Pages

Tuesday, April 10, 2012

Bakit maraming umaangking sila'y mga "Iglesia ni Cristo"? Bagamat may nag-iisang Iglesiang kay Cristo!

St. Mary's Catholic Church - Dubai, UAE (Source: MSNBC.com)
Nakadalo na ba kayo sa "pamamahayag" (daw) ng Iglesia ni Cristo 1914?

May mga napansin ba kayong kahina-hinala? Naging mapagmasid ba kayo sa inyong mga nakita at inyong mga narinig? Kung naging mapagmasid kayo at nakinig ng maayos marami kayong mapupulot na mga maling aral.

Kung sakaling nakadalo nga kayo ngunit dumating kayo roon na paramg mga "empty CDs" o walang sapat na kaalaman sa pananampalatayang Katoliko (o tabula rasa) sigurado ko, kahit virus or malwares pa 'yan, tatanggapin niyo ng inyong mga "CDs".

Ngunit kung may laman na kayo at may ANTI-VIRUS na kayo sugurado ko, rejected agad ang mga nagpapanggap na mga friendly files pero may nakatago palang mga tojans and worms sa loob nito.

Ganyan ang aral ng INC 1914.  Kunyari banayad pero sa loob nito ay may lasong nakamamatay ng kaluluwa.  Ganyan na ganyan mangaral ang mga bayarang ministro ng INC ni Manalo.

Gagawin lahat upang MAKADAYA ng marami. Para silang mga virus ng computer. Mag-i-inject sila ng mga aral na alam nilang bago sa inyong pandinig at gagamitin nila ang banal na kasulatan PARA MANDAYA.

Gagamitin nila ang inyong "walang-kaalaman" sa pananampalatayang Katoliko at sisirain nito ang inyong pananampalataya.  Itatanim sa inyo ang matinding GALIT at PAGKAMUHI sa Iglesia Katolika at sa mga katoliko.  Sisirain nila ang inyong mga kaluluwa katulad ng pagkasira ng kaluluwa ng nagpanggap daw na Sugo at umangkin ng mga katanginang tanging kay Cristo lamang. 

Kaya't sila'y mga mandaraya ng PANANAMPALATAYA. Sumisira sa ating mga kaligtasan.

Bakit ko sinabing MANDARAYA sila?

Sapagkat sinasabi nilang ang "Iglesia ni Cristo" raw na tatag ni Felix Manalo ang tunay.

At sinasabi pa nila na si Felix Manalo raw ay tinawag ng "Dios" upang maging "sugo sa mga huling araw."  Saan at kailan siya "tinawag" ng Dios? Narinig ba niya ang "Dios" na tumawag sa kanya? O may naging saksi ba sa kanyang "pagtawag"?

At lalong isang malaking pandraya ang sasabihin nilang si Felix Manalo raw ang "BAGONG PASTOL" na sinasabi sa Juan 10:16:

"I have other sheep* that do not belong to this fold. These also I must lead, and they will hear my voice, and there will be one flock, one shepherd."

Para sa Iglesia ni Cristo 1914, ang PASTOL na tinutukoy rito ay si FELIX MANALO at HINDI si HESU-KRISTO!

PASUGO Mayo 1961, p. 22:
“Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).


“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Ngunit sa isang banda, sinasabi rin ng aklat na NILIMBAG ng INC na HINDI raw si FYM ang tinutukoy sa Juan 10:16, KUNDI si HESUS!

SULO sa pahina 58, ay ganito ang mababasa natin:

“Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)".

Ang JUAN 10:16, sino ang tinutukoy na PASTOL:  si CRISTO ba o si FELIX MANALO?!!

Ang gulo nila!!! Mandaraya nga sila!

Ang sabi ni HESUS sa (Mateo 24:4-5)

"Jesus said to them in reply, “See that no one deceives you. For many will come in my name, saying, ‘I am the Messiah,’ and they will deceive many.

