Pages

Sunday, August 22, 2010

Sagot kay Allan, Kaanib ng Iglesia ni Cristo (Part 7)

(Basahin ang Part 6)

Tatlong sunud-sunod na comments na naman ang pinost nitong si G. allan, kaanib ng INC-1914 sa article nating Iglesia ni Cristo Converted to Catholicism.

Nagbibilad na naman siya ng kamangmangan at kayabangan. Gusto niyang ANGKINING IGLESIA ni CRISTO (1914) raw ang mga sinaunang Iglesia.

Pero sabi ng OPISYAL na magasing PASUGO ay ganito naman:

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Ang himutok nitong kaanib ng INC-1914 ay tungkol sa pangalang "Iglesia ni Cristo" raw na nababanggit sa Roma 16:16 at least sa saling Tagalog.

Baka magulat siya kung anong nakasulat sa Chinese, Arabic, Russian, Portuguese, German translation of the Bible, hindi na "Iglesia ni Cristo."

Maliban sa "Tagalog" version na pinagkuhanan nila ng kanilang "REGISTRATION sa SEC" malabong SILA ang TINUTUKOY sa Roma 16:16.

Ayon sa Registration nila sa Pilipinas, ang OPISYAL na pangalan ng samahan ay "IGLESIA NI CRISTO" at hindi Church of Christ o ano pa mang salin.

Katulad ng "SAN MIGUEL CORP." hindi naman pwedeng pag-aari ng nasabing kompanya ang lahat ng saling wika.

Hindi naman pag-aari ng "San Miguel Corp." kung mayroon mang "SAINT MICHAEL CORP." hindi ba't IBA NA ang PAKAHULUGAN kapag naisalin na?

Ganyan ang "Iglesia ni Cristo" na tatag ni Felix Manalo. Maisalin lang sa ibang wika. Nakakabit ang pangalan ni Felix Manalo sa Registered Trademark na "Iglesia ni Cristo."

Kaya't hindi na pag-aari ni Felix Manalo ang mga samahang may rehistrong "Church of Christ" o "Iglesia de Cristo". You know what I mean.

Heto ang himutok ni G. allan, kaanib ng INC-1914

August 20, 2010 1:58 PM
allan said...
sinasabi mong bantog ang pananampalataya ng Roma idagdagdag ko diyan ang maraming katotohanan na magkakaugnay ukol sa"kabantugan" ng kanilang pananamplataya ang lokal ng unang INC sa Macedonia. Alam mo kaya yun. tiyak hindi na naman tapos magbabanggit k pa ng mga sitas eh alam naman namin eh para sa isang self serving na pananamplataya na nakabatay lang sa kanilang sariling pagkaunawa at malayong malayo sa mga aral at pananamplataya ng mga pinagpaging banal sa Bibliya. Ang lokal ng Macedonia noong unang siglong Cristianismo ay bantog rin dahil sa kabila ng kanilang kasalatan ng kanilang buhay ay nkapaghandog o nakapagabuloy sila sa panginoong Dios ng higit sa kanilang kinikita kaya ito ay sinulat ni Apostol Pablo para maging inspirasyon ng mga unang Cristiano o INC noon ang pananamplataya na higit sa kanilang katatayuan sa buhay pero kahit nging "bantog" rin sila eh hindi sila napatawag n Iglesia ng Macedonia. Ang sinasabing mga Iglesia s Roma, Macedonia

Masama bang loob mo G. allan at sinasabi ng Banal na Aklat na "BANTOG" ang PANANAMPALATAYA ng TUNAY na IGLESIAN kay CRISTO na nasa Roma?

At gusto mo pang angkining INC-1914 ang nasa Macedonia? hehehe. Malabo.

Mangarap ka lang G. allan, libre naman.

Ang Iglesiang kay Cristo sa Macedonia ay "bantog" din ang pananampalataya dahil sila'y KAISA ng IGLESIANG nasa ROMA.

