • •tindahan = Gina’s Store
  • daan = Manalo Street
  • alak = Ginebra San Miguel
  • iglesia = Iglesia Katolika
  • babae= Rosita Trillanes
  • ministro= Eduardo V. Manalo
  • tagapagtatag = Felix Manalo
  • papa = Pope Francis

Nakita niyo na ang pagkakaiba?

Uulitin po natin. Ang nasa Roma 16:16 ay ‘inC’ (iglesia ni Cristo) at hindi po  ‘INC’ (Iglesia Ni Cristo)!

Marami nang mga NALINLANG dahil sa mahinang pagsusuri ukol sa katotohanan sa likod ng kanilang pangalan.

Mayroon pa silang INAANGKIN na salitang ‘Iglesia Ni Cristo’ raw sa Biblia maliban sa Roma 16:16. Ito raw ay masusumpungan sa MGA GAWA 20:28.

Hindi po totoo 'yan!

Kahit buklatin niyo pa ang mga Biblia niyo sa bahay, wala po kayong masusumpungang 'Iglesia Ni Cristo' sa Mga Gawa 20:28 kundi 'IGLESIA NG DIYOS' ang inyong mababasa.

Hindi matanggap ng mga INC™ ang mga katagang 'Iglesia ng Diyos' sa Mga Gawa 20:28 sapagkat may karugtong itong pangungusap na AYAW na AYAW nilang tanggapin "na binili sa pamamagitan ng KANYANG SARILING DUGO."

Para sa mga INC™, wala raw DUGO ang Diyos kaya't imposibleng 'Iglesia ng Diyos' daw ang totoong nakasulat dito. [Tandaan natin na ang mga INC™ ay HINDI TANGGAP si JESUS bilang VERBO/LOGOS/SALITA sa Juan 1:1-4, 14 samantalang MALINAW na INAANGKIN ni Jesus na SIYA NGA ay GALING SA ITAAS (VERBO/LOGOS/SALITA) na NAGKATAWANG-TAO (Juan 6:38, 8:23)
 
Maging sa LAHAT po ng TAGALOG VERSIONS ng Biblia sa buong bansa ng Gawa 20:28 ay ‘iglesia ng Diyos’ po ang nakasulat at HINDI ‘Iglesia Ni Cristo’ ayon sa gusto nilang palabasin.

Upang makapanlinlang, nakuha nila ang SALIN ni GEORGE LAMSA na itinakwil din ang pagka-Diyos ni Cristo.

Sa Lamsa Translations, ang mga nakasulat sa Mga Gawa 20:28 kung -SALIN sa Tagalog ay "iglesia ni Cristo" na "binili niya sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo."

Nawala ang PAGKA-DIYOS ni Cristo sa salin ni Lamsa.

WALA PONG 'IGLESIA NI CRISTO' SA BIBLIA

Tama po! Wala po tayong mababasang ‘Iglesia Ni Cristo’ kung ang pinapatungkulan ay ang Iglesiang tatag ni Felix noong 1914 o ayon sa pagkakarehistro nito sa buong mundo sa LAHAT ng SALIN NG BIBLIA!

Sa Tagalog Versions, ‘mga iglesia ni Cristo’ po ang nakasulat at hindi ‘Iglesia Ni Cristo’. Kung sa PAGBIGKAS malamang, MALINLANG kayo ng mga mangangaral sapagkat SA TUNOG sila nagdidiin ng salita habang kayo ay NAKIKINIG lamang sa kanilang pagpapahayag!

Ang mga ENGLISH VERSIONS ay ‘churches of Christ’ po ang nakasulat (hindi Tagalog na ‘Iglesia Ni Cristo ayon sa pagkakarehistro nila)!

ANG TUNAY NA IGLESIA AY PANGKALAHATAN O KATOLIKA!

Ang mga ORIHINAL NA SALIN ng Bagong Tipan sa WIKANG GRIEGO, ang IGLESIA KATOLIKA ay nagmula sa mga katagang ito (Acts 9:31) ‘ Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο’ ang nakasulat (hindi Tagalog na ‘Iglesia Ni Cristo’ ayon sa pagkakarehistro nila)!

Mababasa natin sa BibleHub na ang ibig sabihin ng KATA HOLOS ay PANGKALAHATAN na siyang PINAGMULAN ng salitang KATOLIKO/ KATOLIKA!
 
At kung hayaan nating i-Translate ng Google, ito ang mababasa natin.


Ngunit sa Tagalog, naman ay naiiba ang pagkakasalin.


Gayon din naman sa iba’t ibang wika tulad ng ALEMAN, ITALIAN, ESPAÑOL, LATVIAN, LATINA, MANDARIN, NIPONGO, PIGIN, BAHASA, MALAY, PORTUGES, AFRIKAANS, ZULU, SANSKRIT, ARABE, POLISH, RUSO, PRANSES, atb, wala po tayong mababasang Tagalog na ‘Iglesia Ni Cristo’ rito (ayon sa pagkakarehistro nila)!

Hindi po ba’t mangangamatis sila sa kapapaliwanag sa mga wikang nabanggit natin sa itaas kung BAKIT TAGALOG na ‘IGLESIA NI CRISTO’ ito pinapakilala maging sa ibang lahi at hindi ayon sa kani-kanilang lokal na wika?


TUNAY NGA BA ANG 'IGLESIA NI CRISTO' SA PILIPINAS?

Tunay nga! Tunay na ITINATAG sa Pilipinas ang iglesiang ‘Iglesia Ni Cristo’. Wala po silang kinalaman sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo. (Basahin ang Timeline of Catholicism)

Tunay nga na ITINATAG ito ni FELIX MANALO at HINDI si CRISTO JESUS!

Source: Wikipedia

Tunay nga na noong Hulyo 27, 1914, ang samahang ‘Iglesia Ni Cristo’ ay LUMITAW sa Pilipinas at NAREHISTRO bilang isang CORPORATION SOLE na PAG-AARI ng NAGTATAG!


Ngunit ang DOKTRINANG siya’y ‘SUGO’ ay LUMITAW lamang noong 1922, hindi 1914 ayon sa Catholic Answers.

Bakit 1922 lamang ito itinuro? Hindi ba nalaman agad ni Felix Manalo na siya ay ‘SUGO’ ng Diyos (daw) sa mga ‘Huling Araw’?

Nangyari lamang na ITURO ni Felix Manalo ang kanyang PAGKASUGO (raw) upang MAPIGILAN ang PAG-AKLAS ng mga taga-sunod ni TEOFILO ORA na siyang NAGTATAG ng sariling iglesia. Sila ang mga kilalang mga ‘ANG DATING DAAN’ ni G. Eliseo Soriano. Mga kanunununuhan ni G. Soriano ang mga umaklas sa ‘Iglesia Ni Cristo’ na tatag ni Felix Manalo.

HUWAD NGA BA ANG 'IGLESIA NI CRISTO' SA PILIPINAS

Hindi po tayo ang nagsabi niyan. SILA PO ANG NAGPATUNAY niyan.

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

Huwad! Sapagkat HINDI tunay na tatag ni Cristo!

Huwad! Sapagkat HINDI tatag sa Jerusalem!

Huwad! Sapagkat TATAG ng Tao!

Huwad! Sapagkat SULPOT lamang kamakailan!

HUWAG NA PO TAYONG PALILINLANG!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.