"Many will come in my name" sabi ni Cristo. Ibig sabihin, PAGKATAPOS niyang itatag ang kanyang Iglesia, "many will come" at isa na roon ang INC ni Manalo na dumating nga upang MANLINLANG ng tao!

Muli sa Mateo 24:10-11:

"False messiahs and false prophets will arise, and they will perform signs and wonders so great as to deceive, if that were possible, even the elect."

At sila'y magpapanggap na mga "SINUGO" pero babala ng Biblia, sila'y mga paimbabaw at HINDI sila SINUGO. Sa madaling sabi-- PEKE.

At anong palatandaan na sila nga'y mga MANDARAYA? Hindi lang daw IISA ang MADARAYA nila kundi MARAMI.

Sa kasalukuyan may mahigit 3-10 milyon na raw po silang mga NADAYA. Ganyan na po karami ang mga NAGPADAYA sa MANDARAYA!

Narito ang mga Listahan ng mga MANDARAYA sa pagtuturo ng mga labag sa Iglesia.

Sa kaso ni Felix Manalo na nagtatag ng INK at pinalitan ng INC, ang kanyang excommunication ay tinatawag na Latae Sententiae o mas kilala sa tawag na "automatic" excommunication!

Kung paano si Arius na nagtuturong si Cristo ay TAO LAMANG, ang lahat ng mga taga-sunod nito hanggang sa kaapu-apuhan ng Iglesia ni Manalo na NANGOPYA ng Arianism ay SINUMPA na ng Santa Iglesia mahigit isang libong taon na po ang nakalilipas.

Ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia 1:18:

"But even if we or an angel from heaven should preach [to you] a gospel other than the one that we preached to you, let that one be accursed!"

Kahit na isang "ANGHEL" daw ang mangaral sa inyo ng KAKAIBA sa mga ITINURO ng mga APOSTOLES, mangyari raw na ITAKWIL siya!

Bakit kaya sa tingin niyo na sinasabi kong "MANDARAYA" sila?

Una, sapagkat ang tunay na Iglesiang itinayo ni Cristo ay si CRISTO MISMO ang nagtatag! Hindi tao!

Ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo, PASUGO Nobyembre 1940, p. 23
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

Kung IISA lamang ang TANGING MAKAPAGTAYO ng IGLESIA-- at ito'y ang ating PANGINOONG HESUKRISTO LAMANG, anong karapatan ngayon ni Felix Manalo upang MAGTATAG ng kanyang Iglesia?

Pangalawa, sapagkat ang tunay na Iglesia itinayo ni Cristo ay sa JERUSALEM itinatag at hindi sa Punta, Santa Ana, Manila sa Pilipinas!

Ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo, PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

Samakatuwid, ang Iglesiang itinatag sa Punta, Manila ay hindi kay Cristo!

Kung hindi kay Cristo ang Iglesiang tatag sa Pilipinas, eh kanino ito?

Heto nga rin ang sinabi ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo, PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Hayon! Kay Felix Manalo pala ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ayon sa sinasaad ng kanilang rehistro!!!

At ano ang katayuan ngayon ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?

Heto ang opisyal na pahayag ng Iglesia ni Cristo sa usaping ganyan: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

Opo! Ang sabi po ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo: HUWAD po SILA!

Kaya't suma-total, MANDARAYA po ang isang PEKENG Iglesiang sabihin nilang "Sila ang tunay" daw at ang Iglesia Katolika raw ang peke?

Heto ang sinasabi ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo: PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Aba'y sa PAUMPISA pa lang pala ay IGLESIA KATOLIKA na ang TUNAY na Iglesiang kay Cristo!!!

At kung sasabihin nilang "NATALIKOD na GANAP" ang Iglesiang tatag ni Cristo ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo: PASUGO Enero 1964, p. 2:
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."

Eh HINDI po ito maaari. Sapagkat ang sabi ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo:

PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

OPO!