At kahit na anong iniiyak-iyak mo, HINDI sila IGLESIA ni CRISTO kay FELIX MANALO. Sila'y IGLESIANG KAY CRISTO dahil si CRISTO MISMO ang kanilang kinikilalang NAGTATAG at hindi si FELIX MANALO.

HINDI sila MADE in the Philippines.

Subukan mo ngang pumunta sa Macedonia at sabihin mong INC-1914 sila at dapat nilang tanggapin si Felix Manalo bilang "huling sugo" at may mapaglalagyan ka.

Baka isipin pa nilang hindi ka na normal.

Actually hanggang ngayon ang mga Kristiano sa Macedonia TULAD ng IGLESIA ni CRISTO sa ROMA ay nanatili sa kanilang pananampalataya.

Tumpak nga at walang pagtatalo-talo dito dahil ito rin ang OPISYAL na katuruan ng INC-1914 na nasusulat sa kanilang OPISYAL na PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
Ganito raw ang ginawa ng mga Katoliko, nanatili sila sa mga aral ng Dios. Ang mga Katoliko'y NANATILING MATIBAY sa ARAL ng mga APOSTOL. At ito rin daw ang DAPAT (must) na GAWIN nga mga kaanib ng INC-1914.

So ano pang hinihintay mo G. allan? DAPAT na tumalima ka sa itinuturo ng inyong mga Minsitro: MANATILI sa ARAL ng mga KATOLIKO dahil sila'y NANATILING MATIBAY sa aral ng mga Apostol.

Heto ang himutok ni G. allan, kaanib ng INC-1914
August 22, 2010 3:36 AM
allan said...
ay nagpapakilala ng lokal o mga naitatag na dako ni Apostol Pablo sa bayan ng mga hentil o hindi lahing hudyo. Pero ang boong lokal ng mga kristiyano noon ay tinawag pa rin sa Iglesia Ni Cristo(Roma 16:16; Gawa 20:28) para ipakita na sila ay nasa iisang samahan at pananampalataya hindi katulad ng paniniwala niyong balakyot at hindi naaayon sa turo at espiritu ng mga Banal na Kasulatan.


"Pero ang boong lokal ng mga kristiyano noon ay tinawag pa rin sa Iglesia Ni Cristo(Roma 16:16; Gawa 20:28) para ipakita na sila ay nasa iisang samahan at pananampalataya"

Saang HOKUS-POKUS mo naman ito napulot G. allan? Hindi ko akalain na namumulot ka pala ng basura at naniniwala sa OPINYON.

Hindi ko tuloy alam kung marunong kang umunawa o hindi. O sadyang BULAG ka na sa KATOTOHANAN.

Tingnan mo nga ulit ang nakasulat sa mga nabanggit mong mga talaga?

Roma 16:16 - churches of Christ or mga iglesia ni Cristo
Gawa 20:28 - iglesia ng Dios or churches of God (Lamsa churches of Christ or iglesia ni Cristo.)

May pagkakaiba ba ang "iglesia" sa "Iglesia"?


Mabuti pa ang First Grader nakakaunawa.


Heto ang himutok ni G. allan, kaanib ng INC-1914

Wla kahit halughugin mo pa ang Buong Bibliya ay hindi mo makikita ang inembento niyong mga aral -kya nga inembento lang dahil isa sa mga dahilan nito ay hindi na nauunawaan pa ang mga dalisay na mga aral ng banal na kasulatan na yan ay isa sa mga tanda na hindi na nga tunay na Iglesia and ICAR. Tiyak at hindi mo naman alam ang isang aklat katoliko na gawa ng isang pari ang slaysay niya ukol s mga banal na kasulatan. Sinabi at to quote him na hindi puedeng pagbatayan ng pananampalataya (katoliko) ang isang aklat (Bibliya) na lubhang mahirap intindihin. Alam mo kaya ito G. Catholic Defender,tiyak hindi na naman.

