Pages

Tuesday, October 25, 2016

Kaanib pa ba ng Iglesia Ni Cristo-1914 si Conrad J. Obligacion? Bakit nawala na lamang ang kanyang Resbak.com?

Matagal nang hindi naririnig ang pangalan ni Conrad J. Obligacion sa mga forums at blogs ng mga INC™. Nawala na rin ang kanyang RESBAK.com sa internet.  Tanging natira na lamang ay ang mga blogs na SIYA ANG MAY AKDA na pinangalan sa mga Catholic Faith Defenders, hindi para ipagmamapuri ang kanilang gawaing pangkabanalan kundi sa paninirang-puri at atake sa Iglesia Katolika na siyang TUNAY at NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO (ASUGO Abril 1966, p. 46). Alin man sa dalawa iyan ang expertise niya. (Basahin "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914" na inilathala ng Logos Publication.

Hindi kaya nadismaya rin siya sa lumalalang sigalot sa loob ng Iglesia Ni Cristo® sa pagitan ng pamilya ng kasalukuyang Punong Ministro ang Ka Eduardo V. Manalo laban sa kanyang kadugo at kapamilya ang Ka Eraño G. Manalo na kanyang ama, inang si Ka Tenny, at mga kapatid sa laman na sina Ka Lottie, Ka Angel at iba pa.  

Hindi kaya siya ay lumaban sa pamamahala ng kasalukuyang Punong Ministro kaya't siya ay tumahimik at kasama na ngayon sa mga "INC Defenders" na sikretong lumalaban kay EVM? 

Alin man doon, sana naman ay napagtanto niya na ang kasamaan ay walang puwang sa kaharian ng Diyos. Na ang pandaraya, pagsisinungaling, panlilinlang sa kahit sinong tao, Kristiano man o hinde ay hindi katangian ng isang taong matuwid at nagnanais na mapasa-Diyos at hindi katanggap-tanggap sa isang nagnanais na taga-sunod ni Cristo.  

Hindi natin ninais na may masamang nangyari sa isang dating tagapag-pahamak ng Iglesia Katolikang katulad niya, ngunit dahil naglipana na naman ang paninirang-puri ng mga kaaway sa pananampalataya at mga kakampi ngunit kaaway sa pulitika kaya't minabuti kong i-refresh ulit ang tungkol sa  kasaysayan ng galit ni G. Obligacion sa mga Catholic Faith Defenders mula nang ito ay nagsimulang mamayagpag taong 2008 sa pangunguna ni Rev. Fr. Abrahan 'Abe' Arganiosa, Bro. Cenon Bibe at marami pang mga tagapagtanggol.  

Sa kasalukuyan, malakas, buhay, namamayagpag at aktibong nag-aaral ng PAGTATANGGOL sa INANG SIMBAHAN ang maraming kabataang Katoliko mula Mindanao hanggang Luzon, sa pangangasiwa nina Fr. Abe Arganiosa, Atty. Bro Marwill Llasos, OP, Bro. Cenon Bibe, Bro. 'Tatang" Larry Mallari na dating kaanib ng INC™, Bro. Duane, Bro. Marco Evangelista, etc.  

Tunay nga na hindi kayang patahimikin ng mga kalaban ng Santa Iglesia ang mga Katoliko. Sila ay pinatitibay at pinalalakas ng Banal na Espiritu ang mga LINGKOD niya! Kung hindi kayang manindigan ng mga lingkod sino ang magtatanggol sa Inang Simbahan? Kung mananahimik tayo, mga bato na mismo ang magsasalita (Lk. 19:40). 

At para sa kabatiran ng mga nagsusubaybay sa blog na ito, ating basahing muli ang PANLILINLANG NI CONRAD J. OBLIGACION na isa sa mga tumutuligsa sa mga 'Defenders" at ng Inang Simbahan, upang maunawaan natin kung ano ang nagtulak sa kanya upang magsinungaling, mandaya, at manlinlang ng mga kaluluwa.

Narito rin ang artikulo ni Bro. Cenon Bible patungkol kay G. Obligacion sa TUMBUKIN NATIN.

Heto naman ang artikulo mul sa FILIPINO CULTS patungkol din kay G. Obligacion.

Heto naman ang artikolong sinulat sa blog ni Fr. Abe Arganiosa The Splendor of the Church

Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.