HINDI raw po malilipol "KAILAN MAN"!

Sapagkat "binigyan sila ng walang-hanggang buhay"!

Ano ngayon ang dapat gawin ng mga KAANIB ng INC ni Manalo?

Aba'y dapat daw silang "MANATILING MATIBAY" sa mga aral ng Iglesia Katolika sapagkat ito raw po ang GINAWA ng "UNANG IGLESIA"--

At alin ang UNANG IGLESIA na tinutukoy nila?

PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

IILAN BA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO at ILAN BA ANG MGA NAGPAPANGGAP?!

Ito ang isa sa mga HIMUTOK nila sa mga Katoliko.

Kung tunay raw ang Iglesia Katolika, bakit wala raw itong pangalan sa Biblia?

Tama! wala ka namang mababasang "Iglesia Katolika" sa English versions or Tagalog or Visaya, or Ilocano versions!

At lalong wala ito sa French, or German, Russian, Chinese, Japanese, Indian, Malaysian, Indonesian, Vietnamese etc. etc versions ng Biblia!!!

Ito'y mababasa lamang sa GREEK VERSION nito. At dapat ka talagang nakakabasa at nakakaunawa ng salitang Griego!

Ganon din sa "Iglesia ni Cristo"!

Sa TAGALOG version lamang po ito masusumpungan at ito'y nasa sa Roma 16:16 (Basahin ang Alin ang Iglesiang binabati ng "lahat ng mga iglesia ni Cristo: Iglesia sa Roma o Iglesia sa Pilipinas?

At bago man magsaya ang mga kaanib ng INC ni Manalo, suriin naman nila kung ILAN ang mga samahan na GUMAGAMIT din ng Roma 16:16 sa iba't ibang wika?

Sa Estados Unidos na lamang may mga nakita akong mahigit sa 50+ na mga samahan na gumagamit ng "Church of Christ" (Iglesia ni Cristo in Tagalog) at lahat sila ay inaangkin ang Romans 16:16:

Iglesia ni Cristo ng Royce City
Iglesia ni Cristo Internet Ministries
Iglesia ni Cristo ng Metropolis
Iglesia ni Cristo ng Signal Mountain
Iglesia ni Cristo ng Duluth
Iglesia ni Cristo ng Jacksonville
Iglesia ni Cristo ng Foristell
Iglesia ni Cristo ng Vegas
Iglesia ni Cristo, mga Kristiano
Iglesia ni Cristo ng Southside
Iglesia ni Cristo ng Warrenton
Iglesia ni Cristo ng Purcelville
Iglesia ni Cristo ng Rivermont
Iglesia ni Cristo ng Sunrise Acres
Iglesia ni Cristo ng Moab
Iglesia ni Cristo ng Pontiac
Iglesia ni Cristo ng Four Lakes
Iglesia ni Cristo ng Lincoln Fort Sam Houston
Iglesia ni Cristo ng Hartville
Iglesia ni Cristo ng Orangeval
Iglesia ni Cristo ng Petaluman
Iglesia ni Cristo ng Marion
Iglesia ni Cristo ng Forest Park
Iglesia ni Cristo ng Woodstock
Iglesia ni Cristo ng Maplewood
Iglesia ni Cristo ng Ramsey
Iglesia ni Cristo ng Rogers City
Iglesia ni Cristo ng West Perrine
Iglesia ni Cristo ng Creekwood
Iglesia ni Cristo ng Lewiston
Iglesia ni Cristo ng Cambridge
Iglesia ni Cristo ng South Strokes
Iglesia ni Cristo ng Westville
Iglesia ni Cristo ng Whitmore
Iglesia ni Cristo ng Cleveland
Iglesia ni Cristo Grapevine
Iglesia ni Cristo ng Sweden
Iglesia ni Cristo ng Tara
Iglesia ni Cristo Honduras

At ang Iglesia ni Cristo Hesus sa mga Huling Araw (The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints o mas kilala sa tawag na MORMONS). Sila'y umaangkin din na GANAP na PAGTALIKOD ng Iglesiang tunay na kay Cristo!!