Dalisay na aral sa INC-1914? PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”

PASUGO Mayo 1963, p. 27
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”

Napakadalisay talaga ng mga aral ni Felix Manalo na GALING lamang sa kanyang SARILI. Ito marahil ang dahilan kung bakit DALISAY rin ang pagpapaliwanag mo. Mantakin mo, kahit mga Ministrong inaralan ni Felix Manalo, labo-labo rin kung magpaliwanag sa Pasugo. Dalisay ba ang tawag sa ganitong labo-labong aral? Ganyan pala ang kasanayang turo sa INC-1914. Dalisay!

Heto ang himutok ni G. allan, kaanib ng INC-1914

Kaya nakakasuka talaga ang mga lihim na iyan dahil hindi mo man lang yata nabasa yung aklat na iyon ng katolismo.

Anong aklat ba iyon? Yung mga out of context na paliwanag nga mga Ministro mo? Baka naman pwedeng mabasa namin...

Agree ako sa sinabi mong "NAKAKASUKA" ang mga "LIHIM' at lahat ng INILILIHIM ay nakakasuka talaga.

Isipin mo INILILIHIM ng mga MINISTRO ng IGLESIA NI MANALO ang kanilang mga ARAL. Walang OFFICIAL WEBSITE! Walang PRINTED COPIES ng kanilang mga OPISYAL na katuruan!

Nakatago at AYAW ilantad sa PUBLIKO!

Ikaw na rin ang nagsabi! "NAKAKASUKA nga ang inililihim na aral".

Ano kaya? NAKAKASUKA rin kaya ang LIHIM at TAGONG aral ng INC-1914?

On the contrary, WALA PO KAMING ITINATAGO! LANTAD na LANTAD po ang aral at kasaysayan ng Iglesia Katolika!

Heto nga't naka-POST pa sa VATICAN SITE ang aming Katesismo at mga iba pang mga mahahalagang DOCUMENTS ng Iglesia tunay kay Cristo.


Heto pa at AVAILABLE in MAJOR BOOKSTORES ang Catechism of the Catholic Church published in different languages. At ang kasaysayan ng IGLESIA KATOLIKA both POSITIVE and NEGATIVE ay nasa WIKIPEDIA, LANTAD na LANTAD!

Masasabi mo bang LIHIM ito?

Dumilat ka G. allan at harapin mo ang katotohanan. Ang Iglesia ni Manalo ang NAGLILIHIM sa iyo at hindi kami!

HINDI mo pa rin MAIKAKAILA G. allan na sinabi ni Cristo: "KAHIT KAILAN hindi MANANAIG ang KAPANGYARIHAN ng IMPIERNO sa aking IGLESIA."

Ganon pala! Kahit kailan, NOON hanggang NGAYON, ang IGLESIA NI CRISTO tatag kay San Pedro ay HINDING-HINDI aagawin ninoman. Iyan din ang OPISYAL na TURO ng INC-1914 PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

KITAM!

Heto ang himutok ni G. allan, kaanib ng INC-1914

Di ba? Kaya nga nung nagaaral pa lang ako ng mga dalisay na mga aral ng Dios s INC ay tunay na naalis sa akin ang lambong ng kasinungalingan na iyan ang itinatak sa akin nung akoy binyagan s paganong iglesya na nagpapakilala p namang kristyano ay hindi naman pla nakabatay sa Bibliya ang pananampalatayang Catolika dahil mismo s bibig ng mga pari ay tunay na sumasambulat ang katotohan na hindi talaga nila naiintindihan ang mga Banal na Kasulat ksi nga pag naintindihan nila ito at ginawa ay aalis sila sa malademonyong pamumuhay nila na nagbabalatkayong kristiyano. Kya nga ito lang pangalan ay sa kung sino sinong reperensiya ginagamit at hindi ang mga aral n nakasulat sa banal na kasulatan na iyan n nga ang Bibliya.

Bago mo masamain ang binyag-Katoliko mo, unawain mong MISMONG si FELIX MANALO ay NAMATAY na bitbit ang BINYAG-KATOLIKO.

Nabinyagan ba si Felix Manalo sa IGLESIA niya?

HINDI PO!

Kung gayon, bitbit pala niya ang BISA ng BINYAG-KATOLIKO hanggang siya'y namatay.