[At may mga ugong-ugong na nagsasabing 'COPY-CAT' daw ng Mormonism ang Iglesia ni Cristo]

Kaya't kung ikaw ay nagsasabing kaanib ka ng "Iglesia ni Cristo", hindi ba nila kaanib ang mga nagpapatawag din ng "Church of Christ" (o Iglesia ni Cristo in Tagalog) sa ibang bansa? (Iyon nga lamang ay sa wikang Ingles.)

Sa makatuwid, MARAMING mga NAGPAPANGGAP na mga "Iglesia ni Cristo" (or Church of Christ) sa buong mundo.

At ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristong tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa bansang Pilipinas:

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

Opo! Mga HUWAD lamang po silang lahat na NAGPAPANGGAP!

At dahil dito sa ating ipinakitang katotohanan, TANGING ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang IISA.

Saan mang sulok sa BUONG MUNDO, ang Iglesia Katolika ay IISA.

IISA ang mga PAGBASA sa BIBLIA.
IISA ang TEMA sa Misa.
IISA ang kulay na ginagamit ng pari
IISA ang intension at panalangin sa maghapon
IISA ang pagdiriwang ng Banal na Misa
IISA ang panalangin ng Bayan
IISA ang tinuturing na IGLESIA
IISA ang pagbibinyag
IISA ang Dios sa banal na Santatlo
IISa ang kinikilalang kahalili ni San Pedro
IISA ang Panginoon (hindi dalawa ayon sa INC ni Manalo).

Ito man ay mapa-Arabic, English, French, German, Chinese, Japanes, Hungarian, Russian, Polish, Spanish, Portuguese, Italian, Latin, Greek, Hebrew, Aramaic, Sudanese, Ethopian, Afrikaans, Ghanaian, Tagalog, Ilocano, Bisaya, Kapampangan, Ilongo, Malayalam, Urdu, Indonesian, Malaysian, Vietnamese, Thailandese, Pigin (Papua New Guniea), Turkish, Iranian, Kurdish, Balkan, Swedesh, Danish, Swiss, Romanian, Ukrainian, Azerbaijani, Albanian, Kosovan, Kazakh, Nepalese, Punjab, Hindi, Konaini, Mandarin, Burmese, Bangladeshi, Korean, etc. etc...

At bukod sa lahat may KAISAHAN at PAGKAKAISA sa Iglesia Katolika sapagkat ito nga ang TUNAY na IGLESIANG itinatag ni CRISTO!

At bilang pangwakas, ang sabi ng kasaysayan ay:


"As both its critics and its champions would probably agree, Roman Catholicism has been the decisive spiritual force in the history of Western civilization. There are more Roman Catholics in the world than there are believers of any other religious tradition--not merely more Roman Catholics than all other Christians combined, but more Roman Catholics than all Muslims or Buddhists or Hindus. The papacy is the oldest continuing absolute monarchy in the world. To millions the pope is the infallible interpreter of divine revelation and the Vicar of Christ..."

Ang sabi pa ng mga dalubhasa, ang IGLESIA KATOLIKA raw ay "OLDEST" and "CONSTINUOUSLY" active.

Ibig sabihin, HINDI NALIPOL! Bagkos PATULOY at AKTIBO, hindi namamatay!

Ang mga patotoong ito ay mula sa The Great Courses:

"The Catholic Church. It began as a small band of supporters following the teachings of an itinerant preacher in an outpost of the Roman Empire. From there, the church expanded both its size and its importance in the grand scheme of Western history.


Consider that the Catholic Church


  • steered Western civilization through historical events such as the fall of the Roman Empire, the Dark Ages, the Crusades, and the Reformation;
  • influenced the political ideas and actions of powerful leaders in a variety of European nations;
  • made deep contributions to the Western philosophical tradition through the works of religious philosophers such as St. Augustine and Thomas Aquinas;
  • funded and inspired the creation of fantastic works of religious art and literature, such as northern Europe's Gothic cathedrals, Michelangelo's Sistine Chapel, and Dante's Divine Comedy;
  • and much more.
Today, the church is the oldest continuously active organization on Earth and one of the most influential institutions in the world—a force capable of moving armies, inspiring saints, and shaping the lives of a billion members. (emphasis mine)

Opo. Tanging ang Iglesia Katolika lamang po ang NAG-IISANG Iglesiang may pinakamatandang kasaysayan mula pa noong ito'y itinatag.

At patuloy at aktibo po itong gumagabay sa buong mundo, isa sa pinakamakapangyarihang institusyon sa buong mundo--

11 comments:

  1. wow.. galing...

    natawag lang po yung pansin ko dun sa "IISANG PANGINOON"

    naka-relate ako dhl sbi ng nakausap ko dati na manggagawa sa CBI (isang samahan sa INC), mayroon dw pong "Lord God" who is the Father at meron ding "Lord" who is Christ...

    kung susuriin ang doktrina manalista,lalabas na dalawa nga ang "panginoong" kinikilala nila..

    ngayon ko naalala yung sitas sa bibliya na:
    Eph.4:5 One Lord, one faith, one baptism. (DRV)

    ..isang patunay lang ho yan na ibang evanghelio ang ipinangangaral ng mga INC-1914 na ito kesa sa mga itinuro ng mga apostol noon.

    dalangin kong maliwanagan sila sa lalong madaling panahon at huwag ng makaakay pa ng mga kaluluwa sa maling landas ng paglilingkod. Amen.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa gawa 2:36 ginawa ng Dios na Panginoon At Cristo itong si Jesus. sa Filipos 2:11 ipahayag ng lahat na si Cristo ay Panginoon.
      1.Ang Pagkapanginoon ng Dios ay katutubo at ang Pagkapanginoon ni Cristo ay gawa ng Dios. Kaya hindi dapat tumutol sa aral na ito.
      2.Noong unang panahon utos ng Dios na sa kaniya ka lamang luluhod o sasamba, subalit iniutos ng Dios na sumamba ang lahat kay Cristo para mabigyan ng kaluwalhatian ng Dios Ama (Filipos 2:10-11).
      3.Sa I Corinto 15:27-28, maliwanag na pinasuko ng Dios ang lahat ng Bagay kay Cristo at pagnasuko na ang lahat ng bagay, si Cristo ay susuko rin sa Dios, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

      Delete
    2. Chop Chop na mga Bible Verses.

      Filipos ba kamo?

      Heto, basahin mo ang latest post ko: IGLESIA NI CRISTO LIES AND DECEIT Part 2.

      Si FELIX MANALO ang dapat SUMUKO sa panlilinlang niya! Dapat siya ang dapat ISUKO at ISUKA sapagkat siya'y ang buong KAGANAPAN ng lahat ng mga HULA tungkol sa pagdating ng MANLILINLANG..

      Si Felix Manalo na nga iyon!

      Delete
  2. Mabuhay ang Iglesia Katolika,

    ang nagiisang Iglesiang itinatag ni Cristo sa Jerusalem noong 33 a.d.

    Na lagi niyang sinasamahan hanggang sa katapusan ng mundo

    ReplyDelete
  3. Hello catholicdefender,

    It's John here once again. How have you been doing? Another great article!

    I remember that I posted some comments/feedback on your other past articles. I forgot to mention in my previous posts that sadly I'm a member of the INC and I'm trying to get out of this cult for so long now. I tried explaining to my mother that the Iglesia Ni Cristo is completely false and she starts yelling at me etc.

    Anyway, I was wondering, do you have Skype where we can video chat?