Sinong imbentong pari itong pinagsasabi mo? WALA kang PATUNAY! Puro ka salita.

Pero heto ang HINDI imbento. Ang LABO-LABONG sinabi ng iyong mga Ministro at mapapatunayan ito mula sa inyong sariling OPISYAL na PASUGO!

Hindi ito OPINYON! PASUGO Nobyembre 1960, p. 26:
“Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)

PASUGO Nobyembre 1959, p. 20:
“Kaninong aral ang itinuturo ng Iglesia ni Cristo? Aral ng Dios, ni Cristo at ng mga Apostol na nasusulat sa Banal na Kasulatan. Walang aral si Kapatid na Felix Manalo na kinatha mula sa kanyang sarili."

PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”

PASUGO Mayo 1963, p. 27:
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

NAKITA mo ang LABO-LABONG aral ng iyong iglesia?

So sinong nag-iimbento ng kwento ngayon ako o IKAW? Ang kathang-isip mong pari o ang TUNAY na mga MINISTRO mong LABO-LABO ang mga katuruan?

Heto ang himutok ni G. allan, kaanib ng INC-1914
August 22, 2010 4:52 AM
allan said...

kaya kahit ang mga paliwanag mo kung titingnan mo lang ng mabuti at susuriin ay nakaangkla sa mga paliwanag at katuruan rin ng mga pari ng mga obispo at ang lahat ng mga tagapangaral niya ay nakabatay na s mga tradisyon ng mga tao, ng mga paganong mga simulain na iyan ay kitang kita sa mga ginagawa nito kaya talagang ibang iba ang Bibliya sa mga libro ninyong ginawa at inembento.

At ang mga aral naman ng IGLESIA ni FELIX MANALO ay naka-ANGKLA kay Felix Manalo, sa mga Manalo at sa mga susunod pang henerasyon ng mga MANALO.

At ang SIMULAIN ng inyong aral ay galing sa isang KASINUNGALINGAN ng inyong SUGO.

Ang inyong "cristo" ay hindi ang CRISTO ng Biblia. SINUNGALING at MANDARAYANG ang pinapakilala ninyong "CRISTO"

Ano ang MAHIGPIT na TAGUBILIN ni Apostol San Pablo sa mga NANGANGARAL ng IBANG CRISTO?

Sabi ng BIBLIYA sa CORINTHIANS 1:6-9:
I am amazed that you are so quickly forsaking the one who called you by (the) grace (of Christ) for a different gospel (not that there is another). But there are some who are disturbing you and wish to pervert the gospel of Christ. But even if we or an angel from heaven should preach (to you) a gospel other than the one that we preached to you, let that one be accursed! As we have said before, and now I say again, if anyone preaches to you a gospel other than the one that you received, let that one be accursed!

Kahit daw isang ANGHEL (sounds familiar) ang MAGTUTURO ng ibang katuruan, SIYA'Y dapat ISUMPA!

ISUMPA raw ang mga NANGANGARAL ng SINUNGALING at MANDARAYANG CRISTO!

Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 8

2 comments:

  1. Ako po ay si ante, binabasa ko po lahat ang argumento ninyo at argumento ni G Allan, sa aking nakikita ay walang kapasidad si G Allan na maintindihan ang inyong paliwanag, marami pong ganyan sa INC, hinde ko alam kung nag gagagugaguhan o tunay na gago sila. Gayun pa man ay marami akong natutuhan sa inyo.
    Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  2. Si Felix Manalo ay isang anghel daw...
    It's a lie.

    We all know that Iglesia ni Cristo 1914 does'nt want their members loose. There are some people that attended "pandoktrina" of the INC. The funny thing is they don't allow these guys to read the bible as well. They will just give them a God's Message magazine that exposes only INC.

    The Bible said the Demon is the Father of all lies. INC tries to hide people and bring them into darkness and we all know the Devil is the Prince of darkness.
    see the relationship?

    newly INC converts claims that they have been enlightened but they don't know what really behind it.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.