    Take care as always and kind regards!
    John

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello John,

      Thanks for your kind comments. However sad to know what your family is still controlled by the Manalos, I pray that your desire to be HOME to his CHURCH will soon be realized.

      Pray to God and ask the intercession of our Blessed Mother that she may intercede for your mother's hardened heart.

      But I would like to remind you that you should never disrespect your mother. that is against the commandment of God. There is no point that you should be upsetting your mother. Do not pressure her but fervently pray for her in your own personal prayers and offer your sacrifices for her.

      Do good. Show her the fruits of your new found faith. That she may realized that it's the CHURCH of JESUS that led you to be a better person. Perhaps she may not believe in your preaching but with your good works through your faith, she may finally find a way.

      For skype, yes I do have. However I would love if you could send me personal email at my email catholicdefender2000 at gmail dot com.

      God bless you and we hope you'll be a good Catholic for us.

      in Christ Jesus,

      Catholicdefender2000

      Delete
  4. Thanks for the kind comments... glory belongs all to our Lord God and Savior Jesus Christ!

    ReplyDelete
  5. Kami rin po ay may isang kapatid (panganay) naakay siya sa pagiging iglesia dahil nakapangasawa siya ng taga INC.

    Pinag aralan namin ang history and verses sa bible nagpapatunay na wala talagang iglesia na ipinatayo ng Ama kay Kristo dito sa lupa kundi ang Katoliko lamang.

    Mahirap ipaliwanag sa kapatid namin na ito ang tama kasi marami daw maling gawaing pangrelihiyon ang katoliko. Sinabi namin na pag aralan mo lahat ng katanungan mo sa iglesia katolika nang ikaw ay maliwanagan. Pero siya pa ang galit at nangsisigaw dahil kami raw ang mali.

    Sa ngayon ay pinadodoktrinahan niya Mama ko at kapatid kong babae, bale pang limang doktrina na bukas martes... Hindi ako nakikinig kasi alam ko na ang pamamaraan nila ng pagpapahayag umano ng salita ng Diyos.

    Unang araw pa lang nga ng pagdoktrina nila, ay nag walk out na ang Ministro dahil pikon sa mga katanungan ng aking kapatid na babae. Wala pong sugo ng Diyos na ganun, si Kristo ay mapagkumbabang nagpapahayag noon kahit na babatuhin na siya ng bato ng mga tao. Pero karamihan sa INC (hindi ko po nilalahat) ay mabilis uminit ang ulo at nangsisigaw (katulad ng aming panganay na kapatid) kapag hinahanapan namin ng patunay sa kaniyang pinapaliwanag na verses sa bible.

    May dalawang kasama ang MInistrong nag walked out, madalas na kapag nagtatanung ang mama at sister ko ay panay pangisi ngisi ang dalawa. Sinabihan pa ang sister ko na mali kasi ang tanung mo kaya nagalit yun. Nag sorry ang sister ko pero paliwanag ng sister ko, ang mamamahayag na ministro ay dapat handa sa ganitong talakayan... Hindi lahat ng taong papahayagan niya ay madali niyang mapapaniwala na ito nga ay totoo.

    Sa pangalawang araw ng pagdodoktrina ay ibang ministro na ang nagpatuloy hanggang sa ngayon.

    Totoo ngang hindi nila matanggap na si Cristo ay Diyos. Marami akong binigay sa sister ko na verses katulad na lamang ng katibayan na si Cristo ay nasa langit na bago pa nilalang ang mundo. Pati ang katagang sinuman ang hindi naniniwala na si Cristo ay nagkatawang tao ay siya ang deceivers at AntiChrist. At totoo rin na palihis sila kung sumagot kapag sa ganitong paksa na.

    Hindi rin nila matanggap nang kuwestiyonin ng sister ko na bk8 ganyan kayo magpaliwanag ng verses, palipat lipat kay0 ng chapter ng hindi naman iisang paksa ang tinutukoy. Hinambing ng sister ko ang mga verses na hinahanda niya rin para maikumpara mga paliwanag ng INC. "Tignan nyo ang verses na binabasa ko sa inyo.. iisa ang paksa. Sa inyo magkakaiba mapatunayang lamang ang inyong pinagtitibay na katotohanan umano." Sagot ng INC, dahil ganun daw talaga dapat ang kapaliwanagan.

    Napapansin namin na karamihan na sa INC ay sarado na ang isipan nila na sila raw ang tamang iglesia (katulad ng pag iisip ng eldest brother namin). Nagagalit siya kapag pnapaliwagan namin lalo na kapag may halong history kasi purong bibliya lang umano ang dapat pag usapan. Sagot namin, kahit ang bibliya ay isang History book. Sa isang talakayan dapat ang isipan ng tao ay bukas sa tama o mali. Alisin sa isipan na kayo talaga ang tama. Tanggapin na may ilan na mali pala ang aking pagkaka unawa. At panatilihing wala ang galit sa talakayan sa dahilan banal na salita ang pinag uusapan.

    Ang pagkatatag lamang ng Katoliko at ang pagkatatag ng iglesia nila ay napakalinaw nang napakalaking pagkakaiba. Katoliko (Jesus) while INC (Manalo).

    Binibigyan namin ng pagkakataon ang panganay namin dahil matagal niya na kaming kinukulit sa doktrina nila. Sana'y siya ang maliwanagan kapag natap0s ito kasi lagi siyang nakasuporta sa ministrong pumupunta dito sa bahay namin.
    Nakakalungkot nga lang at kahit sila na memorize na ata ang bawat kataga sa Bibliya ay siya pa pala ang mga false prophets.

    I'll update you guys kapag natapos na ang pagdoktrina dito.

    Maraming salamat sa mga nagbasa at sa site na mga katulad nito.. Marami ang naliliwanagan na mga tupa ni Jesus.

    God bless us all.

    Rene

    ReplyDelete
  6. Nag enjoy ako sa pag asa ng iyong blog, subalit parang pinariringgan mo katoliko Sa sinabi mo
    Ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia 1:18:

    "But even if we or an angel from heaven should preach [to you] a gospel other than the one that we preached to you, let that one be accursed!"
    karamihan sa mga practices ninyo wla sa bible tulad ng pagsamba at pagdalangin ky maria pag sign of the cross,.hndi naman tinuro ng mga apostol un,.pero ginagawa ninyo,.

    ReplyDelete
  7. Nag enjoy ako sa pag asa ng iyong blog, subalit parang pinariringgan mo katoliko Sa sinabi mo
    Ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia 1:18:

    "But even if we or an angel from heaven should preach [to you] a gospel other than the one that we preached to you, let that one be accursed!"
    karamihan sa mga practices ninyo wla sa bible tulad ng pagsamba at pagdalangin ky maria pag sign of the cross,.hndi naman tinuro ng mga apostol un,.pero ginagawa ninyo,.

    ReplyDelete
  8. Salamat at nag-enjoy ka naman sa aking blog. Pero kailangang intindihin mo ang blog na ito ayon sa AKING PANG-UNAWA hindi sa iyong pang-unawa.

    Una, kahit na nagdarasal, nagrorosaryo o humahalik kami sa inanyuhang larawan ni Cristo at ng mga Santo at Banal, WALANG NAGBABAGO sa mga KATURUAN NG IGLESIA na galing sa Biblia.

    1. Si Cristo ay mananatiling Diyos!
    2. Tatlo ang Persona ng Iisang Diyos.
    3. Si Maria ay Ina ng Diyos na si Jesus
    4. Ang mga banal ay nasa langit at nagdarasal para sa atin.
    5. Ang Iglesia Katolika ang siyang NAG-IISANG IGLESIA na itinatag ni Cristo
    6. Ang Santo Papa ang kahalili ni Jesus dito sa lupa.

    Gusto mo, dagdagan ko pa?!

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.